25 Chapter 22

Chapter 22

ILANG beses nang nakakatanggap ng death threat si Nixon mula noong tumawag ang ina ni Katherin sa kaniya.

Hindi siya nag-aalala para sa sarili niya kundi para kay Nikki. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama dito at hindi niya mapapatawad ang nagpapadala sa kaniya ng mga mensahe kapag ginalaw ng mga ito ang babaeng mahal niya. Makikilala nila ang tunay na Nixon Zane Madrigal.

Ngayon ay hindi siya mapakali nang makita ang schedule ngayong araw ni Nikki at nakitang kailangan nito pumunta sa agency nito at alam niyang hindi niya ito maihahatid dahil una, nasa opisina na siya at pangalawa, may meeting siya in less than ten minutes from now. Isa pa ay ayaw niyang paghigpitan si Nikki dahil baka isipin nito ay kinokontrol na naman niya ito.

Aaminin niya, natatakot siyang iwan muli ng dalaga kapag may nagawa siyang mali kaya as much as possible ay nililimitahan niya ang sarili na angkining ganap ang dalaga pero hindi pa rin mapigilan minsang kumawala ang pagiging seloso niya kapag may napapalapit dito.

But damn it, he's sure as hell na si Nikki ang target ng nagpapadala sa kaniya dahil kung hindi tanga ang mga ito ay alam dapat nila na hindi nila basta bastang mapapabagsak ang isang Nixon Madrigal.

"Sir, some of the investors are in the meeting room already. Should I tell them that you're on your way or you will let them wait there?" Tanong ng kaniyang sekretarya sa intercom.

Pinag-iisipan niya kung iiwan niya ang kaniyang meeting para maihatid si Nikki pero kung gagawin niya iyon ay napaka-unprofessional naman niya nun at ang kaniyang mga makaka-meeting ay mga makapangyarihang businessman at kakailanganin niya ang mga ito para mas madagdagan ang kaniyang koneksyon.

"Tell them I'm coming." Sagot niya sa sekretarya bago kinuha ang telepono at tinawagan si Nikki dahil mababaliw siya kung hindi niya ito makakausap at mapatunayang ayos lang ito.

HINDI mapakali si Nixon habang sinusubukang tawagan ang telepono ni Nikki. Kinakabahan siya at parang masisiraan siya ng bait sa sobrang pag-aalala dito pagkatapos siya nitong tawagan at bigla nalang mamatay ang linya kanina.

Naibato nalang niya ang telepono nang hindi parin sinagot ng dalaga ang tawag niya. If something happens to the woman he loves, makakapatay siya.

["Hey, man, need anything?"] Tanong agad ng kaniyang pinsan nang sumagot ito.

"My girlfriend is missing. Find her. Her name is, Nikki Jane Almuela. Find her or else ipagkakalat ko ang buo mong pangalan." Pananakot niya sa pinsan. Ayaw na ayaw nito ang pangalan lalo na ang first name nito Hephaestus Trevor Madrigal, hindi din naman niya masisisi ang pinsan, papangalanan nalang siya ng ina nito sa pinakapangit pang greek god. Kaya madalas din itong pagdiskitahan ni Ashton mula nang malaman nito ang first name ng pinsan. Mas maganda at gwapo daw ang second name nito dahil pareho silang may greek god sa pangalan.

["On it, fuck you."] Sagot nito tyaka siya binabaan. Hindi na siya tumuloy sa meeting dahil mas gusto niyang malaman ang kalagayan ng babaeng nagpapabaliw sa kaniya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang muling tumunog ang kaniyang telepono at nang makitang ang kaniyang pinsan muli ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Where is she? Ayos lang ba siya? May nangyare ba? Answer me, damn it!" Sunod-sunod niyang tanong habang nararamdaman ang pusong kanina pa nakikipagrambulan sa iba niyang internal organs sa sobrang kaba.

[" Chill, noong trinack ko ang location niya ay nahanap ko siya sa isang matarik na bangin at nang alamin ko ang nangyare ay ikinwento ng mga nakakita sa nangyare na nahulog daw ang sasakyan na may nagmamanehong isang babae sa isang bangin pagkatapos nitong magpagewang-gewang at nadala na sa ospital ang babaeng sakay 'nun. Now, leave me the fuck alone. I was having the best blow job of my life when you called, fucker. I'll text you the address of the hospital."] Imporma nito bago siya babaan.

Siya naman ay hindi mapigilang magdilim ang paningin sa nalaman. May ideya na siya kung sino ang may kagagawan sa nangyare kay Nikki at kapag napatunayan niyang may kinalaman ito, pagbabayarin niya ito hanggang sa impyerno.

Nang matanggap ang address ng Hospital na pinagdalhan kay Nikki ay agad siyang umalis sa opisina at pinaharurot iyon papunta sa babaeng mahal niya. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya ang taong kaniyang pinaghihinalaan. Mas nagdilim ang kaniyang paningin nang sagutin ng nasa kabilang linya ang kaniyang tawag at sumalubong ang tawa ng babae na para bang nangiinsulto.

["The bastard called me? Oh my god, that means my mens were successful of getting rid of the bitch, afterall. I should give them a reward."] Sambit nito na kaya napahigpit ang kapit niya sa manibela upang pigilan ang sariling bulyawan ito.

"I was suspecting that you're the reason behind my girlfriend's accident. Seems that I am right. Get ready to be rot in jail because your make-ups and casino money can't save your ass." Walang emosyon niyang banta dito habang mahigpit ang hawak sa manibela.

["Who are you to threaten me?! Ikaw ang dahilan kaya namatay ang anak ko, pinatay mo ang anak ko! Wala kang karapatang takutin ako!"] Bulyaw nito sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin dahil nakarating na siya sa ospital na pinagdalhan daw kay Nikki. Si Nikki muna bago niya pagbayarin ang taong gumawa nito sa dalaga.

AGAD siyang sumakay sa elevator nang bigyan siya ng impormasyon kung nasaan si Nikki. Habang palapit nang palapit sa kinaroroonan ng dalaga ay hindi siya mapakali. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung inuna niya lang sana si Nikki ay hindi sana ganito ang lagay ng mahal niya ngayon.

Kamusta na kaya ang lagay nito? Paano kung madaming sugat ang dalaga? Kakayanin niya ba? Magkapantal nga lang ito ay gusto na niyang ubusin ang lahi ng mga lamok paano pa kaya kung madaming sugat?

Napakuyom ang kamao niya nang maalala kung sino ang nasa likod ng nangyare kay Nikki. Magdasal-dasal lang ito na wala itong iniingatan ngayon dahil sisiguraduhin niyang kukunin at wawasakin niya iyon. Wala na siyang pakielam kung ina ito ng babaeng espesyal sa kaniya. Wala na siyang pakielam kung may atraso din siya dito. Threaten him? Kaya nyang palampasin yun pero ang ipahamak si Nikki? Sisiguraduhin niyang magbabayad ito. Mapapatay niya ito.

Naglakad siya papunta sa ICU kung saan under observation ang dalaga. Pinagsuot muna siya ng hospital gown at mask bago hinayaang pumasok.

Nang makita ang dalaga ay parang nanghina ang tuhod niya. Bakit nga ba nag-asam siyang ayos lang ang lagay nito? Parang gusto niyang maiyak habang nakatitig dito. Napakadaming sugat nito at sunog ang buong kaliwang braso habang ang daming tubong nakakabit sa dalaga.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito at maingat na hinawakan ang kamay nito tyaka hinalikan. Wala siyang pakielam kung nasunog ang kamay nito. Ang mahalaga lang sa kaniya ngayon ay maiparamdam sa mahal na nandito na siya. Hindi na niya hahayaan pang maghiwalay sila. Ngayon pa na sinabi din sa kaniya ng dalaga na mahal siya nito.

Tita Esmeralda, get ready for my wrath.

-END OF CHAPTER 22-

avataravatar
Next chapter