22 Chapter 19

Chapter 19

NAGSISIMULA nang mainis si Nikki nang magdalawang linggo na mula nang inamin niya sa binata na mahal niya parin ito at hindi parin ito nagpaparamdam.

Pagkatapos ng araw na 'yun ay hindi na siya nito pinuntahan sa apartment niya kaya iniisip niya kung niloloko lang ba siya nito. Dapat ba ay pinahirapan niya muna ito nang todo bago bumigay?

Naiinis din siya sa sarili dahil aminin man niya o hindi ay nami-miss na niya si Nixon, patunay na doon ang hindi siya makapagfocus sa kaniyang trabaho bilang modelo at ilang beses na siyang napapagalitan kaya nagtake na muna siya ng leave kahit dalawang linggo lang at mukhang more than willing naman ang kaniyang boss na magpahinga siya.

Balak niya sanang magjogging kaya gumising siya nang maaga pero nang palabas na siya ng pinto ay isang supot ng isang sikat na restaurant ang sumalubong sa mukha niya at ang nakangiting mukha ni Nixon ang may hawak 'nun. He has an apologetic smile pero inirapan niya lang ito bago umatras pabalik sa loob ng kaniyang bahay at hinayaan itong sumunod sa kaniya papasok.

"So, buhay ka pa pala?" Sarkastiko niyang bati dito. Gusto man niya itong yakapin pero mas nais niyang marinig ang paliwanag nito kung bakit ngayon lang ito nagparamdam ulit.

Naglakad siya papunta sa kusina nang hindi ito sumagot at nanatili ang titig sa kaniya. Kumuha siya ng tubig at ininom ang kalahati 'nun. Nang maramdaman niya ang yakap nito mula sa kaniyang likod ay halos mahulog niya ang hawak na baso.

"I missed you so much, baby." Malambing nitong sabi at pakiramdam niya ay nanlalambot ang kaniyang tuhod sa simpleng paglalambing lang nito pero pinatigas niya ang puso at inirapan lamang ito.

"Ako nga Nixon 'wag mo akong niloloko dahil dalawang linggo kang nawala tapos sasabihin mong na-miss mo ako? Sinong niloko mo?" Mataray niyang pambabara dito at sinubukang kalasin ang pagkakayakap nito sa kaniya pero mas lalo lang hinigpitan ni Nixon ang pagkakayakap sa kaniya.

"Nixon, let go." Mariin niyang sabi dito ngunit umiling lang ito tyaka isinubsob ang mukha sa kaniyang leeg.

"Pumunta akong Canada for some business matter. May nawalang malaking halaga sa isang kompaniya ko doon kaya kailangan ko iyong tutukan at mas pinili kong huwag kang imessage dahil baka kapag narinig ko ang boses mo ay bigla nalang akong umuwi dito. I'm so sorry, baby." Pabulong nitong pagpapaliwanag at itago man nito sa pag ngiti ay ramdam niyang pagod na pagod ito kaya medyo nakaramdam siya ng guilt dahil pagtataray agad ang sinalubong niya dito kanina.

"Nahuli na ba yung kumuha ng pera? How 'bout you? Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong dito.

"Yeah, it was my trusted accounting manager. Napag-utusan lang daw siya." Mahina nitong kwento na para bang hanggang ngayon ay hindi parin ito makapaniwala sa nangyare bago tumawa nang nakakainsulto, "Bullshits. I shouldn't have trusted him. That fucker." Nanggigigil nitong dagdag. Naramdaman niya pa na mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya na para bang sa kaniya ito kumukuha ng lakas.

Bumuntong hininga siya bago kumawala sa pagkakayakap nito. Malungkot ang mga mata nito nang humarap siya dito kaya parang may pumiga sa puso niya. Hinila niya ito papunta sa kaniyang sofa sa sala at sabay silang umupo. Hindi pa nakakapagsalita si Nixon ay niyakap na niya ito. Alam niyang ito ang kailangan ng binata ngayon. Alam niya dahil napagdaanan na din niya ito noon. Ang masira ang kaniyang tiwala sa isang tao. Gumanti ng yakap ang binata sa kaniya. Mas mahigpit kesa sa yakap niya pero hinayaan niya lang 'yun.

"I shouldn't have trusted him. Madami na ang nagsusumbong ng mga ginagawa niyang kalokohan sa kompanya ko pero pinagsawalang bahala ko lahat iyon dahil kaibigan ang turing ko sa kaniya, akala ko ay ganun din siya sa akin pero nagkamali ako. I was dead wrong, fuck it!" Kwento nito habang nanatiling nakabaon ang mukha nito sa kaniyang leeg. Sinuklay-suklay niya ang buhok nito para kumalma ito dahil naramdaman niyang nanginginig ito sa panggigigil.

"Pwede ko bang itanong kung anong ginawa mo sa kaniya noong nalaman mo na siya ang kumuha ng pera?" Masuyo niyang tanong dito. Nangangamba siyang hindi siya nito sagutin pero makalipas lang ang ilang segundo ay sumagot din naman ito.

"I beat him. I never stopped until he was bleeding to death. Unfortunately, he's okay now after three days of being unconcious."

"So what's your plan?" Sunod niyang tanong habang patuloy na hinihimas ang buhok nito.

"I'll make sure na walang tatanggap na kompanya sa kaniya kahit ang mga maliliit na trabaho ay hindi siya tatanggapin. I'll make him suffer." Sagot nito bago bumaling sa kaniya tyaka siya tinitigan. "Is my plan okay with you? I mean, papayagan mo ba akong gawin ang plano ko?" Nag-aalangan nitong tanong kaya halos lumuwa ang mata niya sa gulat. Kailangan pa bang magpaalam sa kaniya? Kung siya ang tatanungin ay hindi na dapat siyang maghigante dahil wala din naman iyong maidudulot na maganda pero hindi naman siya ang sinira ang tiwala. Noon, nais niya din na maghiganti kay Nixon dahil sa ginawa nito sa kaniya pero ngayon ay wala na sa isip niya iyon. Nais nalang niyang makasama ito at habang bumabawi ito sa kaniya.

"Well, babe?" Pukaw nito sa kaniya nang ilang minuto na at tulala parin siya dito.

"Nixon, you don't need to ask for my permission. Pero kung ako lang ay 'wag na sana. Mas gusto ko na yung gugugulin mong oras sa paghihiganti ay ibigay mo nalang sa akin. Pero hindi din naman pwedeng basta-basta nalang palampasin ang ginawa ng taong yun." Sagot niya.

"You know what? You're right. I'll just let my cousin do the work and I'll just spend my time seducing you. That would be amazing." Nakangiti nitong sang-ayon na para bang siyang-siya ito sa ideyang kaniyang naisip. Napailing na lang siya. How could she possibly hate him if he's so adorable? Her heart can't take it.

"Ako nga Nixon tigil-tigilan mo ah." Pagtataray niya dito pero ang totoo ay hiyang-hiya siya dahil sa init na naramdaman sa katawan.

"Or let's date the whole day then at night I'll seduce you. Maaga pa naman eh. What do you think?" Suhestyon pa nito. Gusto niyang mapapalo sa noo dahil kahit anong piliin niya ay kasama parin ang kahalayan nito.

"Or you rest and I'll cook something for you." Suhestyon niya. Alam niya na pagod ang binata mula sa byahe at alam niyang kakadating lang nito dahil ngayon lang niya napansin ang maleta nito. Tinatago lang nito ang pagod sa paglalambing.

"May dala naman akong pagkain. Let's sleep together. I want to cuddle." Paglalambing nito. Hindi pa siya nakakapagsalita ay binuhat na siya nito papunta sa kaniyang kwarto.

"And by the way babe, you look so hot in that outfit of yours. Makes me want to ravish you." Nakangisi nitong bulong sa kaniya kaya parang mas lalong nag-init ang kaniyang katawan. Only Nixon can do that to her body.

-END OF CHAPTER 19-

avataravatar
Next chapter