20 Chapter 17

Chapter 17

HINDI makatingin si Nikki sa kaharap na todo ngisi lamang sa kaniya matapos ang nangyare kanina lang. Ungol pa, shit talaga.

Hanggang ngayon ay naalala niya pa kung paano siya umungol nang malakas habang nasa ibaba siya ni Nixon at pinaliligaya siya. Mas namula siya sa naisip.

"Stop smiling, will you?" Nahihiya niyang saway dito na ikinatawa lang ng huli kaya lalo siyang nainis at the same time ay nahiya.

Nikki, why so rupok?

"I like the way you moan. It's sexy and it was making me hor-" Hindi pa natatapos ni Nixon ang sasabihin ay tinakpan na niya ang bibig nito habang nararamdaman ang sobrang init niyang pisngi dahil sa hiya. Hindi manlang ba ito nahihiya sa mga pinagsasabi nito?

He really changed. Noon, ni hindi nga ito makapagsalita ng tungkol sa sex pero ngayon- oh my god Nixon!

"C-can you please? Stop it. Just stop." Pabulong nyang sabi habang nanatili ang kamay palad sa bibig ni Nixon and Nixon being annoyingly playful today, licks her palm so she quickly pulled away.

"Damn, even your hand is delicious." Ani nito habang hindi mawala-wala ang pagkakangisi.

"NIXON! Pwede bang huwag mo nang ipaalala yung ginawa mo- natin kanina? That was a mistake."

Pero mukhang hindi na naman niya napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig niya at agad nawala ang masayang kislap ng mata nito.  Argh! Kaya nga siya pumunta dito sa opisina niya ay upang bumawi sa pagiging harsh niya sa binata. Ewan ba niya kung bakit kahit ang daming kasalanan ng binata sa kaniya ay hindi niya ito matiis. Kahit ang daming pasakit ang binigay nito sa kaniya, aaminin niya, hindi niya matiis ang binata. Ano ba ang ginawa ni Nixon sa kaniya at bakit natrauma na siya't lahat-lahat ay hindi niya parin magawang lumayo nang tuluyan dito? Kung tutuusin ay kaya naman niyang lumayo at mamuhay nang normal, kahit ang magbayad ng mga tao upang hindi siya matunton ni Nixon ay hindi niya magawa. For some reason, she knows she doesn't want to let go.

Umiwas ito ng tingin sa kaniya nang marealize nito na nakatingin siya kaya pinalibot niya nalang ang tingin sa opisina nito at dumako ang tingin niya sa picture frame na nakasabit sa dingding ng opisina nito.  Agaw-pansin ito dahil may kalakihan at halos ito lang ang nag-iisang nakasabit sa dingding. Their photo.

Kuha noong masaya pa sila.  Anniversary nila nang kunan ito at tandang-tanda niya kung gaano siya kasaya ng araw na'to. Ito din yung araw na nagplano sila ni Nixon ng magiging kinabukasan nila at ito yung araw na sinabi niya sa sariling ang binata na ang kaniyang the one. Bullshits. Gusto niyang masuka sa kasiyahang nakikita sa mukha niya sa larawan.  That happiness is all gone now, thanks to the man next to her on that fucking picture. Hindi niya na maalala kung paano nga ba ang pakiramdam ng tunay na masaya.

"That's my favorite picture. Simula nang pamunuan ko ang kompanya ay yan ang unang-una kong ibinilin na isabit sa opisina ko.  Tuwing nakikita ko ang picture natin pakiramdam ko lahat ng pressure at stress sa katawan ko, parang magic na nawawala. Kahit papaano naiibsan ng picture na yan ang pangungulila ko sa'yo." Kwento ni Nixon nang mapansin nito na nakatitig siya sa litrato nila.

Napayuko nalang siya habang nakakuyom ang mga kamay.

"Liar." Ang tangi niyang nasabi. He's doing it again! Saying cheesy things para mahulog siya sa bitag nito.  And when she does, he'll hurt her. He'll crash her into tiny pieces at sobrang hirap ibalik ng sarili niya sa dati. Hanggang ngayon ay hindi pa niya magawang buuin ang nasira niyang pagkatao dahil sa ginawa ni Nixon sa kaniya. Kahit pa sabihin nitong ang bipolar disease nito ang dahilan kung bakit nito nagawa siyang saktan ay hindi niya magawang basta-basta itong patawarin because for god's sake! Paano niya magagawang patawarin ang taong dahilan ng peklat niya sa katawan? Paano niya magagawang magpatawad kung sa tuwing nakikita niya ang peklat niya ay bumabalik sa isipan niya kung paano siya nito tawanan sa pagmamakaawa niya? Paano niya magagawang magpatawad kung hindi niya nga alam kung ano ang ibigsabihin ng salitang yun?

"Nikki, I know I'm an asshole but please, give me second chance and I will prove to you that this time, it will be worth it. I will not waste it." Hindi niya inaasahan ang pagcrack ng boses nito habang nagsasalita kaya napabaling siya dito and his eyes, it's red. Parang may pumiga sa puso niya habang tinititigan ang mata ni Nixon na nagmamakaawa. Itong lalaking ito... Ito ang dahilan ng paghihirap at masasamang panaginip niya. Ito ang dahilan kung bakit takot na takot siyang magtiwala sa ibang tao. Itong lalaki ito, umiiyak para hingin ang kapatawaran niya.

He hurts and scarred you.

Yes, he scarred me. Hindi dapat siya makaramdam ng awa dito. Hindi niya dapat gustong yakapin ito. Hindi siya dapat lumambot para lang dito! Naawa ba ito sa kaniya noong umiiyak at sumisigaw siya para lang pakawalan nito? Hindi, dahil nakangiti pa ito habang titig na titig sa kaniya na para bang isa siyang nakakaaliw na palabas at tuwang-tuwa ito kung paano siya sumigaw sa sakit.

I won't let him hurt me again.

"Cry. Cry as long as you want. It will be my greatest pleasure to watch you cry in pain. I will watch you with smile on my face as you cry, Nixon." Walang emosyon niyang sabi bago tumawa at umiwas dito ng tingin tyaka pumunta sa banyo ng opisina nito upang ayusin ang sarili.

Nang makapasok sa banyo ay hinayaan niyang tumulo ang mga luha sa mata niya tyaka humarap sa salamin. She looks pathetic. Walang emosyon ang mukha niya pero halatang-halata ang kinikimkim na sakit at galit sa mga mata niya.

Naghilamos siya ng mukha upang mahimasmasan at nang umayos-ayos ang pakiramdam niya after two minutes ay lumabas na din siya ng banyo. Aalis na sana siya sa opisina nito nang hindi ito tinitignan nang mahagip ng mata niya ang isang picture frame sa table nito.

A beautiful woman. Sobrang ganda nito at nahiya siya bigla dahil masasabing natural na natural ang mamula mula nitong pisngi at maamo ang mukha nito.

"Your girlfriend?" Hindi niya napigilang tanong.

"No.  A special friend." Sagot nito at kung hindi siya nagkakamali ay parang naging uneasy ito.

"Where is she?" Usisa niya. Maybe his mistress? Wait, what? Mistress? Oh c'mon! Kung girlfriend niya ito ay wala namang problema dun dahil single ito dahil matagal na silang break.

"She's dead." Nakatuko nitong sagot sa tanong niya. Natigilan naman siya, oh shit.

"I- I'm sorry." Paumanhin niya. Gusto niyang malaman kung paano ito namatay pero alam niyang masyado nang personal iyon.

"Wanna know how she died?" Nakayuko parin nitong tanong after a minute of silence. Habang tinitignan niya si Nixon, hindi niya nakita ang lalaking nanakit sa kaniya pitong taon na ang nakakaraan. Nakikita niya ang isang lalaki na hanggang ngayon ay nagluluksa at parang ang bigat ng dinadala nito.

Nang hindi siya sumagot ay tumingin ito sa kaniya. May luha sa mata nito pero walang emosyon ang mga iyon.

"I killed her."

-END OF CHAPTER 17-

avataravatar
Next chapter