webnovel

"The Honeymoon"

Chapter 8. "The Honeymoon"

Ethina's POV

Marami na ang nagsisiuwian, bago sila umuwi binabati nila kami ni Sanjun. Nandito kami sa reception. Isang kilala lang hotel lang naman ang reception ng kasal namin exclusively sa amin lang talaga. May mga media pa rin na patuloy sa pag-cover ng wedding namin. Kanina simula pa sa pagtanggal ng garter sa hita ko, hanggang sa paghagis ko ng bulaklak, ang malas nga lang dahil kanina pagtanggal ni Sanjun ng garter sa legs ko, grabe ang pigil ko kanina sa pagtawa. May kiliti kasi ako sa legs ko, sa kakatawa ko, bigla akong kinurot ni Sanjun sa legs kaya napasigaw ako na kumuha sa attensyon ng mga tao. Ngumiti na lang ako ng patay-malisya sa ginawang kabwisitan ni Sanjun.

Paghagis ko naman ng bulaklak, tinanya ko ang kinaroroonan ni Sanjun sa likod ko. Nakabusangot pa ang mukha niya. Para makabawi, ganito ang plano, ibabato ko kay Sanjun ang boquet flower. Pagbato, napasigaw pa ako ng "Boom siter!" Kaso natigil ako ng makita kong sa iba napunta ang bulaklak, abot tainga naman ang ngiti ni Siren habang hawak ang bulaklak, wow, good new, siya ang next na ikakasal. Kanino kaya? Kay Sanjun kapag naghiwalay na kami—este nag-expire na ang contract.

Mag-gagabi na ng tuluyang maubos ang mga bisita.

"Sir, Maam, sige na po, mauna na po kayo. Kami na po ang bahala rito." Sabin g organizer ng kasal namin. Hindi naman nagsalita si Sanjun at bigla akong hinila palabas ng hotel.

"Aray ko naman, dahan-dahan kita mong ang taas ng sapatos ko eh." Angal ko rito, ang hilig niyang manakit ng babae. Ang sungit pa, hindi kaya tama ang iniisip ko? Baka naman kasama siya sa mga kabekihan.

Pagdating namin sa labas, naka-abang na agad ang bridal car na sinakyan ko kanina. Kinuha ni Sanjun ang susi sa lalaki at pinagbuksan ako ng pinto tsaka pinapasok. Tinulak niya pa ako papasok. Grabe talaga, madahas ang beking ito.

Pagpasok niya ng sasakyan. Sa driver seat siya naupo. Akala ko ba ayaw niyang umuupo ako sa backseat kasi magmumukha niyang driver? Tapos ngayon ganito? Pansin ko rin na ang tahimik niya kanina pa. Given na yung pagiging araw-araw niyang may dalaw, pero iba talaga yung pagmumukha niya kanina.

Umandar na yung sasakyan, mabilis niya itong pinatakbo kaya bumaliktad ako sa loob ng sasakyan.

"Hoy umayos ka naman! Aba, mahal ko pa ang buhay ko!" Sigaw ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko. Tinanggal ko na 'yung gwantes sa kamay ko at yung makating nakakabit sa ulo ko. Tinitigan ko siya ng masama sa rearview mirror, pero ang Kuya, effect ang pagiging suplado. "Magpapakamatay nandadamay pa." Maktol ko tsaka siya inirapan.

Tumigil ang sasakyan sa isang villa. Hindi ko na alam kung saang lugar na 'to, almost 3 hours din kami nagbyahe. Pagbaba ko, nauna na siyang pumasok sa villa.

"Tignan mo 'to, di man lang ako tulungan, ang bigat kaya ng gown ko." Napasinghap na lang ako habang pinagmamasdan siyang pumasok.

Pagpasok ko sa loob, namangha ako sa ganda at design ng villa. Ang linis at ang ganda ng interior design. Puro pa kawayan at kahoy ang mga furniture, ang ganda din ng lightnings ng buong bahay. Malamig rin ang at ang presko ng kulay. Sa kakawili kong pagtingin-tingin sa buong bahay. Natigil ako ng dumaan si Sanjun sa harap ko. Napatakip ako agad ng mata ng dumaan siyang naka-top less lang.

"Bastos, di man lang magsabing maghuhubad." Sabi ko rito habang nakatakip ang mata. Nang maramdaman kong nakalayo na siya. Tinanggal ko na ang takip sa mata ko at tinignan siya paalis. "Baka maliligo na, mabuti 'yan! Para naman lumamig ulo mo!" Sigaw ko. "At ako? Magiikot muna sa buong bahay!"

Madali akong nagbihis ng suot kong gown at nagpalit ng shorts at t-shirt tsaka ako nag-ikot sa buong villa. Una kong pinuntahan ang kwarto, isa lang ang kwarto dito. Nilagay ko na 'yung gown ko 'dun at ilang gamit ko. Nang mapansin ko ang hagdan papunta sa taas, umakyat pa ako ulit dito. Tatlong floor pala ito, at itong ikatlong palapag ay rooftop. Pagakyat mo sa taas, mayroong hanging garden at glass house na maliit. Maganda rin tignan ang mga stars sa langit mula dito sa taas. Ang lamig pa ng hangin.

Bumaba na ako ulit para mag-ikot pa, ang ganda ng kusina, pati na rin dining hall. Habang naglalakad ako pabalik sa sala, napadaan ako sa shower room. Rinig na rinig ko kasi 'yung ingay ng shower. Mukhang napapapresko si sungit ah. Hinawakan ko ang door knob nang ikutin ko, hindi ko naman sinasadyang mabuksan ito ng todo. Kaya naman napapaasok ako sa loob ng shower room. Mabuti na lamang ako may kurtina pa sa mismong shower. Pero nang isasara ko na ang pinto, naaninag ko ang anino ni Sanjun sa kurtina habang naliligo siya.

"In fairness, sexy ang sungit." Ani ko sa sarili ko habang kagat-kagat ang labi. "Ano kayang hitsura ng male anatomy? O di kaya reproductive organ? Gosh! Ano bang naiisip ko?"

Hindi pa kasi ako nakaka-sight ng ganun. Oo napagaralan namin 'yun, pero sample lang na maniquin ang pinagamit sa amin. Wala pa akong experience 'no, kahit kay Jazzsher. Hanggang kiss lang kaming dalawa. Mabuti na lang at di ko nabigay si virginity sa lalaking 'yon.

Sinara ko na ng dahan-dahan ang pinto at bumalik sa sala. Habang nasa sala ako, nagbasa-basa muna ako ng magazine habang hinihintay si Sanjun na matapos sa pagligo. Kanina pa siya, ang tagal, magiisang oras na siya sa loob ng shower room. Matapos ang ilang dekada, aba'y akalain mong nagustuhan pa niyang lumabas ng shower room.

"Ang tag—" Hindi ako agad nakapagsalita ng bumalandra sa harap ko si Sanjun na naka-towel lang at kitang-kita ko ang katawan niya. "—gal mo naman sa shower." Pagpapatuloy ko habang tutok ang mata ko sa abs niya. "May abs ka pala?" Malanding sabi ko tsaka siya nginitian. Ang kaso, nakabusangot naman ang mukha niya sa akin kaya inirapan ko siya.

"Ikaw ah, wag mo nga ako sinisilipan." Seryosong sabi niya, para naman akong binatukan ng marinig siya, nilingon siya at pinanlakihan ng mata.

"Anong sinisilip ka? Wag ka ngang feeling?!" Sabi ko rito tsaka siya inirapan.

"Hay, ang mga babae nga naman, kahinaan niyo ba ang abs?" Inis niyang tanong.

"Oo kahinaan namin, pero sayo hindi. Diyan ka na nga." Hinawi ko siya at tumakbo na papuntang shower room.

Pagtapos kong mag-shower, umakyat na ako sa taas para magbihis, pero pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto. Nasa labas na ang mga gamit ko. Kinatok ko ang pinto.

"Hoy halimaw ka! Bakit nasa labas ang mga gamit ko!" Sigaw ko habang malakas na kinakalabog ang pinto. "Sanjun!"

Bumukas naman ang pinto at bumungad ang pagmumukha niya.

"Bakit nasa labas 'to?" sigaw ko.

"Bakit? Kwarto ko 'to? May angal?"

"Ano? Eh saan ako magbibihis at matutulog?" Taranta kong sabi.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya't sinara ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Sandali, hoy ako na lang diyan sa kwarto, wala ka bang puso? Hello babae ako? Baka mamaya manigas na ako rito, ang lamig kaya oh." Sarakastiko kong sabi.

Tinignan naman ako nito. Tinignan ko rin siya ng may pagmamakaawa sa mukha.

"Wala akong pake." Mabilis niyang sabi tsaka malakas na sinara ang pinto.

"Aba? Hoy! Halimaw ka talaga! Sanjun!" Sigaw ko.

Wala na akong nagawa kaya sa rest room ako nagbihis.

"Halimaw siya, wala siyang puso, anak siya ni Lucifer, leche siya. Sandamakmak na middle finger para sa kanya. Hay nako, saan naman ako matutulog nito?" Sabi ko sa sarili ko habang nakapameywang na nakatayo rito sa sala. "Ay sandali!"

Muntik ko ng makalimutan! Nilabas ko si Spongebob sa basker habang nasa fishbowl siya.

"'Yan, syempre kasama kita Spongbob, tara suntukin mo si Sanjun." Kausap ko ang gold fish kong alaga na si Spongebob. Matagal ko ng alaga 'to. "Spongebob, sana bangungutin siya mamaya. Ano? Wag kong hilingin 'yon? Eh ang salbahe ng ungas na 'yon eh. Oy Spongebob ah, wag mo sabihing kampi ka sa mokong na 'yon?"

"Ano 'yan?"

"Ay palaka!" Napalingon ako sa likod ko habang hawak ang fishbowl ni Spongebob. "Si Spongebob, baby ko bakit?"

"Isda? Tapos kinakausap mo? Huh, sandali nga, may record ka bas a kahit saang mental hospital dito? Don'r tell me nagpakasal ako sa babaeng baliw?"

"Don't tell me nagpakasal ako sa lalaking demonyo, ano bang paki mo? Hindi ako baliw 'no, malapit pa lang dahil sa ugali mo!" Sigaw ko sa kanya. Tinignan ko ulit si Spongebob "'Yan, di ba ang salbahe niya?"

Narinig ko naman ang pagngisi niya bago tuluyang lumabas ng pinto. Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon? Gabi na ah.

Sanjun's POV

Pagdating sa reception, binate ako agad ni Siren. Ang ganda niya sa suot niyang pink na dress habang may head band sa ulo. Ang saya-saya niya rin pagmasdan, ang mga ngiti niya at ang mga mata niyang nangungusap. Pero, mas maganda sana kung siya ang nasa tabi ko ngayon habang binabati ng mga tao ng best wishes. Napalingon ako sa tabi ko, sa babaeng magpapanggap na asawa ko. I don't know that much, pero dahil sa nangyari kailangan ko siyang pakasalan. Habang tinitignan ko siya, napansin ko ang ngiti sa labi niya. I can't deny that she quite beautiful and she looks so innocent. Iniwas ko ang tingin ko, ano bang sinasabi ko?

Nang papatapos na at naguuwian na ang mga tao, lumapit sa akin si Siren at kinausap ako.

"Masaya ako para sayo Sanjun, ang buong akala ko, magiging matandang binata ka na." Natatawa niyang sabi at tinapik ako sa balikat. "Be a good husband ah?"

"Salamat Siren." Sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon, mas masaya sana kung narito rin si Shawn sa kasal mo. I know magiging masaya rin siya para sayo."

"Wala na si Shawn, he'll never come back." Seryoso kong sabi, tinitigan naman niya ako sa mga mata.

"Until now galit ka pa rin ba sa Kuya mo?" Hindi ko nakuhang sumagot sa tanong niya at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Ako kasi Sanjun, mahal ko pa rin ang Kuya mo." Marahan niyang sabi, napatingin ako sa mukha ni Siren and I saw her lonely face. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, naalala ko na naman ang araw na umalis si Shawn sa bahay. "Osya Sanjun, enjoy the honeymoon ah? Wag kang maging wild kay Ethina?! Okay?" Nakangiti niyang sabi at naglakad na paalis.

"Dammit." Mas lalong dumiin ang pagkuyom ko sa kamao ko.

Pagdating namin sa villa kung saan gaganapin ang honeymoon namin. Naligo na ako at lumabas muna ng bahay. Gusto ko munang magpahangin. Ngayon ko na lang ulit nagawa ang ganito, palagi kasi akong abala sa kumpanya. Palagi akong walang oras na maglakad-lakad, puro papel at laptop ang kaharap ko. Puro management book at puro pera ang hawak ko. Gusto ko naman maging masaya. Pero mukha palagi na lang ako ganito.

Sumagi muli sa isip ko ang mukha ni Siren kanina at naalala ko na naman ang araw na umalis si Shawn. Nang lumabas siya ng gate, nakita ko pang hinabol siya ni Siren habang umiiyak. Pero hindi niya pinansin si Siren at sumakay lang ng sasakyan. Tumakbo pa si Siren at nadapa ng habulin siya. Kaya naman mayroong scar si Siren sa tuhod. Isang peklat na nagpapaalala sa kanya ng pag-alis ni Shawn.

Bumalik na ako sa villa, pagpasok ko tahimik ang buong paligid, hinanap ko kung nasaan si Ethina, pero ang isda niyang nasa fishbowl lang ang narito sa sala habang nakalapag sa center table.

"Hoy! Nasaan amo mo?" Tanong ko sa isda. "Ano nga ba ulit pangalan mo?"

"Spongebob." Nanglaki ang mata ko ng nagsalita ang isda.

"Goddammit! Nagsasalita ka?" Gulat kong sabi. Bigla naman akong nakarinig ng tawa at napalingon ako sa hagdan. Doon ko nakita si Ethina na tumatawa.

"Ano? Akala ko ba ako ang baliw? Eh bakit mo kinakausap si Spongebob? Sabihin mo nga sakin, may record ka ba sa kahit saang mental hospital Sanjun?" Natatawa niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin at sinamaan ng tingin. Umakyat na ako sa taas at rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya sa baba.

"Shut up weirdo!" Sigaw ko.

"Shut up baliw!" Sagot niya tsaka tumawa ulit. This girl, she's really getting into my nerves.

Next chapter