21 Chapter 18

Chapter 18

"Y-YOU what?!" Gulantang niyang tanong. Hinihiling niya na sana ay mali lang ang pagkakarinig niya o kaya naman ay binibiro lang siya ng binata pero hindi! He is serious.

Kinabahan siya nang lumapit ito palapit sa kaniya kaya napahakbang siya palayo dito na ikinatigil ng huli, pain crossed his handsome face but she's to scared to care! The man she loved just claimed that he killed a woman! A woman!

"I knew it. Mas lalo ka lang matatakot sa akin kapag sinabi ko ang bagay na yun pero heto at ikinuwento ko sa'yo because I thought this time, it'll be different. I thought wrong." Malungkot nitong sabi bago parang nanghihinang naupo sa swivel chair nito.

"What is her name?" Lakas-loob niyang tanong.

"Katherin. She was my bestfriend." Nakayuko nitong sagot na para bang hirap na hirap itong magsalita o magkwento tungkol sa Katherin na 'yun.

"Twelve years ago, she confessed to me that she likes me. I was just a teen, 16 years old and I took that opportunity to use her. Yeah, I used my bestfriend in my sexual desires. Wala naman siyang angal kaya akala ko ay ayos lang sa kaniya. Kapag nagtatalik kami, lagi ko siyang tinatali sa kamay bago gamitin para wala siyang laban. Kapag umiiyak na siya sa sakit dahil sa ginagawa namin, pinapaso ko siya ng sigarilyo. She got fed up, binalak niyang iwanan ako. My parents just died that time kaya ang sama ng tingin ko sa mundo. Sa isip ko, how dare she leave me gayong siya itong humahabol sa'kin? Anong karapatan niyang iwan ako tapos sasabihin na mahal niya ako? Kinulong ko siya sa basement ng bahay namin. For two months, nandun lang siya, naka-kadena at nakahubad para madali nalang kapag gagamitin ko ang katawan niya. I was just 16 when I learned how to use drugs and how to use it on someone. Lagi kong dinodroga si Katherin kapag pumapalag siya sa akin. Then one time, she asked me to give her drugs, that she will do anything para lang bigyan ko siya ng droga. Doon ako natauhan, my life is ruined and I was destroying her life too. Pinalaya ko siya at ilang beses akong humingi ng tawad sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko pero hindi nila ako pinatawad. Hinding-hindi daw nila ako mapapatawad at sisirain din nila ang buhay ko tulad ng pagsira ko sa buhay ng anak nila." Umiiyak nitong kwento. Damang-dama niya ang bigat ng pinagdaanan nito at habang nagkukwento ito kanina ay damang-dama niya ang pagsisisi nito pero kahit ganun ay nakadama pa rin siya ng kaba.

"Napunta sa rehab si Katherin then, sa mental facility. Hindi ako nakulong dahil sa ginawa ko dahil menor de edad pa ako noon at parang may pumoprotekta sa akin sa gobyerno upang hindi ako makulong at maging malinis muli ang pangalan ko. My dad's connections maybe but I was never happy. Lagi ko siyang dinadalaw sa mental at tuwing nakikita niya ako ay bigla siyang nagwawala. Nagkaroon din ng restraining order sa pamilya niya at sa kaniya. Namalagi ako sa America for five months dahil kailangan kong asikasuhun ang mga paper works ko dahil tumigil ako sa pagpasok sa school dahil sa nangyare pero habang pabalik ako dito sa pilipinas ay nabalitaan ko nalang na patay na siya. She hanged herself inside her room, Nikki. It was my fault. Kung hindi ko sinira ang buhay niya, buhay pa sana siya ngayon." Humahagulgol nitong pagpapatuloy. Nanginginig ito, like bringing back those memories kills him. Kusang gumalaw ang katawan niya at kahit may kaunting takot ay niyakap niya ang binata na agad yumakap sa bewang niya at patuloy na umiyak.

Hindi niya namalayang umiiyak na din pala siya. Seeing Nixon like this, parang hindi ito ang lalaking nanakit sa kaniya noon. Nakikita niya ay isang lalaki na may nagawa mang mali ay habang-buhay niya iyong pinagsisisihan.

"Nixon, hindi ko sasabihin na wala kang ginawang mali. Sobrang laking kasalanan ng ginawa mo pero nakikita ko ang pagsisisi sa'yo at ang mga luhang iyan? 'Yan ang tanda na pinagbabayaran mo na lahat ng ginawa mo. You can cry, I won't laugh or smile at you. Nandito lang ako. Sige hindi ko muna gagawin yung sinabi ko sa'yo kanina na tititigan kitang nakangiti habang umiiyak. Ang pangit mo kayang umiyak." Pagpapagaan niya sa pakiramdam nito.

"I'm a very bad person, Nikki. Why are here- hugging me? Comforting me. Alam mo kung gaano ako kasama at naranasan mo ang kasamaan ko pero kahit ganun ay narito ka at niyayakap ako sa oras ng kahinaan ko." Titig na titig nitong sabi sa kaniya at may nababanaag siyang paghanga doon.

Umirap siya upang itago ang kahihiyang nararamdaman, "Excuse me, ikaw itong lapit nang lapit sa akin at niyayakap kita kasi alam ko ang pakiramdam ng maging malungkot at walang masasandalan. May ginawa kang mali pero tao ka parin Nixon. Nasasaktan ka parin at kailangan mo ng masasandalan at dahil ako ang nandito, sige, pwede mo muna akong sandalan."

"Damn, you're making me fall for you even harder." Bulong nito bago sakupin ang kaniyang labi. Masuyo ang paghalik nito at parang isa siyang babasaging bagay na madaling mabasag kaya ingat na ingat ito sa paghalik.

"I love you, Nikki." Bulong nito.

I love you too, Nixon. But I won't comeback to you.

"So, yun lang ba ang ipagtatapat mo sa akin?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Well, you know that I had a bipolar disorder but I never told you the reason behind it. It was my father. Noong bata ako, he used to hit me. Kahit wala akong ginagawa ay sinasaktan niya ako na dahilan ng pag-aaway ng magulang ko. In my every move, may makikita siyang mali. One time, kinulong niya ako sa kulungan ng aso namin for two weeks dahil hindi ako nagpaalam na makikipaglaro ako kay Ashton. My friend. He got so mad na kinulong niya ako doon nang dalawang linggo at hindi pinakain. I still remember my fear and anger towards my father. I still remember how I shiver in the middle of night because of the cold, I still remeber how I begged my father to forgive me but he never listened. How I scream for mercy but no one helped me. Ashton tried but he got shot by my father. He was in coma for months. My mother tried to defend me. Babarilin sana ako ng ama ko noon dahil wala naman daw akong silbi but my mom catch the bullet for me. My father couldn't take it and took his own life too. Infront of me. Imagine my nightmares. Everynight, they plunged my sleep and I just lost it. Wala akong ginawa para maalis sa akin ang sakit ko na yun. I kindda like it. Gustong-gusto ko yung takot sa mga mata nila kapag nakikita ako. Pero binago mo yun. Binago mo ako. Dahil sa'yo ninais kong maging mabait. Ginusto kong magbago. Ginusto kong gumaling. But I've lost you too. Because of that fucking disorder. But it's fine, I forgave my father. I just wish his peacefulness and in time, siguro matututo din ako kung paano patawarin ang sarili ko dahil sa nangyare kay Katherin." Unlike before, hindi ito umiyak. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito at doon niya napagtanto, walang-wala ang pinagdaanan niya sa pinagdaanan ni Nixon noong bata ito. 16 years old and he already experienced how mean life is. Kung susukatin ang hirap na dinanas niya sa buhay sa dinanas nito, he'll definitely win hands down kaya anong karapatan niya para tabuyin ito gayong ito ang dahilan kung bakit siya nahirapan at the same time ay ito din ang nagpakita sa kaniya kung gaano kasarap ang magmahal.

"I love you." Bulong niya sa binata na halatang nagulat dahil halos mahulog ito sa swivel chair nito.

"Y-you what?!" Namimilog ang mata nitong tanong matapos siya nitong titigan.

"Mahal din kita pero hindi ibigsabihin nun ay pinapatawad o binigyan na kita ng pagkakataon. Sabihin na nating wala ka ng sakit pero hindi parin maaalis sa puso ko ang kaba at takot na baka maulit ang nangyare noon." Paliwanag niya dito.

Inaasahan niya na tututol ito at ipagpipilitan na maging silang muli pero laking gulat niya nang tumango ito at masuyong ngumit.

"I understand. Ang mahalaga ay nalaman kong mahal mo parin ako at sisiguruhin ko na magiging akin ka ulit sa gusto o gusto mo." Nakangiti nitong sambit.

"No secrets and all that shits?"

"No secret and all that shits." Pangako nito kaya napangiti din siya.

Maybe it's time to remember how happiness feels like.

-END OF CHAPTER 18-

avataravatar
Next chapter