1 Chapter one: Si Emilio

Lumaki si Emilio ng nakikipagsapalaran sa buhay, sa lahat ng kanyang gagawin lagi syang may isinaalang-alang

Madalas nahihirapan sya pero andun yung pagpupursigi nya maiahon ang pamilya nya sa hirap na kinagisnan nila...

Si Emilio ay isang taong matapang, masigasig at responsableng tao, mabait at kilala sa lugar nila na laging tagaayos ng gulo, partida di naman sya kagawad pero pag sa oras ng gulo sya ang tinatakbuhan ng mga tao sa lugar nila sa tondo. lumaki si Emilio kasama ng kanyang ama na noon ay kilalang notorious sa lugar nila ngunit ng magkaroon ng responsibilidad nagbago ito sya si Mang Edgar. sa ngayon sila ay may tatlong pampasadang jeep, ang isa ay minamaneho ni Toyong ang sinasabing berdugo sa kanilang lugar ngunit ngayon ay berdugo na ng kalsada at ng hapag kainan, and isa naman at minamaneho ni Abner ang sinasabing kilabot ng kababaihan at mga kabadingan noon dahil sa dami ng mga babaeng pinaiyak nya at mga baklang napapaakit nya dahil sa kanyang gandang lalaking looks pero nakatagpo ng katapat; si Lulu ang dakilang talakera sa buhay ni abner, alam nya namaraming naghahabol sa kanyang asawa kaya sa bawat byahe neto lagi syang kasama. ang pangatlong jeep naman at minamaneho ni Benjo, si benjo naman ang sinasabi noong tnt; ibig sabhin tago nga tago dahil sa dami ng utang neto sa mga tindahan, sa bombay, at sa iba pang mga tao pero dahil sa tulong ni mang edgar lahat yung ay nabayaran nya kaya naman di na sya masyadong nangungutang...

maraming tao na rin ang natulungan ang mag ama sa lugar nila at kabilang na nga rin dito ang magkapatid na Jericho at Jerina sila naman ang magkapatid na inabandona ng kanilang mga magulang kaya inampon na rin nila ito kaya naman bilang sukli nila sa mag ama pagsabado, linggo at mga araw na wala silang pasok sila ang tagalinis ng mga sasakyan. sa kanilang lugar laking gulat talaga nila ng biglaang pagbabago ni mang edgar at yun ay dahil sa pagdating ni emilio sa buhay nya

ilang taon din ang lumipas at ngayon ay 20yrs old na si emilio at tulad ni mang edgar ay sya rin ay lumaking responsableng anak.

avataravatar
Next chapter