5 Chapter 3

Chapter 3

HINDI MAPIGILAN na mapaiyak ni Nikki tuwing maaalala ang huli nilang pinag-usapan ni Nixon. Ibang-iba ang lalaki sa Nixon na nakilala niya noon.

Ni minsan ay hindi siya napagbuhatan ng binata. Alagang-alaga siya nito kaya hindi niya maiwasan ma-depress dahil naguguluhan na siya. Mahal niya si Nixon pero hindi siya martyr para hayaan na saktan siya nito.

But it's just one time right?

Pilit man niyang paniwalain ang sarili ay hindi parin maitatanggi na sinaktan siya nito.

Natigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng unit niya. Is it Nixon? Sa isiping iyon ay kinabahan siya. Paano kung saktan niya ako ulit?

Dahan-dahan ay pumunta siya sa pintuan at binuksan iyon at ganun nalang ang pagluwag ng damdamin niya nang malaman na sila Akira at Alrice lang pala ang kumakatok.

"Hey, girl! You look pale. You okay?" Mababanaag ang pag-aalala sa tanong ni Alrice ngunit pinili na lamang niyang ngumiti.

"By the way, we came here to congratulate you on your first day as a model! Sorry ngayon lang ah? Wala ka bang pasok today?"

"Day off." Dahilan niya na lamang upang hindi na ito magtanong pa.

Biglang tumabi sa kaniya si Akira kaya nagtaka siya dahil ang seryoso ng mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

"May pasa ka and your eyes are swollen. Who did that to you?" Tanong nito kaya agad siyang napalayo. Shit, nakalimutan niyang magconcealer!

"It's nothing really." Sagot niya tyaka ngumiti upang effective ang kaniyang pagpapalusot ngunit halatang hindi naniniwala ang kaibigan lalo na nang gumatong pa si Alrice na nanggaling sa kusina.

"Your cheeks are swollen, Nikki." Saad nito kaya napayuko siya upang hindi na nila makita pa.

"Who did that?" Halos sabay na tanong ng dalawa niyang kaibigan. Mukhang wala siyang kawala sa dalawa at kukulitin lamang siya ng mga ito kaya napabuntong-hininga na lamang siya bago sagutin ang mga ito.

"N-nixon. But he didn't mean that!" Agad niyang depensa sa kasintahan.

Pero ang gulat na ekspresyon ng mga kaibigan ang nagpatunay na hindi nila kailangan ng kaniyang pagtatanggol dahil mababanaag sa mga mukha nila ang galit, gulat at dissapointment.

"Why? I mean, Nixon is the sweetest when he's with you." Hindi parin makapaniwalang tanong ni Alrice.

Napayuko na lamang siya dahil hindi rin niya sigurado kung magsasalita ba siya. Mukhang napansin naman ng kaniyang mga kaibigan na hindi siya makapagsalita dahil agad nila siyang inakbayan at pinaramdam dito na nandito lang sila para sa kaniya and she's thankful for that.

"Spill it, Niks." Engganyo ni Alrice kaya napahinga muna siya nang malalim at nagkwento sa mga kaibigan ang nangyare mula kahapon nang mag-almusal sila ni Nixon hanggang sa pagsampal nito sa kaniya. Nang matapos siyang magkwento ay tahimik parin ang mga kaibigan at parang ang lalim ng iniisip.

Si Akira ang unang bumasag ng katahimikan at ang sinabi nito ay halos nagpatigil sa kaniyang paghinga.

"Break up with him."

Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi nito o hindi, kung ang puso ang kaniyang pakikinggan ay siguradong hindi siya makikipaghiwalay sa binata dahil mahal niya ito at sigurado siya na kaya lamang iyon nagawa ng binata dahil sa sobra din nitong pagmamahal sa kaniya. Pero kung ang isip ang kaniyang pakikinggan ay makikipaghiwalay siya kay Nixon dahil mula bata ay naitatak na sa kaniyang isip ng mga magulang na ang mga babae ay hindi dapat sinasaktan kundi ginagalang at kahit sabihin pa na nagawa lang ni Nixon ang saktan siya dahil sa selos at pagmamahal dito ay sinaktan parin siya nito. The end does not justify the means.

"Akira's right, Nikki. Hindi tama ang ginawa ni Nixon sa'yo at kahit pa nga boto kami sa kaniya ay hindi namin palalagpasin ang ginawa niya sa'yo. Don't tell me magpapakamartyr ka para sa isang lalaki na sinaktan ka emotionally and physically?" Pangaral ni Alrice.

Hindi siya martyr but loving Nixon was the best thing that has ever happened to her at sa mga sandali na yun ay alam na niya ang gagawin. She will do the right thing.

"BABE, I'm sorry. I didn't mean to hurt you like that. Forgive me please." Agad na hingi ng tawad ni Nixon nang magkita sila sa paborito nilang cafe, ang Lu'Omorfia Cafe.

"Babe, slap me, punch me, hurt me. Gawin mo ang lahat ng gusto mo sa akin, tatanggapin ko. I know it's my fault and this fucking jealousy. I just love you so damn much and I hope you can forgive me." Dugtong nito at tyaka hinawakan ang kaniyang kamay na agad naman niyang tinanggal. Kitang-kita niya ang sensiridad sa mga sinabi nito sa kaniya ngunit buo na ang kaniyang desisyon at hindi yun pwedeng masira kaya naman sinabi na niya ang pakay niya dito bago pa siya maduwag muli.

"Let's break."

Halatang natigilan ito sa sinabi niya at parang binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang putla ng mukha nito kaya bago pa man ito makabawi ay tumayo na siya at umalis. Nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon sa bar na paborito nilang puntahan na magkakaibigan. Habang nagmamaneho ay hinahayaan niya lamang na tumulo ang kaniyang mga luha. She's in pain right now and nothing can ease the pain except the alcohol... I hope. Nang makarating sa bar ay dumeretso siya agad sa isa sa mga stool sa bar counter at um-order ng kaniyang paboritong inumin.

"One mojito please." Agad namang tumalima ang bartender sa kaniyang order at nang dumating ito ay agad niyang tinungga iyon at um-order muli ng isa pa.

"SORRY, miss." Hingi ng tawad ng isang lalaki nang mabunggo siya habang naglalakad papuntang parking kung saan nakaparada ang bagong kotse niya na binili ng kaniyang ama.

Humingi din siya ng tawad at nagpatuloy sa paglalakad kahit wala siyang halos makita sa kaniyang dinaraanan dahil sa dami ng libro at ibang mga gamit na kaniyang dala. Fucking projects.

Nagulat nalang siya nang biglang gumaan ang kaniyang mga dala at nakikita na niya ang daanan. Kinuha pala ng lalaki ang halos lahat ng kaniyang dala.

"Hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay ang mga babae. I'm Nixon by the way, same class tayo sa isang subject." Pagpapakilala ng lalaki at natigilan siya nang makita na sobrang gwapo nito. Paano niya hindi napansin ang ganito ka gwapong lalaki and to think na magkaklase pala sila.

"I'm Nikki. Nice meeting you." Nahihiya niyang pakilala.

Nakakahiya dahil pinagdala pa niya ito ng kaniyang mga gamit at alam niya na mabigat iyon pero kung dalhin ito ng lalaki ay parang wala lang ito sa kaniya at ni-hindi man lang ito pinagpapawisan dahil nakangiti pa nga ito.

"You're really beautiful, specially when you're cheeks are blushing." Sambit ng binata at nagpatuloy sa paglalakad habang siya ay natigilan at pakiramdam niya ay may apoy na ang pisngi niya sa sobrang pag-iinit nito.

NAPAILING na lamang siya nang maalala ang una nilang pag-uusap ni Nixon. Oorder pa sana siyang muli ngunit naramdaman niya ang pag-ikot ng kaniyang paligid senyales na lasing na nga siya. May pasok siya bukas sa agency na pinagtatrabahuan niya bilang model kaya hindi siya dapat malasing nang todo dahil tiyak na malala ang kaniyang hangover.

Naisipan na niyang tumayo at umuwi at kahit nahihilo ay pinilit niyang maglakad nang deretso papuntang labas ng bar at dumiretso siya sa parking lot. Nang makalapit sa sasakyan ay pinasok niya ang susi sa key hole at dahil nagdadalawa ang kaniyang paningin ay hindi niya ito mapasok nang maayos. Gusto niya sanang magsuka pero mas gusto niyang umuwi na at matulog.

Nakaheels siya kaya halos hindi na din siya makaayos ng tayo. She's a mess. Nais niyang tumawa sa naisip. Siya itong nakipaghiwalay pero mukhang siya pa ang mas miserable sa kanilang dalawa. Pathetic.

Dahil sa sobrang hilo ay muntik na siyang mabuwal nang may matitipunong braso ang sumalo sa kaniya at walang kahirap-hirap siyang binuhat. The man smells familiar. Inaantok na siya at nais na niyang magpahinga pero nagawa niyang makapagtanong sa pamilyar na lalaki.

"Where are we going?"

Matagal bago makasagot ang lalaki at nang magsalita ito ay nakumpirma niya na kilala niya ang taong may buhat sa kaniya ngayon at hindi man niya aminin, medyo napanatag ang kaniyang loob. Hindi na niya napakinggan ang sagot ni Nixon dahil tuluyan na siyang nakatulog. Not knowing that the man she trusts is full of demonic ideas at that moment.

"We're going to a place where no one can find us and no one can take you away from me. Hindi mo ako pwedeng iwan. You won't leave me until I said so because you're mine. Only mine."

-END OF CHAPTER 3-

avataravatar
Next chapter