27 "Changes of Heart"

Chapter 27. "Changes of heart"

Ethina's POV

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya. Hindi maipinta ang mukha ko at tahimik lang sa loob ko ng kotse. Naiinis kasi ako, hindi ko siya maintindihan. Para siyang baliw, bipolar, may saltik lahat na. Minsan matino, minsa naghahasik naman ng lagim. Hindi ko siya maintindihan sa ugali niya, sa mood niya at sa kinikilos niya. Naku baka talaga baliw ang isang 'to.

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho siya, tahimik lang din siya katulad ko. Habang nagkatingin ako sa labas, nabaling ang tingin ko sa side mirror, pagtingin ko nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Inambahan ko siya at agad naman niyang iniwas ang tingin. Tinignan ko siya habang nagmamaneho.

"Bakit ka nakatingin?" Tanong ko habang may paniningkit sa akin mga mata.

"Tingin? Ako? Sayo nakatingin? Di ah!" Maang-maangan niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter