28 Epilogue

Last Chapter-Epilogue

"NIKE! Don't!" Suway niya sa anak nang makitang balak nitong tumalon sa pool. He's just 3 years old for fuck's sake! Baka malunod ito.

Agad niyang binuhat ang anak nang akma na naman itong tatalon sa pool at dinala ito sa kusina kung saan abala ang kaniyang pinakamamahal na asawa sa paggawa ng meryenda nilang mag-anak.

Sa loob ng 4 na taon na buhay mag-asawa nila ni Nikki ay walang araw na hindi siya sumaya. He's just 33 years old while Nikki is 32 pero kahit minsan ay hindi niya pinagsisihan ang pagpapakasal lalo na noong ipinanganak ang kanilang panganay. Nike Liam Almuela-Madrigal at mayroon pang on the way. Nikki is already 3 months pregnant at wala na siyang mahihiling pa.

"Hey, babe. Gusto na namang tumalon ni Nike sa pool." Sumbong niya sa asawa habang buhat ang anak na biglang yumakap sa kaniya at inilagay ang mukha sa kaniyang leeg na parang nagtatago. Takot talaga ito kay Nikki.

"Ganun ba? Baby, what did I told you about jumping into the pool?" May babala sa boses ng asawa and weird as it may seems, natuturn-on siya dito at mukhang nahalata ito ng asawa dahil bahagya siya nitong pinandilatan.

"Mom, I'm big na po! I can dive na sa ocean po." Katwiran ng anak habang nakasimangot pero halatang nagpapa-cute naman. Napangiti nalang siya.

"Oh, anong nginingiti-ngiti mo dyan, Nix? Naku, sumasakit talaga ang ulo ko sa inyong mag-ama!" Nakasimangot na sabi ni Nikki bago nagpatuloy sa pagbi-bake.

"Dada? Is mommy mad?" Bulong ng anak habang tinutusok-tusok ang kaniyang pisngi. Gawain na talaga ng anak na tusukin ang kanilang pisngi kapag nagi-guilty ito.

"Kiddo, punta ka muna sa room mo. Change your clothes tapos sabay nating lambingin si mommy later." Yaya niya sa anak na agad namang nagpababa at tumakbo sa kwarto nito sa itaas. Cute kid.

Naglakad siya papunta sa likod ng asawa tyaka ito niyakap at hinalikan ang batok na nagpaigtad dito.

"Nix!" Suway nito sa kaniya nang akma na naman niyang hahalikan ang batok nito.

"Why are you calling me Nix since this afternoon? Asan na yung 'Hon'?" Nagtatampo niyang tanong habang pahigpit nang pahigpit ang yakap sa bewang nito. Lumayo lang siya ng tinampal ng asawa ang kaniyang braso.

"Naiipit ang anak ko. 'Wag mo akong yakapin." Walang emosyon nitong sita sa kaniya kaya napakunot ang kaniyang noo sa inaasta ng asawa. Kaninang umaga ay ayos naman ito ah? Nagmake love pa nga sila bago gisingin ang anak nila!

"Anak mo? Babe, anak natin! What's your problem?! Lagi ka nalang ganyan!" Tanong niya dito. Malapit nang maubos ang tinitimpi niyang pasensya! Oo nga at buntis ito at kailangan ng mahabang pasensya pero araw-araw ay ganito ito! Walang araw na lalambingin siya pagkatapos ay biglang tatarayan. Nakakasira ng ulo ang ganun pero para sa asawa ay sinusubukan niyang habaan pa ang pasensya but can't he just have a break?!

"Tinaasan mo ako ng boses? TINAASAN MO AKO NG BOSES?! Kasalanan ko ba na naiirita ako sa'yo at nag-aalala ako sa anak ko na naiipit mo na?! Lagi nalang akong ganito? Bakit nagsasawa ka na?! Sige mag-anull na tayo!" Sigaw nito tyaka umiiyak na tumakbo sa kanilang kwarto. Nag-alala siya na baka madapa ito but thanks god at nakaakyat naman ito nang ligtas.

Napa-iling nalang siya. Sa apat na taon nilang kasal ay hindi ito ang unang beses na nagkalabuan sila ng asawa pero ito ang unang beses na binanggit nito ang salitang anull. Psh, as if he would let it.

Agad niyang sinundan ang asawa sa itaas at papasok na sana siya sa kwarto nila nang mahagip ng tingin niya ang kwarto ng anak nila. Hindi ito maayos na nakasara kaya kitang-kita niya ang anak na mahimbing na natutulog. Napagod siguro sa kakalaro kanina. Pinuntahan niya muna ang anak at hinalikan ito sa noo bago sinara nang maayos ang pintuan tyaka dumiretso sa kwarto nilang mag-asawa.

Napakunot-noo siya nang makitang abala si Nikki sa pagiimpake ng gamit. Iiwan siya nito? No! Hindi siya papayag. Oo nga at nag-aaway sila pero hindi sumagi sa isip niya na makipaghiwalay. Hinding-hindi niya pakakawalan ang babaeng 12 years na niyang minamahal.

"What the hell are you doing, babe?" Natataranta niyang tanong nang makitang desidido talaga itong umalis dahil nakabihis na agad ito.

"Hindi pa ba obvious? Iiwan na kita!" Umiiyak nitong sabi na nakapagpatulos sa kaniya sa kinatatayuan. Pinaiyak na naman niya ito. Tang'na, kung hindi sana niya pinatulan ang mood swings nito ay hindi sana ito iiyak. Gusto niyang sapakin ang sarili.

Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa na napatigil sa pag-iimpake at nakatakip ang kamay sa mukha habang umiiyak. Niyakap niya ito at inalo.

"Shh, I'm sorry, baby. Please stop crying. It's bad for the baby." Bulong niya sa asawa tyaka dahan-dahan itong hiniga sa kama nila. Nagpatianod naman ito habang siya ay mabilis na ibinaba ang maleta nito tyaka tumabi ng higa sa asawa bago ito muling niyakap at nakahinga siya nang maluwag nang hayaan siya nito pero hindi naman tumugon sa kaniyang yakap.

"Baby, pansinin mo naman ako." Paglalambing niya sa asawa. Nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang dibdib kaya ramdam niya ang pag-iling nito. Ang tigas talaga ng ulo.

"Kapag hindi mo ako pinansin kakainin kita." Pilyo niyang banta at agad niyang naramdaman ang pagyakap nito sa kaniya kaya mahina siyang napatawa. Ilang minuto silang nanatiling tahimik hanggang sa tiningala siya ng asawa at hinalikan siya sa labi kaya napangiti siya.

"I'm sorry." Bulong nito habang hinahalik-halikan ang kaniyang leeg kaya bahagya siyang napatawa dahil nakikiliti siya.

Lagi silang ganito. Kapag nag-aaway ay hindi nila pinatatagal pa at agad na inaayos. Agad na naglalambingan. Ito ang buhay na pinangarap niya.

"I love you." Bulong niya habang hinahalikan ang ulo nito.

"I love you too, hon. Always. And our baby Nike and the baby in my tummy too." Nakangiti nitong sagot kaya mas napangiti siya.

Ito ang pinangarap niya. Ang buhay kasama si Nikki at ang mga anak nila. Wala na siyang maihihiling pa. Nagkamali man siya, hindi parin siya pinabayaan ng dyos at binigay parin sa kaniya ang babaeng dahilan para makompleto ang buhay niya.

"Oh, and by the way may naisip na pangalan kanina si Nike para sa magiging kapatid niya." Bigla niyang sabi nang maalala ang usapan nila ng anak kanina tungkol sa magiging kapatid nito na nasa sinapupunan ni Nikki.

"Really? Ano namang pangalan?" Nakangiti nitong tanong. Napangisi nalang siya nang maalala ang suhestyon ng anak kanina.

"Kapag babae, Peppa Pig at kapag lalaki naman daw Ben 10." Natatawa niyang sagot. Sumimangot naman ang asawa kaya mas natawa siya.

"Hindi mo talaga dapat binababad si Nike sa mga cartoons." Paninisi nito sa kaniya na nagpataas ng kilay niya. Bakit siya ang sinisisi eh ito nga ang nagbababad kay Nike noong ito ay sanggol palang.

"Magpasalamat nalang tayo at hindi na-addict ang anak natin sa horror o kung anong pa. Matakot ka nalang kapag gusto niyang ipangalan sa kapatid niya ay Valak o kaya naman Zibra o kaya-" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang takpan ni Nikki ang kaniyang bibig para pigilan siya sa pagsasalita.

"I don't even want to think about it." Nakangiwi nitong sabi nang matahimik siya.

Yeah, that would be epic at the same time terrifying. Hindi nila maaasahan ang anak pagdating sa pagpapangalan.

-End of The Monster In Me Season 1-

avataravatar
Next chapter