webnovel

Nick

Jessie's father died recently. Hindi man lang nakaabot sa graduation niya. Since it's school break kasi malapit na graduation, she went home to her hometown.

Iyon ang unang beses na nakausap niya ulit ang childhood friend niya.

"Condolence..." sabi ni Nick

"Salamat..." sagot ni Jessie

"Kamusta?"

"Ok lang"

"Ahm...kamusta school?"

"Grad-waiting na"

"Ahh...galit ka pa ba?"

"It's been a year Nick. Madami na kong naging bf after liking you...in fact, I have one now." sabi ni Jessie kahit nagkakalabuan sila ng current bf niya.

"Oh...ganun ba...I'm sorry...but honestly, mahal naman talaga kita kahit nuon pa. Natakot lang talaga ako na baka masira friendship natin...alam ko kasi mas maglalast ang friendship...sorry naduwag ako...sorry kung umasa at umaasa ako na sana ako parin...sana ako nalang ulit..."

"Ok. Let's just move forward ok? Enough. Kung yun lang ang pinunta mo dito sa bahay. Please go. Wala akong oras sa ganyan. Can't you see na lamay to?"

"Sorry...baka kasi wala na ulit akong chance makausap ka...I just wanted to tell you that so I could finally move on...see you around Jessie." sabi ni Nick bago umalis.

After ng lamay biglang naikwento ni Jessie ang nangyari kay Mattie.

"Parang di pa ko naniniwala kasi syempre diba, ang hirap maniwala kung yung taong dating gusto mo sasabihin sayo yun. The fact na feeling ko talaga that time is pinagpalit niya ko kasi after niya sabihin sakin na di niya ko mahal and hindi pa siya ready pumasok sa relasyon, biglang after a month malalaman mo sakniya inlove siya sa iba?"

"Uh-huh..."

"Diba ang sakit nun? Double kill yon kasi mismong siya nagsabi sakin kaya after that di na ko nagparamdam kahit na nagchat siya di na ko talaga nagrereply kahit ilang beses siyang tumatawag as in no talaga...tapos malalaman ko after a year na ganun? Bullsh*t diba?!"

"So? Ano pake mo? Hayaan mo na siya. May bf ka now diba? Si Mr. Masipag of the year?" sabay tawa

"Whatever. Ayoko na makikipagbreak na ko dun! Sa sobrang sipag, wala ng ibang sinabi kung hindi naglilinis! Kesyo naglilinis ng kwarto niya, pinaglilinis ng living room nila, kusina, banyo at kulang nalang buong barangay! Tuwing magtetext or chat ako ganyan ang reply! Screw him!"

Next chapter