45 Trust in you

Chapter 45: Trust in you

Reed's Point of View 

Partner ko si Haley at sina Kei ang dapat na magkasama ngayon sa kwarto pero dahil sa nangyari kanina ay napagdesisyunan namin na magsama na muna si Harvey at Kei sa kabilang kwarto nang sa gano'n ay nababantayan siya. Kasi hindi namin alam baka mamaya bumalik nanaman 'yong Christian na iyon kahit pa na marami ang bantay rito. 

Hindi namin sinabi sa advisers namin ang nangyari dahil ayaw din naming magkagulo't madagdagan ang iniisip nila. Medyo mahirap nga rin dahil patago namin itong gagawin para hindi magkaroon ng issue. Ni-lock pa namin ang pinto para mas sigurado.

…Which is I don't know if it's normal for us teenager. We're already in 3rd year high school but this is not actually a right thing to do.

Nag-aayos ako ng gamit dito sa kama nang mapatingin ako kay Haley na inaayos na ang damit niya ro'n sa closet. Bakit parang wala lang sa kanya na magkasama kami? Hindi ba siya naiilang? O sadyang ako lang itong nag-iisip ng kung anu-ano?

Napansin naman niya na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon ito sa 'kin, "What are you looking at?" mataray na tanong niya sa akin kasabay ang pagsimangot. Inilipat ko ang tingin sa labas ng bintana. Palubog na ang araw kaya binuksan ko na ang lamp shade na nasa side table.

"Are you okay with this?" paninigurado ko dahil baka napipilitan lang pala siya sa naging desisyon namin. Kaso hindi rin namin p'wedeng hayaan na sila ang magsama ni Kei dahil pareho silang babae. Kahit na sabihin pa nating may laban si Haley, lalaki pa rin si Christian. Malakas pa rin kami kaysa sa kanila.  

Tumayo siya ng maayos, "Na?" walang ideya niyang tanong. 

"Na," tumingin pa ako sa kanan at kaliwa ko bago sumagot, "…Tayong dalawa lang sa kwarto na 'to?" dagdag ko. T*ngina naman, Reed! Bakit nahihiya ka pang sumagot!  

Hinarap na niya ako at nagpameywang, "Don't tell me you're not comfortable?" simpleng tanong niya dahilan para nganga akong mapatingin sa kanya. Are you serious?! Hindi man lang ba niya iniisip na baka mayro'n akong gawin sa kanya dahil lalaki ako?

Halimbawa, bigla ko siyang tinulak sa kama tapos h-hinalikan? Gawin ang kung anu-ano na parang sa mag-asawa? Paano na lang kung gano'n, 'di ba?! Argh! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"N-no…" sagot ko na ikinabuntong-hininga niya. Tinaasan niya ako ng kilay at mas sinimangutan ako kaysa kanina.

"You're really a pervert, aren't you?" may para namang tumusok na kung ano sa puso ko at inis siyang tiningnan.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pervert?" asar ko pa ring tanong pero binigyan lang niya ako ng walang ganang tingin.

"I know, hindi ka naman maiilang ng ganito kung hindi ka nag-iisip ng kung anu-anong malalaswa nang dahil lang sa magkasama sa iisang kwarto ang lalaki't babae, hindi ba?" mayroon nanamang tumusok sa puso ko. Ang sakit pero totoo.  

Gusto ko na lang mamatay sa sobrang hiya, nakakaiyak.

Tumagilid siya at humalukipkip. "At isa pa, ano ba ang ikakailang ko?" tanong niya kaya muli akong napatingin sa kanya. "I trust you. I know you won't do anything that will make me hate you."

Nag-iba naman ang mood matapos niyang sabihin iyon, napatitig pa nga ako sa kanya dahil sa nasabi niya. Then that means, she likes me?

Ibinaling nito ang ulo sa kabilang side para hindi makita ang mukha niya, "B-but don't flatter yourself, I like you but not in a romantic way." sabi niya nang makatingin sa akin. She's blushing…

Ngumiti ako pero ibinawi rin ng pagsimangot para hindi niya malaman na natutuwa ako. "Humph, pabebe." ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng gamit ko habang inis namang napatingin si Haley sa akin.

Mayamaya lang, may kumatok sa pinto. Kami naman itong biglang nataranta at nag-iikot sa kwarto't hindi alam ang gagawin, hanggang sa madulas itong si Haley at tinulak ako. Nadulas din ako dahil sa bimpong na sa sahig kaya pareho kaming natumba. Nakapatong siya sa akin habang hawak ko naman ang ulo ko.

Inis ko siyang tiningnan, "Ang clumsy mo!" inangat niya ang katawan niya kaya parang naka-push up posisyon siya, pero nando'n sa pagitan ng mga hita ko ang kanan niyang tuhod.

"Kasalanan ko bang may basa diyan?!" napasigaw na siya kaya may nagbukas na ng pinto.

Dalawang bata ang tumambad sa amin. Sarado 'yong pinto kanina, ah?!

"Ano po'ng ginagawa niyo?" walang ideya na tanong nu'ng maliit na bata habang tinakpan naman ng isang kasama niya ang mata nito.

  "Huwag kang tumingin." sabi nito na mukhang nasa ika-siyam na taong gulang.  

Tiningnan ko mula sa peripheral eye view si Haley na ngayon ay nakatuon pa rin ang tingin sa dalawang bata, "N-naglalaro!" at bigla ko na lang siyang kiniliti kahit hindi ko alam kung may kiliti nga ba siya.

Kaso laking gulat ko na pagkahawak ko pa lang sa leeg niya ay tawa na siya nang tawa. Namumula na rin ang mukha niya at gusto na akong patayin dahil sa paraan ng pagtingin niya pero hindi pa rin naman nawawala ang pagtawa niya.

"T-tigilan mo 'yan! Ayoko na! Please!" mangha lang akong nakatitig kay Haley nang nginisihan ko siya't inilipat ang tingin ang mga bata.

"Sali kayo?" tanong ko kaya napamura na si Haley. Patakbo naman silang lumapit at kiniliti na si Haley. Sobrang pula na nu'ng mukha niya kaya napahalakhak ako. "H-Haley! Nakakatawa 'yong mukha mo! Ang pangit mo!" sinasabi ko 'yan habang tumatawa. Ang epic ng itsura, hindi na siya maputi, mapula na siya!

Umiiyak na siya sa katatawa habang hindi namin siya tinitigilan sa pangingiliti. "P-parang awa niyo na, hindi na ako makahinga." pakiusap niya na parang mamamatay na sa sobrang pagtawa kaya tinigilan na namin siya.  

Hawak-hawak ko ang tiyan ko dahil sa sobrang sakit nito sa katatawa, "Grabe, hindi ko alam na may kiliti ka pala?" may nalaman nanaman ako kay Haley!

Nagpahinga lang siya sandali pero matapos iyon ay dahan-dahan siyang tumayo at binigyan ako ng masamang tingin. Pinatunog ang mga daliri at nanggagalaiti sa sobrang inis.

Lumunok ako at pilit na ngumiti, "Not good."  

***

HAWAK-HAWAK ko ang pisngi ko na sinapak niya habang naglalakad papunta sa dining area. Nag ring kasi ang bell sa ibaba senyales na tinatawag na kami ng madre para sa isang hapunan.

Kasabay ko ngayon si Harvey at nakasimangot na nakatingin sa akin mula sa peripheral eye view, "Ano nanaman ba kasing ginawa mo?"

Inis kong iniiwas ang tingin ko, "Tss." tanging nasabi ko saka simangot na tiningnan sa harapan si Haley na kausap si Kei. "Damn you, woman."

Haley's Point of View 

Kandong kandong namin ang mga bata habang kumakain kami. Sinusubuan ko ang nagngangalang si Arvin nang magtanong siya bigla, "Ate Haley, nililigawan ka ba ni kuya Reed?" siya 'yong bata kanina na nagbukas ng pinto ng kwarto namin.

"Huh? Hindi, mag kaibigan lang kami." sagot ko na may pilit na pagngiti. Inis kong tiningnan si Reed na ipinagtaka naman niya nang mapasulyap sa akin, kung anu-ano kasi pinaggagagawa! Iba tuloy 'yung iniisip ng bata!

"Ano po ba ang love para sa inyo?" tanong pa niya dahilan para mapaawang ako. Love…?  

I smiled, "Love is something you cherish a lot." tumaas ang dalawa niyang kilay at inulit ang aking sinabi. Sinubuan ko na muna siya bago magdagdag ng sagot sa katanungan niya, "Ito 'yung kahit hindi mo nakikita, nararamdaman mo." sabay turo sa dibdib niya, "…Sa puso mo."

Inangat niya ang tingin sa akin at kunot-noo na humalukipkip, "Wala po 'kong naintindihan," tumawa ako at pinindot ang ilong niya.

"You'll understand soon" wika ko.

Pumunta sa gitna ang mga advisers dahilan para pumukaw ang atensyon namin sa kanila, mga nakasuot na sila ng pajama. "Listen, we have a morning assembly tomorrow after a short activity that Ms. Kim will announce later on. 5AM will be the call time so be sure to sleep early, understand?"

Napasimangot naman ang katabi ko na mula pa sa section nila Jasper, "Ano kami? Bata na kailangan pang matulog ng maaga?" kibit-balikat ani nito dahilan para pagalitan siya ng adviser nila.

Natawa ang lahat habang napabuntong-hininga lang ako.

avataravatar
Next chapter