24 Chapter 21

Chapter 21

"NIXON, I told you. Kaya ko namang magmaneho papunta sa agency ko. I've been doing this job for so many years kaya sanay akong ipagmaneho ang sarili ko. You don't need to feel guilty about it." Pag-assure niya kay Nixon nang tumawag ito sa kaniya isang umaga upang tanungin kung may gagawin pa siya. Nang sinabi niyang pupunta siya sa agency niya dahil may meeting siya doon ay bigla nalang itong nagmumura at sinisi ang sarili kung bakit hindi siya nito maihahatid.

Napailing nalang siya. Mas dumoble ang pagaalaga at pagiging over-protective sa kaniya ni Nixon nitong mga nakaraang araw at kung naging ganito lang ito seven years ago, baka nasakal na siya. Pero ngayon ay parang hindi niya magawang masakal dahil ang totoo'y kinikilig pa nga siya sa mga gestures nito.

["No, I'm really sorry, babe. I promise ako ang susundo sa'yo, okay? Hindi ko lang talaga pwedeng ikansela ang board meeting dahil inaasahan nila ako doon."] Paglalambing nito na nagpangiti sa kaniya. Para bang takot na takot itong magalit siya dahil lang hindi siya nito maihahatid.

"I am really fine. Magfocus ka nalang dyan sa work mo then get back to me after, understand?" Sabi niya dito nang may bahid ng ngiti na nagpatahimik kay Nixon.

Nang tignan niya kung in-end na ba nito ang tawag ay nakita niyang on-going parin ito kaya itinapat niya muli sa tenga ang kaniyang telepono.

"Hey, Nix? Still there?"

Narinig niya ang pagbuga nito ng marahas na hangin bago sumagot, ["Do you know what you just did to me, woman? Damn, you will be the cause of my death."] Sabi nito habang habol ang hininga kaya mahina nalang siyang napatawa.

"I'll be the cause? Nixon, you're so corny." Nakangiti niyang asar dito at hindi na naman napigilan ang kilig na humulagpos sa kaniyang kaibuturan.

["I'm serious. Cause of death, kilig kay Nikki."] Sagot nito na nagpatawa sa kaniya nang malakas at narinig niya pa ang mahinang pagtawa din ni Nixon sa kabilang linya.

"Baliw ka talaga. By the way, I have to go baka hinihintay na nila ako doon. See you." Malambing niyang pagpapaalam. Parang ayaw niya pang ibaba ang tawag at kausapin nalang ito buong maghapon pero alam niyang kailangan ding magtrabaho ng binata. Dalawang linggo itong hindi pumasok para lang makasama siya habang nakaleave siya.

["Sure. Bye, babe. I love you."] Pagpapaalam din nito pero hindi ibinaba ang tawag na para bang may hinihintay itong sabihin siya.

"I'll hang up now." Sabi niya at ie-end na sana ang tawag nang marinig niyang pinigilan siya ni Nixon.

["Where's my 'I love you too'?"] Parang bata nitong tanong pero kahit pa nga para lang itong nagbibiro ay kinakabahan parin siya. Ofcourse, dadating ang araw na manghihingi si Nixon ng katugon sa nararamdaman nito. Isang beses niya lang sinabi kay Nixon na mahal niya ito at hanggang ngayon ay hindi parin niya ito sinasabihan ulit ng 'mahal kita'.

"Nixon, I have to go. Bye." Pag-iiwas niya dito tyaka pinatay ang tawag. Ganito sila lagi, maglalambing si Nixon na tugunin ang mga I love you's nito at siya naman ay iiwas. Natatakot lang siyang tugunin ang nararamdaman nito dahil parang nabibilisan siya sa lahat ng nangyayare. Para bang ang dali niyang bumigay and hindi dapat ganun at hindi niya dapat ito nararamdaman pero hindi niya mapigilan.

Inalis niya muna sa isip ang kaniyang mga problema at bumaba na sa parking lot pero habang papunta siya doon ay may nakasalubong siyang nakajacket na may hood na lalaki. Hindi niya masiyadong kita ang mukha nito pero dahil papasalubong siya dito dahil magkaibang way ang pupuntahan nila ay alam at dama niyang nakatingin ito sa kaniya habang nakangisi.

Weird.

Sumakay siya sa kaniyang kotse at pagkaupo palang niya ay may naramdaman na siyang kakaiba. Biglang bumigat ang kaniyang nararamdaman.

Pinilig niya ang ulo at sinubukang alisin ang mga bumabagabag sa kaniya dahil magdadrive siya. Kailangan niyang magfocus.

Sinimulan niyang buhayin ang makina ng sasakyan tyaka nagdrive papunta sa kaniyang pupuntahan. Hindi pa siya nakakatagal sa daan ay tumunog muli ang kaniyang phone at nakalimutan niya ang kaniyang ear piece kaya kahit bawal ay sinagot niya ang tawag habang nagdadrive nang makitang si Nixon ang tumatawag sa kaniya. Huwag lang talaga sana siyang mahuli ng mga traffic inforcer.

"Hey? May kailangan ka?" Tanong niya dito nang masagot niya ang tawag.

Natahimik ang nasa kabilang linya bago ito sumagot, ["Thanks god you're okay."] Para itong nakahinga nang maluwag nang sagutin niya ang tawag kaya napakunot ang noo niya. Ofcourse, she's okay. Bakit naman hindi?

"What happened?" Nag-aalala niyang tanong dito dahil halata ang pag-aalala nito sa kaniya.

["Nothing, nasaan ka at anong ginagawa mo?"] Tanong nito na parang pinagisipan pa ang isasagot sa kaniya. Alam niyang may tinatago ang binata mula sa kaniya pero mas pinili niya na 'wag nang tanungin kung ano yun. Naniniwala siyang magsasabi sa kaniya si Nixon kung kailan ito handa.

"I'm driving." Sagot niya habang pinofocus ang mata sa daan. Over-conscious siya pagdating sa pagmamaneho dahil natatakot siya na masangkot sa isang aksidente at siya na ata ang pinakamaingat na tao pagdating sa pagdadrive.

["Okay, careful. I'll hang-up now. Sa apartment mo ako mamaya dideretso so make sure to be there. I love you."] Sabi nito na para bang hindi niya ni reject ang I love you nito kanina. Nixon always understands at naniniwala siyang nagbago na nga ito. Hindi na ito tulad ng dati na nanakit sa kaniya.

Hindi na siya sumagot at pinatay nalang ang tawag habang nagpo-focus sa daan. Nang mapansing bumibilis ang kaniyang pagpapatakbo ay medyo binagalan niya ito pero kahit anong tapak niya ay ayaw nitong bumagal at nang tapakan niya ang break ay hindi din ito gumagana kaya nagsimula na siyang kabahan.

Sigurado siyang ayos pa itong kotse niya dahil halos kakabili palang niya nito last last month bago bumalik si Nixon. Imposibleng masira agad ito maliban nalang kung may sisira- yung lalaki kanina! Hindi kaya ito ang dahil kaya hindi niya mapatigil ngayon ang sasakyan?

"N-no... No, no,no! Fuck, stop! Nixon!" Natataranta niyang sigaw nang kahit anong gawin niya ay hindi parin tumitigil ang sasakyan. Sakto pang nasa isa siyang matarik na daan kung saan ang dulo nito ay bangin at kung hindi mag-iingat ay talagang mahuhulog ka lalo na't hindi pa ito napapagawan ng railings. Kahit nanginginig ay inabot niya ang cellphone at tinawagan si Nixon.

Dalawang ring palang ay sinagot na agad nito ang tawag at hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa pinaghalo-halong takot at kaba. Takot na baka ito na ang huli at kaba na baka hidi na niya makikita pa si Nixon.

Noon, gustong-gusto na niyang mamatay lalo na't kakalaya niya palang noon kay Nixon nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Gusto niyang sumunod na sa mga ito pero ngayong nalalapit ang kamatayan sa kaniya ay parang ayaw niya pa. Hindi, hindi niya kayang iwan si Nixon.

Nang makitang mahuhulog na siya sa bangin ay niliko niya ang manibela upang magkaroon ng kaunting oras. Maghabulan tayo ngayon, kamatayan.

"Nixon, I love you. Don't doubt my love even for a second. Baby, I will miss you. I'm sorry, I'm sorry pero hindi ko matutupad ang mga pangako ko sa'yo. I'm really sorry." Humahagulgol niyang sabi na nagpabahala sa binata. Niliko-liko niya niya ang sasakyan pero natatanaw niya. It's already a dead end.

["Hey what are you saying? You're scaring me baby!"] Bakas ang matinding pag-aalala sa boses nito na lalong nagpaiyak sa kaniya. Sayang at hindi na niya mararanasan ang paglalambing nito. Sayang at hindi na niya mararanasan ang pag-aalaga nito sa kaniya. Hindi na niya ito mayayakap. Hindi na niya mapaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.

["Baby, anong nangyayare?"] Muling tanong ni Nixon pero masyado nang namamalat ang kaniyang lalamunan para makapagsalita. Sinubukan niyang buksan ang pinto baka sakaling makatalon siya pero hindi niya iyon mabuksan. Para bang sinadya na itrap siya doon.

Malapit na malapit na siya sa bangin kaya wala siyang nagawa kundi ang mapayuko habang nanatili sa tenga niya ang telepono habang naririnig si Nixon na nagpapanic.

"Goodbye, Nixon. Mahal na mahal kita." Bulong niya kasabay ng pagkahulog ng kotse sa bangin at pagtama ng kaniyang ulo sa manibela at salamin ng kotse na dahilan ng pagcrack nito bago siya nilamon ng dilim.

-END OF CHAPTER 21-

avataravatar
Next chapter