9 Chapter 6

Chapter 6

HINDI alam ni Nikki kung matatawa ba siya o mapapailing dahil sa ginagawa ng binata. Kakatapos niya palang magluto at heto nga't hindi pa nailalapag ang almusal ay lumalantak na ito. Parang gutom na gutom ito at tyaka niya lamang napansin na parang pumayat ito mula noong paghihiwalay nila noong isang araw. Ang bilis naman ata nitong mangayayat?

"Hindi ka ba kumakain sa tamang oras? Ang payat mo. Mas payat ka na sa akin." Asar niya dito. Agad namang tumigil sa pagkain ang binata at parang nahihiyang uminom ng tubig.

"When you broke up with me, I haven't eaten my breakfast and lunch because I thought we will have a date. I mean, a proper date where we will do food trips again. That's why I starve myself but hindi pala yun ang plano mo." Bakas ang kalungkutan sa boses nito. Wait, so does thar mean na wala talaga itong matinong kain? Dahil sa nalaman ay agad niyang kinuha ang fried rice at pinuno muli ang pinggan ng binata at iniumang sa bibig nito ang bacon na may kasamang kanin. Nakatitig lamang sa kaniya ang binata na parang may ginawa siyang isang napaka-amazing na bagay.

"What? Eat." Sabi niya nang halos kalahating minuto na siya nitong tinititigan. Para namang natauhan ang binata at nagtataka siyang tinignan na parang nagtataka sa inaakto niya.

"Sabi mo hindi ka kumain ng lunch at breakfast mo noong araw na yun hindi ba? And I assumed that you haven't eaten anything since yesterday too because... I know you." Sabi niya at muling inilapit ang kutsara sa bibig ng binata. This time, ngumiti na ito at parang tuwang-tuwa na sumubo sa kutsara.

Kung titignan sila ngayon ay larawan sila ng isang masayang magkasintahan. Pero alam niya na hindi na sila ganun. Kahit anong mangyare ay hindi non mababago ang katotohanan na wala na sila at kaya lamang siya nag-stay ay dahil sa awa sa binata. Awa nga ba?

Napailing na lamang siya at muling sinubuan ang binata na tuwang-tuwa at magana naman na sumusubo. Nang matapos ang kanilang agahan ay dumiretso sila sa sala at doon nagpatunaw ng kinain habang nanonood ng The Notebook. Yeah, it's an old movie but its greatness never gets old.

Naka-unan ang binata sa kaniya habang siya ay sinusuklay ang buhok nito nang marinig niya ang tanong nito.

"The doors are unlocked but you didn't escape. Why?" Tanong nito habang nakatutok ang mata sa pinapanood.

Alam niya ang sagot. Dahil naawa siya sa kalagayan nito kanina. Pero kung sasabihin niya iyon ay paniguradong masasaktan niya ito and for some reason ay ayaw niya itong masaktan lalo na kung dahil sa kaniya.

"Because I know you need me." Sagot na lamang niya at hindi na dinagdagan pa dahil baka magtanong pa ito nang magtanong.

"Yes, yes I do need you." Sang-ayon din nito kaya napatingin siya dito. Ibang-iba ito ngayon sa lalaking nanakit sa kaniya. Kanina niya pa iyon sinasabi sa sarili pero hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala. Parang sa isang iglap ay ibang tao na ang kausap niya.

"Nixon..." Hindi niya mapigilan na maiusal at nang lumingon ang binata ay nakakunot ang noo nito.

"It's babe." Pagtatama nito na agad niyang ikina-iling. Babe? No.

"We're not together already, remember? We broke up." Pag-papaalala niya dito dahil baka nakalimutan nito na wala na sila dahil lamang maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa but she knows that hindi naman talaga nito iyon nakalimutan. Nixon is not the type of guy that easily forgets.

"I never agreed on this break up thing. So technically, tayo parin." Sagot nito kaya napa-buntong hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito na ayaw na nga niyang pumasok sa isang relasyon kasama ito. Masyado siyang nasasakal at nasasaktan. Sure, she loves Nixon but that doesn't gave him the right to hurt her and control her life.

"Nixon--" Balak sana niyang ipaintindi sa binata na kahit anong mangyare ay tapos na sila at hindi ibigsabihin na nanatili siya ay nagkaroon na sila ng tyansa. Hindi, hindi naman ibigsabihin na maayos na sila ay kakalimutan na niya ang nangyare. Sure, it's easy to forgive, but it will always be hard to forget the pain. Yung sakit na dinulot nito sa kaniya. Ngunit 'di pa niya natatapos ang pagsasalita ay bumangon na ito mula sa pagkakahiga sa hita niya at iniwan siya sa sala. Napabuntong hininga na lamang siya at naisipan na sundan ito.

"Nixon, intindihin mo naman sana ako." Pakiusap niya habang hinahabol ito papunta sa kwarto nito pero napatigil siya nang bigla itong tumigil, buti at hindi siya tumama sa likod nito.

"I already said I'm sorry. Ano pa ba? Gusto kong bumawi sa nagawa ko pero parang hindi mo ko hinahayaan. " Bakas sa boses nito ang kalungkutan at ayaw niya yun pero mas ayaw naman niya itong paasahin na baka meron pa silang pag-asa.

"Nix. Pwede ka namang bumawi pero hindi para magkabalikan tayo, pwede naman tayong maging magkaibigan eh." Suyo niya dito ngunit parang wala sa kaniya ang atensyon ng binata dahil nakatungo ito at parang may pinipigilan. Nang dumako ang tingin niya sa mga kamay nito ay awtomatiko siyang napaatras dahil napakahigpit ng pagkakasara non at nanginginig pa ito na parang may gustong gawin ngunit pilit nitong pinipigilan.

"I said, I never agreed to this break up. So we're still together." Madiin nitong sabi at bakas ang panganib sa bawat pagbigkas nito ng salita na parang sinasabi na kapag sumalungat pa siya ay sasaktan siya nito muli. Kaya para pakalmahin ito ay hinawakan niya ang braso nito pero agad iyong iwinaksi ng binata at tuluyang pumasok sa kwarto at pabalibag na isinara ang pinto. Ilang segundo lang ang lumipas ay narinig niya ang pagkabasag ng mga bagay sa loob kaya hindi niya mapigilan ang hindi mag-alala para sa kalagayan ng binata kaya kahit natatakot ay pinilit niyang buksan ang pinto na buti na lang ay hindi naka-lock.

Nakita niya ang binata na ibinato ang hawak na frame at biglang sumubsob sa gilid ng kwarto habang nakasabunot sa sarili at mabilis ang paghinga na parang hirap na hirap kaya mabilis niya itong nilapitan at umupo sa harap nito. Agad naman nagtaas ng tingin ang binata at bumakas ang pagkagulat sa mukha nito na agad napalitan ng takot na ilang sandali lang ay napalitan ng galit. Biglang nanlisik ang mata nito at hinablot ang kaniyang braso na nagpakaba sa kaniya nang todo. Ang mukha nito ngayon ay ang mukha ng lalaking nanakit sa kaniya.

"Ang tigas ng ulo mo ano? Pumasok ka pa talaga dito. Tsk, tsk bad girl. Alam mo ba ang ginagawa sa mga matitigas ang ulo na kagaya mo?" Bulong nito at halos kilabutan siya sa lamig ng boses nito.

"N-Nixon.." Nanginginig niyang pigil dito nang bigla nitong halikan ang leeg niya kasabay ng pag-atake ng takot sa kalooban niya. Anong balak nito?

"Nixon, please, stop!" Pigil niya nang akmang hahawakan nito ang kaniyang dibdib. Tinignan naman siya ng binata at parang tuwang-tuwa ito na makita ang takot sa mukha niya. Ngumisi nang mala-demonyo ito tyaka inilapit ang mukha sa kaniya kaya sa isipin na hahalikan siya nito ay agad niyang itinagilid ang mukha. Narinig niya na tumawa ito sa ginawa niya kaya hindi niya mapigilan ang umiyak, natatakot siyang tignan ito sa mukha dahil pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin at kamuhian na niya ito nang tuluyan.

Ito ba? Ito ba ang taong minahal niya nang isang taon? Ito ba ang dahilan kung bakit pinakawalan niya ang tyansa niyang makaalis sa lugar na ito?

"Don't worry, I'll be gentle." Bulong nito tyaka tumawa muli. Mas napaiyak siya nang bigla nitong punitin ang t-shirt na suot niya.

"Look at me while I pleasure this delectable body of yours." Bulong nito pero hindi siya tumingin at pumikit lang at nang lumipas pa ang ilang segundo ay sapilitan siya nitong ipinaharap sa kaniya at nang magtama ang mga tingin nila ay biglang natigilan ito.

"P-please... Stop." Paki-usap niya dito habang patuloy sa pag-iyak. Bigla namang tumayo si Nixon at agad siyang kinumutan kapagkuwan ay tumalikod at biglang sinuntok ang pader. Wala naman siyang magawa kundi ang mas ipalibot sa katawan niya ang kumot at humagulgol na lamang.

-END OF CHAPTER 6-

avataravatar
Next chapter