569 Hindi Mananaig Ang Kasamaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ngunit, ano ang mapapatunayan ng larawan na ito? Wala itong naipapaliwanag,kung sino sa dalawang babae ang nagsisinungaling. At saka, si Yang Xi ay ikinulong ng Hai Rui sa buong panahon!"

"Tama! Kahit ng makabalik na siya sa China, si Yang Xi ay kinulong ng Hai Rui. Huwag mong sabihin na ito ay huwad."

Ikinulong!

Nang marinig ang dalawang nakakatawang katagang ito, ang ngiti ni Han Xiner ay nadagdagan ng panghahamak, "Ano ba iyan, mga kaibigan… maaari kayong kumain ng maraming pagkain, ngunit hindi kayo maaaring magsalita ng walang kwenta. Alam kong nirereklamo ni Miss Yang sa lahat na ikinulong siya ng Hai Rui, ngunit… ang pagrereklamo ba ay sapat na upang patunayan ang kahit na ano? Ako rin ay nakatayo rito nagrereklamo sa inyo na ang Hai Rui ay ginawan ng masama…"

"Ngunit, sinabi ni Yang Xi na may dalawang lalaki na nagbabantay sa pintuan ng kanyang silid!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter