webnovel

Chapter One: INTRODUCTION

Once upon a time in a faraway land called Philippines lives a two sisters *opppsss* before anything else let me tell you this, this is not a fairy tale with a damsel in distress, a prince with a white horse and a happy ending. Because this story is far from that; well happy ending? I don't think so. May be or maybe not. Because happy ending is not a fairy tale, it's a choice.

Anyway, let's continue. There are two sisters living with their family of course ano akala niyo alone?? Hindi yun uyyy!!. Kompleto sila. Living happily or not? Guess what? For the parents it is indeed a happy family but for the youngest it's definitely living in a hell with her twin sister.

Yes it is! Akala niyo masaya ako? Well, akala niyo lang yun. Kasama ko ba naman sa iisang bahay ang demonyo kong kapatid ei. Kung bakit kasi mas nauna pa siyang lumbas kesa sa akin ng ilang minuto edi sana hindi ganito ang buhay ko kasama siya.

I tried to tell my parents pero wala silang pake. Iniisip pa nila na ang sweet daw naming magkapatid at nagkakasundo kami. All hell broke. Lagi na lang ako binubully ng kambal ko kahit na nandyan pa ang parents namin pero nginingitian lang kami nila mama. Masaya pa nga sila ei kasi nga daw "magkasundong-magkasundo" kami. Kaya pinabayaan ko na lang at nanahimik na lang ako. Hindi din naman kasi umaabot na nasasaktan na ako sa pangbubully ni kambal ei. Hanggang pangaasar at utos dito utos doon lang.

Walang ibang nakakakilala sa tunay na kambal ko maliban sa akin. Gusto ko nang umayaw sa pambubully niya sa akin pero hindi ko magawa. Kahit anong gawin kong pagtanggi sa mga inuuutos niya ay napapapayag pa din ako. Knowing my sister palagi na lang nagbabackfired sa akin lahat, kung gugustuhin ko mang umayaw sa gusto niya na siya din naman ang may gawa.

Tinangka kong maglayas but seeing my parents living happily with their daughters-- us-- ay hindi ko magawa. Natakot akong umalis at iwan sila dahil ayoko silang nakikitang nasasaktan at malungkot. Kaya kahit gaano pa kademonyo ang kambal ko ei yaan na lang. Minsan kasi may naidudulot din namang maganda ang kademonyohan niya. Ironic di ba? Pero yun ang totoo. May nagagawang mabuti ang kademonyohan niya sa ibang tao na siyang hindi kapani-paniwala kaya nga kahit anong sumbong ko sa parents ko walang saysay kasi nga yung negatibo sa aking tingin ei nagiging positibo sa iba.

Pinangalanan pa ngang ALLY OF JUSTICE yan ei. Napapaismid at napapairap na nga lang ako kapag naririnig ko yang itinatawag sa kanya. Mantakin mo ba namang sa halip na pumangit ang imahe niya sa iba ei mas pinabango pa nito ang pangalan niya earning her title; ALLY OF JUSTICE.

Though hindi naman niya talaga ipinapakita ang masama niyang ugali ng ganun-ganun na lang. Nagiging demonyo lang siya kapag naaggrabyado siya. Palagi nga niyang linya ei "I SHALL NOT FORGET THY GRIEVANCE". At sa tuwing gagawa siya ng kademonyohan ei lagi akong nadadawit. Kumbaga ako ang frontrow niya para pagtakpan ang kademonyohan niya. Hindi ko nga alam kung bakit palagi ko na lang siyang sinusunod ei. Tanggi naman ako ng tanggi pero in the end sinusunod ko pa din naman siya. Martyr na siguro akong kapatid haha. . .

Anyway, kanina pa ako daldal ng daldal hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm ZEHELZIE JAZE KLEIN. Pangalang panlalake ano? Pero hindi. I'm 100% pure. Half-pinay pure BABAE. I'm 15 years old. Smart and beautiful *chos* but not as intelligent and gorgeous as my twin. Kambal naman kami. Magkasunod na ipinanganak sa iisang araw pero hindi ako nainform na magpapaulan pala si Lord ng katalinuhan at kagandahan kaya ang nangyari tuloy ei tulog ako ng tine na yun at si kambal naman ay obviously gising na gising kaya halos sinalo na niya lahat.

Si kambal naman ay si JADE FESTRINNE KLEIN, 15 years old. Hindi ko na siya kailangang ipakilala sa inyo dahil siya ang opposite side ko. Siya ang kabaliktaran ko.

Okey naman ang grades ko. Medyo matataas naman iba nga lang ang kay kambal kasi palagi siyang top. Maganda naman ako hindi nga lang palaayos yun ang sabi ng iba at ng parents ko. Si kambal kasi fashionista na kahit yata bsahan ei nagagawa niyang magarbo.

I preferred jeans and shorts over skirts. T-shirts over dresses. Sneakers over heels. Kambal kami pero magkaiba ng fashion sense and everything. Tanggap ko naman yun ei. Kaya walang kaso sa akin yun. Ang ayaw ko lang talaga ei yung nakakaya niya akong pasunudin sa kanya na parang puppet niya.

"ELZIE!!! Gising na malilate ka na!!"- rinig kong tawag sa akin ni mama sa ibaba.

Mayaman kami pero mas pinipili naming mamuhay sa isang payak na bahay. Two story house lang ito at napakasimple. Walang masyadong gamit. Hindi kasi gusto ni mama na ipinagmamayabang namin ang karangyaang meron kami. Mas gusto niya kapag simple lang.

"ELZIE!!!"- muling sigaw ni mama ng hindi akp sumagot.

"BABABA NA MAMA!!"- sagot ko at nagmamadaling nagbihis ng uniform ko.

San na ba ako? Ah! Right, ayaw ni mama na ipagmayabang na namin kung anong meron kami. Hindi ko man sigurado kung bakit pero okey na din yun siguro yun para walang magkainterest sa amin ni kambal na masasamang loob tulad ng holdapper at kidnapper or kung ano pa man.

Pero minsan nang may magtangka kay kambal nun. Muntikan n siyang makidnapped dahil sa katalinuhan niya. 10 years old kami nun nung minsang nagyaya si kambal sa may park. May natitipuhan daw kasi siya at ang cute daw nito. Gusto daw niyang makita ang lalake at syempre para magpapansin kaya inaaya ako sa may park. *hay*

Hindi niyo alam pero heto sasabihin ko na. Demonyo man ang kambal ko pero hopeless romantic naman yan pagdating sa pagibig yun nga lang effortless ang gaga, bakit? Kasu palaging ako ang naisusubo kapag nagkagusto yan sa lalake. Palaging ako ang nageefort para sa lovelife niya pero heto ako. . . . Loveless ang peg.

Sinubukan ko noong tumanggi kasi alam ko namang mapapasubo na naman ako ngunit, subalit, datapwa't ako na naman ang talo ng magsimula na naman siyang isa-isahin ang mga "utang" ko kuno sa kanya. Hindi naman ako magkaka"utang" sa kanya kung hindi rin naman niya kagagawan. Tsk. BLACKMAILER!!!

Ayun na nga! Nagpunta kami sa park at nakita namin yung cute na lalaking sinasabi niya at nang makita ko ei muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Tang**a! Nakalimutan ko nga pala iba nga pala ang taste ni kambal pagdating sa lalaki. EXOTIC!. Kung ano ang ikinaganda niya yun naman ang ikinapangit ng taste niya sa lalake. Hindi ako nagbibiro. Hindi din ako nanglalait sadyang nagsasabi lamang ako ng totoo.

Yung lalaki kasi ei. . . Panu ba to? Okey, naka-all black lang naman ang lalaki, naka-apple cut ang hairdo na parang si Justine Bieber noon at natatakpan ang kalahati ng mukha, may piercing sa lowerlip, makapal na eyeliner at may hawak na gitara na mukhang tumutugtog. Napakamot na lamang ako at hindi na nagkomento pa baka pahirapan na naman ako ni kambal pagkauwi namin sa bahay. Ganyan kasi si kambal kapag tingin niya palpak ang pagpapapansin niya sa crush niya ako ang sisisihin pagkatapos ay pahihirapan.

Hello?? Bakit di kaya siya ang lumapit at gumawa ng mga ipinapagawa niya sa akin di ba? Nakakaloka!! Tapos sasabihin "it's very unlady like" daw yun kung babae ang nagaaproach sa lalaki. Tsk. Pangaral din kasi nina mama at lola namin, yung mama ni papa noon na dapat ang lalaki ang unang lumalapit sa babae. Masyado daw kasing desperada tignan kapag babae ang nauuna. Alam ko tamang-tama si kambal dun pero dahil nga matigas ang ulo niya naging sarado ang tenga niya. May pa "opo mama" "opo lola" kuno siya pero hindi rin naman niya sinusunod.

Ako pa nga nasasabit sa mga kalokohan niya. Kung alam lang sana nila, ang kaso kasi masyadong magaling umarte at magbalat kayo si kambal na sa sobrang galing mapapaniwala na niya ang lahat kahit nga ako ei konti na lang maniniwala na ei syempre hindi ako bibigay nuh!!

Ayun na nga!! Nang makita namin yung crush niya daw ei ano pa nga ba?Edi napasubo na naman ako. Nag-ala detective na naman ako. Kaya kahit ayaw ko no choice ako kundi lumapit kay guy at makipagkaibigan kuno pagkatapos ei irereto ko si kambal sa kanya. Hindi niyo lang alam pero kawawa ang mga lalaking nauugnay sa kanya.

Pero dahil nga ALLY OF JUSTICE ang tawag sa kanya ei iba ang nagiging epekto ng heartbreak sa mga nagiging lalaki niya ei 8 years old palang marunong lumandi yan ei and at the age of 10 nakaapat o lima na yata e pang-anim si kuyang emo. At sa halip na isumpa siya dahil sa pananakit sa mga damdamin nila ei ipinagpapasalamat pa nila ito dahil kung hindi daw sa magaling niyang bunganga hindi nila mahahanap kung ano talaga ang gusto nila. Di ba?? Nakakaloka!!

The guy was 8 years older back then. Meaning kung 10 kami that time ei 18 naman si guy. Ayun nga, habang inilalakad ko si kambal dun sa guy ei nakaupo naman siya hindi kalayuan sa pwesto namin ng crush niya ay nilapitan siya ng isang may katandaang lalaki. Nung una ei snob lang si kambal sa lalaki kasi nga "do not talk to stanger" di ba? Pero dahil siguro sa inis kasi nga dada ng dada yung lalaki ayun tinarayan niya ng bonggang bongga.

Hindi na natigil sa kakabratatat si kambal. Kung anu-ano na sinasabi niya at talagang sinasadya niyang lakasan para marinig at mapansin sila ng mga tao. Matalino si kambal kaya alam na this. Nagkunyari pa siyang umiiyak para mas makatutuhanan. Naalarma na din ako kasi parang totoo na yung iyak niya ei. Hindi ako lumapit dun kahit gusto ko dahil pinipigilan ako ng crush niya at sabi niya siya na lang daw bahala.

Hahakbang palang sana si guy na napag-alaman ko ang pangalan bilang si Blue. Bagay na bagay sa kanyang emo look. Tsk. Ayun nga lalapit na sana siya ng marinig naming magsalita yung lalaki kaharap ni kambal. Ang sabi nung lalaki ei may hindi lang sila pagkakaunawaan ng ANAK niya at nakahawak na ito kay kambal at pilit na hinihila pero hindi nagpahila su kambal at mas lalo pang umiyak kuno. Naalarma ako kasi parang naniwala ang mga tao sa paligid. No choice. Kahit naman maldita yan at lagi akong binubully ei kambal ko pa din yan.

Oh come on! Ang gwapo kaya ng tatay namin para maging kamukha lang ng unggoy na matandang ito. Tsk. Sa inis ko nagsisigaw na din ako. Naginarte na din ako. Hindi nyo lang alam pero forte namin ni kambal ang pagarte.

Napilitang bitawan ng matanda si kambal at nagtatakbo palayo ng makitang nagsilabasan na ng cellphone ang mga tao. Nilapitan ko naman si kambal na nakaupo pa din sa lapag at umiiyak kuno. Kahit ang mga tao sa paligid ei nagsilapitan na din at tinatanong si kambal kung okey lang siya pero hindi sil pinansin ni kambal at tuloy lang sa pagiyak kuno. Kuno kako kasi hello? Kita ko ang ngisi sa labi niya. Tsk.

Nang makita ni kambal ang tao sa likod ko ng medyo sumilip siya sa mga kamay niyang nakatabon sa mukha niya ay mas nilakasan pa niya ang pagiyak kuno. Tsk. Heto namang si kuyang Blue ei nilapitan na niya si kambal para patahanin. Agad namang yumakap si kambal at nagiiyak sa dibdib niya. Tsk. Ibang klase talaga tong kambal ko. Pasimple. Galawang hokage lang para makachansing.

*RIIIINNNNNGGGGGG*

Nagulantang ako ng marinig kong tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Sa haba ng kwento hindi ko napansing nandito na ako sa school at tapos na ang morning klases ko ng wala akong naintindihan.

Nga pala, bago itong school ko dahil kakatransfer ko lang this sem. Ewan ko kina mama at bakit inilipat ako ng school. Mababait naman ang mga estudyante dito ei sadyang may mga taong akala mo kung sinong hari at reyna kung umasta. Daig pa si Queen Elizabeth ng Britania. Sila lang naman ang pasakit sa eskwelahang ito ei. Kahit nga ako hindi nakaligtas sa pambubully nila nung unang linggo ko dito ei. Kaya simula nun hindi ko na ginusto pang magkrus ang landas namin ng mga Queen bitch na yun at baka may magawa ako sa kanilang maging ako hindi ko magustuhan. Aba'y sisihin niyo kambal ko, kung hindi dahil sa pangbubully niya sa akin hindi ako maiimmune ngayon sa mga bullies.

Pero wala, actually, wala akong paki kasi kung ikukumpara sila kay kambal walang-wala silang binatbat. At isa pa, maaaring hinahayaan ko si kambal sa pambubully niya sa akin dahil kapatid ko naman siya pero ibang usapan na kapag ibang tao ang nagtangkang mangbully at manakit sa akin.

Marunong akong gumanti sa mga nagkakasala sa akin. Hindi ako basta-basta nagpapatapak sa ibang tao maliit man o malaki ang kasalanan nila sa akin. Gaya nga ng palaging sinasabi ni kambal ei "I shall not forget thy grievance." Sa ngayon mananahimik muna ako sa mga naging pambubully nila. Nag-iisip pa ako ng pambalik.

"ELZIE!!"- lumingon ako sa taong tumawag sa akin at nakita ko ang mga kaibigan ko.

Mga bago kong kaibigan. Katulad ko mga binubully din ang mga yan. Sadyang ayaw lang gumanti. Ewan ko kung takot ba sila o ano kaya heto magkakasama kami at naging magkakaibigan. Mayayaman din sila pero ang alam nila sa akin ay nasa average lang kami. Wala akong balak magmalaki sa kaya namin.

"Oh? Nandyan na pala kayo. San tayo ngayon kakain?"- tanong ko ng makalapit na sila.

Ayaw ko kasi sa cafeteria dahil panigurado nandun ang mga Queen bitch na yun. For sure wala din kaming space sa garden dahil wed ngayon at kapag wed. nandun halos lahat ng estudyante nasa garden ngayon at pinapanood ang practice game ng soccer team. Tanaw kasi ang soccer field mula sa garden. At kung bakit nakatambay ang mga estudyante dun especially girls ay dahil gusto nilang tanawin ang mga naggagwapuhang members ng soccer team.

"Dun na lang tayo sa may likod ng school."- sagot sa akin ni Taki.

TAKI MCGARDEN. Half Japanese half American. 15 years old. Nagdalawang isip ako sa sagot niya dahil ipinagbabawal daw ang lugar na yun. Yun ang rinig namin sa mga estudyante.

"Pero di ba bawal daw dun?"- nag-aalalang sabi ko.

"May choice pa ba tayo? At saka, mas okey na yun kesa naman sa cafeteria na siguradong nandun ang mga queen bees. Wala din naman tayong space sa garden. And mas okey nga yun ei. Walang makakahalatang nagpunta tayo dun dahil halos lahat ng estudyante ei nasa garden."- nakangising paliwanag ni Lazette.

LAZETTE BEZROKUVA. Half Filipina half Russian. 15years old. mahilig yang bumali ng rules.

Magkakaiba kami ni section. Sa section A ako, si Taki naman ay sa sec. B at si Laz ay sa sec. C. Nasabi kong mayaman kami di ba? Pero hindi ako sure kung saan nila kinukuha yun ei. Nagtratrabaho si Papa para sa amin, housewife naman si mama at nagaaral kami ni kambal sa magkaibang school dahil yun ang gusto ko. Si kambal nga pala ay nasa college na. Accelerated kasi siya dahil sa katalinuhan niya.

Parehong prestigious ang school namin at private kaya mahal ang tuition fee. Pero saan kami kumukuha ng pera?? abah! itanong niyo kay mama. Hindi naman mataas ang position ni papa. Assistant Clerk nga lang siya sa isang sikat na kompanya ei

Ang alam ko lang ei sa sahod ni papa hinuhugot ang lahat ng kakailanganin namin. Wala naman kasi kaming business para pagkuhanan ng pera di ba? Or wala nga ba? Ay ewan! Yaan na nga lang kesa sumakit ulo ko kakaisip.

Mayaman kami oo pero gaya ng sinabi ko ei hindi ko alam kung saan nila kinukuha. Sa totoo lang si papa lang ang kilala ko ng husto masikreto kasi si mama ei. Hindi pa nga namin nakikilala ang pamilya ni mama ei. Pero sabi ni Papa kaya ganun kasi naglayas si mama sa kanila at sumama kay papa. Tutol kasi ang parents daw ni mama sa kanilang pagiibigan kaya nagtanan na lang sila.

Heto na nga! Pumuslit kami papuntang likod ng school. Nag-ala ninja kami para hindi kami mapansin ng ibang mga estudyanteng hindi nagpunta sa garden. Pasalamat talaga at walang nakakita sa amin.

Parang mini-forest ang likod ng school, presko ang hangin at masarap tambayan. Wala naman kakaiba dito kaya bakit kaya ipinagbabawal ang pagpunta dito? Nakakita kami ng isang maliit na lamesang kahoy sa hindi kalayuan na nasa ilalim ng puno.

Nagpunta kami doon at naupo saka namin inilabas ang mga baon namin at kumain. Nang matapos kami ay pinauna ko na silang umalis dahil mamayang 2pm pa ang sunod kong klase kaya tatambay na muna ako dito. Wala naman sigurong magtatangkang pumunta dito dahil ipinagbabawal nga. Itutulog ko na lang muna kesa naman mabagot ako dito ng walang ginagawa.

Nahiga na lang ako sa may damuhan. Ginawang unan ang mga braso at saka pumikit pero bago yun tinanggal ko na muna ang eyeglass ko. Baka kasi mahulog at mahigaan ko. Yes, nagsasalamin ako dahil medyo malabo kasi ang mga mata ko ei. Ayaw ko naman magsuot ng contact lenses dahil naiirita ang mata ko.

Next chapter