3 Chapter 1

Chapter 1

"GIRL, c'mon! Let's dance na. My god! Ang hirap-hirap mong itakas tapos tetengga ka lang dyan? Are you serious?!" Reklamo ni Alrice habang nakatitig sa dance floor at makikita talaga ang pagnanasa nito na makapagsayaw. Napailing na lamang si Nikki sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit pero talagang ayaw muna niyang sumayaw. Tama naman si Alrice eh, mahirap talaga siyang itakas sa dami ba naman ng guards sa mansion nila? Kanina naman ay excited na excited siya just by thinking of the dancefloor pero nang makarating sila ay nawalan siya bigla ng gana.

"You can go Alrice. I'll just catch up with you later. Samahan mo na si Akira at baka mamaya ay magpatiwakal na yan sa kalasingan. Kilala mo naman ang bruha na yun. Nawawala sa sarili kapag nalalasing." Sabi niya nalang para hindi masira ang mood nito.

"Sunod ka huh?" Parang naniniguro pa nitong bilin bago nakisali sa dance floor.

Nag-order nalang siya ng isang shot ng mojito bago in-enjoy ang napakalakas na music sa buong bar. Nang dumating ang inorder niya ay iinumin na sana niya ito nang maramdaman niyang nagvibrate ang phone niya sa may bulsa lamang ng off-shoulder at medyo revealing niyang dress.

Babe Calling...

Napangiti na lamang si Nikki nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya. Mabilis niya itong sinagot at sinigurado niyang hindi nito maririnig ang pagkabasag ng boses niya dahil medyo lasing na din siya.

"Hey babe." Malambing niyang sagot sa tawag.

"Where are you?" Agad nitong tanong kaya medyo nagtaka siya dahil kapag tumatawag ito ay madalas muna nitong tanungin kung kamusta ba ang araw niya o ang tulog niya etc.

"I'm at the bar with my friends Nix. Why?" Sagot niya tyaka uminom ng mojito nang marinig nito ang pagmumura ni Nixon, ang kaniyang boyfriend, sa kabilang linya kaya natigil siya sa pag-tungga.

"Something wrong, babe?" Nag-aalala niyang tanong.

"Don't drink. Turn around." Utos nito kaya agad siyang lumingon at nakita nga nito ang kaniyang boyfriend na seryosong nakatingin sa akin. In-end niya ang call at tyaka tumayo upang maglakad palapit dito.

"Hey." Nakangiti niyang bati tyaka yumakap dito. Ewan niya kung bakit but she's feeling giddy all of a sudden ngayong nakita niya ang kasintahan. Para bang ito ang kanina pang hinihintay ng kaniyang katawan.

"Why are you wearing that kind of dress? Sino ba ang gumawa niyan?" Halata ang iritasyon sa boses nito kaya hindi niya napigilan ang mapangiti dahil itago man ng kasintahan ay halatang nagseselos ito lalo na't panay ang tingin niya ng masama sa paligid.

"I'm with Akira and Alrice." Pag-iiba niya ng usapan. Bumaling naman sa kaniya si Nixon na bahagyang nakanguso.

"Tss. Buti pa sila nakasama ka, samantalang ako na boyfriend mo ilang linggo na tayong hindi nagkikita. My condo and I misses you so damn much, baby." Sabi nito tyaka ipinalibot ang braso sa bewang niya.

"Lagi kasing nagkakasalubong ang schedules natin eh. Kapag free ka, hectic ako. Kapag naman hectic ka, free ako. But I still love you anyways." Paglalambing nito sa kasintahan at hindi naman siya nabigo dahil sa isang iglap ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at walang sabi-sabi siyang hinalikan na agad naman niyang tinugon.

"I love you baby. You are mine." Bulong ni Nixon sa kaniya matapos siya nitong halikan.

"I love you too babe. Yes, I'm yours." Bulong din ng dalaga at muli sana siyang hahalikan ng binata nang may umakbay sa kanilang dalawa. Pagkatingin niya ay si Akira pala ang umakbay sa kaniya habang si Alrice ay nakaakbay kay Nixon na nakaakbay na din sa kaniya pero nakasimangot naman.

"Istorbo talaga kayo." Nakasimangot na reklamo ni Nixon pero halatang nagbibiro base sa tono ng boses nito.

"Kung gusto niyong magsolo then get a room you horny dogs." Biro ni Alrice na nagpa-ngisi kay Nixon bago ginulo bigla ang buhok ni Alrice na ilang oras nitong inayos kaya nakatikim ito ng masamang tingin.

"Good idea, c'mon baby. Let's get a room." Hila sa kaniya ni Nixon pero napatigil sila nang may humila din sa kabila niyang kamay. Si Akira.

"No dude. She came here with us kaya kami ang kasama niya. You can't have her tonight darling, I'm sorry." Sabi ni Akira na may british accent kapag nagi-english pero fluent naman sa pagsasalita ng tagalog. Half british, half filipina kasi ang kaibigan at fluent itong magsalita ng maraming lenggwahe. Napakatalino nito at napakaganda pa, total package kung baga dahil mayaman din ito at maganda ang katawan pero ewan ba niya kung bakit ayaw nito mag boyfriend at puro modelling at bar lamang ang nais.

"Akira, don't do this to me." May pagmamakaawa sa boses ni Nixon kaya medyo natawa siya. Sa dalawang taong relasyon nila ni Nixon ay naging close na din ito sa dalawa niyang matalik na kaibigan at kapatid na din kung ituring ng kaniyang boyfriend dahil tuwing may nanga-argabyado o nanliligaw sa dalawa ay siya ang sumasangga. Kaya naman hindi rin maipagkakaila na boto ang dalawa kay Nixon. Ang totoo nga niya ay sila pa ang gumagawa ng paraan na magkaayos silang dalawa kapag nagkakalabuan sila ng kasintahan.

Napahalakhak naman si Alrice bago sumagot, "Sorry bud, but it looks like Nikki is ours tonight since kami naman ang nagtakas sa kaniya." Sabat ni Alrice.

"Tumakas ka?" Gulat pero mahahalata ang kaseryosohan sa boses ni Nixon kaya medyo kinabahan siya dahil ayaw na ayaw ng kasintahan na umaalis siya ng kanilang mansyon nang walang nakakaalam dahil baka isipin ng mga magulang niya ay nagtanan na sila at baka masira ang tiwala ng mga ito sa kaniya.

"Ahm. Babe, wanna dance?" Pag-iiba niya ng usapan ngunit hindi nagbago ang kaseryosohan sa mukha nito.

"You know that I don't want you sneaking out every night, right?" Seryoso nitong tanong sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang yumuko na parang isang bata na napagalitan ng magulang.

"Yes. But tomorrow is my first day sa photoshoot at alam ko na magiging busy na naman ako so I just want to have fun." Pagdadahilan niya ngunit mas lalo lamang sumama ang mukha ng nobyo.

"You could have fun with me in my condo. You can even invite Akira and Alrice if you really want to be with them."

"Okay, next time sa condo mo naman, babe. I'm sorry please forgive me." Nakayuko niyang hingi ng tawad at napaangat nalang ang mukha niya nang maramdamang may yumakap sa kaniya.

"Forgiven. Ayoko lang na may masamang mangyare sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag may nangyare sa isa man sa inyo." Pagpapaliwanag nito kaya napangiti nalang siya bago tinugon ang yakap nito. Her over-protective boyfriend.

"Aww. Ang sweet naman ni fafa Nixon. Pfft." Narinig nila na tudyo ni Alrice kaya natawa silang lahat.

"I'M TAKING you girls home. Let's go." Ma-awtoridad na sabi ni Nixon matapos sila nitong pagbigyan na magsaya sa bar nang limang minuto.

Nagreklamo naman agad sila Alrice at Akira pero sumunod din naman sa kotse. Una nilang hinatid si Akira na nalasing nang sobra dahil sinulit talaga nito ang limang minuto na binigay ni Nixon. Syempre naman hindi sila makakatanggi kapag si Nixon na ang nagsabi.

Matapos maihatid si Alrice na hindi naman ganon kalasing dahil nagsayaw lamang ito ay tahimik nilang tinahak ang daan patungong condo ng binata.

"Baby, are you drunk? Nakailang drinks ka bago kita tawagan?" Pagbasag ni Nixon sa katahimikan.

"Maybe six? I don't really remember, babe. When you called I was a little but tipsy." Sagot niya habang ramdam ang pagdalaw ng antok sa kaniya. Naramdaman niya na hinawakan ni Nixon ang kamay niya kaya bumaling siya dito at sakto naman na hinalikan ng binata ang kamay niya nang bumaling siya kaya napangiti siya nang kumalat ang kilig sa kaibuturan niya.

She's really lucky to have Nixon in her life. He's perfect. Too perfect and too good.

And when it's too good, it's probably a lie.

-END OF CHAPTER 1-

avataravatar
Next chapter