webnovel

Kaibigan

Tropang Past: Enchanted Adventure 12

Ininspeksyon ng prinsipe ang doorbell.

"Ano ba 'to?"

"Doorbell yan. Iyan ang ginagamit ng ibang mayayamang tao. Dahil pag pinindot yan, tutunog yan at malalaman ng mga tao sa loob na mayroong naghahanap sa kanila dito sa labas."

At lumabas nga ang isang kasambahay.

"Sino po sila? Sino po ang hanap niyo?", usisa nito pagkalapit.

"Nandito ba si Abigail? Kaibigan niya ako. Ako si Arien."

"Sandali po. Babanggitin ko po muna kayo sa kanya. Mabilis lang po.", at bumalik sa loob ang kasambahay.

"Madam, Arien daw po. Kilala niyo po? Papapasukin ko po ba?"

Nagpapa-foot spa si Madam Abigail sa mga puntong iyon.

"Ano ulit ang pangalan?", taka ng sopistikadang babae.

"Arien daw po."

"Arien? Sige, papasukin mo."

At binalikan sila ng kasambahay para pagbuksan ng gate at papasukin.

Nanlaki ang mga mata ni Madam Abigail nang mamasdan ang mga bisita. Napatayo siya.

Nakangiti lang si Dama Arien at ang prinsipe ay salitang tinitingnan ang dalawa.

"What happened?! Ano'ng nangyari sayo Da--- Arien?", lapit ng Madam.

"Saan tayo pwedeng mag-usap?"

"At sino 'to?", tukoy sa prinsipe.

"Sa ibang lugar tayo mag-usap."

"Sige, sige.", bumaling sa kasambahay.

"Manang Serafina, pakisamahan muna sila sa guest room."

"Madam kamag-anak niyo po sila? Taga-saan po sila? Bakit..."

"I said, assist them to the guest room. Wag madaming interrogation, pwede?"

"Okay po Madam."

Umakyat na nga sila sa guest room habang si Madam ay bumalik sa pagkakaupo sa sofa para matuloy ang foot spa.

Di naman maiwasan ng prinsipe na magtanung-tanong sa dama ng makarating sa kwarto at iwan sila ng kasambahay.

"Bakit niya tayo tinulungan? Bakit sigurado kang tutulungan niya tayo? Sino ba si siya? At bakit alam mo ang tirahan niya, nakapunta ka na ba dito dati? Ilang beses na?"

"Teka. Isa-isa lang ang tanong. Ganto kasi yan mahal na prinsipe. Si Abigail, o si Madam Abigail dito sa mundo ng tao ay katulad natin. Galing siya sa mundo natin. Kasama ko siyang dama sa kaharian. Siya ang damang nangangalaga sa mga sisidlan ng mga kababaihan habang ako ay sa mga mahahalagang kagamitan ng kaharian. Matalik ko siyang kaibigan..."

"Tama yon.", pasok ni Madam.

Next chapter