1 Encounter

It was then that Miles saw Sarah Andrews for the first time.

In that instant, no shivers pricked the hairs on the back of his neck, no premonitions burst forth like exploding fireworks; he felt no sense of foreboding at all, and looking back-considering all that was to come—he was always amazed by that.

Paano nga ba nagsisimula ang isang istorya—ang isang love story?

Marahil, marami ang magsasabi na nagsisimula ang lahat sa unang pagkikita. 'Yung tipong sa unang pagkikita pa lang may sparks na. Parang may fireworks sa background o kaya naman, tulad sa pelikula, 'yung nag-i-slow motion ang paligid habang nagkakatitigan at nagngingitian ang mga bida.

Ang cliché.

Bakit nga kaya gano'n, hindi tayo nagsasawa sa kung ano ang cliché? Parehong mga pelikula ang pinapanood natin. Parehong uri ng mga libro ang binabasa natin. Parehong mga bagay ang nagpapangiti sa atin, nagpapa-kilig . . . at nagpapa-ibig.

Pero paano kung sa unang pagkikita walang sparks, walang fireworks, walang slow motion, walang nakakatunaw na pagtitinginan o ngitian? Paano kung ang unang pagkikita e tulad ng kay Miles Ryan at Sarah Andrews? Baka nga 'yung pinakahihintay na chance encounter e 'di pa mapansin dahil parang ordinaryo lang ang lahat. Hindi pampelikula o pang-libro ang eksena.

Gan'yan naman ang totoong buhay 'di ba?

Alam ko kanina pa ko tinitingnan at siguro pinag-uusapan ng dalawang babae sa kabilang table.

Iba ka talaga, Gordon Jimenez. Ang gwapo. Nyay, walang gano'n!

Siguro, napansin nila ang binabasa kong libro dito sa coffee shop—A Bend in the Road by Nicholas Sparks.

Napangiti na lang ako.

Hindi ko maiwasang ma-curious sa kung ano nga ba ang iniisip ng mga babae kapag nakakakita sila ng lalaking nagbabasa ng romance fiction, chicklit novel, o iba pang libro na karaniwang binabasa ng mga babae.

Iniisip kaya nilang bading ako?

Hindi naman siguro. Wala naman talaga kasing pinipilang gender ang romance fictions at kung ano pang genre ng isang akda 'di ba?

Kinikilig kaya sila?

May nabasa kasi ako minsan sa isang blog:

Seeing someone read a book you love is seeing a book recommend a person.

Isa kaya sa kanila e nabasa na ang librong hawak ko? Isa kaya sa kanila e nag-iisip na baka ako na ang the one para sa kaniya?

Natawa ako sa mga pumasok sa isipan ko.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng libro. Kailangan e.

Marami kasing nahirapan sa malupit na exam ni Ms. Rodrin sa Literature. 'Di kapani-paniwala. Pero totoo . . . isa na ko sa mga bumagsak. Para makabawi, gumawa na lang daw kami ng book review.

Pinapili ni Ms. Rodrin ang klase kung sinong author ang gusto namin. Ang mga kaklase ko gusto pa atang utakan si Ms. Rodrin, si Nicholas Sparks daw ang paborito nila; rinig na rinig naman ang bulungan nila na kaya si Sparks ang gusto nila e kasi may movies na yung mga book niya. Panonoorin na lang daw nila. Natawa na lang ako nang pumayag si Ms. Rodrin kasi ang pinili niyang book e yung wala pang movie version.

Ang totoo, pwede ko namang i-google na lang ang review ng book na 'to pero no'ng napadaan ako kanina sa bookstore, ewan ko ba, bigla lang ako na-curious basahin.

Tiningnan ko ulit ang dalawang babae sa kabilang table. Ngumiti ako sa kanila (Landi!) Walang sparks, pero parang kinilig sila. Narinig ko pa nga sabi ng isa na ang gwapo ko. Nyay, walang gano'n!

Hinigop ko na ang natitirang kape sa tasa, tumayo at lumabas na ng coffee shop.

Wooo, ang lamig ng gabi.

Pagdating ko sa tawiran, naabutan ako ng stop ng traffic lights. Ninety seconds. Ang tagal.

Nakatitig lang ako sa traffic lights at sinasabayan ang bilang ng electronic counter nang mula sa likod ay may yumakap sa akin.

"Mahal kita. Nakakainis ka," bulong niya.

Babae siya, tingin ko base sa boses niya. Tingin ko lasing 'to. Boses lasing e.

Nang tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap niya, siya na mismo ang unti-unting humiwalay sa'kin.

"Nakakainis ka," muli niyang sabi.

Humarap ako sa kanya na kaagad kong pinagsisihan. Bigla niya kong sinuntok. 'Di naman masyadong malakas kasi lasing nga siya, pero masakit pa rin.

Napahawak ako sa pisngi ko. First time kong masapak ng lasing.

Nagkatitigan kami. Siyempre kumunot ang noo ko sa kanya para ipakitang inis ako sa ginawa niya, kaya lang bigla niyang inalis ang kaniyang tingin.

Nagsimula siyang maglakad. Nakatawid siya sa unang lane ng kalsada kahit pagewang-gewang, wala namang gaanong sasakyan sa lane na 'yun. Huminto siya sa gitna. Mas malapad na ang kalsada sa kabilang lane. Mas marami na rin ang mga sasakyang mabilis na dumaraan. Nagsimula siyang humakbang . . .

Ano! Loko 'to, tatawid e naka-go pa rin yung mga sasakyan.

Tatlong segundo rin akong napanganga habang nakatanaw sa kaniya—tatlong segundong nabawas sa counter ng traffic signal lights.

Thirty seconds pa ang natitira bago magpalit sa green. Sa bilis ng mga sasakyan, malabong hindi siya mapuruhan kong masagasaan man siya.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumakbo ako tungo sa kaniya at dali-dali kong hinatak ang braso niya palapit sa akin.

Tumama ang mukha niya sa dibdib ko. For the second time, nayakap niya ulit ako. Nakaka-ilan na sa'kin 'to ha.

Bahagya niya akong naitulak nang bumusina ang isang kotseng dumaan sa gilid namin. Na-weirdo-han siguro sa'min ang driver. Baka first time niyang makakita nang nagyayakapan sa gitna ng kalsada. Tumawa ako nang mahina. Parang pampelikula ang eksena namin ngayon.

"Bitawan mo ko, manyak ka!" sigaw niya.

Ibinaba ko ang tingin sa braso niya at kaagad na tinanggal ang pagkakahawak ko.

"Miss, hindi ako manyak. Ayan, stop na ang mga sasakyan. Makakatawid ka na."

"Ayaw ko."

E may saltik naman pala talaga 'to e.

"O, sige ma-una na ko sa'yong tumawid." Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman siya sa likuran ko.

Pagkatawid, kumaliwa ako habang sa kabilang direksiyon naman siya pumunta. Lumnigon ako para  tanawin siya. Gano'n pa rin siya maglakad—parang tutumba. Muntik pa ngang siyang tumumba, nagawa niya lang na makahawak sa isang poste.

Haist. Parang 'di ko siya kayang iwan na lang.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya pabalik sa coffee shop.

Pina-upo ko siya sa parehong pwesto ko kanina. Um-order ako ng cafe americano para sa kanya.

"O kape nang mahimasmasan ka naman kahit na konti."

Tinanggap niya naman ito. Umupo na rin ako. Magkaharap kami. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya na dahan-dahang hinihigop ang kape.

Walang nagsasalita sa amin. Tahimik. Naisipan kong kuhain sa bag ko ang binabasa kong libro kanina.

He would, however, always remember his surprise at the fact that Charlie had been right: She was attractive. Not glamorous in a high-maintenance way, but definitely a woman whose passing would cause men to turn their heads. Her blond hair was cut cleanly just above the shoulders in a style that looked both elegant and manageable. She wore a long skirt and a yellow blouse, and though her face was flushed from heat, her blue eyes seemed to radiate a freshness, as if she'd just spent the day relaxing at the beach.

Nang unang makita ni Miles si Sarah, no shivers pricked the hairs on the back of his neck, no premonitions burst forth like exploding fireworks; he felt no sense of foreboding at all.

Sa madaling salita, walang kilig. Walang sparks.

Katulad ito nang unang pagkikita namin ng babaeng nasa harapan ko. Walang slow motion. Walang titigan at ngitian. Sapak lang ang na-feel ko. Saklap.

Pero tulad ni Sarah Andrews, chicks din naman siya. Maputi. Yung mga mata niya, dark brown, pero halata mong iyon talaga ang kulay ng mga ito. Medyo magulo lang ang buhok niya pero maganda siya. Maganda siya . . . may saltik nga lang.

Napatingin ako sa orasan sa may dingding—8:47. Kailangan ko na talagang umuwi dahil may exam pa ko bukas.

"Wala bang pwedeng sumundo sa'yo rito? Kailangan ko na kasing umuwi e," tanong ko, tumayo ako.

Tumingala siya sa'kin. "Sige, okay lang. Ite-text ko na lang 'yung kaibigan ko."

Tingin ko medyo okay na siya. Ume-epekto na rin ang kape, nahimas-masan na siya kahit papaano.

"Sige, una na ko," pagpapaalam ko, pagkatapos, naglakad na ko palabas ng pinto.

Sa labas nakita ko siya mula sa glass panels ng coffee shop na kumakaway. Nakatingin siya sa'kin. Nabasa ko ang binibigkas ng bibig niya—Thank you—sabay ngiti.

Kumaway rin ako pabalik at tinanguan siya.

Dumiretso na ko sa paglakad at muling tumawid ng kalsada. Napadaan ako sa isang convenience store kung saan naaninagan ko ang sarili mula sa salaming pader . . . kanina pa pala ako nakangiti.

May sparks.

avataravatar
Next chapter