1 Introduction

Introduction

"Wala ka na ba talagang balak bumalik sa pag-aaral?" napalingon ako sa nagtanong, it was my stepmom - Pat. Napaisip ako sa tanong niya. The truth is, I want to but at the same time I don't. I sighed as I returned on finishing my painting.

"Tungkol san 'yan, ang ganda ah?" hindi ko naramdaman ang paglapit ni Tita Pat sa'kin. I almost jumped when she laid her hand on my arms. Hindi pa rin ako sanay sa presensya niya kahit na mag-iisang taon na silang kasal ni Papa. Tita Pat is a high school teacher and a cool gymnast instructor. I met her years ago when I'm still active in my gymnasting career. As a father, nandun lagi si Papa para suportahan ako. Dahil na rin siguro don, Teacher Pat became my step-mom. Well, she's not just cool - she's almost a perfect-mother to me. Pero ewan ko ba, hindi ko pa rin siya magawang tanggapin ng buo.

"It's an abstract po. I would like to share my thoughts about cancer. Bukod don, gusto kong i-inform ang lahat na hindi lahat ng may cancer - dapat kaawaan. Actually, dapat nga.. hangaan lahat ng may cancer eh. Hirap kaya nun." I gave her a smile and she smiled back. 'Di ko namalayan na naka-patong na pala ang kamay niya sa balikat ko habang nakatalikod ako at busy sa pagpipinta.

"Dei," she said in a small voice.

"Po?" kunwari nalang na hinihintay ko siyang sabihin iyon. Seconds passed pero hindi pa rin siya kumikibo. I took a glance on Tita Pat and found out she's heavily breathing. Bakas sa mukha niya na nahihirapan na rin siyang habulin ang kanyang paghinga. She's nine-months pregnant and I believe, manganganak na siya.

"Tita, are you okay?" I rushed to grab my phone right before us and speed-dialed Dad's number. Pinaupo ko muna si Tita at saka nag-aalalang hinawakan ang kamay niya.

"H-hospital, we need to go now." she insisted. Her words made my heart skip a beat, it's because of fear and nothing more.

I never drove any car after that incident. Hindi ko na kaya. Pero, taliwas ang ginawa ng katawan ko. Di ko namalayang nakuha ko na 'yung susi mula sa closet at naka-alalay na kay tita Pat.

"Hold on, tita." sabi ko at tinulungan siyang umupo sa backseat. Patakbo akong pumunta sa driver's seat at doon na nangyari ang pinaka-panget na pangyayaring pwedeng mangyari sa oras na ito.

My head hurts all of a sudden. It's worse than before. Parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Napapasabunot ako sa kirot na parang lumalala kada minuto.

Iyon nalang ang naalala ko.

"Okay naman na sila, her labor was a success sabi ng doktor. Yes, pwede na kayong pumunta rito sa room ni Dei. Kaylangan din ng ta-tao doon sa kwarto ni Pat."

Hindi ko maimulat ang mga mata ko, pero gising na gising na ang utak ko. I can also hear their conversations. Dad. Sobrang miss ko na si Dad. Ano bang problema ng mata ko? Ba't ba hindi ko maidilat?!

Naiinis na 'ko dahil sa nangyayari sa'kin. Until I felt someone's hands holding mine.

"Dei, just take a rest." malumanay na sabi ni Dad. It's him. He's touching me again like how other dad were comforting their child.

"Dad, what's happening to me?" naiiyak ako. Umiiyak na ako. I can feel those tears welled down my eyes. Naramdaman kong hinigpitan ni Dad ang pagkakahawak sa kamay ko.

Until I realized he's also crying.

"Why are you crying, dad? Tell me, anong nangyayari?" my voice cracked but I don't care anymore. Ramdam ko... randam ko, may nangyayaring masama pero ayaw niyang sabihin sakin kung ano 'yon.

"Dad.. please."

If begging was the only way to know the truth, I'll do it.

"Dei, magpakatatag ka."

"Sabihin mo nalang kung ano'ng nangyayari sa'kin!"

"I need to know the truth.. it's my life, remember? Stop ruining my life!"

Words suddenly blow up. Hindi ko gustong sabihin 'yon but I already did.

"Ooperahan ka as soon as possible. Sabi ng doktor, it's a rare case kaya hindi nila alam..." tumigil siya sa pagsasalita, hindi niya na rin hawak ang kamay ko. Until I heard silent sobs near me. I knew it, he cried a river again.

"Dad, stop crying. Alam naman nating mamamatay din naman ako."

Kung tatanungin n'yo ko kung paano ko nasabi ang mga 'yon ng diretso, I also don't know. There is one thing that I know, it's the truth. A truth that I continuously tried to escape for years. Matagal-tagal na rin 'yon pero parang kahapon ko palang nalaman na tinaningan na ako ng doktor.

Is'nt it funny?

Niloloko ko ang sarili ko sa isang kasinungalingan na makakapagpasaya sa mga taong mahal ko. Pero sakin, matagal 'yong naging pabigat. Ayokong lokohin ang sarili ko. Simula palang, tinanggap ko na ang katotohanang sinabi sa'kin ng doktor. Ano'ng magagawa ko di'ba? Kung kukunin na Niya ako..

I can't say escape to Him neither can I say no.

He's the boss, eh.

I stopped from thinking when I felt his hands landed on my cheeks. This is the first time. Unang beses na nasampal ako ng Dad ko. Unang beses na napansin niya ko. Matagal-tagal na rin mula nung 'ako lang ang nakikita niya'. Naging sobrang busy siya sa pag-iisip kay Mom, not knowing he still has 'me'.

Ako na mamamatay lang din naman.

"Sorry, anak."

I gulped then wished na sana mawala nalang akong bigla rito. Masyado nang maraming problema ang naidulot ko kina Dad and Tita Pat. I hope Tita Pat is okay, as well as my sister.

"Ako ang dapat magsorry Dad.. for what I said."

Matapos 'yun, tinanong ko si Dad about the surgery. He said it'll be a wake surgery kung saan mataas ang risk na mapahamak ako. That it'll not be successful.

"Payag ako Dad."

"Dei.."

"I know you're worried but the Doctor already said that I need it. Whatever happens --" Dad ssh-ed me then said..

"You'll be alright. We'll pray for you." I tried to smile and I successfully did.

"I'll stay alive."

"Yes, you have to." again, I smiled, this time.. mas taos sa puso na. Masaya lang ako na sinusuportahan ako ni Dad sa labang ito. Kahit walang kasiguruhan ang lahat. The mere fact they're here for me, okay na ako. Kaya nga whatever happens, masaya na ako.

Hours had passed, marami nang bumisita sa'kin, some were my schoolmates from midschool, 'yung iba naman nanggaling sa subdivision namin. Kung hindi ko pa alam na buhay ako, I might think na nasa burol na ako ng sarili ko and I'm just halluscinating right now.

"Magpagaling ka," that familiar voice. Ba't di ko maisip kung sino siya?

"Vince, ang hina mo naman, yun lang talaga sasabihin mo kay Dei?" natatawang sabi ng isa pang lalaki. I know his voice, I'm sure he's Albert.

"Hayaan mo na siya, Albert.. baka nahihiya." That voice, it's Sherry.

They were my high school friends.

I bet they're now busy with their lives. Busy living for their future. Gusto kong tumawa ng malakas. 'Yung rinig hanggang langit para marinig ni Lord. I think it was sarcastic, everything felt sarcastic to me.

Why the hell are they here?

Para ba ipakita ng Diyos kung ano 'yung mga bagay na hindi ko na magagawa? Para kasing ganon eh.

"Nga pala, Dei.. bumili ng mga prutas para sa'yo si Abigail."

Isa pa 'yung Abigail na 'yon. She's the reason why I don't want them to be here. Kasi alam ko, hindi sila pupunta rito kung wala siya.

"Dei, magpagaling ka."

That line.

'Yun nalang ba ang alam nilang sabihing dalawa?

"Yeah." 'yun lang ang nasabi ko. Sa kabila ng napakaraming salitang naiisip ko kapag naalala ko yung ginawa nila sa'kin.. 'yun lang ang nasabi ko. How pathetic am I?

Siguro nga kaya ako iniiwan ng mga taong mahal ko. Siguro nga 'yun ang dahilan kung ba't madali lang akong makalimutan ng mga taong mahal ko. It's because I'm easy to replace.

"Excuse me po, idadala na po namin siya sa OR."

Laking pasalamat ko nang marinig ko ang salitang 'yon. I heard some of them blurted out words na karaniwang sinasabi kapag nananalangin. Napangiti ako. It was my aunts' voices. Hindi pa rin talaga sila nagbabago. They never forget to ask for His grace.

Napaisip ako bigla, sa kabila ba ng mga bagay na nagawa at naisip ko.. ililigtas Mo ko?

Pumikit ako at taimtim na nagdasal. I believe I'm ready. I'm ready to accept whatever awaits me.

Unti-unti akong inilipat sa mas maluwang na bed. Nagsimula na rin silang maghanda ng mga kung anu-anong gagamitin sa operasyon. Narinig ko mula sa mga nurse kanina, bubuksan daw ang ulo. I guess ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ko pa rin gaanong maintindihan ang kalagayan ko hanggang ngayon. All I know is that disease. Pero, di ko alam na aabot pala sa puntong ikamamatay ko ang bagay na iyon.

My eyes were now open. May naaaninag lang akong liwanag pero hindi pa rin klaro ang mga bagay na nakikita ko. I also could'nt feel anything. It's basically cause of that anaesthesia. But, their conversations, I can hear it clearly. Dahil don, aware akong nagsisimula na sila sa operasyon.

"Another bag!"

"Doc, bumababa pa rin!"

"Don't panic!"

They're now obviously panicking. What is happening? Unti-unting lumilinaw ang paningin ko. I smiled and felt some tears fell down my cheeks.

"Nakakakita na ako.."

"That's bad," I heard them said.

After that, my sight became blurry. Until, everything went black.

avataravatar