6 Chapter 4

Chapter 4

NAALIMPUNGATAN si Nikki nang maramdaman niya na may nakatitig sa kaniya at hindi nga siya nagkakamali dahil nang magmulat siya ng mata ay nasa isang napakalambot na kama na siya at nasa isang hindi pamilyar na kwarto at nang dumako ang mata niya sa sofa hindi kalayuan sa kama ay nakita niya si Nixon na matamang nakatitig sa kaniya kaya agad siyang napabalikwas ng bangon.

Anong ginagawa niya sa iisang kwarto kasama ang ex niya? Ang natatandaan niya ay pagkatapos niyang makipag-break sa binata ay dumiretso siya sa bar na madalas nilang pagtambayan ng mga kaibigan at doon ay nalasing siya, pero ang natatandaan niya ay nakalapit pa siya sa kaniyang sasakyan. Anong nangyare?

"Are you done reminiscing what happened?" Tanong ni Nixon na hanggang ngayon ay prente parin na nakaupo sa sofa at nakatitig sa kaniya habang may ngisi sa mga labi pero makikitaan ng kaseryosohan kung mapapatingin sa mga mata nito. Para itong isang mabangis na hayop na binabantayan ang hapunan nito na mawalan ng depensa at ang kawawang hapunan na yun ay siya.

"Bakit ako nandito? Nasaan ako?!" Tarantang tanong niya at hindi niya mapigilan na mataranta nang makarinig ng waves na parang nanggagaling sa dagat. Akmang tatayo siya upang kumpirmahin ang hinala ngunit nakatali pala ang kaniyang dalawang kamay at paa na pumipigil sa kaniya sa paggalaw. Sinubukan niyang tanggalin ito gamit ang paghila sa kamay niya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali dito.

"Don't waste your strenght. Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakaalis diyan so I suggest, be a good girl kung gusto mong kalasin ko ang pagkakatali sa'yo." Sabi ni Nixon bago tumayo at lumapit sa kamang kinahihigaan niya kaya agad siyang napaupo at pinilit ang sarili na makaiwas dito.

Muntik na siyang mapasigaw nang hawakan nito ang kaniyang pisngi.  Akala niya ay sasampalin siya nito muli pero masuyo lang na hinawakan ng binata ang kaniyang pisngi at parang takot na takot itong masaktan siya. Kabaligtaran sa Nixon na sumampal sa kaniya noong isang araw lamang at sa hindi malamang kadahilanan ay agad siyang kumalma at naging kumportable agad ang kaniyang lagay sa binata.

"Why did you have to tie me like this Nixon?" Naghihinakit niyang tanong sa binata. Para namang natigilan ang lalaki at agad na humiwalay sa kaniya.

"M-magaling na ako. M-magaling na ako." Paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili habang sinasabunutan ang sarili at pabalik-balik sa paglalakad. Bigla naman itong huminto at nanlilisik ang mata na bumaling sa kaniya kaya todo-todo ang kaniyang kaba nang bigla itong lumapit sa kamang kaniyang kinahihigaan at bigla siyang sinakal. Sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa kaniya na pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay.

"THIS IS ALL YOUR FAULT!" Sigaw ni Nixon at kitang kita niya na nangigigil ito base na din sa ugat na lumalabas sa sintido nito. Hindi siya makapalag sa pagkakasakal nito dahil sa higpit ng pagkakatali nito sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang umiyak habang sinasakal ng lalaking kaniyang minamahal.

"N-Nixon..."  Halos pabulong niyang sambit. Nanlalabo na ang kaniyang paningin at nanghihina na siya nang biglang bitawan ng binata ang kaniyang leeg at parang napaso na biglang napalayo sa kaniya habang nanlalaki ang mata at parang hindi makapaniwala sa nagawa.

"B-baby, I-I didn't mean to-- shit. I'm sorry. I'm sorry." Natataranta nitong sabi habang siya ay ubo nang ubo habang nakahiga at pilit pinapakalma ang kaniyang puso na sobrang bilis ng tibok pero hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang pagkabasag ng boses ng lalaki kaya agad siyang napataas ng tingin at parang natigil siya sa paghinga nang makita si Nixon na nakatitig sa kaniya at tahimik na umiiyak. Kitang-kita ang pagsisisi sa mga mata nito at parang mas lalo siyang nanghina sa nakikita.

"Ano bang nangyayare sa'yo Nixon?" Tanong niya at hindi niya napigilan na mapaiyak muli nang maalala ang pagsakal nito sa kaniyang leeg.

"I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." Sagot nito tyaka pinunasan ang luha habang nagmamadaling lumabas sa kwarto na iyon. Nais niya sanang sundan ang binata pero nakatali siya at limitado lamang ang nagagawa niyang galaw.

  "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." 

  "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila."

  "I can't tell you. I can't. Alam kong iiwan mo din ako. Iiwan mo din ako tulad nila." 

Anong ibig-sabihin nito sa sinabi nito kanina? May hindi ba siya alam sa dating kasintahan?

MARAHAS na nasabunutan ni Nixon ang sarili nang makalabas sa kwarto ng dalaga. No, I can't lose her too. Hindi ko kakayanin. Dinala niya ang dalaga sa lugar na ito upang magkaroon sila ng oras na magkasama at hindi para ipakita sa dalaga ang totoong siya. Hindi pa sa ngayon.

Dumiretso siya sa mini-bar ng kaniyang bahay. Nasa Cebu sila ngayon. Nasa binili niyang isla specifically. Kailangan niyang makasigurado na hindi siya matatakasan ni Nikki kaya pinili niya ang sariling isla upang sila lamang dalawa ang nandoon. Agad siyang nagsalin ng alak sa kaniyang shot glass at agad na tinungga.

Hindi niya akalain na magagawa niyang mangkidnap ulit lalo na ng kaniyang minamahal. Ngunit sisiguraduhin niya na worth it ang kaniyang ginawa. Kahit anong pumiglas mo ay sisiguruhin ko na sa akin ka parin babagsak at kung sino man ang haharang sa mga plano ko ay hindi ako mangingiming tapusin ang kanilang buhay.

Nang maubos niya ang pang-apat na shot niya ay pumunta na siya sa kaniyang kwarto nang madaanan niya ang kwarto ng kasintahan. Para sa kaniya ay kasintahan niya parin ito dahil kahit kailan ay hindi siya pumayag na makipag-hiwalay. Nakabukas nang kaunti ang pinto nito. Hindi niya pala naisara nang mabuti sa pagmamadali niya kanina. Isasara na sana niya nang maayos ang pinto nang marinig niya ang mahihinang hikbi nito. Umiiyak siya. Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa isiping napaiyak niya na naman ang dalaga. Ang mga luha nito ang kahinaan niya mula pa noon. Naalala niya na naman ang nangyare kanina. Kung hindi pa siguro ito umiyak ay baka napatay na niya ang kasintahan.

I'm doing this for the both of us. Sinara na niya ang pinto dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at yakapin na niya ang dalaga. Tumuloy na siya sa pagpunta sa kaniyang kwarto at nahiga sa kaniyang kama kahit ang kaniyang nais ay tumabi sa dalaga pero sa sitwasyon nila ngayon, siguradong hindi iyon magugustuhan ni Nikki at baka tuluyan lamang lumayo ang loob nito sa kaniya.

ILANG oras na siyang pabiling-biling sa higaan pero hindi parin siya madalaw ng antok. Paulit-ulit na umuukilkil sa kaniyang utak ang pag-iyak ng dalaga at parang nasu-suffocate siya dahil dito. Nang hindi na niya nakayanan ay bumangon siya at lumabas ng kaniyang kwarto upang puntahan si Nikki. Nang madaanan niya ang malaking orasan sa kaniyang bahay ay alas-dos na pala ng madaling araw.

Agad siyang pumasok sa kwarto na inu-okopa ng dalaga at nang makita ang mukha nito ay agad napanatag ang kaniyang kalooban. Nikki's effect on me is no joke. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin na kahit mapayapa ang mukha ng dalaga ay parang hindi parin ito kumportable.

Marahil siguro dahil nakatali ang mga paa't kamay nito kaya agad niyang kinalas ang pagkakatali dito. Ila-lock nalang niya ang mga pintuan pagkalabas niya upang hindi ito makatakas kung sakaling magising ito. Humiga siya sa tabi nito at hinaplos ang magandang mukha ng kasintahan na laging nagpapabaliw sa kaniya sa selos tuwing may tumititig na iba. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang magselos dahil wala nang ibang makakakita pa sa dalaga kundi siya lamang.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Without locking the doors.

-END OF CHAPTER 4-

avataravatar
Next chapter