7 Chapter 5

Chapter 5

NAGISING si Nikki na parang may nakadagan na mabigat na bagay sa kaniyang tyan at nang kaniyang tignan ay ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makita si Nixon sa tabi   niya at mahimbing na natutulog habang nakayakap sa kaniya at doon niya lang napansin na wala na ang pagkakatali sa kaniya at ang unang bagay na pumasok sa kaniyang isip ay ang tumakas. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Nixon na nakayakap sa kaniya at nang matagumpay niya iyong naalis ay agad siyang bumangon at walang pagdadalawang isip na tumakbo palabas ng kwarto.

Habang nagmamadali sa pagbaba ay napansin niya kung gaano kalaki ang bahay na pinagdalhan sa kaniya ni Nixon pero wala na siyang panahon na i-appreciate ang ganda nito dahil anytime ay pwedeng magising ang binata dahil mataas na din ang sikat ng araw.

Hindi naman siya nahirapan hanapin ang labasan dahil nang pihitin niya ang pinto na malapit sa may hagdanan ay hindi iyon naka-lock at nakumpirma niya na iyon nga ang front door.  Agad siyang tumakbo palabas at napatigil nang imbis na semento ay buhangin ang kaniyang natapakan at sa hindi kalayuan ay makikita ang napakagandang dagat. Saan siya dinala ni Nixon?

Wala siyang makita na ibang tao na dumadaan. Parang isang private property ang lugar na yun at wala siyang ibang choice kundi ang humingi ng tulong gamit ang kaniyang cellphone pero nang kapain nya iyon sa bulsa ng kaniyang dress ay wala na doon ang kaniyang phone. Hindi kaya naiwan niya iyon sa kwarto na pinagdalhan sa kaniya? Kung babalik siya paano kung gising na si Nixon at kasalukuyan na siyang hinahanap sa loob? Pero kung hindi naman siya babalik ay paano siya makakaalis sa lugar na ito? Kailangan niyang makatawag ng tulong.

Kaya kahit na kinakabahan ay dahan-dahan siyang bumalik sa bahay na iyon. Maingat siyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto kung saan siya dinala ng binata- sinisigurado na sa bawat hakbang ay wala siyang malilikhang ingay. Ganun na lamang ang gaan ng loob niya nang makitang mahimbing parin ang tulog ng binata kaya wala na siyang sinayang na oras, agad na niyang hinanap ang cellphone at hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya agad iyon sa side table ng kama.

Agad na niya iyong kinuha at akmang aalis na nang mapatigil at bigla siyang atakihin ng kaba nang marinig ang boses ni Nixon.

"T-Tama na papa please tama na po. I'll be a good boy, hindi ko na po kayo susuwayin ulit I'm sorry, I'm sorry! I'll be a good boy please don't leave me! Katherin, no! 'Wag mo din akong iwan nagmamakaawa ako! Nikki, babe, no please don't. Ayoko nang iwan ulit hindi ko kakayanin kung pati ikaw. Babe, please no!"

She literally frozed. Nananaginip lang pala ito at nang tignan niya ang binata ay pabiling-biling ito sa higaan habang pawis na pawis at hilam ang  mukha sa luha. Parang takot na takot ang itsura nito, the same face she saw when he choked her and right at that moment ay parang nawalan siya ng lakas na tumakas sa kalagayan ng binata. How can she leave if he's like this?

Dahan-dahan ay lumapit siya sa binata na hanggang ngayon ay sumisigaw parin at nagmamakawa na huwag siyang iwan. Ramdam na ramdam niya ang lungkot nito base palang sa sinasabi nito? Paano pa kaya kung malaman na niya ang buong istorya sa likod ng panaginip ng binata? Ngayon lang niya na-realize na wala pa silang napagku-kwentuhan tungkol sa personal nilang buhay ng binata sa haba ng panahon na naging sila.

Nang makalapit sa binata ay dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha nito at masuyong hinalikan ang pisngi bago halikan ang ulo nito pagkatapos ay niyakap niya ang binata.

"I'm not going to leave. I won't, I promise." Bulong niya sa binata at para iyong magic word na agad na nagpakalma dito at bumalik sa mahimbing na pagtulog. Hindi man niya maintindihan ang kinikilos ng binata ay sigurado siya na may mali at kung ang pananatili niya sa tabi nito ay para sa ikakabuti ng binata ay handa siyang manatili kahit na maikling panahon lamang. I won't leave. Not now.

NAPABALIKWAS SI NIXON ng bangon at halos magwala siya nang ma-realize niya na mataas na ang araw at wala si Nikki sa tabi niya, hindi din pala niya na-lock ang mga pinto dahil hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Did she leave him? Ofcourse she did! Pagkatapos ng ginawa niya dito ay baliw lamang ang mananatili sa tabi niya.

Nakalayo na kaya ito? Paano ito makakauwi? Sa naisip ay parang bigla siyang nabuhayan ng loob na nasa paligid parin si Nikki dahil wala namang bangka sa paligid at walang nakatira sa isla na ito maliban sa kaniya. Pero agad ding nawala ang pag-asa na iyon nang mapadako ang tingin niya sa side table kung saan niya inilapag ang cellphone ng kasintahan at wala na ito doon ngayon. Mukhang kinuha iyon ng dalaga para makahingi ng tulong tutal ay may signal ang area na ito ng isla.

He's certain that she won't come back. Sigurado siya na muhing-muhi na ang dalaga sa kaniya. That was his last card. His last bet for his life, but he screwed it up. Bigtime. And now, she's gone. Hindi niya namalayan na may mga luhang tumutulo sa kaniyang mata kung hindi lang niya naramdaman na may pumatak sa kaniyang kamay. Napahilamos nalang siya sa kaniyang mukha sa sobrang frustration. Kahit lugong-lugo ay pinilit niyang lumabas sa kwarto at gusto niyang maglasing ngayon. Gusto niyang makalimot. Kailangan din niyang mag-isip ng paraan kung paano niya makukuha muli ang dalaga.

Pagbaba niya sa hagdan ay pupunta na sana siya sa mini-bar niya nang may maamoy na pagkain. Foods? Pero imposibleng mga katiwala niya iyon dahil alam ng mga ito na nandito siya at alam ng mga ito na kapag nandito siya ay gusto niya lamang mapag-isa and he's certain that he's not cooking any foods because first, kakagising niya lang and second, wala siyang ganang gumawa ng kahit ano maliban sa pag-inom. Could it be... Nikki?

Sa isipin na nandito parin ang dalaga at nagluluto ng pagkain ay parang may isang baranggay na nagrarambulan sa kaniyang tyan at sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Dali-dali siyang pumunta ng kusina at parang tumigil ang mundo nya nang masilayan niya ang isang napakagandang babae na abalang-abala sa pagluluto habang suot ang kaniyang t-shirt na bumagay dito. Parang mas bagay pa nga ang damit niya dito.

Mas nakumpirma niya na si Nikki nga ang babaeng iyon nang bigla siya nitong lingunin at bigyan ng isang matamis na ngiti and it feels like his heart just fell. He missed her smile.

"You're here." Hindi parin siya makapaniwala na nandito ang dalaga at binibigyan siya ng isang matamis na ngiti. Is he dreaming? Dahil kung nananaginip nga siya ay mapapatay niya ang kung sino man ang gigising sa kaniya.

"Mabuti at gising ka na. C'mon, breakfast is ready." Malambing nitong sabi at bigla itong natigilan kaya napakunot ang noo niya. Natauhan na ba ito ngayon? Galit na ba ito ngayon sa kaniya? Sa isipin na iyon ay nilukob siya ng takot pero nawala din iyon nang magsalita ang dalaga.

"Sorry, hiniram ko iyong t-shirt mo at boxers kasi nagshower ako kanina at wala akong pamalit." She sounded so apologetic and she looks so cute.

"I-it's okay. If you want you can wear all my clothes!" Hindi niya alam pero para siyang natataranta habang nagsasalita, natatakot siya na mabored ito sa kaniya kaya agad siyang nag-isip ng pwedeng niyang masabi nang marinig niya ang paghagikgik ng dalaga.

"You look funny." Nangingiti nitong sabi sa kaniya at pakiramdam niya ay parang gusto niyang magpalamon sa lupa sa sobrang hiya pero sa isiping ngumingiti at tumatawa na muli ang kasintahan dahil sa kaniya ay tiniis niya ang nararamdaman.

"Are you blushing?!" Tumatawang tanong ni Nikki habang nakaturo sa kaniya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Stop it." Naiinis niyang suway pero sa totoo lang ay natutuwa siya sa nangyayare ngayon. Nikki is smiling brightly at him. Kabaligtaran sa Nikki na umiiyak kagabi at may takot na nakatingin sa kaniya.

Tumatawa ito na parang hindi niya ito sapilitang isinama at parang nasa isang simpleng bakasyon lamang sila.

Nang bumalik ito sa niluluto na nalaman niyang fried rice and bacon pala at may nakita din siyang itlog sa counter top, agad niya itong niyakap mula sa likuran at isinubsob ang mukha sa leeg nito. She smells so nice. Naramdaman niya na natigilan ito kaya mas hinigpitan niya ang kaniyang pagkakayakap at bumulong dito.

"Thank you for staying."

"I won't leave you." Sagot nito na nagpangiti sa kaniya at hindi na niya napigilan ang sarili at iniharap niya ang dalaga sa kaniya at masuyo itong hinalikan na agad namang tinugon ng dalaga.

Baliw nga lang ang mananatili sa tabi niya, at sa tingin niya ay baliw nga ang dalaga. At baliw din siya dito.

-END OF CHAPTER 5-

avataravatar
Next chapter