webnovel

Chapter Four

"Are you okay, love?"

"Yeah," sagot ni Jillian kahit na hindi siya okay.

She already met Lora Collins, Sake's mother. At hindi nito itinago ang disgusto sa kanya. Ganunpaman ay sinabi nitong magiging civil ito sa kanya para sa anak nito. That was fine with her. At least hindi niya kailangang piliting makisama. Pero kahit naman nagpapanggap lang siyang si Julia, hindi naman siya bastos para patulan pa ang ina ni Sake. Lora is still better than Valeria. Mahal nito ang anak nito at protective pa nga gayong lalaki naman si Sake. Valeria on the other hand only loves one of her daughters. At si Julia lang iyon.

"Are you sure? We can already leave kung hindi ka komportable."

"Are you kidding me? We just got here. Ayoko namang maging bastos sa mama mo."

"Really?" Parang hindi pa ito makapaniwala.

"Yup..." she assured "Ikuha mo na lang ako ng pagkain please." Pag-iiba niya ng usapan.

"Sure" agad nitong pagpayag na para bang magbabago ang isip niya kapag hindi ito umalis agad.

"Wait," pigil niya "Damihan mo please. Gutom na ako."

Naaaliw na tumango ito. Muli naman niyang binalingan ang mga paa niya. Mukhang hindi na siya makakalakad kapag nagtagal pa ang sapatos ni Julia sa paa niya. Without thinking about where she was, inalis niya ng sapatos para palayain na ang kanyang mga paa. Satisfied na napangiti siya sa sarili at akmang itatago ang paa sa ilalim ng skirted na mesa nang marealize niyang nakatingin sa kanya ang mga bisita.

"Julia," narinig niyang tawag ni Lora kaya napalingon siya sa ina ni Sake na nasa entablado at may hawak na mic. Marahil ang pagtawag nito sa kanya at hindi niya pagtalima ang dahilan kaya pinagtitinginan siya ngayon "Ladies and gentlemen, my future daughter in law, my son's fiancee, Julia Flores!" fake ang lambing sa boses ni Lora but it was applauded anyway. Ngiting mukhang ngiwi ang ganti niya sa mga bisita. Tumayo siya minus her shoes para i-acknowledge ang pagpapakilala ni Lora sa kanya. "Come here hija... Didn't you say, you prepared something for me?"

"Julia!" Sake called while pushing his way through the crowd of guests na nakapalibot na pala sa kanya urging her to come up the stage. "Love, you don't have to---" worried nitong sabi nang makalapit.

"Julia, hija." pangungulit ni Lora na halatang may plano atang ipahiya si Julia, kaso hindi siya si Julia kaya tatanggapin niya ang hamon nito.

"It's okay." ngumiti siya kay Sake. "Tulungan mo ako sa sapatos ko."

"Juls, it's fine. Hindi mo kailangang patulan si mama."

"I got this. Trust me" she winked at him. Para naman itong natulala at kinailangan pa niyang uliting nagpapatulong siya sa sapatos niya.

With all the guests gathered around them, lumuhod si Sake sa sahig at isinuot sa kanya ang sapatos niya. Ang lakas lang maka-Cinderella that Jillian found herself kissing Sake on his cheek after the gesture.

"Watch me," bulong pa niya bago siya nito inihatid sa ina nitong naghihintay sa entablado "Ahm" bwelo niya ng maipasa na sa kanya ang mic. Kinabahan siya kahit papano kasi hindi ordinaryong customer sa bar ang mga kakantahan niya. Ang mga nasa harapan niya ngayon ay mga mayayamang tao, not to mention, the man who supposed to be her fiance was among the crowd. "Hindi po talaga ako ready... But I cannot turn tita Lora down... So uhmn, if you will allow me, can I borrow the piano for a while?" Sa mga tumutugtog niya sinabi ang huling pakiusap. The man on the piano agreed to her request kaya naman pumwesto na siya sa likod ng instrumento.

Hindi siya bihasang tumugtog ng piano. But once when she was little, she loved playing that instrument. Noong nasa ampunan siya ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na makatugtog muli. Natigil lang iyon noong natira siya sa kalye.

And there was this particular piece that she loved to play.

Ilang saglit pa'y sinimulan na niyang kantahin at tugtugin nang sabay ang The Perfect Fan.

Espesyal sa kanya ang kanta dahil gusto niya iyong kantahin sa kanyang ina. But unfortunately, her mother was never her fan... Puro na lang ito Julia. Kambal sila ni Julia, identical for that matter, they share the same face, so why couldn't Valeria love them both? Bakit si Julia lang? Bakit siya hindi?

🎶It takes a lot to know what is love

It's not the big things, but the little things

That can mean enough

A lot of prayers to get me through

And there is never a day that passes by

I don't think of you

You were always there for me

Pushing me and guiding me

Always to succeed🎶

Sa kalagitnaan ng kanta ay naging emosyonal siya. She struggled to finish the song. Masakit sa kanya na hindi siya mahal ng kanyang ina. Napakahirap sa isang anak ang pakiramdam na hindi ka importante sa nanay mo. Masakit iyong wala kang ina na malalambing at walang inang handang dumamay sa iyo sa pagkabigo at tagumpay.

But the song wasn't for Valeria at the moment. It was for Lora. Sake's mother who would soon be Julia's mother-in-law. Again, si Julia na naman ang maswerteng magkakaroon ulit ng isa pang ina. Though Lora dislikes her, naniniwala naman siyang mas mabigat ang pagmamahal nito kay Sake para hindi tanggapin ang magiging asawa ng nag-iisa nitong anak.

Mabuti pa si Julia.

🎶You showed me

When I was young just how to grow

You showed me

Everything that I should know

You showed me

Just how to walk without your hands

'Cause mom you always were

The perfect fan

🎵

'Cause mom you always were

Mom you always were

Mom you always were

You know you always were

'Cause mom you always were, the perfect fan

I love you mom 🎶

She ended the song. Napasinghot pa siya so she murmured a sorry.

Tahimik lang ang lahat bago binasag iyon ng palakpak ni Lora. Na sinundan ni Sake noong makabawi ito sa animo pagkabighani sa nasaksihan. Everybody clapped their hands shortly after. Jillian never felt so appreciated like that before. Kaya naman nang yakapin siya ni Lora ay di niya napigilang maiyak. All she wanted all her life was a motherly love. She wanted her mother to be proud of her. And at that moment, si Lora ang nagparamdam no'n sa kanya because surprisingly, she said that she was so touched and felt proud that she's going to be her daughter-in-law.

"Thank you for that awesome performance Julia." sabi ni Lora.

Si Sake naman ay niyakap siya nang mahigpit pagkatapos ay ginawaran siya nang mabilis na halik sa mga labi niya sa harap ng lahat ng bisita.

-----

"Hindi ko alam na magaling kang kumanta,"

Naglalakad lakad sila ni Sake sa malawak na bakuran ng mga ito sa likod ng mansyon. Bitbit ng binata ang mga sapatos ni Jillian dahil pinili niyang ramdamin ang malagong bermuda grass sa ilalim ng kanyang mga paa at para i-relax na din ang mga iyon.

"Hidden talent." sagot niya

Sa kanilang dalawa ni Julia, siya lang ang nahilig sa musika. Julia was more on fashion.

"You've just won Lora Collins' heart my love..." nakangiting sabi ng binata.

"Ng mama mo lang?" Pinangunutan niya ito ng noo.

"You've always had my heart, Julia" tumigil ito sa paglalakad, gamit ang isa nitong kamay ay dinala nito ang kanang kamay niya sa tapat ng puso nito.

"I meant the visitors." she teased nervously as he locked gaze with her. Kinakabahan siya kasi parang bumilis ang pintig ng puso niya nang maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ni Sake sa ilalim ng kanyang palad.

"Julia, feel my heartbeat..." he said "You are the only reason behind it, my love."

She just smiled at him. Hindi kasi niya alam kung paano niya sasagutin iyon.

"I love you," he continued.

The next thing Jillian knew, magkalapat na ang mga labi nila. Sake Collins was an expert kisser and she was immediately carried away. Although wish niya na sana hindi nito naramdaman ang mga naunang pag-aalinlangan niya sa tuwing hahalikan siya nito. He was a sincere person. He loves Julia. All of a sudden, tumindi ang guilt na nararamdaman ni Jillian. Niloloko niya si Sake dahil lang gusto niyang gantihan ang kapatid niya by taking her place in her beloved's life. Ang gusto pa nga niya sana ay pasamain ito sa mata ng binata hanggang sa masira ang relasyon ng dalawa.

Pero ni hindi siya makaporma na gawin iyon kung bawat attempt niyang magpasama ng ugali ay ikinaaaliw lang ni Sake. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung anong klaseng girlfriend si Julia at parang lahat ng gawin niya o sabihin ay bago sa binata. At ngayon, sa ilang araw pa lang niyang pagpapanggap ay namemeligro ng magback fire lahat ng plano niya. And it's not good.

"I love you too." tugon niya ngunit sa loob niya ay mariin niya iyong kinokontra. Refusing to make it sound like she was the one feeling the love towards Sake Collins.

-----

"How's Julia?" Tanong ni Jillian kay Victoria. Galing sa ospital ang tiyahin niya.

"No development," napabuntung hininga ito.

"Pero sabi ng doctor niya stable na siya, hindi ba? Naghilom na pati mga sugat niya..."

"Yeah. They also don't know why."

Gusto niyang maawa kay Julia. But then hindi nito deserve ang compassion niya. Had she asked their mother to accept her again 10 years ago, things would've been different. Baka nga hindi ito naaksidente at hindi na-comatose.

"Ano nga palang dahilan ng aksidente ni Julia?" Naalala niyang itanong.

"Drunk driving," tugon ni Victoria "Naging alcoholic ang kapatid mo mula noong umalis si Sake"

"What? Why?"

"Dahil iniisip niya na may ibang babaeng pupuntahan si Sake sa LA. Can't blame her, ayaw sa kanya ni Lora at pinipilit nito si Sake na si Nicole ang pakasalan."

"That's impossible. Mahal na mahal siya ni Sake." aniya "I mean, ni wala ngang nababanggit si Sake about that Nicole."

"Because he loves Julia. Praning lang ang kapatid mo."

"Oh…" tangi niyang nasambit dahil nagring ang cellphone niya. Nag-excuse siya sa tiyahin para sagutin ang tawag. "Sake?" bungad niya habang naglalakad papunta sa garden.

"Julia," iyon pa lang ang sinasabi ng binata ay parang nagbubuhol-buhol na ang mga laman loob niya sa di maipaliwanag na pakiramdam. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil doon. Ni hindi nga niya pangalan ang binigkas nito. "I'm on my way to your house."

"Talaga? Bakit?" Sa halip na sa garden tumuloy ay pumasok siya ulit ng bahay at halos patakbong umakyat sa silid niya.

"My mother wants to have dinner with you, kasama ang mama at tita mo."

"Really?" Napangiwi siya, mabuti kung pumayag si Victoria na isama nila si Valeria.

"Yup. Pero ako na ang magsasabi kina auntie."

"Okay. See you then."

Mabilis siyang naligo pagkatapos. Hindi niya maintindihan ang biglang pagkatarantang naramdaman niya. Basta ang alam lang niya, ayaw niyang maging pangit sa paningin ni Sake.

"Jillian." kausap niya sa sarili habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin "Anong ginagawa mo? Bakit ka nagkakaganyan? Nagpapanggap kang si Julia para saktan si Sake at ng sa gano'n ay kamuhian niya ang kapatid mo. Not please him with your good looks." She sighed. Her plan is failing. At ang salarin ay ang pulang bagay sa loob ng dibdib niya.

"Julia?" Narinig niya ang boses ni Victoria kasabay ng pagkatok nito sa pintuan ng silid niya "Sake is here. Puntahan mo siya."

"Yes tita... Coming in a bit." she composed herself to see Julia's kind and handsome fiancé.

Kung hindi ba siya pinaampon noon at sabay silang lumaki ni Julia tapos nakilala sila ni Sake nang sabay, sino kaya sa kanila ng kakambal ang pipiliin nitong mahalin? Posible kayang siya? Or would he still choose Julia?

"Snap out of it Jillian!" Ipinilig niya ang ulo. Bakit niya naiisip iyon? "Arrrggghh" inis na tinalikuran niya ang salamin at lumabas ng silid niya. She was confused. At natatakot din at the same time.