1 Prologue

"Package delivery!" ani ng isang delivery boy habang nakaharap ang isang box sa akin. Lumingon ako sa mesa malapit sa bintana. Andon ang ilang mga boxes na hindi ko pa nabubuksan sa nakaraang isang buwan.

Halos naipon na sila doon at patong- patong narin. Araw- araw ay palaging may nagpapadala sa akin ng delivery at iisang tao lagi ang nagdadala ng mga iyon. Si manong palagi na siyang nagdeliver ngayon.

"Hindi parin ba kilala kung sino?" tanong ni manong. Nakangiti kong tinanggap ang box. Umiling ako bilang sagot sa kanya.

Gustong- gusto ko nang malaman kung sino ang mga nagpapadala nito pero kahit si manong ay hindi kilala kung kanino galing. Taga- deliver lang naman kasi ang trabaho niya.

"Sana makilala niyo na, ma'am!" aniya.

"Sana nga po." binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Sige, ma'am. Aalis na po ako." kumaway si manong at sumakay sa motor nito. Isinara ko ang pinto at dinala ang box sa mesa kasama pa ang ilang mga box na natatanggap ko sa loob ng isang buwan. Wala akong maturo o maisip na tao na pwedeeng gumawa nito sa akin. Masyadong misteryoso.

"Ang aga- aga, kinatok ka nanaman ni manong delivery boy." usal ng kaibigan kong si Kira.

Naghahanda na siya ng umagahan para maka- alis narin kami pagkatapos. Lumapit narin ako sa hapag at naupo sa upuan. Nagsimula akong magsalin ng kanin sa plato ko. Ganon din ang ginawa niya.

"Ginagawa niya lang yung trabaho niya."

Narining ko ang panggagaya niya sa sinabi ko with make face pa. "Alam mo, hindi na ako magtataka kung sa bandang huli, si manong talaga yung mga nagpapadala niyan." walang pag- aalilangan na sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa kaibigan kong to. Hindi niya ba alam na pamilyadong tao na si manong tapos ganyan pa siya magsalita? Nailing nalang ako. Ayoko rin namang isipin kung sino ang mga nagpapadala. Nakakasawa na lagi akong nagtatanong sa sarili ko kung sino ang mga nagpapadala ng mga yon.

Sa una sweet syempre. Tipong palihim pa akong nangingiti sa tuwing nakakatanggap ako ng package kahit hindi ko alam ang mga laman ng mga yon.

"Bilisan nalang natin kumain, baka malate tayo."

Tinapos namin ang pagkain. Niligpit lang namin ang pinagkainan pero iiwan na muna namin ang hugasan sa sink. Paguwi nalang huhugasan. Sabay kaming lumabas ni Kira. Habang kinakandado ko ang pinto, nagsalita nanaman siya.

"Bakit hindi mo buksan yung mga box? Malay mo may pangalan don." matagal niya ng suhestyon yan ngunit hindi ko ginagawa. Meron sa loob ko na pumipigil sa akin na huwag buksan ang bwat box na iyon.

Nagsimula kaming maglakad. Naghintay lang kami sa labas ng village kung saan may waiting shed doon. Medyo marami narin ang mga tao na naghihintay ng masasakyan.

Ang village na tinitirhan namin ay hindi lang mayayaman na tao ang nakatira. Sa dulo ng village ay mayrong tao'ng walang mga sasakyan at hindi rin ganon kalakihan ang bahay katulad namin ni Kira. Pila ang nangyayari kaya naman maagang nagigising ang mga tao para hindi mahuli sa klase o sa mga trabaho nila.

May itim na kotse ang pumarada sa harap namin. Naunang lumapit si Kira at binuksan ang pinto ng back seat. Doon kami naupo pareho sa likod ni Kira habang kandong namin ang bagpack namin.

"Ang aga- aga nakashades ka. Talaga lang ha?" nang- aasar na tanong ni Kira kay Justin. Siya ang may ari ng sasakyan. Araw- araw niya kaming sinusundo dahil daw gusto niya. "Hindi pa nga tirik ang araw."

Natawa si Justin at pina- andar ang sasakyan. "Kung ano- ano talagang napapansin mo, noh?" naiiling na sabi nito.

Nagtataka rin ako. Bakit nga ba siya naka shades ngayon?

"Maga ang mga mata ko. Tignan niyo pa." anito. Tinanggal pa ang shades at nakita namin sa rear view mirror na parang namumula ang mata niya.

"Anong nangyari jan?" turo ni Kira sa mata nito. "Patingin ako."

Mula sa likod ay dumukwang ito para makita ang mukha ni Justin. Nakapatong ang pareho niyang paa sa upuan habang sinisilip ang mukha ng kaibigan namin.

"Hahaha!" tumawa si Kira habang hawak ang panga ni Justin. Bahagya niya pa tong inililinga para makita bawat anggulo ang pamamaga ng mata. Binitawan dn niya ang panga nito at bumalik ng maayos sa upuan. "Hulaan ko. Basted ka nanaman, noh?"

Natawa narin ako at binaba ang window glass. Gustong- gusto kong nakakalanghap ng hangin. Yung tipong sumasampal sa akin sa tuwing mabilis na nagpapatakbo ang driver ng isang sasakyan. Ewan ko lang kung bakit.

"Ang sama talaga ng ugali mo," nakangiwing anito. "Kaibigan ko ba talaga kayo, ha? Im expecting some sweet lines to cheer me up tapos tinawanan niyo pa ako."

Hindi na ako magtataka kung paano siya binasted. Ang dami niya nang niligawan pero ni isa sa mga iyon ay walang pumatol. Takot lang nila sa mga kapwa nila mga babae.

Para sa ibang babae outside of our circle of friends, masyadong nakakatakot pumatol ng isa sa mga kaibigan namin. Takot siguro mabashed?

Nakarating din kami sa school. Binaba kami ni Justin mismo sa harap ng main gate. Susunod nalang siya para ipark ang kotse sa parking lot. Nauna kaming nagtungo sa room namin.

Andon na agad sila Patricia at Eunice. Naguusap sila nila Rios, Zenry at James banda sa likod. Pinatong ko muna ang bag sa upuan. Nang maka- upo ay nagsilapitan ang mga kaibigan namin.

"Let me guess." maarteng sabi ni Eunice. Nakatingin ito sa kuko niya saka siya tumingin sa akin. "Nakarecieve ka nanaman ng delivery package sa bahay niyo."

Naghanap ng mauupuan sila Patricia at James sa harap namin. Umupo si Rios sa mismong table ni Kira at nakaupo naman si Eunice sa table ko.

Alam nila ang tungkol sa mga box. Madaldal kasi si Kira at lahat ng napapansin ay sinasabi. Wala namang problema sa akin kung alam nila. Isa lang naman iyong bagay na hindi rin dapat itago.

"Ano pa nga ba?" ani Kira. "Yang lola niyo, araw- araw maganda."

Natawa si James at yumuko pa sa sahig na tila may kinakapa. "Invisible hair. Mahaba na, oh." pang- aasar nito. Nagtawanan sila maliban sa akin. Palagi nalang akong inaasar tuwing ito ang usapan namin.

"Wag niyo nang pansinin yang kaso ni Alyssa. Yung isa ang pansinin niyo." inginuso ni Patricia ang pinto.

Papasok na si Justin habang iniikot ang susi sa index finger nito. Nakasuot parin ito ng shades. Malakas na tumawa nanaman ang mga kaibigan ko na lumapit pa kay Justin.

"Let us see, boy." natatawang usal ni Zenry.

Tinanggal nito ang shades niya at nakita namin ang pamamaga ng mata nito. Nailing nalang ako.

Palagi nalang may asaran na nangyayari sa grupo namin. Palaging kami ang maingay sa klase. Palagi rin kami ang napapansin.

Lumipat si Rios ng upo sa table ko. Nilalaro niya ang itim na hikaw sa kaliwang tenga niya habang nakatingin kay Justin na patuloy na inaasar ng mga kaibigan namin.

"Again?" tanong niya sa akin.

"Alam mo na." sabi ko nalang. Nagbuklat ako ng libro at dinala sa page kung saan ako huling nag- stop magbasa.

"Shesh!" sabay na sigaw ni Kira at Eunice. "Gusto ka non, okay? Takot lang siya na maging boyfriend ka."

Lumingon ako sa kanila. Tinigil na nila ang pang- aasar. Si Patricia ay nilalaro ang buhok ni Justin habang si Eunice at Kira ay nakatayo sa harapan nito na para bang pinapangaralan siya.

"Parang ako," Zenry said with a smirk. "Hindi na ako nanliligaw ng babae na alam kong nag- aaral dito sa school natin. They're afraid to be in a relationship with us."

"Parang ang unfair lang," pagsabat ni James. "Hindi naman tayo mga fuckboy, hahaha!"

"Duh! The answers are too obvious," pagsali sa usapan ni Patricia. "Takot masabihan ng malandi o kung ano- ano pa ang mga babaeng dinidikitan niyo." saka nito hinila ang buhok ni Justin.

"Ouch!" singhal nito.

"So, ibig sabihin ba non malandi kayo?'

Lahat kami natigla sa sinabing iyon ni Rios. Kahit ako ay nawala ang atensyon sa binabasa kong libro. Hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"What did you say?" Eunice asked.

"Dahil kayong apat lang ang nakakadikit sa amin." nakangising sagot ni Rios.

"Siraulo ka, dude!" binatukan siya ni Zenry at nagtawanan ang mga boys. Lumapit kaming mga girls sa kanila at isa- isa silang sinabutan.

"Bahala nga kayo jan!" sigaw ni Patricia.

Naglakad kami ng sabay- sabay sa may pinto at humarap sa mga boys na nakasandal sa mga tables. Natatawa parin silang nakatingin sa amin. Hindi masama ang loob namin. Ganito lang talaga kami.

"FRIENDS. OVER." sabay- sabay naming sabing apat.

Narinig iyon ng iba naming kaklase kasama narin ng ibang estudyante na napapadaan sa labas ng room namin. Tinalikuran namin sila at sabay- sabay na lumabas.

Alam ko na kung saan punta namin. Sa canteen nanaman. Ganon palagi para daw may laman ang tiyan at utak namin bago magsimula ang klase.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa loob ng canteen, humabol na agad sa amin ang apat na adan. Naka- akbay na sa akin si Zenry at ginulo pa aking buhok. Si Rios naman ay agad na tumakbo sa likod ni Eunice at nagpasalabay dito.

Nagtawanan kami dahil muntik nang masubsob ang mukha nito sa sahig. Si James at Justin naman ay sabay na naglabas ng pera sa wallet at naglakad palapit doon sa line para bumili ng pagkan.

Nauna kaming naupo nila Kira, Patricia at Eunice. Sila Zenry at Rios ay lumapit sa dalawa para tulungan dalhin yung mga pagkain.

Maga- anim na taon na ang samahan namin. Mula 7th grade ay magkakaibigan na kami and that makes me complete. Mayroon akong mga kaibigan na anjan palagi para sa amin. Hindi naman kami palaging magkaklase noon pero hindi yun naging hadlang para matapos ang samahan namin.

"Nood kayong game namin mamaya, ah?" Usal ni Rios matapos mailapag ang mga snacks sa table namin.

"Anong oras?" tanong ko. Kumuha ako ng chips at nilagay sa bibig ko.

"Uwian yun. Kalaban namin team nila Cloud." si Justin ang sumagot. Ang mga tingin niya ay may halong pangungutya na hindi ko nanaman natakasan.

"Yieeee. Manunuod yan syempre! Si CLoud yun, e! hahaha!" saka sila nagtawanan.

Isang bagay din na gusto ko sa tuwing kasama sila. Walang taguan. Kahit taong gusto namin ay kilala ng bawat isa. Kahit nga siguro gamit naming sanitary napkin, alam ng boys ang tatak. Ang isang bagay lang na hindi namin alam ay ang tao na laging nagpapadala ng package sa akin.

Kahit ako ay walang ideya kung sino. Hindi ko alam kung bakit umaasa akong sana ay si Cloud yun.

avataravatar