12 Chapter 9

Chapter 9

I WANT to taste her. Paulit-ulit na sambit ni Nixon habang pababa nang pababa ang kaniyang halik ngunit alam niya na hindi pwede. I respect her too much. Nais niyang matikman ang pagkababae nito pero mahal niya ang dalaga. I will marry her first before I own her body.

Kaya kahit mahirap ay pinigilan niya ang paggapang ng kaniyang labi papuntang kaselanan ng dalaga. Ibinangon niya ang sarili at tinitigan ang mukha ng dalaga na bakas ang kalituhan at pagnanasa sa maganda nitong mukha. Nginitian niya na lamang siya at hinalikan ang noo.

"I can't do this." Bulong niya tyaka umalis sa ibabaw nito ngunit alam na alam niya na iba ang gustong gawin ng kaniyang katawan. Kaya bago pa man siya makagawa ng bagay na kaniyang pagsisisihan ay lumabas siya ng kaniyang kwarto at pumunta sa hardin upang lumanghap ng hangin.

Ngunit kahit na nakapagpahangin na siya at kumalma na ang pakiramdam niya ay nanatili parin ang init sa kaniyang katawan at ang bukol sa kaniyang harapan ang patunay doon.

I need cold water damn it.

MAHINANG natawa si Nikki nang makita si Nixon sa hardin na sinasabunutan ang sarili habang paulit ulit na bumubulong ng mga mura.

Napailing nalang siya. Sino ba kasi ang nagsabi na tumigil siya kanina? Ani ng malandi niyang isip. Nabatukan na lamang niya ang sarili dahil doon.

"What are you doing?" Tanong niya dito nang makalapit na nang tuluyan. Agad namang tumigil ang binata sa pagsabunot sa sarili nito at ilang segundo siyang tinitigan bago umiwas ng tingin at lagpasan siya.

Napakurap naman siya nang ilang beses dahil sa nangyare.

Okay, that hurts.

GUSTONG suntukin ni Nixon ang sarili dahil ang alagang narerelax na kanina ay muli na namang nagflag ceremony nang makita si Nikki. Kaya umiwas na lamang siya at baka bigla niyang masunggaban ang napakasarap nitong mga labi.

Damn it. I think I really need a shower.

Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at pumasok sa banyo upang maligo.

Agad naman siyang nakadama ng kaginhawaan nang maramdaman ang tubig na dumaloy sa kaniyang katawan.

Yep, this is what he needs.

Pero hindi pa siya nagtatagal nang ilang minuto ay muli na naman bumalik sa kaniyang isipan ang nangyare kanina.

Her soft body, her sweet fucking scent, her delicious lips- FUCK. Marahas siyang umiling kasabay ng pagpatay niya sa shower.

Matapos magtowel ay lumabas na din siya ng banyo. Shower didn't help tho.

Maybe he needs distraction. Work.

Agad siyang nagbihis at binuksan ang kaniyang laptop upang tignan ang mga e-mails and he was right. Hindi nga siya nadistract dahil nagfocus siya sa pagbabasa sa mga e-mails na pinadala sa kaniya ng kaniyang sekretarya.

I didn't think of her for -he looks at the clock- fucking hell that was only 5 minutes?! Tinignan niya kung ilang emails ang binuksan niya at napamulagat siya nang mapagtanto na tatlo lamang iyon. Teka, ano nga bang laman ng tatlong ito?

Fine, hindi siya nagfo-focus kanina sa pagbabasa at hindi niya namamalayan ang mga binubuksan niyang mails. How can he? Lumilipad sa babaeng hindi niya alam kung saan naggagala ang kaniyang isip.

Just by thinking of her, his body started to heat up again. Damn it, Nikki. Why do you need to be so fucking hot and so fuckable?

I'm going insane. Kaya kahit katatapos palang maligo ay nagbabad siyang muli nang halos kalahating oras sa bathtub and it actually helps.

Nagbibihis na siya nang marinig niya ang tatlong mahihinang katok sa pintuan kaya dali dali niya itong binuksan kahit hindi pa siya nakakapagbihis ng pang-itaas.

Nang buksan niya ito ay ang magandang mukha ng dalaga ang sumalubong sa kaniya. Tulala ito habang nakatitig sa kaniyang katawan kaya lihim siyang napangisi.

"What do you need?" Tanong niya dito nang hindi parin ito nagsalita. Mukha namang natauhan ito at biglang nataranta habang pulang-pula ang mukha, which he finds really cute lalo na at si Nikki itong babae na kasing pula na ng kamatis ang mukha.

"A-ah ano m-may ano may niluto ako. B-baka gusto mong tikman?"

Natawa siya sa pagkautal nito. My baby is really cute. Hot-cute.

"Ofcourse i wanna taste it baby." Sagot niya habang nakatitig dito. Is it just him o mas lalo itong gumaganda sa bawat segundo?

Nikki's POV

IS IT just me o talagang ang sensual ng pagsubo ni Nixon sa bico na ginawa ko? Yung dinidilaan niya muna bago isubo tapos ay dahan-dahan iaalis sa bibig ang kutsara but in all fairness, ang hot niya habang ginagawa yun though hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa.

"What are you doing?" Hindi ko mapigilan na itanong. May papikit pikit pa kasi siyang nalalaman.

"I'm trying to seduce you." Diretsa nitong sagot na nakapagpatahimik sa akin.

"Why?" Tanong ko pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"So that we could have sex." Agad nitong sagot. Pakiramdam ko ay naginit bigla ang aking pisngi sa pagkaprangka nitong sumagot. Napansin siguro nito na natahimik ako lalo dahil bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.

He's enjoying this, I know.

"The last time I checked, ikaw ang unang umiwas na gawin... Yun." Pambawi ko pero mukhang hindi naman siya naapektuhan. In fact, mas lumapad pa nga ang ngisi niya.

"Oh, you want a reenactment? I won't avoid ravishing you this time. I promise." Pang-aasar pa nito pero pansin ko na naging husky ang boses niya nang binanggit niya yung word na 'I promise' tsk tsk.

Dahil hindi ko kinakaya ang pagka-blunt ngayon ni Nixon ay pinili ko nalang na tumayo at iwan ito sa kusina na nilalantakan ang bico na ginawa ko para sa miryenda namin.

It's funny how I was able to cook bico comfortably knowing that I was kidnapped by Nixon. Though, I had the chance to escape but I didn't because I know that, deep down, I want to be with him.

Umupo ako sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa ko sa tubig. The water is cold tho.

It's been days since I came here pero hindi ko parin nalilibot ang buong bahay sa sobrang laki nito. Mahirap na at baka maligaw pa ako, mamaya ay may mumu pala dito.

Pero hindi ko din maipagkakaila na I'm enjoying Nixon's company. Mas madali siyang pakisamahan ngayon. Noon kasi, kahit she's treating me like her queen and all, dumadating parin yung times na nakakatakot siya lalo na kapag nagseselos siya but he'll say sorry afterwards naman.

Napatigil ako sa pagiisip nang maramdaman ko na may umupo sa likod ko at niyakap ako. Hindi ko na kailangan pa na lumingon dahil pabango palang nito ay kilalang-kilala ko na.

"The water's cold." Bulong nito dahil ang haba nga naman ng binti nito at nakaupo siya sa likod ko kaya nang ininat niya ang kaniyang paa ay umabot yun hanggang tubig. Imbis na sumagot ay inihilig ko na lang ang katawan ko sakaniya at naramdaman ko na hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya napangiti na lamang ako.

Ang saya na ganito lang kami. Walang ibang pinoproblema kundi ang lamig ng tubig sa pool.

"Nixon." Tawag ko sa atensyon nito na agad naman niyang tinugon sa pamamagitan ng paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Gusto ko sanang maligo sa dagat ngayon." Pagpapatuloy ko.

"The water is cold. Baka magkasipon ka." Bakas ang pag-aalala sa boses nito. I appreciate it but I really want to swim kaya hindi ko na lamang siya inimik.

Ilang minuto kaming tahimik lamang nang marinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Fine. Let's swim." Bulong nito kaya halos mapalundag ako sa saya. Hinarap ko siya at sinunggaban ng halik. Ramdam ko na napangiti siya bago tugunin ang mga halik ko.

"Damn. Kung alam ko lang na ito pala ang kapalit sa pagpayag ko edi sana kanina pa kita pinayagan. Dun palang sa pangseseduce ko sayo kanina." Pilyo nitong sabi nang humiwalay ako sa halik nito.

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Nixon.

"Baliw. Advance ka masyado mag-isip." Sagot ko dito habang tumatayo upang pumasok sa loob ng bahay. Ramdam ko na sinusundan niya ako kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto na inuukupa ko pero di ko pa napipihit ang door knob ay hinila nito ang braso ko papunta sa kwarto niya.

"Nixon, wala dito ang mga damit ko!" Pigil ko sa kaniya dahil baka sa sobrang advance niya mag-isip ay inakala niya na nandito nakalagay ang damit ko.

"Nandito. Pinalipat ko lahat ng damit na nasa kwarto mo papunta sa silid ko, so you have nothing to worry about." Sagot niya habang patuloy ang paghila sa akin papasok sa loob.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kapag ganito si Nixon eh. Pakiramdam ko ay may binabalak ang lalaking 'to.

"Hoy lalaki! Bakit mo ginawa yun? Tyaka bakit di ko napansin na pinalipat mo ang mga gamit ko?" Tanong ko habang hinahayaan na lamang siya na hilahin ako. And he's right. Nandito nga ang mga gamit ko sa closet niya. Ayos na ayos.

"Because you're too busy fantasizing about my body." Sagot nito tyaka tumawa kaya napasimangot nalang ako. Minsan talaga hindi matinong kausap si Nixon.

"Ewan ko sa'yo. Magbibihis lang ako." Paalam ko tyaka kumuha ng isang sando at short shorts sa closet. Ang totoo ay hindi naman sa akin talaga ito. Nagulat nalang ako na may lamang mga damit na pambabae yung closet nang tignan ko dahil wala akong maisuot. It was all brand new dahil may mga pricetag pa at in all fairness kay Nixon, lahat ay signature brand at magaganda. Lahat din ay sukat na sukat sa akin. Halatang pinaghandaan ng mokong na yun ang pagdating ko.

Matapos magbihis ay lumabas agad ako ng banyo at nakita ko si Nixon na prenteng nakahiga habang nakatopless at horishit! The abs. Dzhai, pumuputok ang abs!

"Enjoying the view?" Tanong ni Nixon na nakapagpagising sa akin mula sa pagiisip ng kaniyang pinagpalang abs ngunit nang makita ko ang kaniyang mukha na halatang nagmamayabang at nakangisi nang nakakaloko ay inirapan ko na lamang siya at tumungo sa malaking salamin upang maglagay ng sunblock.

Busy ako sa pagpapahid nang maramdaman ko na may yumakap sa akin at dahil alam ko naman na si Nixon lamang iyon ay hinayaan ko na lang.

"Kahit simple lang ang suot mo ay napaka-sexy mo paring tignan." Sabi niya habang nagtititigan kami sa salamin.

Ngumiti ako bago siya harapin at hawakan ang kaniyang pisngi habang siya ay matiim parin ang titig sa akin.

"Damn, i think we need to go now before i devour you." Bulong niya tyaka ako hinila papuntang dalampasigan.

-End of Chapter 9-

avataravatar
Next chapter