10 Chapter 7

Chapter 7

TULALA lamang si Nikki sa kawalan nang may kumatok sa pinto ng kwarto kung saan siya itinali ni Nixon. Sigurado siya kung sino ang taong kumatok dahil dalawa lang naman sila sa bahay na ito. Nang bumukas ang pinto ay mas lalo niyang nakumpirma kung sino ito at ang mukha ni Nixon ang bumungad sa kaniya. Napatitig siya dito sa hindi malaman na kadahilanan. Sino nga ba si Nixon Zane Madrigal? Ano ang totoong siya? Ito bang nakikita niya ngayon na maamong mukha at halatang nahihiya o ang nakita niya kanina na parang isang mabangis na leon na handa nang manlapa?

"Dinalhan na kita ng dinner. I'm sorry kung naistorbo kita." Sabi nito habang nakayukong lumalapit papunta sa maliit na lamesa dito sa kaniyang kwarto. Nang hindi niya iyon pinansin ay lumapit sa kaniya si Nixon kaya nakaramdam na naman siya ng kaba. Mukhang napansin iyon ng binata dahil bahagya itong umatras.

"I know, what I did was unforgivable but I still wanna say sorry. I didn't mean to do that. It's just that-- nevermind." Sambit nito at akmang lalabas na nang pigilan niya ito.

"Just what? Tell me." Udyok niya dito. Hindi humarap sa kaniya ang binata at habang patagal nang patagal ang sagot nito ay mas lalo siyang kinakabahan.

"It's nothing. Forget it." Sagot nito matapos ang mahabang katahimikan at tuluyan nang lumabas at iniwan siyang mas lalong naguguluhan. She knew something was wrong and she has to find out what it is kung hindi ay baka tuluyan na siyang mawala sa sarili.

Pinili na lamang niya na matulog kesa isipin kung ano ba ang nais sabihin ni Nixon. Hindi nalang din siya kakain dahil wala siyang gana matapos ng mga nangyare.

TINITITIGAN lamang ni Nixon ang kasintahan mula sa medyo nakaawang na pinto ng kwarto nito. He can feel it, napakarami nitong tanong at natatakot siya na kapag may nalaman ito mula sa kaniyang nakaraan ay tuluyan nang masira ang lahat ng pinaghirapan niya. Do I have to send her away for now? Agad siyang umiling sa naiisip. No, he won't let her go. Marami pa siyang araw para ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa then everything will be back to normal.

"You are mine. I won't let you go." Bulong niya tyaka maayos na isinara ang pinto nito bago nagtungo sa sariling kwarto. Nang makahiga ay nilabas niya ang phone at tumawag sa kaniyang kaibigan na naka-ilang ring lamang ay sumagot agad kaya napagiti sia.

[Fuck you man, siguraduhin mo na worth it itong paggising mo sa akin kasi tangina babarilin talaga kita kapag kagaguhan lang ang sasabihin mo.] Reklamo ng nasa kabilang linya kaya bahagya siyang napatawa at napa-iling.

"I need your help. About Nikki." Sabi niya agad sa kaniyang pakay. Alam naman niya na tutulungan siya ng kaibigan and beside, kaunting tulong lang naman ang kaniyang kailangan.

[At ano naman ang kapalit, Madrigal?] Nanghahamon nitong tanong base na din sa tono nito. Napaisip siya bigla dahil dito. Paano nga ba niya nakalimutan na hindi pwedeng walang kapalit kapag nanghihingi siya ng tulong sa mga kaibigan? Hindi niya napigilan mapangisi nang may naalala.

"How about one of Nikki's friend, Alrice? She's your type right Axel?" Nakangisi niyang tudyo sa kaibigan at mas lalo siyang napangiti nang hindi agad ito nakasagot sa kabilang linya. Hindi sa gusto niya talagang ipamigay ang kaibigan ng dalaga dahil kahit papaano ay isa na rin ang mga ito sa mga pinahahalagahan niya. Alam niya naman na maaalagaan nito si Alrice nang maayos.

[Fuck you Madrigal, Fine, I'll help damn it.] Sagot nito at narinig niya ang pagbangon nito sa kama nito. Mukhang natutulog na nga ito nang kaniyang tawagan, anong oras na din kasi. Napangiti nanaman siya matapos niyang masabi ang kaniyang plano dito.

"Get ready baby dahil sisiguruhin ko na magtatagumpay ako na mapasakin kang muli bukas."

NAGISING si Nikki nang maramdaman na parang may humahaplos sa kaniyang pisngi at nang makita kung sino ang gumagawa nito ay agad siyang napaatras sa gulat pero hindi siya nito hinayaan na makalayo nang tuluyan dahil bigla siya nitong hinapit palapit sa kaniya bago biglang ibinaon ang mukha sa kaniyang leeg.

Kung noon ay sanay siya na ginagawa ito ng binata sa kaniya at madalas ay sobra siyang kinikilig kapag ginagawa iyon nito iyon sa kaniya, pero ngayon, pagkatapos ng mga nangyare ay takot ang nananalaytay sa buo niyang sistema at mukhang napansin iyon ng binata dahil bahagya itong lumayo at tinitigan siya nito at kung hindi siya nagkakamali ay may naaninag siyang lungkot sa mga mata nito.

"I'm sorry if I scared you. Nasanay lang ako na kapag nagigising ka at katabi mo ako ay yayakap ako sa iyo. I won't do it again. I promise." Sabi nito tyaka tumayo at lumabas ng kwarto. Parang naguilty tuloy siya pero masisisi ba siya nito pagkatapos ng nangyare? Tatayo na sana siya para mag-ayos nang biglang bumukas ang pinto at sumilip muli ang ulo ni Nixon kaya bahagya siyang natigilan.

"Uh, I bought a dress. For you. Wear it, may pupuntahan tayo. I'll wait for you." Sabi nito tyaka muling isinara ang pinto. Bigla naman dumako ang kaniyang mata sa malaking box na nasa sofa ng kaniyang kwarto. Sa isipin na ito ang dress na tinutukoy ni Nixon ay agad niya itong nilapitan at hindi nga siya nagkakamali dahil nang buksan niya ang takip nito ay bumungad sa kaniyang harapan ang isang napaka-elegante na dress pero simple lang naman ang ayos nito at napakaganda. Tantya niya ay kasyang-kasya ito sa kaniya kaya agad na siyang naligo at nag-ayos. Nang maisukat niya ang dress ay tama nga ang kaniyang hinuha dahil saktong-sakto ito sa kaniyang sukat. Pinili niya na ilugay nalang ang kaniyang natural na wavy na buhok at sinuot ang heels na hindi naman kataasan ang takong na kasama sa malaking box. Nang maayos na ang kaniyang itsura ay naisipan na niyang lumabas ng kwarto at bumaba kahit hindi niya alam kung saan pupunta. Bahala na.

Habang bumababa ng hagdan ay nakita niya agad si Nixon na naghihintay sa ibaba ng hagdan at parang hindi ito mapakali dahil pabalik-balik itong maglakad habang panay ang himas sa kaniyang mga kamay at nang makita siya nito ay para itong nakahinga nang maluwag. Siya ba ang hinihintay nito? Agad lumapit sa kaniya ang binata at nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin pero pinili na lamang niyang tugunin ang yakap nito kesa ang itulak dahil ayaw niyang makita muli ang lungkot sa mga mata nito. Nang humiwalay sa pagkakayakap ang binata ay maaliwas ang mukha nito. Mukhang siya nga ang dahilan ng saya nito ngayon.

"Akala ko hindi ka na bababa. Thank you baby." Nakangiti nitong sabi at gusto man niyang itama ang pagtawag nito sa kaniya ng baby ay hindi na niya ginawa. Ayaw niyang sirain ang araw nito.

"Saan ba ang punta natin?" Tanong niya nang palabas na sila ng bahay. Hindi naman siya sinagot ng binata at nagulat siya nang bigla siya nitong pangkuin.

"Baka mapasukan ng buhangin ang sapatos na suot mo." Sabi nito habang buhat-buhat siya at hindi niya mapigilan ang hindi pamulahan ng mukha dahil sa hiya. Sa lahat ng nangyare ay hindi parin pala nawala ang pagiging maalaga nito sa kaniya and honestly ay nagustuhan niya iyon. So my Nixon is still there. Napailing nalang siya sa naisip. My? Hindi na sa kaniya ang binata. Imbis na magisip ng kung anu-ano ay mas pinili na lamang niyang tanawin ang magandang dagat habang buhat siya ng binata. Nakakarelax ang pagtingin dito kaya hindi niya napigilan ang mapa-ngiti not knowing na nakatitig sa kaniya ang binatang bumubuhat sa kaniya at nakapaskil sa mukha nito ngayon ang isang tagumpay na ngiti.

"I got you now." Bulong nito na hindi niya narinig dahil busy siya na titigan ang kabuuan ng dagat.

-END OF CHAPTER 7-

avataravatar
Next chapter