webnovel

Sigurado Akong Mabibigla Mo Ang Lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pamamagitan lamang. Ng pagtingin sa pagtanggap kay Tangning sa paliparan, ang pagkakaiba sa pagitan ni Tangning at Lin Ziyi ay malinaw na makikita. Pwede silang magpakalat ng mga tsismis hangga't gusto nila, pero sa sandaling magpakita si Tangning, isang sulyap lamang ay sapat na para makilala kung ano ang tunay na popularidad at kakayahan.

Bago pa man sila sumakay ng eroplano, namataan na ni Long Jie sina Lan Xi at Ling Ziyi. Ibinaba niya ang kanyang ulo at sinabi kay Tangning, "Gusto mo bang pumunta sa kinaroroonan nila at bumati? Sinusundan ni Lan Xi kahit saan ang baguhan na iyon. Halata naman kung gaano kaimportante kay Lan Xi ang baguhan na iyon."

"Hindi na kailangan," mabilis na sagot ni Tangning. Tila ba nakalimutan na ni Long Jie ang insidente na pagpapaluhod sa kanya noon ni Lan Xi, pero aalalahanin iyon ni Tangning habang siya ay nabubuhay.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter