webnovel

Kung Wala Ang Iyong Ama, Siguradong Wala Kang Halaga

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sinong nagsabi sa iyong hindi gagaling iyan?" tanong ni Long Jie.

"Pinalitan na ako sa 'Red Flame'. Ibig bang sabihin nito ay hindi na ako muling makakaarte pa?" bulong ni Luo Sheng sa kanyang sarili.

"Luo Sheng…"

"Bitiwan mo ako," biglang tulak palayo ni Luo Sheng kay Long Jie. "Hindi ikaw ako. Hindi mo naiintindihan ang takot na mayroon ako para sa hinaharap. Hindi naging madali para sa akin ang makarating kung nasaan ako ngayon, pero lahat ng ito ay nasira. Hindi ko talaga alam kung ano ang naging kasalanan ko."

Kumikirot ang puso ni Long Jie habang nakatingin ito kay Luo Sheng, ngunit ng mga sandaling iyon, wala siyang maisip na ano mang salita na maaaring makaaliw kay Luo Sheng.

Sa simula ay gustong bigyan ni Long Jie ng konting panahon si Luo Sheng upang huminahon. Ngunit, habang siya ay nasa labas upang mag tungo sa banyo, sa huli si Luo Sheng ay tumakas.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter