webnovel

Takot Na Takot!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagsimula na ang media na magtipon sa paligid ni Mo Ting, sa huli sila ay nakatayo sila sa pagitan nila Mo Ting at Tangning.

Bagaman nakaturo kay Mo Ting ang lahat ng kanilang mga mikropono, ang lahat ng tanong na gusto nilang itanong ay naging isang simpleng kahilingan na lamang, "President Mo, pwede ka bang magsabi ng ilang mga pangungusap?"

Magsabi ng ilang mga pangungusap? Anong mga salita ang kanilang tinutukoy?

Napaliligiran si Mo Ting ng mga reporter, ilang hakbang lamang mula kay Tangning. Nang makita niya na hinahawakan ni Tangning ang kanyang balakang, ang kanyang ekspresyon ay biglang naging malamig. Isang labis na malamig at mabagsik na salita ang lumabas mula sa kanyang bibig, "Alis!"

Ang reporter na malapit kay Mo Ting ay labis na natakot kaya mabilis siyang umatras ng ilang hakbang.

Takot na takot siyang lumapit pa rito. Sa katunayan, labis din siyang natatakot na huminga ng malalim...

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter