26 "For a Date?"

Chapter 26. "For a Date?"

Ethina's POV

"Rule number 8, mag-resign ka na kay Shawn."

"Ano?" Nagtataka akong napalingon sa kanya, nakita ko namang seryoso siya habang nakatingin sa akin at pansin ko rin ang nakakuyom niyang mga kamay sa gilid niya. Nabalik ang tingin ko sa mukha niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Mag-resign ka na! Hindi pa ba sapat yung sweldo mo bilang asawa ko?" Sigaw niya, lumapit ako sa kanya, sa harap niya.

"Bakit? At anong gusto mo? Pagsilbihan kita? Tratuhin mo akong alila mo? Sanjun, kung hindi naman magiging makatao ang ipapagawa mo akin at kung ituturing mo ako na akala mo kabilang na ako sa category ng mga mababang species, wag na lang. Sayo na 'yang 100k mo kada-buwan. Ano? Gusto mo bang tapusin ko na 'to? Maghiwalay na tayo. Magiisang buwan naman na eh, kaya ayos naman na siguro para pagtakpan yang kapalpakan mo." Sunod-sunod na sambit ko rito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter