4 Chapter 2

Chapter 2

"BABY, WHAT is that?" Muntik nang mapatalon si Nikki nang marinig ang boses ni Nixon na papalapit sa kaniya sa kusina kung saan ay nagluluto siya ng kanilang agahan.

"I cooked our breakfast. Maupo ka na dyan at patapos na ito." Sabi niya at minadali na ang ginagawa bago patayin ang kalan at isalin sa pinggan ang fried rice na niluto. Simple lang ang mga niluto niya sa umaga na iyon. Bacon, eggs, hotdog and fried rice. Tipikal na almusal.

Habang nakaupo si Nixon ay busy naman siya sa paghahanda ng plato at baso sa lamesa at ang pagtitimpla ng kape ng kasintahan. Parang napakanormal na gawain ng kaniyang ginagawa dahil parang sanay na sanay ang kaniyang katawan sa paggalaw.

"Baby, let's eat. Ngayon ang first photoshoot mo diba?" Pukaw ni Nixon na yumakap sa kaniya mula likod dahil busy siya sa pagtimpla ng kape niya.

"I'm almost done. Yes babe, it's my first day."

Nang makaupo silang dalawa ay nagsimula na silang kumain at nakakapagtaka ang katahimikan ni Nixon.

"Babe, somethin' wrong?" Tanong niya habang nakahawak sa kamay nito.

"May lalaki ba doon?" Kunot-noo nitong tanong. Napailing na lamang siya, jealous man as always.

"Maliban sa photographer ay wala na, babe. Don't worry." Sagot na lamang niya tyaka ipinagpatuloy ang pagkain pero natigil siya nang biglang hablutin ni Nixon ang kaniyang panga. Sa isang iglap ay parang hindi na niya kilala ang lalaki.

"You are mine. No one touches my property but me. Understand?" Kalmado pero seryoso at damang-dama ang kawalan ng emosyon at maawtoridad na sambit nito. Bigla ay nakaramdam siya ng takot kay Nixon dahil sa itsura at ginagawa nito.

"Answer me, Nikki." Seryoso parin na sabi ni Nixon.

Kaya kahit naiiyak ay tumango na lamang siya. Agad naman lumambot ang ekspresyon ni Nixon at masuyo siyang niyakap pero hindi niyon naalis ang kaniyang pangamba dahil sa ginawa ni Nixon. This is the first time that he did something violent towards her. He's always a gentleman when it comes to her.

"GOOD! LEAN your back a little bit- beautiful!" Papuri ng photographer sa kaniyang bawat pose.

Matapos ng nangyare kanina ay medyo hindi siya naging komportable kay Nixon kaya minadali niya ang pagkain at agad na umalis nang hindi nagpapaalam. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ni Nikki ang nangyare, kung paano siya tingnan ni Nixon at kung paano nito hawakan ang kaniyang panga na nagresulta sa pagkakaroon ng pasa na naitatago ng concealer.

"Alright, the male model please!" Biglang sigaw ni Alexander, ang photographer. Napatigil siya nang makita ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng parang belt na ewan na naka-pacross sa upper-body nito at ripped jeans lamang ang suot ngunit ang lakas ng dating lalo na sa ayos nitong bad boy look. Ngunit hindi ang matipuno nitong pangangatawan o ang mala-adonis nitong itsura ang nagpatigil sa kaniya kundi ang isipin na may makakapareha siya.

"I thought ako lang mag-isa ang magshu-shoot ngayon?" Tanong niya nang makita na palapit na nang palapit ang male model. Rude na kung rude but she really has a bad feeling about this.

"Oh, I'm sorry honey, but Jackson is a great model at nang pumayag siya na maging model namin for the cover magazine ay sakto naman na pumayag ka na din so naisip namin na pagsamahin nalang kayo tutal naman pareho kayong magaling na mga modelo, mas matagal nga lang sa iyo si Jackson sa industriyang ito." Paliwanag ng photographer na parang sinasabi na 'you don't have the right to complain 'cause you're just a newbie and this guy, right here, is a pro.'

Kaya naman wala na siyang nagawa nang tumabi na sa kaniya si Jackson- ang kaniyang magiging kapareha.

"Hi, I'm Jackson. Jackson Cross." Pakilala ng lalaki at taliwas sa ibang kilala niyang lalaki na modelo na maaangas, mahinhin ang boses ni Jackson at parang mahiyain. Parang walang confidence kung baga.

"Nikki. Nikki Jane Almuela." Pakilala niya nang makita na parang naghihintay ng sagot ang binata.

"Nikki. Nice name." Puri ni Jackson kaya ngumiti lamang siya. Magsasalita pa sana ang lalaki nang kunin ni Alexander ang kanilang atensyon at sinabing magsisimula na ang kanilang shoot at dahil sexy ang tema ng kanilang suot ay lumingkis siya kay Jackson at medyo inexpose ang kaniyang mahabang legs.

"Oh, I like it!" Papuri ni Alexander habang sunod-sunod ang pagkuha ng litrato.

Magkadakit na magkadikit ang kanilang katawan at hindi man komportable ay pinanatili niya ang seductive face at nang matapos ang kanilang shoot ay agad siyang pumuntang dressing room upang magpalit dahil hindi siya makakatagal pa nang isang minuto sa suot niya.

Nagtatangal siya ng make-up nang may kumatok sa dressing room na agad namang binuksan ng kaniyang make-up artist. Nagpresinta kasi siya na siya nalang ang magtatanggal ng make-up niya tutal ay madali lang naman iyon.

Nang tignan niya kung sino ang pumasok ay gusto niyang mapairap nang wala sa oras.

"Oh, Jackson! What are you doing here?" Tanong ng kaniyang make-up artist na si Demi.

"Hi, ahm. Is Nikki there?" Tila nahihiya nitong tanong.

"Nagtatanggal siya ng make-up. Come in." Anyaya ni Demi kaya binilisan niya ang pagtanggal ng make-up dahil nais niyang lumayo agad kay Jackson. He's no good for her.

"Hi, Nikki. I hope hindi ako ganun nakaistorbo." Halatang nahihiya nitong bati habang kumakamot sa batok at medyo namumula ang pisngi.

"No, not really. Paalis na din naman ako. Sige, bye." Paalam niya tyaka kinuha ang kaniyang gamit ngunit makulit talaga ang lalaki at talagang sinundan pa siya.

"Pauwi ka na ba? Pwede ba kitang ihatid?" Pangungulit nito habang palabas sila ng studio.

"I have a car and besides, magkikita kami ng boyfriend ko, Jackson. But thanks sa offer. It's so nice of you." Sagot niya tyaka lumapit sa nakaparada niyang kotse sa parking lot ng studio.

"Oh, you have a boyfriend?" Parang hindi makapaniwala nitong tanong. Bakas din ang panghihinayang sa tono ng pananalita nito.

"Yes, I have." Mabilis niyang sagot tyaka pinatunog ang kaniyang sasakyan at akmang papasok na siya nang pigilan siya ni Jackson at hilahin palapit dito kaya ang resulta ay napayakap siya sa binata.

"I like you, Nikki." Rinig niyang pag-amin nito kaya agad siyang kumalas.

"Jackson, what do you think you're doing? I have a boyfriend so back off." Inis niyang sambit at papasok na sana sa sasakyan ngunit humarang si Jackson sa pinto kaya binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Boyfriend palang naman diba? Then break-up with him and be with me."

Natigilan siya sa suhestyon nito hindi dahil isa iyong bright idea kundi dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Break-up with Nixon and be with him? He's not that shy after all ei?

Sasagutin na sana niya ito nang bigla na lamang itong nawala sa harap niya and the next thing she knew is nakahandusay na ito sa semento habang walang tigil si Nixon sa pagsuntok dito. Agad siyang lumapit sa dalawa upang patigilin ang nobyo sa pagsuntok dahil halos wala nang malay si Jackson.

"Oh my god Nixon, stop!" Pigil niya sa nobyo pero parang gusto niyang umatras nang bumaling ito sa kaniya. Nakakatakot ang itsura nito. He's livid. Halos mamula ang mata nito sa sobrang galit at lumalabas ang ugat nito sa leeg at sentido.

Wala siyang nagawa nang bigla siyang hilahin nito kaya habang hinihila siya nito patungo sa sasakyan ng binata ay nilock niya muna ang kanyang kotse gamit ang hawak niya.

Nang makasakay sila ay hindi muna umandar ang sasakyan. Nakahawak lang si Nixon sa manibela at kitang-kita ang higpit ng hawak nito doon.

"B-babe..." Balak niya sana itong hawakan nang mapatigil siya sa ginawa nito na never pa nitong nagagawa sa kaniya.

He slapped her.

"You lying bitch! Sabi mo walang lalaki?! I know that guy is not your photographer!" Galit nitong sigaw at wala siyang nagawa kundi ang sapuhin ang pisngi niya na namanhid sa sampal nito.

"Answer me! Who the fuck is that guy?!" Sigaw nitong muli at hinablot muli ang kaniyang panga upang makaharap sa kaniya.

"Answer me Nikki or I will kill you right here." Seryoso nitong sambit habang nakatitig lamang sa kaniyang umiiyak na mukha. Ni wala siyang nakikitang awa sa mata nito.

"H-he's nothing, Nixon. Maging ako ay nagulat nang dumating siya kanina. Believe me." Umiiyak niyang paliwanag ngunit parang mas lalong nagalit ang lalaki.

"Liar! I heard him. Ano may balak kang iwan ako para magsama kayo?! No, I won't let you. Hear me? I won't. You are mine. Mine." Sabi nito tyaka siya marahas na hinalikan.

-END OF CHAPTER 2-

avataravatar
Next chapter