12 Strangers

Chapter 12: Strangers

Haley's Point of View

Nagbabasa ako ng libro habang natutulog sa tabi ko ang alaga kong pusa na si Chummy. Hanggang ngayon, kahit nagbabasa ako, hindi ko maiwasang hindi isipin 'yong sinabi ni Harvey. Ang laki kasi ng impact so, I don't know if he was being nice to me or what.

Naglabas ako ng hangin sa ilong at ipinatong ang libro sa side table ko since hindi na rin ako maka-focus sa pagbabasa ko at medyo ang bigat na rin no'ng mata ko. Nagpa-side ako nang higa habang naka unan ako sa kamay ko, "Chummy?" tawag ko sa kanya pero tinalikuran niya ako. I pet her head, narinig ko tuloy ang soft nitong pagtugon.

May kumatok sa pinto kaya umalis ako sa kama at pinagbuksan 'yong taong kumatok. Sinalubong ako ni mama, "Ma" tawag ko sa kanya na mahahalata sa akin ang pagkagulat. Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita. 

Ngumiti siya at ini-spread ang kamay nito. "Give me a hug" At dahil sa na-miss ko rin talaga siya, agad ko siyang niyakap, "Miss ako ng baby ko na 'yan?" nagawa pa akong biruin nito ni mama, humiwalay kami sa isa't isa saka niya hinawakan ang pisnge ko. "Mayroon akong pasalubong sa baba, gusto mong makita?" tanong niya sa akin na nginitian ko naman.

Umiling-iling ako at dahan-dahang inalis ang kamay niya sa pisnge ko, pero nakahawak pa rin ako sa kanyang mga kamay. "Naku ma, nag-abala ka pa" wika ko at lumabas na ng kwarto, sumunod siya sa akin matapos niyang isarado ang pinto.

Katabi ko na ngayon si mama, "Okay lang 'yon, ang akin lang, h'wag kang gagawa ng gulo" kunot-noo kong tiningnan si mama. Ba't ako? Eh, ako nga madalas guluhin?

"Ma, kung may nagawa man akong gulo, hindi ko 'yon kasalanan. Hindi ako ang nauna" inakbayan niya ako tapos pinindot ang ilong ko.

"I know that anak, pero h'wag mo na lang silang papatulan kung alam mong wala silang laban sayo" sabi niya at bumuntong-hininga, "Hindi ko talaga alam kung paano mo nabubugbog 'yong mga taong nakakaaaway mo, hindi ka naman nag-aral ng Martial Arts" hindi ako sumagot at nagtuloy tuloy lang kami sa pag lalakad.

Bumaba na kami ng hagdan. Dumiresyo kami sa sala pagkatuntong sa pinakahuling palapag at halos mapanganga ako dahil sa dami ng supot na naroon, "Mga pasalubong ko anak" turo ni mama sa mga supot na nasa sofa.

Agad kong nilingon si mama."Sa akin 'yang mga 'yan!?" hindi ko makapaniwalang tanong habang pabalik balik ang tingin ko kay mama at sa pasalubong n'ya. Hoy! Ang saya! Pero 'yong pera! 

"Pero, ma!" 

Kinindatan niya ako, "Minsan lang 'yan, anak. Alam mo naman kung wala tayong pera, hindi rin naman ako magbibigay niyan. Sige na, tingnan mo."  wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa mga dala-dala at isa-isang binuksan. Mga damit 'yong binili niya sa akin tapos mga bagay na kailangan ko sa school like laptops etc. Bumili rin sila ng snacks.

Inangat ko ang isang pagkain, "Milk Flavor? Ma, nang-aasar ka ba?" sabay bigay ko sa kanya ng mga binili niya na related sa Milk. Tumayo ako at nagpameywang. 

"Bakit ang sungit mo?" Nakasimangot na tanong ni mama na hindi ko lang pinansin. "Tawagin ko lang 'yong papa mo, ah? Diyan ka lang muna." tumango lang ako saka siya umalis. Bumuntong-hininga na muna ako bago lingunin 'yong nagtatago roon sa gilid.

"Hey, why are you hiding there?" he stood up and put his hand inside his pocket.

"Nothing, may hinahanap lang talaga ako, tsk" tugon ni Harvey bago maglakad paalis.

Nagkibit-balikat lang ako at pumunta sa refrigerator nila. Labas muna ako, gusto kong kumain ng Ice Cream.

***

NANDITO NA AKO sa KMLH's Ice Cream Shop na malapit lang sa Smith Mansion. (Yehey!) 

Kasalukuyan akong naghihintay sa order ko rito sa loob. Mainit kasi sa labas tapos mausok pa. Kaya dito na ako nag stay at naghintay. Nagcrossed legs ako at tiningnan ang wrist watch ko, "Matagal pa ba 'yon?" tanong ko na sakto namang dating no'ng order ko.

"Sorry to keep you waiting ma'am, here's your Chocolate Ice Cream with Whipped Cream" sabay lapag 'non sa lamesa, "Enjoy po." magalang na sabi nito na tinanguan ko lang. Umalis na s'ya kasabay ang pagkuha n'ya sa copy ng receipt ko.

Kinuha ko ang Ice Cream at binaliktad. "Aww..." hinihiling ko pa naman sanang mahulog 'yong Ice Cream para may libre pa akong isa.

Kumuha na ako ako't sinubo iyon, hindi na muna ako uuwi sa mansion dahil se-sermonan nanaman ako ni mama, umalis nga kasi ako doon nang hindi nagpapaalam sa kanila. Eh, sabi nga n'yang maghintay ako roon.

"Girls, si Haley oh?" napatingin ako sa taong bumanggit ng pangalan ko. At halos mapasapo ako ng mukha nang makita ko 'yung tatlo na papalapit sa akin. Nang-aasar ba talaga ang tadhana? Bakit nandito nanaman ang mga ito?

Huminto sila sa harapan ko, "Kayo nanaman" umupo sila sa tabi ko at mga nagsi-crossed legs. Naaamoy ko 'yung mga matatapang nilang pabango. Hindi ko tuloy maiwasang hindi takpan ang ilong ko. Nakakasuka kasi 'yong amoy--pero hindi ako buntis.

Sinilip ni Shane ang mukha ko at matamis akong nginitian, "Ano'ng ginagawa mo rito? Enjoy bang kumain mag-isa?" pang-aasar ni Shane

Sabi ko nga nang-aasar sila, "Hindi ka ba malungkot? Pinagtitinginan ka ng mga tao, oh?" Sabi naman ni Kath na arteng iniikot 'yong hibla ng buhok niya.

Yes, I noticed that but I don't think dahil iyon sa awa o panghuhusga. Earlier, someone talked to me para hingin ang number ko. But of course, hindi ko ibinigay. I hate commitments...

"Mukhang naawa yata sa'yo, oh?" Pinikit ko nang mariin ang mata ko para pigilan ang sarili kong manapak at nagbilang ng 1-10 para kumalma. 

Nagbuga ako nang hininga at iminulat ang mata ko. "Mukhang natutuwa yata kayo na makita ako, ah? Palagi ko na lang kayong nakikita." ngiti kong sambit sa kanila kaya sandali na nagsalubong ang kilay nila ngunit pinalitan din ng platik na ngiti. 

"Ang funny mo, bakit? Ayaw mo ba kaming makita?" tanong ni Aiz habang nakangiti, nilingon ko siya dahilan para bumilog ang mga mata nito.

"Sinong gustong makita ang pagmumukha niyo lalo na kung nakakasira pa ng araw?" nagulat sila dahil sa sinabi ko.

"Hoy" tawag ni Shane at tumayo, "Ang kapal ng mukha mo para sabihin 'yan sa 'min?" kaunting pang-aasar lang ginawa ko. Napikon kaagad kayo?

Kumamot ako ng kaunti sa pisnge, "Makapal? Hindi ba't mas makapal ang suot n'yong make-up kaysa sa akin?" nag i-inosentehan ko pang tanong kaya mga kusot na ang mga mukha nila. Tumayo na ako, hindi na ako pwedeng manatili rito. "Okay, aalis na muna ako." paalam ko pero hinarangan nila ang daan ko. 

"Where are you going?" pumunta sa harap ko sina Kath at Aiz saka tinapis ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang aking Ice Cream. Bumaba ang tingin ko ro'n at sa hindi malamang dahilan, hindi ako makagalaw 'agad. Parang napahiya ako. 

Nagtakip ng bibig si Kath habang mapang-asar na ngumusi si Aiz, "Oops, sorry..." si Aiz.

Kinuyom ko ang kamao ko, hindi ako makalaban. Hindi ako makapag salita, bakit ga'non? Dahil ba naging kaibigan ko sila? 'Yong tipong ayoko silang patulan kahit na ang dami dami na nilang ginawang mali sa akin?

Someone grabbed my hand at dinala ako sa likuran n'ya kaya gulat akong napatingin sa kanya at hindi agad nakakibo. "Hmm... Kayo ulit?" tanong ni Reed na nagpagulat sa tatlo, "Masyado n'yo ng sino-solo si Haley. Pwede bang mahiram siya sandali?" paalam niya.

Kumurap-kurap ako, "R-Reed?" hindi makapaniwalang tawag sa kanya. 

NIlingon niya ako, "Hey." bati niya. 

Tiningnan ako ni Shane. "Kasama mo siya?" tukoy nito sa akin. Inakbayan ako ni Reed na nagpalaki sa mata ko. Usually kapag ganito ang nangyayari, nagre-react na ako, pero bakit walang lumalabas sa bibig ko?

"Yep, kasama namin siya" proud niyang sabi at lumingon sa likod, "Hindi ba? Guys?" Napatingin kaming apat sa taong nasa likod ni Reed na papalapit sa amin.

Itinaas ni Jasper ang kamay n'ya, "Yaho!" Masiglang bati ng mukhang ewan na si Jasper, ngumiti naman si Keiley.

"Did you know that we are looking for you?" tanong ni Keiley sa akin. 

Nagpamulsa si Harvey habang nakatingin sa ibang side, "Whatever"

Napanganga ako na pati lahat ng tao sa KMLH's Ice Cream shop ay namamangha sa kanila. Lumulutang ang apat na magkakaibigan na ito at tila parang nagliliwanag dahil sa aura na mayroon sila. Napapa speechless ako lalo. 

Ibinalik na ni Reed ang tingin n'ya sa tatlo at muli itong nginitian, "Kaya kung hindi niyo na siya kailangan, kukunin na namin siya, ah? Salamat sa inyo." Reed dragged me away from those girls at pumunta kami sa kung saan.

Hindi ko alam kung bakit sila nandito, at bakit nila ginagawa ang mga ito, ano ba nila ako para gawin ito para sa akin?

Lumabas na kami ng KMLH'S Ice Cream Shop. "Tsk! Mga b*tch talaga!" nanggagalaiting wika ni Keiley at biglang ngiti sa akin. "Hayaan mo Haley, bibilhan kita ng Ice Cream" napatingin 'agad ko kay Keilay nang makita ko 'yong side niya na 'yon. Kino-comfort niya ako pero...! 

Ibinaling ko na lamang ang tingin kay Reed na hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin. 

"Pwede ba?" sabay alis sa kamay niya. Huminto ako gayun din sila. "Lumayo kayo sa akin" pareho silang mga hindi nagsalita, "Hindi ko kayo kaano ano, hindi ko rin kayo kaibigan, kaya bakit niyo ba 'to ginagawa, huh? Hindi n'yo naman ako kilala." hindi sila nagbigay ng kahit na anong salita o kung ano pa man pero mga nakatingin lang sila sa akin. Hindi naman ako nag e-expect na mag talkback sila pero bakit gusto ng puso ko na may sabihin sila?

Bumuntong-hininga ako, "Mauuna na ako" tumalikod na ako para magsimula na sanang maglakad, pero dahil sa sinabi ng isa, napahinto ako.

"You're the only one who thinks we're strangers." Jasper

"At hindi kami" sabi naman ni Reed

"We see you as our friend, not just strangers." Keiley.

Inilayo ni Harvey ang tingin, "Wala akong pakialam, pero ikaw na nga 'tong tinatrato ng ganito tapos umaarte ka pang pabebe d'yan? Masyado ka ng pa-special, ah?" iritang sabi niya. 

Humarap ako, "Hindi ako mayaman na tao kaya bakit ako pa kina-kaibigan n'yo? Pwede naman sila Trixie" tukoy ko sa kaklase namin na kasama nina Mirriam.

"We don't even like them. Bakit kami magsasayang ng oras makipag kaibigan sa taong alam naman naming tine-take advantage kami?" tanong ni Jasper na isinunod ni Harvey, "Hindi pera ang habol namin sa 'yo." 

Lumapit sa akin si Keiley at hinawakan ang mga kamay ko, mainit ito at mararamdaman mo na talagang seryoso siya sa sinasabi niya. "Ang gusto namin 'yong kaibigan na totoo. Iyong hindi lang gusto kaming kaibigan-in dahil sa may kailangan sila. Ikaw ang gusto namin." sandali, sandali! Ano ba itong scenario na ito?! 

Yumuko ako, "What the hell. Ano ba 'yang sinasabi niny--" Inakbayan ako ni Jasper kaya muling napaangat ang tingin ko.   

"C'mon, wala namang mawawala kung magiging kaibigan mo kami, 'di ba?!" bakit ba ang ingay ingay ng bunganga nito?

"Kung ayaw ka naming kaibigan-in, hindi sila mag papakapagod maghabol sayo" nilingon ko si Reed, nakatingin siya sa akin hanggang sa ngitian niya ako "Tama?"

"No, ayoko pa rin..." nawala ang mga ngiti nila kaya napatingin na ako sa hindi kalayuan para hindi makita ang mga mukha nila, pero napalingon din nang may sabihin si Keiley.

"Ganito nalang, hihintayin ka na lang namin na pumayag" pagbibigay ng oras ni Keiley. Pumayag? Pumayag na maging kaibigan sila? "Pero hindi kami titigil sa pangungulit sayo" she said it.

Inalis ko ang pagkakaaakbay sa akin ni Jasper, ga'non din ang hawak ni Keiley sa mga kamay ko. "Do whatever you want" at naglakad na ako, narinig ko pang nagkagulo sila sa likod dahil sa tuwa kaya napailing ako

"You guys are the craziest people I have ever met" 

avataravatar
Next chapter