webnovel

Kahit Gaano Man Niyang Subukan Na Gayahin Siya, Hindi Siya Kailanman Magiging Si Tangning

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bilang resulta, hindi nakita ni Han Xiuche si Tangning sa kolehiyo mula ng mga sumunod na araw pa.

Pagkaraang tanungin ang kolehiyo kung bakit hindi na nagpakita pang muli si Tangning sa klase, nadiskubre niya kalaunan na si Tangning ay umatras na mula sa kanyang kurso.

Si Tangning ay umatras!

Kailanman ay hindi inaasahan ni Han Xiuche na magbabago kaagad ng isip si Tangning.

Kung ito ang resulata, kung ganon bakit pa siya halos makipag away laban sa buong mundo?

Gayunpaman, ang resultang ito ay tila makatuwiran. Kahit sa Beijing, hindi niya matagalan ang opinyon ng publiko, kaya hindi na nakapag tataka na siya ay muli na namang tumakas.

Si Han Xiuche ay biglang nakaramdam ng pagkabigo at galit. Ang babae bang kanyang hinahangaan ng napakatagal ay nasa ganitong antas lamang?

Hindi…

Tumatangging maniwala si Han Xiuche. Ngunit, hindi niya maaaring itanggi na si Tangning ay talagang umalis ng England.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter