9 "Sleeping Sanjun"

Chapter 9. "Sleeping Sanjun"

Ethina's POV

"Ugh! Ang lamig! Nakakainis naman!" Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa couch. Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko sa pagmamaktol ko. Ang lamig kasi kahit na ang kapal na ng kumot. Hindi ko naman alam na nasa Tagaytay pala kami. Hindi ako nakapagdala ng jacket or sweater. Tapos dito pa ako pinatulog ng damuhong si Sanjun sa sala. Abay talaga ngang halimaw siya.

Umayos ako ng pagkakaupo at nagpalumbaba sa tuhod ko habang nakatingin kay Spongebob na nakalagay sa table katabi ng lamp shade.

"Spongebob, susuko na ba ako? Grabe na kasi, minamaltrato na siya ako, hindi na makatao ito." Sabi ko sa isda. Nakita ko namang nagkumawag si Spongebob sa tubig, panay ang langoy niya. "Spongebob, nago-object ka ba? Obvious ka ah." Nakasimangot kong sabi. "Pero hayaan na, anim na buwan lang naman eh. Di ba?" Ngayon, maayos na ang panglangoy niya. "Good night!"

Nahiga ako ulit at pinikit ang mata ko. Pero wala pang ilang minute tumayo na ako sa couch dala ang unan at kumot ko.

"Hindi Spongebob, ayaw ko na! Matutulog ako sa kwarto sa ayaw ko sa gusto ni Sanjun!" Mariin kong sabi at tsaka umakyat sa taas. Pasimple akong naglakad paakyat sa taas. Dapat marahan lang, baka magising ang halimaw sa banga.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang nagti-tip-toe. Dahan-dahan, para akong magnanakaw. Nang marating ko na ang pinto ni Sanjun. Hinawakan ko ang door knob at marahang inikot ito. Nang marinig ko ang pag-click ng door knob. Napangiti ako dahil hindi naka-lock ang pinto.

Dahan-dahan at tahimik kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa loob, gumapang pa ako sa sahig para mas effective ang spy ko. Pagdating sa kama, sinilip ko siya, nakahiga at nakakumot ang monster at mahimbing na natutulog. Tignan mo 'tong mokong na 'to, ang laki-laki ng kama eh, ayaw man lang mag-share.

Hinawi ko ang kumot niya at dahan-dahan na tumabi sa kanya. 'Yan, nakahiga na ako. Thank you Lord. Makakatulog na rin ako.

Pinikit ko na ang mata ko at natulog ng may ngiti sa labi.

"Labas." Napamulat ako ng may bumulong sakto sa tainga ko.

"Multo? May multo?"

"Labas." Paguulit ng boses na narinig ko.

"Gosh! May multo!" Tinakip ko sa mukha ko yung kumot ko at bumaluktot sa kama.

Maya-maya pa, naramdaman kong parang lumulutang ako, 'yung multo, binubuhat ako. Mama ko po, maawa kayo saken, virgin pa ako. Wag niyo po akong kunin.

Napapikit na lamang ako at napasigaw ng bumagsak ako sa sahig.

"Aray!" Sigaw ko sa sobrang sakit ng pagbasak ko. "Bakit niyo naman ak—" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko at naging statwa ako ng makita ko si Sanjun na nakatayo sa harap ko. Bukas na ang ilaw.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Singhal niya sa akin. Napatayo naman ako at nagpameywang.

"Kwarto mo? Kwarto ko rin 'to! Tandaan mo kasal na tayo! Kaya kung anong sayo, sa akin din!" Ganti kong sigaw.

"Ano? Wala sa kontrata 'yan!"

"Edi ilagay natin."

"No way! Hindi ako papayag." Ganti niya. Napasinghap na lang ako at nagbuntong hininga.

"Pagtatalunan pa ba natin 'to? Matulog na lang tayo. Tara na sa kama Honey." May pangaakit kong sabi at naglakad papuntang kama, pero hinila niya ako at nauna siyang nahiga sa kama. "Aba, inunahan ako? Honey tabi na tayo." May nakakalokong sambit at nahiga sa tabi niay.

"Stop calling me Honey weirdo."

"Grabe, ayaw mo nun? Edi babe na lang? o di kaya sweetheart? Honeypie? Tart? Di ba may endearment naman ang mga mag-asawa? Ano? Pili ka lang." Nagtalukbong naman siya ng kumot. "Patabi na ah."

Papunta pa lang ako sa kama ng bigla siyang tumayo at naglagay ng unan sa pagitan namin.

"Arte, chicks ka?" Pang-aasar ko. Hindi naman niya ako pinansin at humiga ulit. "Kala mo naman may nakakahawa akong sakit, tse!" Nahiga na lang ako sa kama.

Paghiga ko, nakaramdam na rin ako sa wakas ng init. Sa wakas, makakatulog na rin ako ng matiwasay.

*pruut*

"Ay, sorry!"

"Dammit! Ang baho!" Tumayo siya pati na rin ako, ang arte, utot lang eh.Tinitigan niya naman ako ng masama.

"Oh? Bakit di ka ba umuutot? Arte neto, para kang babae, tara na dito Honey." May pangaakit kong sabi, mas lalo namang kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin, habang ako nakangiti ng nakakaloka.

"Nakakainis ka na talagang babae ka!" Inis niyang sabi.

"Ay? Napikon? Sorry po, di ko sinasadya tsaka mapipigilan ko ba ang utot ko?" Sabi ko't inirapan siya.

"Gross! Disgusting!"

"Asus, bahala ka diyan sa buhay mo basta ako matutulog na!" Nagtalukbong na ako ng kumot at natulog na. Narinig ko pa siyang nag-spray ng air freshener sa buong kwarto. Ang arte talaga.

Kinaumagahan. Nagising ako sa sikat ng araw, malamig pa rin pero may sinag na ng araw na dumadampi sa balat ko. Napamulat ako ng mata at saktong nakatapat ang mukha ni Sanjun sa mukha ko. Nanglaki ang mata ko, pero agad rin akong huminahon ng mapagmasdan ko ang mukha niya. Ang payapa niyang matulog, tila anghel.

Ngayon ko lang na-appreciate, di nga maikakailang gwapo ang isang 'to. Ang tangos ng ilong, ang kinis ng kutis at ang ganda ng labi niya. Pero ang mas nag-aattract sa akin ay ang kilay niya. Fetish ko yata ang kilay ng mga lalaki, gusto ko yung makapal na kilay, ang astig kasi tignan.

Pero ang napansin ko, ay ang mga mata niya. Para bang may lungkot na nagtatago at bumabagabag sa mga mata niya.

"Sana palagi ka na lang tulog para mukha kang mabait." Mahina kong sabi at patuloy na pinagmasdan ang mukha niya. "Ay! Sandali may naisip ako!"

Naglagay ako ng maraming pulbo sa mukha ko at lip stick sa mukha ko. Ginulogulo rin ang buhol ko para mas magmukhang nakakatakot. Tatakutin ko siya, tignan natin ang tapang mong mokong ka.

Pagtapos kong mag-ayos, nahiga ako ulit at tinapat ang mukha ko sa mukha niya.

"Pssst!" Tawag ko sa kanya tsaka siya kinalabit sa ilong. Gumalaw naman siya pero hindi nagising.

"Pssst!" Tawag ko ulit.

"Ano ba? 5 minutes please." Sabi niya.

"Aba? Ayaw pa ah?"

"Sir Sanjun late na po kayo sa office!" Sigaw ko sa harap niya. Mabilis pa sa alas-quatro na dumilat ang mata niya at tsaka siya napasigaw at bumagsak sa kama.

"Dammit! Who are you? Who the hell are you?!" Ang OA naman ng isang 'to. Tumayo ako at tinignan siya sa baba ng kama.

"Hoy, ang OA mo naman. Duh? Ethina here?" Nakita ko naman ang pagkawala ng takot sa mukha niya at napalitang ng inis.

"Wala ka ba talagang magawang tama?" Asar niyang tanong tsaka tumayo. "Oh! Ligpitin mo yang kama!" Sigaw niya bago lumabas ng kwarto.

"Asus, duwag! Ahooo~Ahooo!" Sabi ko't natawa ng malakas.

Naghilamos na ako ng mukha at nagbabad na sa bath tub. Habang nagbababad ako, hawak ko ang fishbowl ni Spongebob.

"Grabe, ang ganda dito 'no? Mamaya mamasyal tayo ah? After breakfast!" Sabik kong sabi kay Spongebob.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng shower room. May tao? Sino 'yan? Baka magnanakaw. Naaninag ko ang anino ng lalaki sa kurtina, papalapit ng papalapit sa akin. Huminto naman ito sa tabi ko.

"Sino ka!" Mabilis kong hinawa ang kurtina ng bath tub at tinignan ang nilalang na pumasok sa shower room. Pero mabilis akong napatakip sa katawan ko ng makita ko si Sanjun habang umiihi sa toilet bowl na katabi ng bath tub.

Pareho kaming nanglaki ang mata at nagkatinginan. Sabay kaming napasigaw tsaka niya medaling sinara ang pantalon niya at dali-daling lumabas ng shower room.

"Gosh, ang mata ko, anong nakita ko? Ang mata ko? Hindi na virgin."

Pagtapos ko maligo, siya naman ang naligo. Sinabihan ko siyang i-lock pero hindi niya ako pinansin at sinimangutan lang.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jenina.

"Ano? Anong nakita mo?"

"Friend, ang mata ko, ginahasa niya ang mata ko."

"Mata mo? Anong—hindi kita maintindiha Ethina ah? Anong nangyari sa mata mo?"

"Nakita ko Jenina, nakita ko." Taranta kong sabi.

"Anong nakita mo? Sandali? OMG Ethina? May nangyari sa inyo ni Sir Sanjun?" Rinig kong sigaw ni Jenina.

"Tungak, hindi. Ano ka ba, hello fake ang kasal, ano ako prostitute na isusuko ang virginity ko? No way!"

"Ang taray, eh anong nakita mo?"

"Yung ano...yung...ano niya...eh kasi aksidente ang nangyari, naliligo ako tapos—" Hindi na ako pinatapos ng babaita at kinilig na. Naningkit na lang ang mata ko sa reaksyon niya.

"Gosh Ethina! Anong size?" Nagtaka naman ako sa tanong ni Jenina.

"Size? May size ba 'yun? Ano yun panty at bra na may size?"

"Tungak, ano?—" Hindi ko na narinig ang sinabi ni Jenina ng dumating si Sanjun. Nakabihis na ng white t-shirt na may strife at pantalon habang nagpupunas ng buhok niya.

"Osya Jenina, maya na lang! Bye!" Bulong ko sa phone ko tsaka pinatay. "Sanjun." Tawag ko sa kanya ng papunta na siya sa taas. Huminto naman siya at nilingon ako.

"Let me clear this to you. Aksidente ang nangyari, wala akong pagnanasa sa katawan mo at wala akong nakita okay?" Marahan kong sabi habang siya masama lang ang tingin sa akin.

Iniwas na niya ang tingin niya sa akin.

"Sandali," pigil ko ulit. Huminto siya ulit at nilingon ako ng may masamang tingin. "Ano bang size niyan?" Tanong ko sa kanya habang nakangit ng nakakaloko. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya tsaka dali-daling umakyat sa taas. Tawa naman ako ng tawa sa naging reaksyon niya.

"Pero sandali, nakita niya rin kaya ang katawan ko? Gosh! Ang dibdib ko?"

avataravatar
Next chapter