webnovel

Chapter 1

Chapter 1

Nasa college pa din ako, I'm taking Business Ad. Luckily because I have my bestfriend, si Marilena, yes siya ang kaisa isang tumulong sa akin noong iniwan ako ni Jed. Siya ang kaisa isang naniwala sa akin. She's so kind and her family too. Ang pamilya ni Marilena ang naging pangalawang pamilya ko bukod kay Manang na katulong ko sa bahay.

But honestly I feel jealous, naiinggit ako sa pamilyang mayroon si Marilena, she's with her family, they're really happy with each other. Kahit mayaman sila ay napaka family oriented pa din nila. Karamihan kasi ngayon sa mayayaman ay nawawalan na ng oras sa pamilya nila, but in Marilena's family? They have enough time with each other. Nakakainggit sila. Ganon din naman kami e, ganon din kami bago kinuha sa akin ng Diyos ang pamilya ko. Simula kasi ng mawala ang pamilya ko, nawalan na ng saysay ang buhay ko, until I met Maria Elena Montauno. She change me, she help me and she treat me as her sister.

"Keara alam mo kailangan mo tapusin ang pag aaral mo, pano na lang ang kompannyang iniwan sa iyo ng parents mo diba?" Sabi ni Marilena. Napa buntong hininga na lang ako. Binabalak ko kasi tumigil sa pag aaral at magpatuloy na lang sa buhay.

"You don't understand me Lena, the company needed me, our company was sinking, do you think sasayangin ko ang kaisa isang iniwan sa akin ng magulang ko para mabuhay ako?" Paliwanag ko sa kaniya.

"Alright andoon na tayo, oo kailangan ka ng kompanya nyo, don't you think kung hindi ka magtatapos ng pag aaral ay magagampanan mo ng maayos ang pagiging CEO mo?" She has a point, napa buntong hininga ulit ako. I don't know, nakakapagod na. Wala na akong ibang magawa kundi ang sundin ang nag iisang Maria Elena. Two years na lang naman ay graduate na kami.

"Elena let's go the driver is already waiting for us" sabi ng kung sino. Agad akong napatingin kung sino iyon. Its Marilena's brother. Tinignan lang ako ng kuya niya at inirapan.

Tss napaka sungit niya.

"Okay, Keane Laura, uuwi na kami ni kuya, umuwi ka na din, text me if you're already home" sabi ni Lena and she hug me.

"Tss let her Elena, she's already old, you're bestfriend have mind!" Inis na sabi ng kuya ni Lena. Kahit kailan talaga ang isang 'to! Napaka sungit.

"Tss sige na Lena umuwi ka na galit na si Kuya Michal Stefan" sabi ko kay Lena. Ha! Talagang diniin ko ang pasasabi ng kuya!.

"Okay, just me okay?" Lena said, and I nodded, I watch them leave. I sigh again. Nag lakad na ako sa parking ng school para umuwi na din.

Habang nagdadrive ako papuntang bahay ay agad akong nag iba ng direksyon, I miss my family, dumaan ako sa flower shop. And dumaan muna ako sa Simbahan para mag dasal at para bumili na din ng kandila. Pagtapos ko mag dasal ay dumaretso na ako sa puntod ng pamilya ko.

Lauro H. Jimenez

June 24,1969- March 15,2016

Lorna Marie A. Jimenez

December 26,1970-March 15,2016

Kean Lorence A. Jimenez

January 16,2004-March 15,2016

Keana Laurice A. Jimenez

April 12,2009-March 15,2016

March 15 is the worst day for me. That day, my family was gone, kinuha sa akin sa isang iglap lang. Pinunasan ko ang mga puntod nila, tinaggal ko ang mga tuyong dahon at nag sindi ako ng kandila. Inayos ko din ang mga bulaklak na dala ko. I found my self crying again. Mukhang hindi mawawala ang sakit na ito sa puso ko. And I close eyes, this is my way to talk to them.

'Mom, Dad, Lorence  and Keana I hope you'll hear me, miss na miss ko na kayo. I want you back, I want your hug and kisses again, bumalik na kayo, hirap na hirap na ako, pano ba ang gagawin ko? Tulungan niyo naman ako.

You know Dad, our company was sinking, but I will really do my best para masave siya, tama si Lena Dad, hindi dapat ako tumigil sa pag aaral dahil para rin ito sa kinabukasan ko. Mom I'm sorry, some of your jewelries was stolen by my stupid ex, I'm really sorry, for now on I will keep all your things. And I really miss your fingers combing my hair, I miss also when you cooked and you baked for me.

Lorence ginagamit ko IPad mo, I know ayaw mo ipagamit sa akin iyon but I really want to, Gusto ko gamitin ang mga gamit niyo nila Mom dahil sa paraan na iyon ay parang nakakasama ko kayo. Keana, baby I miss you, I bought new hair clip for you. And I have a new dress you wanna see? Come back to me and I'll show you that . I really miss you all, gusto ko na kayo maka sama. Yeah I know I'm too young for that.

And Mom, Dad, I'm really sorry for my stupids acts and decision in life. I promise I won't do that again, I'm changing Mom, Dad, its because of Lena, she is my bestfriend, not just bestfriend but my family. I'm really lucky to have her.

Nang imulat ko ang mata ko ay biglang umihip ang malamig na hangin, hindi ko akalain ng dahil doon ay hahagulhol ako. Honestly nagalit ako sa Kanya, dahil kinuha Niya lahat sa akin noong araw  na iyon. But yeah I understand na this is just a fight, kailangan ko labanan ito.

"You miss them?" Nagulat ako sa nagsalita. Kaya agad ako napatingin sa kaniya.

Its Michal Stefan, Lena's brother.

Mabilis kong pinalis ang luha ko, at humarap sa kaniya, malungkot akong ngumiti at tumango sa kaniya. At tumingin ako sa bag ko para maghanap ng tissue o panyo para pang punas sa luha ko, Shit wala akong makita? Nakita kong may nilahad siyang puting panyo, tinignan ko siya at sinasabi ng mata niya na kunin ko iyon, kaya naman tinaggap ko iyon at nag punas na ako ng luha.

"Babalik ko ito tomorrow, bibigay ko kay Lena" sabi ko at tumango naman siya.

"A-anong kinamatay nila?" Tanong niya at agad akong napa tingin sa kaniya.."Okay you don't need to answer if you can't" dagdadg niya.

"Its....its car accident, I was on Baguio that time, because I want to be a soldier, doon ako pumasok noon, papunta sila doon para dumalaw sa akin, and...and may nabalita na may landslide daw—" hindi ko yata kayang tapusin, humagulhol ulit ako, tatlong taon na ang nakakalipas ngunit parang sariwa pa din sa akin."D-dahil sa l-landslide na i-iyon, n-na aksidente s-sila. W-walang naka r-recover sa kanila. Sa isang iglap kinuha sila sa akin" kwento ko sa kaniya.

"I'm sorry, I shouldn't ask" sabi niya.

"Its okay, no need to sorry" sabi ko at ngumiti sa kaniya, nilibot ko ang mata ko sa simenteryo baka kasi kasama niya si Lena. "By the way what are you doing here?" Takang tanong ko.

"I was visiting my grandparents there" turo niya sa kabilang parte ng simenteryo."And then I saw you, with eyes closed, akala ko ay tulog ka kaya pinuntahan kita" sabi pa niya. Tss paliwanag niya talaga oo!

"Tss, may natutulog ba na naka tayo?" Inis na sagot ko sa kaniya. And he chuckled.

He's so cute.

"By the way are you with Lena?" Tanong ko dahil hindi ko napapansin si Lena. Mabilis siyang umiling.

"Nah, Elena was already home, dumaan lang ako dahil death anniversary ng lola ko" sabi niya pa. At tumango naman ako at bumaling ulit sa puntod ng pamilya ko.

"Are you not going home yet? Tanong niya, bakit ba parang ang daldal niya ngayon? Samantalang kanina sa school tinatarayan ako, tss iba talaga ang utak niya.

"Uuwi na din ako, magpapaalam lang ako sa kanila" sabi ko at tinuro ko ang puntod nila Mom, "Ikaw hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sa kaniya.

"Sabay na tayo pag labas, you have a car naman right?" Sabi niya at tumango naman ako.

Pumikit ulit ako para mag paalam na sa pamilya ko.

'Mom, Dad, Lorence and Keana, the man was standing beside me is my bestfriend's brother, you know there family is my second family, there parents treat me like their own child, I'm lucky to have them.

Ahm, Mom, Dad, Lorence and Keana, I'm leaving na, may pasok pa bukas, I will visit again on weekend. Please guide me to all my way? Help me Mom and Dad. I love you all and I really miss you all. Till next time!

Minulat ko na ang mata ko, nakita ko si Chal na naka titig sa akin ngunit hindi ko muna siya pinansin. Muli kong pinunasan ang mga luha ko. Umupo ulit ako para punasan ulit ang puntod ng pamilya ko, tinabi ko ng maayos ang bumalaklak at tsaka tumayo na ako.

"Let's go" sabi ko at tumango siya.

"Hindi ko naisip na kaya ka sutil ay dahil may pinag dadaanan ka pala" biglang sabi niya.

"My God! Dati iyon no! Nag bago na ako dahil sa kapatid mo, good girl na ako ngayon!" Taas noong sagot ko sa kaniya.

"Really? E nalaman ko nga na nag cutting kayo kanina dahil kumain kayo. Really? Nag cutting kayo dahil gutom na kayo? Tss sinama mo pa talaga kapatid ko' sabi niya. Nag cuttibg kasi kami kanina ni Lena dahil ang tagal mag turo ng prof namin! Nakakagutom kaya!

" H-Hoy hindi ako ang nang akit sa kapatid mo no! Siya ang nagyaya dahil gutom na daw siya! Wag ka nang binatangero diyan!" Inis na sagot ko sa kaniya. Tss hindi naman ako BI no! Mabait na ako ngayon! I swear!

"At tsaka paano mo nalaman na ang skip kami ng class?! Don't tell me nag skip ka din?" Nakakalokong tanong ko sa kaniya. Ha! Akala mo kung sinong mabait nag sskip din pala ng class!.

"No I don't skip my class, Nalaman ko iyon because I have my ways" sabi niya at ngumiti. Kitang kita ko yubg ngipin niya dahil sa ngiti niya. Ang cute niya. Grabe tapos yung mata niya? Arghhhh!

Hoy hindi ako magkakagusto diyan no! Kuya ko na iyan e! At tsaka kuya iyan ng bestfriend ko! Baka iyan pa ang maging dahilan ng Friendship Over namin ni Lena! Yay! No way!

But he's smile! Ano iyon?! Isang taon ko na siya nakikitang  ngumiti pero ngayon ko lang siya nakitang ngumiti dahil sa akin! Geez! Ang init dito! Pinag papawisan ako.

"Tsss" singhal niya ngunit tumatawa siya, bakit siya tumatawa? Ako ba pinag tatawanan niya?

"What are you laughing at?" Takang tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at sumeryoso ulit. Luh? Baliw yata?

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng kotse ko, ganon ba ako na carried away?

"Ah Chal, ibabalik ko bukas itong panyo mo" sabi ko at tumango lang siya. Hmp! Ang sungit ulit niya, kanina hindi naman siya ganoon.

"Drive safely" sabi niya at pumasok na siya sa kotse niya, pumasok na din ako sa kotse ko, at napatingin ako sa side mirror, bakit ako naka ngiti? Agad akong sumeryoso at inistart na ang kotse.