14 Unique

Chapter 14: Unique

Haley's Point of View 

Another weeks nanaman ang lumipas ng makasama ko 'yong apat na tinatawag ng karamihan sa Trinity4. Maraming babae ang inis sa akin, pero ano ba'ng magagawa ko? I just can't blame them, naiintindihan ko naman na gusto nila na sila ang nasa posisyon ko. 

But they shouldn't throw evil stares at me! It's not my fault in the first place! Dammit! Honestly, I really wanted to leave the group but they keep on telling me to stay and ignore the people who's talking nonsense. I know but...

Bumuntong-hininga ako at nagbigay ng force na padyak para mas umandar pa ako ng mabilis. Naka skateboard ako ngayon at papuntang school, wala naman akong masyadong dala-dala ngayon kaya ito ang ginamit ko pampuntang school. 

Tiningnan ko 'yong ulap sa harapan, "Uulan ba?" tanong ko. Mayamaya lang ay may mga gang ang nakatingin sa legs ko, hindi ko sila pinansin at binilisan lang ang takbo ng isa kong paa.

Nakarating din naman 'agad ako sa school ngayon.

Pinaiwan ko kay kuya guard 'yong skateboard, "Iwan ko muna sa inyo 'to" pag-iwan ko kay kuya Bong habang pinapatong niya iyon sa harapan niya. 

Nag thumbs up ito at ngumisi, "Okay!" tumango ako at naglakad na papasok ng campus.

Sa aking paglalakad,  naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng skirt iyon para tingnan kung sino ang nagtext. 

From: Harvey the Impakto

Ayan 'yong contact name niya dahil bagay naman sa kanya, tss... Dapat nga pa-cool contact name ng lalaking ito, eh.

Hoy babae, sino may sabing pumasok ka ng hindi nagpapaalam sa akin?

Basa ko ro'n sa message niya habang walang gana lang akong nakatingin, "Ano ka? Boyfriend ko?" nakasimangot na pakikipag-usap ko sa phone at hindi na lang pinansin ang text niya. Ibinalik ko na lang sa bulsa ng skirt ko ang cellphone. 

Nang mapunta ako sa grupo nila, walang oras o araw na hindi ako badtrip ng dahil sa tatlong lalaking 'yon, nagtataka nga ako kung paano natitiis ni Keiley ang mga iyon, eh.

Naglalakad ako noong mapahinto ako sa harapan ng Music Room, dahil sa na-curious ako kung ano ang maaaring nasa loob ay pumasok ako at sinarado ang pinto. 

Humarap ako sa bagay na nagpakinang sa mata ko. Nakaawang-bibig ako nang hindi ko na lang namalayan na napangiti ako. 

Reed's Point of View 

Maaga akong pumasok ng Enchanted University dahil may practice kami ngayong umaga, dahil mamayang hapon ay may pupuntahan daw'ng meeting si coach at gagamitin din ng college teacher 'yong covered court kaya hindi rin talaga kami makakapag practice ng hapon.

Hindi sa pinagmamayabang ko ito, pero nasabi ko na ba sa inyo na ako ang captain sa Basketball team? Ang galing 'nu? "Kyahh!" rinig kong tili ng mga babae pagka-shoot ko ng bola sa ring. 

"Three points!" 

***

"BYE, CAPTAIN!" paalam sa akin ng mga ka-team mates ko pagkatapos ng morning practice, habang dumiretsyo naman ako sa changing room para makapagbihis.

Hindi naman ako nagtagal dahil nakahanda na ako. Pumunta ako sa building namin at nadaanan ang music room, pero nalagpasan ko na nga iyon nang may magandang boses akong narinig dahilan para mapahinto rin ako.

"There's nothing to be afraid of,

Even when the night changes, It would never change... Me and You..."

Night Changes ng One Direction ang kinakanta niya. Familiar ang boses nito pero hindi ko matandaan kung kaninong boses iyon. Saan ko nga ba narinig 'yang boses na 'yan?

Pinakinggan ko lang ito nang pinakinggang hanggang sa huminto na siya sa kakakanta niya, sisilip pa sana ako kaso hindi ko na itinuloy dahil naramdaman ko na papalabas na siya.

Sa kadahilanang ayokong mag-isip ng kung ano ang babaeng iyon, mabilis akong tumakbo paalis.

***

"GOOD MORNING, Reed." bati ng estudyante pagkalabas ko pa lang sa comfort room.

"Morning, Reed! Kain ka na."

Nginitian ko lang silang dalawa kaya kilig na kilig naman itong tumatakbo papunta sa kung saan. Lumakad na lamang ako sa dapat kong puntahan. Bago ako dumiretsyo sa classroom ay pumunta na muna ako sa Vending machine na hindi naman lalayo rito. Gusto ko bigla ng juice. 

Nag insert ako ng pera sa vending machine, pinindot ang button sa tapat ng juice in a can bago ito bumaba at makuha ko. Sumandal ako sa pader at tumingala para titigan ang ulap habang inaalala ang boses na iyon. Iniisip kung sino 'yong babaeng iyon. Gusto ko sanang isipin si Haley dahil malakas ang kutob ko na siya pero iba ' yong boses, eh.  Medyo mababa siya 'tapos mahahalata mong malungkot. 

"It would never change... Me and You" I heard her voice again, I don't want to think about it but..

It seems like the moment you try not to think about something is when you can't get it off your mind.

Umiling na nga lang akong naglakad pabalik sa building namin matapos kong maubos ang iniinum ko. Ginawa kong bola 'yong can para lang i-shoot iyon sa basurahan na nasa tabi ng Vending machine. 

Nakasalubong ko ang tatlo kong kaibigan at mukhang kapapasok lang din nila. "Oh? Nandito na rin kayo" bungad ko pagkasabay ko sa kanilang maglakad. 

Nag bro fist kami ni Jasper gayun din si Harvey.

"Kumusta practice?" Pangangamusta ni Kei sabay abot sa akin ng tumblr na naiwan ko sa mansion.  Bumili rin kasi ako ng tubig sa canteen dahil nga wala akong tubig. Saka bumili na rin ng juice para mawala ng kaunti uhaw ako. Ganoon ako, eh. 

Binuksan ko ang takip ng tubig,  "Ayun, okay lang." tugon ko at ininum ang bigay ni Kei, "Salamat pala" tukoy ko sa tumblr na may pag-angat pa.

Tumingin sa kanan na bahagi si Harvey, "Nasaan na 'yong Haley na 'yon?" napatingin ako kay Harvey.

"Akala ko kasabay niyo" takang sabi ko.

Ibinalik ni Harvey ang tingin n'ya sa akin, "Huh? 'Kala ko nga kasama mo, eh." 

"Saglit ite-text ko lang siya" pagkuha ni Kei sa cellphone niya mula sa bag. 

"Hindi, ang mabuti pa'y i-check na lang natin sa room namin, baka naroon lang siya" sabi ko na tinanguan lang nila.

Kei's Point of View 

Papasok pa lang kami ng building nang tumambad na sa amin 'yung Queen Bee na si Shane at ang dalawa niyang aso. Aso dahil sunod sunuran lang sila kay Shane.

Hindi man halata pero may ganito akong side sa utak ko, hindi ko lang madalas ipakita sa iba dahil hindi naman necessary.  

Kill them with kindness kuno nga.

"Hello, good morning." ngiting bati ni Shane sa tatlo. S'yempre hindi ako kasama riyan. 

"I guess you want something from them? " seryosong panghihinala ko. 

Ngumiti naman si Shane at medyo tinabingi ang ulo. "No, wala naman. Bumabati lang naman ako, Keiley." nagpipigil nitong inis sa akin kaya mas ipinakita ko pa sa kanya ang pagguhit ng ngiti sa aking labi. Wala, inaasar ko lang talaga siya. Baka ipakita na niya sa akin na ayaw niya sa 'kin, eh. 

Kapag nase-sense mong hindi ka gusto no'ng tao, palagi mo lang silang ngingitian kahit naiinis ka rin sa kanila. Just act normal hanggang sa ipakita nila kung ano ang tunay nilang kulay sa 'yo. 

By that, panalo ka.  

"Mauna na muna ako." paalam ni Reed at nauna ng pumasok, 'agad naman kaming sumunod sa kanya pero bago ako maglakad, nakita ko ang masamang pagtingin ni Kath sa akin ngunit nilagpasan ko lang ito at pumasok na sa loob. Pagkapasok, nilapitan na kami ng ilan sa mga estudyante.

"Harvey, Pa-picture naman ako sa 'yo!"

"Jasper, pa-kiss nga ako!"

"Reed, makipag date ka na kasi sa akin! Hiya ka pa, eh!"

"Keiley, sagutin mo na ako, oh?!"

Muli nanaman akong napabuntong-hininga, hindi ko na talaga alam 'yong gagawin ko sa mga students ng Enchanted University.

Haley's Point of View 

Nasa corridor ako ng 1st floor at naglililibot sa buong building dahil marami pa naman akong time. Sa paglalakad ko ay mayroon nanamang nag vibrate sa phone ko. Huminto ako at ipinasok ang kamay sa bulsa ng skirt para kunin ang phone ko. 

This time, sino naman kaya?

Tanong sa isip ko at binuksan ang text. Medyo na surprised ako kasi si Keiley na ang nag-PM sa akin.

Hindi ko binigay number ko sa kahit na sino sa kanila, hiningi lang nila 'yon kay mama kaya may contact ako sa kanila. 'Di ba? Nakakainis lang. 

From: Keiley

Nasaan ka? Hinahanap ka namin. TextBack

Text niya pero hindi ko na siya na-replyan dahil nag text na sa akin si bebe ko. And what I mean na BebeKo. Si 8080 'yon. Expired na raw ang load ko. 

Hahh.. Tinatamad pa naman akong magpa-load ngayon. Pero magkikita naman kami mamaya kaya bakit kailangan ko pang mag-reply?

Naglabas ako ng hangin saka inilagay ang kamay sa bulsa ng coat ko. What a life, hindi ko talaga ine-expect na masasama ako sa pinaka famous group sa buong campus, sa loob man o labas. 

Ayoko mang aminin pero gwapo rin talaga 'yong tatlo at maganda naman si Keiley, pero hindi talaga sumagi sa isip kong super popular sila.

Nagulat nga din ako, akala ko si Harvey ang pinaka mayaman sa E.U pero hindi pala!

Si Jasper ang anak ng may-ari ng lahat ng mga hospitals, pero karamihan doon ay mga private hospitals.

Si Keiley naman ang isa sa may-ari ng malls at ang university na pinapasukan ko ngayon.

Sa kanila rin ang Meng Di Li Ya-- Trending Toys Company sa Pinas. 

Si Harvey naman, s'yempre alam niyo na, hotels... 

May mga kanya-kanyang pangalan ang pamilya nila. Mamamangha ka na lang dahil maiisip mong wala na silang ibang kailangan. Hindi rin halata sa kanila na mayaman sila at simple lang din. 

Pero si Reed? Hindi ko alam. Wala akong naririnig tungkol sa kanya, pero ang alam ko ay nakatira siya kina Keiley dahil wala raw ang parent's niya. Nasaan naman kaya sila?

Naglalalakad lang ako sa gitna, rinig na rinig ang ingay ng mga estudyante sa building na ito.

Nangako ako sa sarili kong hindi ako magkakaroon ng kaibigan, pero ito ako ngayon at kaibigan ang Trinity4, kung saan ito 'yong grupo ng mga maiingay at nakakaasar na tao.

Nakita ko na 'yong apat, at sa ngayon ay pinagkakaguluhan nanaman sila.

Pero... Sila 'yong taong maasahan mo sa lahat ng bagay, na pwede mong pagsabihan ng kung anu-ano. O kaya naman tanggap ka sa kung sino ka.

Hindi rin sila nanghuhusga, kapag alam nilang mali ka. Harap-harapan nilang sinasabi iyon. 

Naglabas ako ng hangin. 

I'm Haley Miles Rouge, a 16 year old high school student in Enchanted University or in short, E.U kung tatawagin.

Lumipat ako ng school for some reasons. Pero ito ang pinaka dahilan ko.

Dahil gusto ko ng panibagong buhay na ako lang ang mag-isa, ayoko ng kaibigan o ano man na mayroon sa school except sa pag-aaral ko.

Kumabaga alone, tama a loner, pero hindi ko masasabing nalulungkot ako ng dahil doon, kaya kong mamuhay mag-isa ng walang kaibigan, actually mas mabuti 'yon kaysa naman mapalibutan ka ng mga taong hindi totoo sa iyo. 

Though I didn't expect na sa mamahaling skwelahan ako papasok. Ang dahilan? Si mama ang may gusto. 

"Kyahh! Trinity4!" tili ng kung sinong estudyante.  

Pero hindi ko pwedeng sabihin na pinagsisisihan ko na pumasok sa Enchanted University. 

Natagpuan ko man ang isa sa barrier ng kasiyahan ko, may mga tao naman ang tutulong para sirain ang negativity na iyon. 

"Trinity4! Trinity4!" 

Lumingon ako sa kanang bahagi kung saan may nahahagilap akong kung sino roon. May dalawang estudyante ang pa-simpleng nagtatago, kumukuha sila ng litrato nila Reed. 

"Tandaan mo, dapat ikalat natin sa mga estudyante kung ano talaga ang ibig sabihin bg Trinity4." kumunot-noo akong tumingin sa nagsabi no'n. Oo nga naman, bakit Trinity4 ang naging pangalan nila kung ang Trinity ay para lamang sa tatlo? 

"Pero president, hindi ko talaga alam kung bakit Trinity4 ang ipinangalan mo sa kani--" tumaas ang dalawang kilay ko nang kotongan siya ng kasama niya. 

"Idiot! Sasali-sali ka rito sa club natin pero hindi mo alam 'yong simpleng sagot sa tanong na 'yan?! TRINITY stands for those three handsome boys!" pag emphasize niya. Three Jerks kamo. Hindi Handsome boys. Ugh. "At kaya may 4 dahil apat silang members sa circle. Now, alam mo na kaya wala nang tanong-tanong!" 

Tumango-tango naman ako bago umalis sa lugar na ito. Mukhang napansin na nga rin yata ako no'ng apat, eh. 

"Haley!" tawag ng isa sa kanila pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Ayoko sa barkada nila. Ayoko sa kanila, Hindi ko gusto ang Trinity4, pero lahat ng 'yon ay nagbago... Lahat ng mga pangako ko sa sarili ko, lahat ng mga sinabi ko, nagbago... Hindi sila natupad. Parang kinain ko lang ang mga salita ko.

Pero bakit nga ba pumayag akong sumama sa kanila? Ito lang ang pwede kong maisagot.

Dahil naiiba sila sa lahat. Kung gusto nilang maging kaibigan ang isang tao, hindi sila susuko na makipag kaibigan sa taong iyon, kumbaga sila ang naghahabol imbes na sila ang habulin. 

Ayoko mang aminin pero kahit na ang yaman yaman nila at na sa kanila halos lahat. Napaka humble nilang tao. 

Humble na may kademonyohan din sa katawan.

Lihim na gumuhit ang ngiti sa aking labi, "Three Jerks, One Chic, and Me." 

avataravatar
Next chapter