webnovel

Chapter One

"Shawn, wag kang lalayo sa mommy okay?" Naupo si Jillian sa harap ng kanyang three year old son para bilinan itong 'wag maglilikot habang nasa grocery sila. Smart parenting suggests that you should get down to your child's eye level when you talk to him. Ganoon daw ang tamang pakikipag-usap sa mga bata para maramdaman nilang importante sila.

"Yes mommy," her bluish gray eyed son answered.

Tuwing tumititig siya sa mga mata ni Shawn, hindi pumapalyang makita niya sa mga iyon ang pinagmanahan nito.

"Very good." hinalikan niya ito sa pisngi bago tumayo at hinawakan ito sa isang kamay. Tatlong taon pa lang ang kanyang anak pero nahihirapan na siyang kargahin ito. Mukhang nauunawaan naman iyon ni Shawn dahil hindi ito nagde-demand na magpabuhat.

Weekly lang sila namimili. Iyon na rin ang nagsisilbing bonding nilang mag-ina dahil madalas ay sa gabi lang sila nagkikita. May trabaho kasi siya kaya sa araw ay nasa kapitbahay naglalagi ang kanyang anak.

Mabuti nga at pinagpala siya sa pagkakaroon ng mga mabubuting kapitbahay. Si aling Estela ay byuda at ang mga anak ay pawang malalaki na kaya naman tuwang tuwa pa itong dito niya ipinagkakatiwala si Shawn.

"Shawn, stop running!" Saway niya sa anak na kakapasok pa lang nila sa grocery ay agad ng nagtatakbo. Minsan hindi na niya alam kung sinusulit lang ba nito ang panahon na magkasama sila kaya ang kulit at ang likot nito o sadyang pasaway ito? Sabi naman kasi ni aling Estela ay mabait at masunuring bata si Shawn.

"Mommy, mommy I want this!" Paglapit sa kanya ng bata ay may dala-dala na itong chocolate na ang balot ay ang paborito nitong cartoon character.

"Baby, what did I tell you about eating chocolates?"

"Bawal," Lumabi ito at lulugo-lugong ibinalik sa pinagkuhaan nito ang tsokolate.

Sinundan niya ang anak. Kinokontrol niya ang pagkain nito ng matatamis dahil may nabasa siya na kahit mga maliliit na mga bata ay pwedeng magkadiabetis. Mas mainam ang prevention kaysa cure ika nga. At gagawin niya ang lahat sa kapasidad niya para hindi magkaroon ng sakit si Shawn.

Jillian was 25 when she had her baby. Dahil nag-iisa sa buhay, mahirap ang pinagdaanan niya. Lalo pa dahil kasabay ng pagbubuntis niya ay ang pagtiis niya sa sakit ng pagkawalay sa ama nito. But it was her fault. It was the lie she agreed and decided on.

Pero hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon niya. Lalo na dahil kapalit ng sakripisyo nilang mag-ina ay kaligayahan ng dalawang taong deserved maging masaya.

Ipinilig niya ang ulo nang mapagtanto niyang naglalakbay na naman ang kanyang isipan sa nakaraan.

"Shawn?" She called her son's name nang hindi niya ito makita "Shawn? Anak?" Binitawan na niya ang cart at nagmamadaling tinungo ang direksyon kung saan ito nakitang huling nakatayo "Shawn!"

Nag-umpisa siyang kabahan nang hindi makita sa paligid ang bata. Sigurado siyang hindi naman siya nawala sa sarili niya nang matagal. Atleast not long enough para mawala ang anak niya na hindi niya napapansin.

"Shawn!" She ran around and started asking kung may nakakita sa bata. Nanginginig na siya sa pagtatanong. Wag namang nalingat siya at may nanguha sa anak niya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama kay Shawn. Her baby is her only family. Without him, she would no longer know how to live again. "Shawn!"

Naikot na niya ang buong grocery but Shawn was nowhere. Nakahingi na rin siya ng tulong sa isang roving officer na nangako namang iche-check nito ang security cameras. Kinalma naman siya ng customer representative na nakapansin sa nangyayari. Dinala siya nito sa customer service station para ipa-page ang pangyayari.

Habang naghihintay ay umiiyak na siya. Masama ba siyang ina? Paano kung nakalabas nga sa grocery si Shawn at nakapunta sa ibang bahagi ng mall tapos may masamang loob na kumuha sa kanyang paslit?

"Ma'am," untag ng babaeng customer representative. "Nahanap na namin ang anak ninyo."

"Asaan ang anak ko?!" Agad siyang tumayo.

"Wag po kayong mag-alala. Ligtas po ang bata. At nasa mabuting kamay po siya. Sasamahan po kayo sa opisina ng management para kunin ang anak ninyo."

"Management?" Nagpunas siya ng luha niya at tumalima ng igiya siya ng daan.

Bakit napunta do'n si Shawn? Gusto pa niyang magtanong pero mamaya na. Ang importante ay ligtas ang anak niya.

"Mommy!" Hindi mailarawan ang saya sa mukha ng kanyang anak nang makita siya nito. May kausap itong lalaki na nakaupo sa harapan nito't nakatalikod sa gawi niya.

"Shawn!" Lumuhod siya at ibinuka ang mga braso para salubungin ng yakap ang batang patakbong lumapit sa kanya. Jillian couldn't hold her tears lalo na nang makitang may mga natuyong luha sa mga pisngi ni Shawn. Her baby might have been crying nang mahiwalay ito sa kanya. Marahil ay takot na takot ito. "I'm sorry anak!"

"Nakita ko siyang umaakyat mag-isa sa escalator, Misis."

Jillian froze. That voice! Hindi maaari! For the past three years and six months, sa panaginip na lang niya naririnig ang boses na iyon! Minsan sa kanyang sutil na alaala. Ngunit hinding-hindi niya nanaisin na marinig pa iyon lalo sa ganitong sitwasyon.

Mula sa pagkakayakap sa kanyang anak ay dahan dahan siyang nag-angat ng paningin. May kahalong takot at pangamba ang aksyon niyang iyon na sigurado siyang nakita ni Sake nang magsalubong ang kanilang mga paningin.

"Jillian?"

Kung siya takot ang nasa mga mata, ang sa Fil-Am na lalaki naman na nasa harapan niya ay pagkasorpresa at galit. Mukhang hindi ito makapaniwala na nasa harapan nito ang babaeng matagal na dapat na patay. Bukod doon ay may kasama pa siyang batang lalaki na 'di maipagkakaila ang pagkakahawig dito.

"S-Sake," halos hindi iyon lumabas sa mga bibig niya. Nanaginip ba siya o ano? This couldn't be happening! Hindi pwede!

Ilang saglit na parang maging ang kaharap ay walang maapuhap sabihin. Nagsasalitan ang galit, sakit at suklam sa mga mata nito.

"So you died, huh?" Puno ng sarkasmo at pag-uusig ang tinig ni Sake. Kung may pagkakataon lang sanang ikaila niya ang katauhan niya pero batid niya na huli na para ro'n.

Gusto niyang tumayo, buhatin si Shawn at tumakbo palayo. Tumakbo at magtago ulit. Pero parang wala siyang lakas. Pinanghihina siya ng galit na nakikita niya sa mga mata ng dati niyang "asawa". It was the anger much more of intensity than the last time she saw him.

"I am not going to ask you because I know that this little boy is my child... How could you?!" Bagamat kontrolado ay bakas na bakas ni Jillian sa boses ng lalaki ang matinding galit. "Are you really this bad Jillian?"

"I'm sorry... I'm sorry..." tanging nasambit niya habang umiiyak.

Hindi niya mapigilan. Lalo na dahil tinatawag siya nito sa pangalan niya. She had always hoped for the time when Sake would call her name but not that way. Not when it was like the name of Satan himself to him.

"You are a liar, then and until now. You never changed!"

Anong sasabihin niya do'n? He was right. Sinungaling siya. At kahit ano pang sabihin niya, hindi niya mababago ang masamang pagkakakilala nito sa kanya. Okay lang sana kung lahat ng ginawa niya ay kasinungalingan. Kaso hindi. Dahil sa lahat ng panlolokong ginawa niya, kahit kailan hindi siya nagsinungaling sa pinakita niyang pagmamahal sa "asawa" niya when she was playing the role of her sister, Julia.

Four years earlier...

"Wow ha!" Bulalas ni Jillian na napahampas pa sa mesa. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya. How could this old woman in front of her ask her for such a huge favor? Na para bang hindi lumipas ang mahabang panahon na kinalimutan siya nito?

"Pag-isipan mong mabuti." parang walang anuman na wika ni Victoria "Gawin mo para sa kapatid mo."

"Sa kapatid ko?" ulit niyang gustong matawa "Sa pagkakatanda ko, wala akong kapatid! Wala nga rin akong pamilya eh"

"Jillian, hanggang ngayon ba naman? Kinailangan kang ipaampon dahil hindi namin kayo kayang buhayin ng kakambal mo. When will you accept that?"

"Tama ka. And it really had to be me, di ba? Kasi si Julia may sakit. Kasi si Julia mas mahina!" Sumbat niya "Naghirap ba kayo nang matagal? No. Did you come back for me? No! Did you help me when I have no place to stay? No!"

Masama ang loob niya. Oo. Masama talaga ang loob niya. Pitong taon na sila ni Julia nang mamatay ang kanilang ama. Nagkaloko-loko ang negosyo ng pamilya hanggang sa ma-bankrupt sila nang tuluyan. Noon gumawa ng desisyon ang kanilang ina na ipaampon ang isa sa kanila ni Julia.

At dahil sakitin daw ang kapatid niya at mas nangangailangan ito ng kalinga ng ina, siya ang pinaampon. Iyon ay sa kabila ng pagmamakaawa niya sa ina na magpapakabuti siyang anak at tutulong siya sa pag-aalaga ng kakambal niya. But their mother never listened.

Tinigasan nito ang puso sa kanya. And Julia never objected. Hindi nito iginiit na wag siyang ipaampon. And for the past 18 years, Jillian believed that Julia never really cared about her. Patunay pa doon na wala itong tinugon sa kahit anong tangka niyang pakikipagkomunikasyon sa kakambal noong mga panahong nasa bahay ampunan siya.

While Julia grew up to a fine living, Jillian was fostered from one family to another. May kukuha sa kanya sa ampunan pero ibabalik din siya dahil hopeless daw ang kasamaan ng ugali niya. Sinadya niyang maging bad girl para ibalik siya ng ampunan sa pamilya niya. Pero hindi iyon nangyari dahil pinapaampon lang din siya sa ibang pamilya.

Jillian grew tired eventually sa paiba-ibang pamilya. Pero kung kelan siya sumuko at umasam ng isang masayang pamilya, saka naman siya minalas. She was fifteen when she moved into a new family. Malaki na siya pero hindi iyon naging hadlang para may gumusto pa ring bigyan siya ng kumpletong pamilya. Desidido na siya noon na magpapakatino.

Pero after one month ay lumabas ang tunay na kulay ng foster father niya. Tinangka siya nitong gahasain at salamat na lang sa kanyang presence of mind dahil nakapanlaban siya. The middle aged man ended up getting stabbed by her in the stomach using a swiss knife she keeps under her bed. Imbes na masimpatyahan, napagbintangan pa siyang bayolente at mamamatay tao. Pinabulaanan niya iyon but with past history of being an ill mannered kid to back the accusation, Jillian lost the case. Hindi na siya binalik sa ampunan but was surrendered for DSWD custody. She hated her life. Hindi siya nagtagal do'n kasi tumakas siya.

Julia was her only hope then. Actually, ang buong pamilyang nagpaampon sa kanya. But her merciless mother and twin sister didn't help her, saying they heard of the story of the frustrated murder she had been accused of and they didn't want anything to do with a criminal. She was forcibly thrown out of the house.

The streets of the metro was the only place she could run to. Ang mga sumunod na mga linggo ay impyerno para kay Jillian. Natuto siyang magnakaw para mabuhay. Naranasan niyang makipagpatintero sa lansangan habang hinahabol ng pulis.

Hanggang sa may mabuting loob na kumupkop sa kanya. Hindi mayaman si aling Greta. Sa katunayan ay sa ilalim ng tulay lang ito nakatira at pantawid gutom lang mula sa kinikita nito sa pagbebenta ng sigarilyo at kendi ang ikinabubuhay nito.

But Greta had the heart of a mother. For the next three years, ito ang naging pamilya niya. They worked together to survive. But fate was cruel. Namatay ang ina-inahan niya sa sakit na pulmonya. She was eighteen that time at kahit paano natuto na kung paano makipagsayaw sa buhay, lalo na sa malupit niyang kapalaran.

"Hindi ko hihingiin ang desisyon mo ngayon" wika ni Victoria. "Babalik ako sa makalawa. I hope by then, you already have a decision. Remember Jillian, it's about your sister's happiness and our family's honor"

Sarkastiko siyang natawa. "Our Family". Nagpapatawa ba ang tiyahin niya? Hindi nga siya itinuring na pamilya eh!

At 25, mag-isang namumuhay si Jillian. Hindi na sa kalye, but she managed to get herself a tiny room to stay. Hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo pero hindi siya bob*. Street smart si Jillian. At dahil matalinong bata naman siya noon, nadala pa rin naman niya iyon ngayon. In fact, sa trabaho niya ngayong singer sa club, isa siya sa mga kakaunting kayang makipag-usap ng Ingles sa mga dayuhang customers.

Yes, entertainer siya. But she wasn't the kind who goes out with the customer. She was just a singer.

Wala naman kasi siyang magagawa dahil wala siyang pagpipilian. Ito ang uri ng trabahong alam niya na mabilis siyang makakaipon. Jillian still dreams of going to college. Babalik siya sa pag-aaral. Itataguyod niya ang sarili niya at babalikan niya lahat ng umapi sa kanya. Partikular ang galit niya sa ina at kay Julia sa maningas na motivating factor niya para lumaban sa buhay.

"Sandali," pigil niya kay Victoria. Maghiganti ang nais niya, hindi ba? This might be the chance she was waiting for. "Pumapayag na ako."

"Good. Kung gano'n ay sumama ka na sa akin."

Next chapter