webnovel

Kikirot Ang Aking Puso Ng Kalahating Araw Kapag Nakita Kong Tuturukan Siya Ng Injection

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, isa lamang siyang karaniwang estudyante. Paano niya magagawang makausap si Mo Ting?

Nauunawaan ni Yuan Yuan kung ano ang gumugulo sa isipan ni Han Xiner. Bagaman pakiramdam niya na medyo hindi makatahohonan ang iniisip ni Han Xiner, siya ay matalik pa rin niyang kaibigan. Kaya, nang bumisita siya, inalok niya ito, "Wala akong masyadong maraming kaibigan sa entertainment industry, pero pwede kong subukan gamitin ang katayuan ng pamilya ko para tulungan ka."

"Pero, Xiner, nag – imbestiga na ako patungkol sa CEO ng Hai Rui. Siya ay isang alamat na nakatayo sa pinakatutok ng entertainment industry. Papayag kaya siyang makita ka?"

Bigong ibinababa ni Han Xiner ang kanyang ulo…

Ngumiti si Yuan Yuan at pinagaan ang pakiramdam ni Han Xiner, "Dahil sa kasal silang dalawa ni Tangning, malay mo, baka pumayag siya. Hindi ko lang talaga maisiwasang isipin, kung papayag ba talaga ang isang lalaking tulad niya na tingnang muli ang mga taong katulad natin."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com