57 Spill the Beans

Chapter 57: Spill the Beans 

Harvey's Point of View

Nandito ako sa harapan ng pintuan ni Kei at pokerface na nakatingin sa kanya. Nakatapis lang siya ng tuwalya at basang basa ang buhok. Katatapos lang niyang maligo, "Ergh, baka gusto mo munang maghintay na lang sa baba?" nahihiya niyang tanong. Good idea.

Tumango lang ako saka umalis kasabay ang pagsara ng pinto. 

Nasabi na namin ni Kei 'yong status naming dalawa kina mom and dad, And I thought they'll get mad at me dahil alam din nila ang mangyayaring arranged marriage pero nagulat ako noong natuwa pa sila sa balitang iyon. They also told us that we don't have to force ourselves to hold on, just keep on going and love each other. 

Bumaba ako ng hagdan at naabutan si Haley na nandoon sa sala't nakahalukipkip na hawak ang cellphone. "May natawagan ka na ba?" bungad kong tanong sa kanya at tukoy ko sa naging plano naming dalawa dahil nagkaroon kami ng kasunduan na minsan lang din mangyari.

Humarap siya sa akin at ngumisi, senyales na mayroon na kaya napangisi na rin ako.

Hindi pa namin nasasabi ni Kei ang tungkol sa relasyon naming dalawa sa magulang niya. Dahil bago namin sabihin, bibigyan namin ng maliit na surpresa itong si Christian Llanes, kasama ko si Reed, Mirriam pati na rin si Jasper sa magiging plano namin na 'to.

"Sa tambayan pa rin ang ganap. Tingnan natin kung ano ang magiging reaksiyon niya rito."  

***

"SIGURADO BA KAYO sa sinasabi n'yo?" nandito kaming lima sa tambayan at pinag-uusapan ang magaganap mamayang gabi. Wala pa si Jasper at on the way pa lang dito. 

Tinulungan ako ni Mirriam na magresearch tungkol kay Christian Llanes. Siya kasi ang isa sa mga hacker ng school namin kaya maalam siya sa mga ganitong bagay. 

Chairman ng STG. INC ang ama niya at siya rin ang may-ari ng isa sa napaka malaking skwelahan sa ibang bansa. Isa sa London at Europe.

Kung magme-merge ang business ng Montilla at Llanes, they'll surely have an opportunity to get more businesses in other countries.

Not just universities or malls. Baka pati restaurants ay magpatayo na rin sila. But they can't buy their daughter's happiness, that's why I want to fix this messed as soon as possible. 

"I have no interest in business thing, iba ang gusto ko. They can't just force me from something I don't even like." iling na wika ni Kei. Nasabi niya nga sa akin na gusto niyang maging Graphic Designer maliban sa photography. 

"Edi sino na magmamana ng business ninyo?" Nagkibit-balikat lang si Kei sa tanong ni Haley.

Tinuro niya 'yong katabi n'yang si Reed, "Siya" sambit niya dahilan para bigyan siya ng walang ganang tingin nito, "O kaya naman gagawa sila ng panibagong baby, ayos 'di ba?" she's not serious about this. 

Lumapit sa 'kin si Haley at binulungan ako, "Edi magkapatid na sila?" tanong nito sa 'kin.

Tiningnan ko s'ya, "Parang gano'n na hindi. Ayaw palitan ni Reed 'yung apilyedo n'ya sa Montilla, eh. Gusto niya pa rin ang family name n'ya." pabulong ko ring sagot sa kanya na ikinatango niya.

May pumasok sa tambayan. Si Jasper, may kasama siyang lalaki na hawak-hawak niya sa kwelyo. Inilipat naming lahat ang tingin sa kasama n'ya na pilit kumawala. "S-sino 'yan?" kabadong tanong ni Mirriam. 

Itinulak ni Jasper ang lalaki dahilan para bumagsak siya sa sahig "Minamalisyahan na kayo ng tarantado na 'to, nakita kong nagja-jak--" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"Quiet, you don't have to say it." tumango siya kaya inalis ko na ang kamay ko sa bibig n'ya. Nilapitan ko 'yong lalaki saka binuhat sa kanyang manggas. Nagulat si Kei at Mirriam sa ginawa kong 'yon pero patuloy lang ako sa ginawa ko. 

Kumukulo dugo ko sa mga ganitong klaseng tao, eh. "What the f*ck are you doing here? Who are you?" If he tried not to answer my question, he's dead.

"Harvey, don't do anything" udyok ni Kei na halatang kinakabahan sa mangyayari.

"I didn't do anything! Let go of me, you bastard!" mura niya sa akin saka muling kumawala kung sa'n may nahulog na envelope sa sahig. Pupulutin ko na sana nang sumigaw itong lalaki, "H'WAG MONG PUPULUTIN 'YAN!" I just gave him an deadly look for his eyes to  open wide.

"Bakit? May porn ba diyan sa loob?" kinurot ni Haley at Mirriam si Jasper sa tagiliran.

"Nakakalimutan mo yatang may mga babae kang kasama rito?" naiinis na sabi ni Haley. Palagi na lang mainit ang ulo nito-- ah, mali. Mas dumagdag pa kamo ang pagka mainitin ng ulo niya.

"Respeto" saway pa ni Mirriam. 

Hindi ko sila pinansin at itinulak ang lalaki kay Reed, "Don't let him go" There is something strange that I don't like about this guy.

"Hindi ba natin siya hahayaan na magpaliwanag?" Kei asked. I looked directly at her eyes, telling her not to worry.

"Bakit kailangan mo pang maging mabait kahit sa gunggong na 'to?" sabi at tukoy ko sa lalaki pagkatapos ay pinulot na ang Brown envelope na nasa sahig. 

Binuksan ko 'yon at kinuha ang laman para tingnan ito…

Muling nanlaki ang mata dahil sa nakita at nalaman. Napansin naman nila Haley ang pag-iba ng reaksiyon ko kaya lumapit na sila para tingnan ang hawak ko.

Gaya ko, ganoon din ang nangyari kina Reed. "Hindi ba't si Christian ito?" tukoy ni Haley sa nasa litrato.

Kumunot ang noo ni Jasper at sumilip sa litrato, "Siya?" tukoy niya kay Christian habang turo-turo. 

Dumilim ang paningin ni Reed matapos titigang mabuti.

"He's doing this kind of things even if he's already going to married with someone?" hindi ring makapaniwalang tanong.

Humarap ako sa lalaki, "Bakit may ganitong litrato si Christian?" turo ko sa litrato, "...Ano 'tong picture na 'to? Bakit may nagaganap na ganito?" makitkita sa litrato na may kasama babae si Christian at may ginagawang 'di kaaya-aya. Sex, Smoking and Drinking.  

Hindi lang din iisa ang kasama niyang babae, hindi rin dalawa o tatlo kundi apat. Gusto kong masuka, sobrang dumi! Nakakadiri, bakit hindi man lang 'to chineck nila tita? 

Pa'no kung wala kami, paano na 'yong anak nila? Mapupunta pa sa hindi mabuting tao. 

Nanlilisik na ang mata ko, "Magsasalita ka o hindi?" tanong ko na may babalang tono. Pinagpapawisan na 'yong lalaking nasa harapan ko, animo'y parang naputulan ng dila. Parang may pumipigil sa kanyang magsalita. 

"Bitawan mo siya, Harvey" mukha namang nagulat si Reed sa inutos ni Haley. 

Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaking ito, "Ano'ng sinasab--" pinutol ako ng babaeng 'yon. 

"Just do it." cold pa na utos nito kaya binitawan ko na nga lang. Nagtangka pa siyang tumakas pero agad itong sinipa ni Haley sa sikmura dahilan para mapaluhod at bumagsak siya sa sahig. Medyo napatili ng kaunti si Kei pero hinawakan lang siya ni Mirriam. 

Umupo si Haley sa likod ng lalaki at inilagay ang dalawang kamay nito sa likuran para hindi siya makakilos. Nakita ko ang pagkagulat ni Mirriam, malamang ngayon lang niya nakita ang ganitong side ng isang Haley Miles Rouge. 

Sinenyasan na 'ko ni Haley na lumapit kaya ginawa ko nga't pumunta sa harapan niya at bilang panakot, kinuha ko ang patalim sa bulsa ko. Palagi akong may dalang ganito, incase na may hindi magandang mangyari.

Napasinghap si Kei, "H-Harvey! Don' tell me you're--" Natatarantang sabi ni Mirriam. 

"Harvey! Huwag!" Pagpapatigil ni Kei 

Dapat ba, na sa labas silang dalawa ni Mirriam? Halatang hindi nanonood ng action movies, eh.

"Shut the f*ck up!" inis kong sigaw na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Pero pinandilatan ako ng mata ni Kei. Ayaw niya kasi akong nagmumura, eh.

Napailing ako ng isa at inilapit na ang patalim sa leeg niya. Nakita ko ang pagbaba ng adams apple n'ya bilang paglunok. Tuwa naman akong napangisi. "Alam mo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka rito" sabi ko na parang binabalaan siya.

"Ohmyghad! Totoo ba yan?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mirriam. 

"Hala! Papatayin mo s'y--" Pinutol ko ang sasabihin ni Kei. 

"I said, shut up!" nanahimik ulit sina Kei at Mirriam habang napa pokerface lang sila Haley. Ano ba 'yan, paputol putol na 'yong sinasabi ko.

Nilingon ko ulit ang lalaki. "Ano pa'ng nalalaman mo?" isa ko pang tanong na mabilis niyang inilingan.

"W-wala akong alam! Wala na 'kong alam!" natataranta niyang sagot. Patuloy siya sa pag-iling. Ayaw mong sabihin, huh...?

Tiningnan ko si Haley, "Nasaan siya?" hanap ko sa tao na kasama sa magiging plano namin na ito. Gagamitin sana namin siya para kay Christian ngunit mukhang kailangan na naming gamitin ang trump card.

Tumango si Haley saka pumitik sa ere, may nagbukas ng pinto at pumasok sa tambayan. Halos muntik ng tumalsik ang laway ko dahil sa biglaang pagtawa, hindi sa pang-iinsulto pero mas mukha pa itong kabayo sa kabayo! Ang laki ng ngipin! Ang itim itim! Saka bakit kailangan pang mag make-up?

Napaurong si Reed at Jasper habang nagpipigil naman ng pagtawa si Mirriam. Si Haley naman, ang lawak na ng ngisi. tila natutuwa sa mangyayari. Samantalang nag-aalala naman si Kei ayon sa ekspresiyon na ginagawa niya ngayon.  

"H'wag kayong tumawa, gawa pa rin siya ng DIYOS" si Kei. wala eh, mabait talaga girlfriend ko. Si Mirriam naman sumabog na at nagtatatawa na ro'n sa gilid.

"Inggit lang kayong mga beklabush kayo kung akesh ang pinaka pretty na mala Catriona ang peg! Mga inireng baklang 'to na hindi labs ng mudrakels ninyo!" wala talaga kaming naintindihan sa language niya kaya nagkibit-balikat na lamang kaming tatlong lalaki habang nakangiti lang ang girlfriend ko.

Tumingin ako kay Haley, "Lumabas na muna kayo."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Haley, "No, I also want to watch." iling na sabi nito at mas hinawakang mabuti ang pulso ng lalaking iyon. Nagtaka naman sila Mirriam sa kung ano ang pinag-uusapan namin.

"Tali, akin na." utos ni Haley sa kung sino kaya pare-pareho naman silang naghanap ng puwedeng tali. Nakakuha si Kei ng lubid sa loob ng cabinet kaya ibinigay na niya iyon kay Haley.

"You'll feel great." ani Haley at iginapos ang lalaki na medyo naiinis pa dahil ang likot likot. Nababatukan pa nga niya kaya hindi na naiwasan ng lalaki na matakot. "T*ngina, ang likot mo naman! You know how to die?!" iritableng wika ni Haley. Wala talaga siyang awa... 

Natapos na si Haley sa paggapos sa lalaki. Ngayon naghanap naman siya ng mansanas, "Ano'ng gagawin mo ro'n?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mirriam habang kumuha na kaagad ako sa refrigerator no'ng hinahanap niya. Buti nga may nag-iisa pa roon.

Pahagis kong ibinigay kay Haley ang pulang mansanas na kaagad namang nasalo ng walang tingin tingin. 

"Whoa..." mangha na kumento ni Mirriam. 

"Sana na-video-han." segunda ni Kei.

Humalukipkip naman 'yong taong kinuha ni Haley para sa planong ito, "Haller? Ano ba talaga ang gagawin ng diyosa rito?" Tiningnan ko ang bading na iyon at sinabi sa kanya ang plano. Natuwa siya sa sinabi ko kaya nagtatatalon siya habang pumapalakpak, 'yong lalaki naman ay halos magsisisigaw na sa takot kaya inilagay na lamang ni Haley ang mansanas sa bibig niya

Torture is a b*tch!

Pareho na kaming nakangisi ni Haley dahil sa kademonyohan naming dalawa, "Pa'no magsasalita 'yan kung may mansanas sa bunganga? Ginawa niyo namang baboy, eh" suway ni Jasper. Eh, baboy naman talaga itong lalaking 'to, eh! Hindi sa katawan kundi sa dumi ng utak. 

Wala tuloy kaming nagawa kundi tanggalin ang mansanas sa bibig niya, may punto rin naman kasi si Jasper.

Bumuntong-hininga ako't sinenyasan ang bakla kaya umalis na kami ni Haley sa tabi ng lalaki habang papunta naman ang bakla sa kinaroroonan ng lalaking ito. Sinimulan na niya ang dapat niyang gawin. Inalisan ng damit, hinalik halikan at kung anu-ano pa.

Nagsisisigaw ang lalaking iyon at iniiwas-iwas ang mukha para maiwasan ang panghahalik na ginawa ng bading na ito. Kaming mga lalaki naman ay napahalakhak na lang dahil sa nakikita namin.

Napahinto lang 'yon nang mapansin namin na parang natutuwa ang mga babae.

"Y..." nakaawang na sabi ni Haley.

"A..." nagtakip ng bibig si Kei

"Oi..." sabi Mirriam na kulang na lang ay sumabog. Pulang pula 'yung mukha niya!.

Wala sa oras na tinulak namin ang mga babae palabas.

"Hoy! Manonood pa kami ng live show!" sigaw ni Haley mula sa labas habang kumakatok. Sinara na namin kaagad ang pinto. 

"Buksan n'yo 'to mga tukmol!" sigaw naman ni Mirriam na parang sinisipa pa ang pinto.

"Gusto ko rin manood!" si Kei.  

Diyan na muna sila.

Lumingon kami biglang tatlo noong mapaungol ang lalaking iyon. Halos mapatakip na rin kami ng birdie dahil sa nakikita namin ngayon. "Sh*t, men! Hardcore!" sumandal si Jasper sa pinto.

"Rated SPG!" tinakpan ni Reed ang bibig niya gamit ang likod ng palad niya.

"Ano'ng nangyayari?!" naku-curious na tanong ni Kei at kumatok-katok.

"Anong rated SPG? Gusto kong makita!" si Mirriam 

"Papasukin n'yo kami mga gunggong!" si Haley

Rinig naming daing ng tatlo sa labas. Lumunok muna ako ng laway bago magsalita, "Ano? Hindi ka pa ba magsasalita?" bakas sa boses ko ang panghahamon. Dahil seryoso ako, babayaran ko 'tong bading na 'to para rape-in 'tong lalaking 'to.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas nang mapagod siya. "Oo na! Sasabihin ko na!" pumitik ako sa ere dahilan para mapahinto itong nagngangalang si George. Lalaking lalaki ang pangalan, pero bading.

"Ene be 'yen... Tapos na agad?" parang nabitin pa, ah? Lumapit s'ya sa 'kin kaya binigay ko na sa kanya ang bayad. Bayad ko 'yan dahil sa ginawa niyang pagsunod sa utos ko.

Tumingin siya kay Reed, "Ikaw fafa gwapo? Gusto mo bang matikman ang labi ko?" kinindatan pa niya ito kaya tumalikod ako bigla. Gusto ko yatang masuka.

Bumungisngis si George tapos rumampa palabas, binuksan ang pinto saka pumasok sila Mirriam. "Lah? Wala na?!" nanghihinayang na sabi nito na ikinabuntong-hininga ko.

Pinitik ni George ang kanyang wig saka nagpatuloy sa paglalakad, pero nabangga niya 'yung balakang ni Kei kaya pareho silang medyo tumalsik, "Sorr-- Ouchy! Only belo touch my skin" nabangga rin niya kasi si Haley.

Nagsalubong ang kilay ni Haley, "Excuse me, ang sakit nga ng skin mo, eh!" asar na wika niya pero hindi lang siya pinansin at umalis na nga lang. Itinuloy na lang namin ang totoo naming pakay, nagtanong tanong kami ng kung anu-ano tungkol kay Christian.

David Choi, iyon ng pangalan niya. Isa sa mga assistant ni Christian na mula bata pa lang ay kasama na niya. 

Hinila ni Haley ang kwelyo ni David para paupuin ito mula sa pagkakahiga, "Kung hindi mo sasabihin lahat ng gusto naming malaman, sasabihin namin kay Christian na ikaw ang nagbunyag ng mga 'to sa 'min." nasabi rin kasi niya na puwede siyang ipapatay kapag lumabas ang mga ito. Sadyang binabalaan lang namin siya.

Sa sinabi naming pagbabanta, wala na siyang nagawa kundi ang sabihin ang iba pang impormasyon, "Christian is a sex addict" panimula ni David dahilan para manliit ang tingin ni Kei, "He'll do anything just to get what he wants, money especially sex. Binabayaran niya ang mga 'yon ng malalaki, minsan dinadala niya sa bahay ng palihim, hanggang sa isang araw hindi niya napansin 'yung CCTV, nakuhanan 'yong nangyari sa kanya at sa dinala niyang babae" he paused, "Kapag nakita 'yon ng mga tao ay siguradong masisira ang pangalan niya, papangit ang impresiyon sa magulang. Kapag nangyari iyon, papupuntahin ulit siya sa bansa para sa rehabilitation."

Umiwas siya ng tingin, "Kaya para hindi mangyari ang mga 'yon, pinakuha niya sa akin ang mga source na p'wedeng magpahamak sa kanya, binura ko lahat." inangat niya ang tingin sa akin matapos tanggalin ni Haley ang pagkakahawak niya sa kwelyo nito. "Pero hindi lang ako ang mag-isang nag-asikaso ng mga 'yon, may isa pa akong kasama kaya hindi lang ako ang nakakaalam sa mga bagay na 'yan" tiningnan niya ang brown envelope na nasa lamesa, "Iyang mga 'yan, ayan ang mga na-delete namin, susunugin ko sana mamaya pero nahuli ako ng kasama n'yo" tukoy niya kay Jasper na parang aso na nagagalit sa taong hindi kilala.  

"Puwede ko na ba siyang ipalapa 'to kay Sam?" tukoy niya sa aso niya.

"Jasper, he can't even bite." walang ganang sabi ni Haley kaya tiningnan siya ni Jasper.

"Then why are you so scared of him?" parang walang ideya na tanong ni Jasper. Nang-aasar kumbaga.

Humalukipkip si Haley at tumagilid para makaiwas ng tingin, "Ano ba'ng pakielam mo?" pagtataray niya. Si Kei naman, biglang napangiti.

Kahit na hindi pa sila ayos ni Jasper, pinapakita pa rin ng mokong na ito na may pakielam siya kay Kei. Siyempre, number one prioritize niya rin noon si Kei. Kaibigan pa niya pati.

"Haley." simpleng tawag ko pero mukhang nakuha niya ang gusto kong mangyari kaya kumuha siya ng karayom sa isang lalagyan at itinusok sa leeg ni David matapos makarating sa likod nito. Ngayon, hindi na ito nakakagalaw.

Nagsalubong ang kilay ni Jasper, "What did you do?" tanong ni Jasper. Hindi sumagot si Haley at inalis lamang ang pagkakagapos ng David na iyon. Napatingin ako kay Reed na nakatitig lang sa ginagawa ni Haley, mukhang hindi siya nagulat. 

"Okay, stay there doggy, patapusin na muna namin ang party bago ka namin pakawalan" ani Haley at sinenyasan na kaming umalis sa tambayan. Nagsisisigaw na ro'n si David but we just shut the door and walked away. 

Sa paglalakad, napaisip ako bigla. Paano natuto sa mala-acupuncture technique si Haley?

Half chinese siya but it's too impossible at her age to learn about things like that. 

Nakatingin lamang ako sa sahig nang iangat ko na lamang para tingnan si Kei. It doesn't matter, all I need is to protect her. Get out of the cage and be happy.

avataravatar
Next chapter