37 Sleepover

Chapter 37: Sleepover

Harvey's Point of View 

Bumaba na kami sa sasakyan ni Reed. Ginabi na rin kami dahil pumunta pa kami ng mall para bumili ng p'wedeng makakain mamaya. Hindi sana ako sasama sa Sleep Over kung hindi lang talaga ako kinukulit ni Kei. 

Malakas din kasi 'yung convincing powers niya kaya hindi ko na rin natanggihan.  

Binuksan ng mga kasambahay ang gate saka kami pumasok, "Ang laki talaga ng tinitirhan mo" mangha pa ring sabi sa 'kin ni Mirriam kahit kakapunta lang din niya rito kahapon. Nagkibit-balikat lang ako't naglakad na papunta sa pinto para buksan iyon.

"Pasok na tayo" anyaya ko't saka sila nagsi-pasok. Sumunod lang ako. Sabay sabay kaming binati ng mga tao rito sa bahay.

Binati sila ng mga kaibigan ko habang ako ay tuloy tuloy lang sa paglalakad. Naabutan namin sina mom and dad kasama ang parents ni Haley sa sala. Kailan pa sila nakabalik?

"Ano'ng meron? Ano'ng meron?" tanong ni tita Rachelle sa amin na mukhang kararating lang din.

"Tita!" masiglang pagsalubong ni Kei at nakipag beso-beso sa magulang namin ni Haley pagkalapit niya sa mga ito. "Magse-sleep over kami mga moms!" tugon ni Kei na may matamis na ngiti sa labi. 

"Oh, that's fun" at pumalakpak pa si mom. Parang bata talaga kung minsan si mommy…

Umabante si dad, "May isa pa kayong kasama, ha?" tukoy niya kay Mirriam, "Girlfriend mo, Jasper?" dugtong pa ni dad.

Natawa ang mga kaibigan ko habang napangisi lang ako. Marami rami na ring nag-aakalang girlfriend ni Jasper si Mirriam. 

Namula ang pisnge ni Jasper, "Hindi tito! 'Di ko siya type!" binigyan siya ng masamang tingin ni Mirriam saka palihim na kinurot ang tagiliran ni Jasper.

Tumawa lamang si mom at tito Joseph, pinapunta na rin nila kami sa kwarto para makapag pahinga't mailagay na namin ang mga gamit nila Mirriam doon. Nauna na akong naglakad papuntang kwarto para ayusin ang dapat na ayusin. Nakasunod lang sina Jasper sa akin habang dala-dala ang mga gamit.

Nasa second floor na kami nang itulak ko pakaliwa ang sliding door. Bumungad sa amin ang walang laman na kwarto ngunit mayro'ng aircon at cabinet. Malawak din ang space kaya magkakasya naman kami kung dito kami matutulog lahat.  

"Oh, kayo na bahala diyan, boys ha?" sabi ng nakapameywang na si Haley. Nakasabit na sa balikat niya ang tuwalya, "Pagkatapos naming magpahinga sandali, maliligo na kami. Kayo na ang mag-ayos ng mga higaan dahil mga lalaki naman kayo." utos niya saka inilipat ang tingin kina Kei at Mirriam. "Tara. Hayaan natin sila." medyo nag-alanganin naman 'yung dalawa sa paglapit kay Haley habang dikit-kilay siyang tiningnan ni Reed.

"Gender Inequality! Ano ngayon kung lalaki kami? Tumulong din kayo rito!" ani Reed.

Inirapan lang siya ni Haley saka niya hinila 'yung dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako habang tumawa naman nang tumawa si Jasper, "Kakaiba talaga 'yung bibi mo, Reed."

"Pakyo! Hindi ko 'yun bebe!"

***

NAKAHIGA KAMING tatlo sa sahig habang hinihintay ang tatlo na maligo, nakaayos na ang gamit gayun din ang nakabukas na aircon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang tatlo.

Bakit maraming nasasayang na oras kapag sila na 'yung pinag-uusapan?

"Ang lamig, tinatamad na 'kong maligo." labas sa ilong na sabi ni Jasper na mukhang hindi mapakali sa gilid. "Harbe, hug mo nga 'ko." at akma pa 'kong yayakapin ng mokong nang sipain ko siya palayo.

Si Reed, kung anu-ano na ang ginagawa at nagtata-tumbling na sa gitna.

"Hoy, hindi ba't ang weird kung kasama natin sa iisang kwarto 'yung mga babae?" ani Reed kaya napalingon na kami ni Jasper sa kanya.

 

"Pa'nong weird?" tanong naman ni Jasper sabay patong ng ulo sa kamay niyang nakasuporta sa pag-angat ng kalahating katawan. "Don't tell me you're nervous?" dagdag niya.

 

Ibinaba ni Reed ang paa niya mula sa ere at ipinagpag ang mga palad. "It's not that." 

Umunan naman ako sa sarili kong braso at tumalikod sa dalawa, "As long as wala tayong gagawin na 'di maganda, it's fine," simpleng sabi ko.

 

"Wehh? Pero hindi ka kinakabahan?" tanong ni Reed. I understand him, lalaki rin kasi ako pero sa mga ganitong bagay. Kung alam mo 'yung limitations and rights mo. You won't think of anything that could hurt your friends. Deserve nilang ma-respeto.

Biglang nagbukas ang pinto dahilan para mapatingin kaming tatlo roon, mga nakapajama na sila Haley't mga nagpupunas at nagsusuklay ng buhok. Nakaawang ang bibig nila habang bumibilog naman ang mata kong nakatingin kay Kei.

Basang basa ang buhok, ang ganda pa ng shape ng katawan niya't nakasuot lamang ng short. Napalunok ako't umiwas na lamang ang tingin.

Napahinto si Kei at napatingin sa akin, "Bakit?" tanong niya.

Bumalik naman ako sa wisyo ko't umiling iling, "W-wala." sagot ko't tumayo. Nagpamulsang naglakad palabas habang sumunod naman sina Reed sa 'kin.

"Gag* kayo, ah?" si Reed. Siniko naman ako ni Jasper at nginisihan.

"Gusto mo pala si Mirriam? Nakatitig ka kanina, eh." maling pag-aakala niya. Nasa likod lang naman kasi ni Kei si Mirriam, kaya akala tuloy siguro niya, si Mirriam ang tinititigan ko.

Bumuntong-hininga lang ako at mas naunang naglakad. "Manahimik ka nga. Seperate na ang room ng girls and boys mamaya, para walang problema."

Reed's Point of View 

Natapos na ang pagligo namin kaya ngayon ay nag-ayaan na kami sa kung ano ang p'wedeng panuorin, "Horror!" suhestiyon ko. Nakita ko ang biglang pagtaas ng balikat nina Mirriam at Haley.

Pilit na ngumiti si Mirriam sa amin, "P'wede bang h'wag iyon?" pagtutol niya, umaasa na pumayag kami. 

Umupo mula sa pagkakadapa si Haley saka kumamot sa pisnge gamit ang index finger. "It's not like I'm scared or anything but it's not good to watch horror movies kung wala sa mood ang lahat, 'di ba?" pagtatapang tapang-an naman ni Haley na mahahalata mo namang medyo natatakot. 

What an obstinate character.

Sumuntok si Jasper sa kanyang dibdib, "Ako matapang ako!" napatingin kami ni Kei at Harvey sa isa't isa tapos ngiting naglabas ng hangin sa ilong. 

*** 

NAPAG DESISYON-AN na lang namin na manood ng comedy para naman lahat ay mag-enjoy. Bumaba kami dahil wala namang TV sa kwarto at ngayon ay nakaupo kami sa pahabang sofa habang nakasara ang ilaw. 

"What if I feel his magnum (dick), too?

And with one little tug, he could do whatever he wants with me…!" sabi ng character na nasa TV dahilan para malakas na humalakhak sina Haley at Mirriam. Hindi nga ako makapaniwala na mayro'n pa lang ganitong side ang dalawang ito.

Mirriam and Haley also have a similarities, they don't show their other character in front of other people including us, kaya medyo naninibago kami ngayon sa kanila.

Malakas na hinampas ni Haley ang braso ko nang may scenario na nagpatawa sa kanya, habang sa kabila naman si Mirriam na sunod-sunod pa ang pagsuntok sa hita ko. "Aray ko, gusto n'yo ba akong patayin?!" daing ko.

Kaso wala, hindi nila ako pinansin at tawa lang tawa. Mayamaya pa'y ibinaling ni Mirriam ang tingin kay Haley, "Pero you know, Haley." napatingin naman siya kay Mirriam.  

"What?" takang sabi ni Haley.

"At first glance, you're a very mysterious and have a feeling of delicacy" Haley's eyebrows furrowed as she heard those words from Mirriam. 

"Is it spoiled when I talk?" she asked.

  

Sumabat naman ako, "No, it's not like that, it's a little different from your image, I mean that in a good way" medyo nahihiya pa akong sabihin 'yan sa kanya.

Binigyan ako ng walang ganang tingin ni Haley, "Wow, are you complimenting me?" nang-aasar ba siya?

Itinuon ko ang tingin sa harapan, "Not really." sagot ko habang nakatingin lang siya sa akin.

"I see…" sabi niya't ibinalik na lang din ang tingin sa screen. Unti-unti ko naman siyang nililingunan, napaawang noong makita ang kanyang pagngiti. She… Smiled.

Lumiwanag ang paligid, binuksan ni Kei 'yung ilaw habang pumapalakpak, "Okay! P'wede na ba tayong kumain?" tanong ni Kei kaya inalis ko ang pagkakasandal ko sa upuan.

"Gutom ka nanaman? Kakakain lang natin."   

Ngumuso siya, "Alam mo ba ang miryenda sa Dinner? Anong oras na kaya?" sabi ko nga, gutom na siya. Kapag ganyan na 'yan, iinit na ulo niyan mamaya.

"But the maids are already asleep, we can't just disturb them" sabi ni Jasper na yakap yakap 'yung throw pillow. 

Taas kilay na tumayo si Haley, "Hindi naman natin kailangan ng katulong para ipagluto tayo, eh" panimula niya kaya napatingin kami sa kanya, "Kung meron namang p'wedeng magluto para sa atin" sabay ngisi nito.

"Sino gagawa no'n?" tanong ni Jasper saka nag pogi sign, "Puwede rin naman ako?"

Umirap si Haley saka tinuro ang sarili, "Magluluto ako"

Nagulat ang lahat maliban sa akin na nginitian ko lang, "Marunong kang magluto!?" gulat na gulat na reaksiyon ng lahat. Siyempre, alam ko 'yan. Siya nga nagluto ng recipe na binigay ni Rain…

"Ano nanaman sa tingin n'yo? Mukhang hindi ako marunong magluto?" nakasimangot na tanong ni Haley saka bumuntong-hininga, "Geez, ang judgemental n'yo talaga" tumayo na siya para pumunta sa kusina. 

Nag-alok naman ako ng tulong pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad niya, "No need." tugon niya pero sinundan ko pa rin siya.

"Sige na" pamimilit ko nang makasabay sa kanya. Tinusok tusok ko ang aking hintuturo sa kanyang pisnge. I

Inis niyang tinanggal ang nakatusok doon sa pisnge ko't hindi ako pinansin, "Bahala ka sa buhay mo."

***** 

avataravatar
Next chapter