26 Chapter 23

Chapter 23

LIMANG linggo na pero hindi parin nagigising si Nikki. Three weeks ago ay dineklarang comatose ang dalaga at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pagkamiss dito.

Inilipat na sa isang private room si Nikki kung saan si Alrice palang ang bumibisita mula nang maospital ito. He wondered where's Akira at sinabi naman ni Alrice na may photoshoot itong pinuntahan but he doubt it. Kilala niya si Akira, oras na malaman nitong may nangyari sa kahit sinong mahal niya sa buhay ay agad itong umuuwi may trabaho man o wala. At may hinala siya kung nasaan ito.

Naalala niya pa ang galit ni Alrice sa kaniya nang makita siya nito noong tinawagan niya ito upang ipaalam ang nangyari sa dalaga. Humingi siya ng tawad at lumuhod sa harap nito. Tinuring niyang kapatid si Alrice kaya handa siyang gawin ang lahat para patawarin siya nito at hayaang makasama si Nikki. Though pipilitin parin naman niya ang sarili sa dalaga kahit hindi siya payagan ng kaibigan nito.

Alrice forgive him pero hindi pa bumabalik ang dati nilang closeness. He can wait.

Habang nakatitig sa magandang mukha ni Nikki ay hindi niya mapigilang hindi mapaluha nang maalala ang una nilang pagkikita. It's like, the heavens smile at him that day. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng buhay ang lahat nang makilala niya ang dalaga at maging kasintahan ito.

But he waste it. Sinayang niya lahat pero hindi siya nagsisisi. Lahat ng nangyare ay may dahilan. It made him stronger and more mature. Dahil sa nangyare ay napapayag niya ang sariling magpatingin mula sa isang psychologist at therapist. Dahil sa nangyari noon, gumaling siya.

Yes, it broke her Nikki but he knows that it made her stronger too. Mas naging matapang ang dalaga at sobrang proud siya dito.

"Babe, I miss you. Please wake up, I'm waiting." Bulong niya kay Nikki habang hawak ang kamay nito na unti-unti ay gumagaling na. Sa araw-araw na nagdaan ay hindi parin siya sanay na hindi nagmumulat ng mata ang dalaga. Everyday, umaasa siyang gigising ito at araw-araw din siyang nabibigo. She so close to him yet so far.

"I know you can hear me. Kilala ko na kung sino ang gumawa nun sa'yo, babe. She's Katherin's mother. Gusto niyang maghiganti sa akin dahil sa nangyare sa anak niya. Handa akong pagbayaran ang nangyari kay Kath pero noong ikaw ang ginalaw nila, I just lost it. I destroyed her, babe. Every business and every properties she holds dear. I destroyed her, I'm sorry." Hindi niya namalayang may luha na palang nahulog sa pisngi niya kung hindi lang iyon tumulo sa kamay niyang nakahawak sa kamay ng dalaga. 

Sinabi niya sa sariling oras na gumaling siya, magbabagong-buhay na siya, na hindi na siya maninira ng buhay ng tao tulad ng ginawa niya kay Nikki at Katherin. Sinira na naman niya ang pangako niya. Nakokonsensya siya pero tuwing naiisip niya ang ginawa nito kay Nikki ay hindi niya maiwasang hindi magalit at isiping deserve nito ang ginawa niya. Even her accomplice, pinagbayad niya din ito- with the help of his cousin, ofcourse- at hindi siya tumigil hanggang sa ito na mismo ang sumuko sa mga pulis. Tita Esmeralda is now in a mental facility. Hindi nito kinaya ang ginawa niya at pakiramdam niya ay naulit lahat ng nangyari noon. Ang pinagkaiba lang ngayon, deserve nito ang mapunta sa mental facility. Kung siya ang tatanungin ay kulang pa iyon. Hindi pa iyon sapat, gusto niya pa itong pahirapan ngunit pinigilan siya ni Axel, Ashton at ng pinsan niya.

"Wake up, I'm waiting for you. Come back to me, babe." Paulit-ulit niyang bulong dito habang hinahalikan ang kamay nitong hawak niya.

"Nixon." Napabaling siya sa tumawag sa kaniya at mabilis na tinuyo ang luha nang makitang si Axel ito kasama si Ashton.

"What?" Tanong niya habang nakatalikod sa mga ito at nakatitig lang sa magandang mukha ng dalaga habang hinihintay ang sasabihin ng mga ito.

"Esmeralda took her life three hours ago." Imporma ni Ashton na nagpatulala sa kaniya. Oo, gusto niyang patayin ito pero hindi niya naisip na gawin ang naisip at hindi din niya naisip na gagawin nito ang ginawa. She's a proud woman kaya ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari ito.

"Is that all?" Tanong niya nang hindi na ito nagsalita at dinagdagan ang impormasyon na nakalap.

"No, makikikain din kami dito kaya kami pumunta. And don't worry, wala kaming nakita kanina. Hindi namin nakitang umiyak ka, promise." Sagot ni Axel habang lumalapit sa isang couch sa loob ng inuukupang kwarto ni Nikki at binuksan ang pagkain na dinala ng kaniyang sekretarya para sa kaniya.

Hinayaan niya itong lantakan ang pagkain na para sa kaniya bago binalingan si Ashton na natatawa lang kay Axel habang pinapanood itong kumain.

"Hey, I know Akira is in your hands." Sabi niya at mas nakumpirma niya ang hinala nang makitang natigilan ito. Napailing-iling nalang siya. Naalala niya noong sinabi nitong idol siya nito dahil sa pagkidnapp niya kay Nikki at sa huli ay pinatawad parin siya ng dalaga. Kung alam lang nito.

"Set her free, court her the right way and don't force her. Walang mabuting maidudulot ang pangingidnapp. Trust me, I know." Sabi niya dito pero nunkang makinig sa kaniya ang kaibigan. Sinusunod lang nito ang gusto nitong sundin.

"Bud, don't worry about me. Kung hindi umayon sa plano ko ang mangyayare, I have plan B and plan C and all the letters in the alphabeth at sisiguraduhin ko na lahat ng planong iyon ay maiinlove sa akin si Akira at ibibigay niya sa akin ang lahat ng meron siya. Heart, body, mind and soul." Sagot nito bago ito umalis.

"Cheesy." Narinig niyang komento ni Axel na tapos na palang ubusin ang kaniyang pagkain.

"That's worth 5 million dollars." Sabi niya na tinutukoy ang pagkain na inubos nito.

"Gago! 50 pesos lang naman 'to sa 7/11 anong 5 million dollars?!" Nanlalaki ang matang bulyaw nito.

"Oh c'mon, don't be an asshole and pay me. Barya lang naman ang limang milyon sa kinikita mo araw-araw." Biro niya.

"Gago! Asa ka namang babayaran kita." Nakasimangot nitong sabi. Hindi pa siya nakakasagot nang tumunog ang kaniyang telepono at nakitang nagtext si Alrice sa kaniya.

"Alrice texted me saying that she's on her way here." He informed and he saw how Axel paled kaya napangisi na lamang siya.

"I'm going now. I'll wire the 5 million on your back account." Walang emosyon nitong sabi habang nagmamadaling umalis sa kwarto ni Nikki. Napailing nalang siya. His friends' life are all fucked up. Just like his.

Tinitigan niya muli ang magandang mukha ng dalaga pagkaalis ng mga kaibigan. Yes, his life is fucked up but he's willing to welcome a fucked up life as long as he's with Nikki.

As he looked at her innocent face he closed his eyes and pray.

Dear God, I know that I have sinned at kung tutuusin ay qualified akong mapunta sa impyerno but please, hear me out. Alam kong nawalan ako ng tiwala sa inyo at kinalimutan ko kayo pero sana ay huwag niyo muna akong parusahan. Huwag niyo munang kunin ang kaligayahan ko, huwag niyo munang kunin si Nikki, nagmamakaawa po ako. Siya nalang ang meron ako at hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala siya. Please, give me back my Nikki.

-END OF CHAPTER 23-

avataravatar
Next chapter