1 THREE-THIRTY-THREE

"Our bodies are our gardens - our wills are our gardeners."

Seryoso ang aking mukhang nakatingin sa harap kung saan ay isinusulat ng aking guro ang isang piece ni Shakespeare. Ala una ng hapon kaya hindi ako makapokus sa pakikinig dahil sa inaantok ako. Nasa mismong katabi ng bintana ako nakaupo kung kaya't inaakit ako ng hangin para matulog. Saka nasa panghuli pa naman ako kaya talagang makakatulog ako nito.

"Megumi... Megumi," napabaling ako ng tingin sa babaeng kanina pa binubulong ang aking pangalan.

"Bakit?"

"'Di ba matalik kayong magkaibigan ni Ichirou?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oo, bakit?"

Medyo nahihiya pa siya pero halata naman na may lahi itong higad. Sorry not sorry. "Nabalitaan ko kasi na itinakbo siya sa hospital."

"Tapos?"

"Kaya kung pwede sana, eh, sasabay ako sayo papunta sa hospital... kung pupunta ka."

Bumwelo pa ako dahil may gustong-gusto talaga akong tanungin kaya lang mas nauuna 'tong hiya ko, "Uhm, Yumie."

"Hmm?"

"Ah, wala wala."

Kinagat niya ang kaniyang labi, "Okay." Saka ako umiwas at sumandal mismo sa bintana, nakadungaw.

Panghuling klase na at may natitira pang tatlumpong minuto bago matapos. Sabik na sabik na akong bumisita kay Ichirou at ayokong makasamang umiwi 'tong isa. Sa tanang buhay ko, si Ichirou lang talaga yung taong malapit sa akin. Ang mga babae kong kaklase ay hindi ko dama. Alam ko kasing mga plastik at malakas ang insekyuridad sa sarili kaya ayokong nakikipagkaibigan sa kanila.

Bagot na bagot na ako.

May dumating na isang guro at kinausap 'yong guro namin kaya kinuha ko ang aking bag mula sa paa ng lamesa at tinanggal ang mga babasaging kagamitan. Nang natagalan sa pakikipag-usap ay maingat kong inihulog ang bag sa labas ng bintana. Nasa ikalawang palapag lang naman kami kaya okay pa naman. Mabuti na lang at hindi nakatingin sa akin Yumie.

Nang bumalik ulit sa klase ang aming guro ay nagtaas ako ng kamay, "Yes, Megumi."

"Cr lang po ako, Ma'am." Nasa labas kasi ang mga cr dito.

Napakalawak ng aking ngiti nang ako'y kaniyang pinayagan. Para ba akong isang layang kriminal. Ang saya lang. Nang ako'y makalabas ay tumakbo ako nang mabilis at dumiretso sa pinaglaglagan ng aking bag. 

Yosh! Natawa na lang ako. Pumitas muna ako ng bulaklak bago lumabas. Nagulat ako nang may bumagsak sa likod ko. Paglingon ko ay may naghulog na bag mula sa classroom namin. Napasapo na lang ako sa noo nang masayang kumakaway sa akin si Yumi habang tumatakbo palapit.

"Tara na!" saka niya hinawakan nang mahigpit ang aking pala-pulsuhan.

Nakita ko ang striktong guard. Hindi pa tapos ang klase kaya siguradong hinding-hindi niya papalabasin. Ano ba 'yan!

"Guard."

"Ako bahala," aniya.

Nakalabas kami sa paaralan nang hindi sinita ng guard. Umakyat ba naman kami sa matayog na bakod. Malakas ang tawa ko sa aming pinaggagawa. Medyo na-guilty ako dahil nahusgahan ko siya. Akala ko gaya siya ng ibang babae, pero kagaya ko pala siya — na-misinterpret ko siya. Nakarating kami sa ospital. Sumikip ang aking dibdib dahil sa nakikita kong kalagayan ni Ichirou. Madaming tubo sa kaniyang katawan. "Lapitan mo na," utos ko.

Mga ilang minuto lang na nanatili si Yumie dito dahil malayo pa ang kaniyang uuwian.

"Araw-araw mo akong binibigyan ng halaman. Nagmumukha ng halamanan 'tong kwarto ko," mahinang sambit ni Ichirou.

Napangiti naman ako, "Mas maganda na 'to dahil araw-araw kitang iniisip, at parang palagi na rin kitang kasama." Hinigpitan niya ang kaniyang hawak sa aking palad.

"Merry Christmas, Megumi. Mukhang hindi na ako aabot sa mismong araw ng pasko... saka wala pa akong regalo sa 'yo."

"Para kang tanga... Ang gusto ko lang naman ay makasama kang tumanda. Saka kaya mo 'yan... cancer lang 'yan."

"You will always be my favorite person..." Ngumiti siya, "Pag nawala ako, palagi mong iisipin na ako 'yang mga halaman para hindi ka nalulungkot."

Kinabukasan, namitas ako ng mga bulaklak sa aking dinaanan. Dinami ko ang pagpipitas dahil paborito ni Ichirou.

Kanina pa ako patingin-tingin sa aking relo at nangangatog 'tong binti ko. Bakit kaya?

Aabutin ko sana ang isang bulaklak dahil iba ang kulay sapagkat ako'y dumausdos sa lupa na para bang may tumulak sa akin. "Aray! Walangya." Tumingin ulit ako sa aking relo, 3:33 pm na pala.

Tumuloy na ako papunta sa ospital kahit na masakit ang aking puwetan. Nakarating ako roon at nasa labas silang lahat ng kwarto.

"Si Ichirou? Ibibigay ko sana 'tong paborito niyang bulaklak."

Sinalubong ako ng ate ni Ichirou ng yakap at luhaan. Humihingi ng tawad, "Bakit, ate?" Nagugulumihan kong tanong.

"Wala na siya... patawad dahil hindi namin siya ipinaglaban."

"Ate naman... masamang biro 'yan."

"Ang sabi niya, tawagan ka namin dahil gusto ka niyang makita bago siya mawalan ng hininga pero hindi namin ginawa... dahil alam kong hindi mo siya papayagang magpahinga... Hindi mo siya papayagang mawala sa 'yo."

Tumakbo ako sa kaniyang kwarto. Parang dinudurog ang puso ko nang wala na ang mga nakakabit na tubo sa kaniya. Nanghina ako nang makita ko ang oras ng kaniyang pagkamatay, "3:33 pm?"

Nanginginig ang aking kamay, "I-Ichirou..." Mabibigat ang yapak ng aking sapatos na para bang ayaw kong makita siyang wala ng buhay. Ang mga natitirang buhay na lamang ay ang mga halamang binibigay ko sa kaniya araw-araw, "Ichirou... gising na. E-to, oh, pumitas ako ng carnations, paborito mo."

"Gising na, please." Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Niyakap ako ng kaniyang ate at pinatahan.

"Bakit hindi mo man lang ako hinintay? Di ba malakas ka? Pasko na bukas pero hindi mo man lang tinupad ang gusto kong regalo mo para sa akin... Napakadaya mo. Hindi ko pa nasasabing mahal kita, higit pa sa kaibigan."

"Megumi, kukunin na nila si Ichirou." Umiling ako. Niyakap ko siya dahil ayaw ko siyang ibigay sa kanila. "Parang-awa mo na, pakawalan mo na siya. Pagod na ang kapatid ko..."

"Megumi... tanggapin na natin." Gulat ako dahil si Yumie ang nagsalita. Lupaypay ang kaniyang balikat at namumugto rin ang mga mata.

Unti-unti kong siyang pinakawalan, "Patawad kung hindi kita kayang pakawalan pero kailangan ko na ring tanggapin. Mahal na mahal kita, Ichirou. P-paalam," saad ko. Hinalikan ko ang kaniyang noo bago siya ilabas ng mga nars, "Paalam."

avataravatar
Next chapter