64 Pillow Fight!

Chapter 63.5 Pillow Fight!

Reed's Point of View 

Kasalukuyan kaming nasa class 3-A'ng mga lalaki habang sa 3-B naman ang mga babae. May kanya-kanya kaming ginagawa pero nandoon pa rin 'yong ingay bawat grupo. 

Pasadong 10 o'clock na pero hindi pa kami makatulog at natutulog, maaga pa naman kami bukas dahil may parada. Naglalaro kasi 'yong iba ng kung anu-ano katulad ng Uno o ng poker do'n sa sulok ng classroom. 

Si Jasper nakikipaglaro ng lucky 9, pero wala namang sugal na nagaganap doon. Laro laro lang.

Pero kapag nandiyan si miss, itatago nila 'yon dahil syempre hindi naman 'agad maniniwala 'yon sa amin, baka nga sabihin pang nagpapalusot kami. Saka 'di talaga pwede ang card games sa Enchanted University. 

Si Harvey, nagbabasa ng horror book na ibinigay sa kanya ni Kei kanina.

Tss, bagay talaga silang dalawa, pareho ng gusto

Ako wala, naglalaro lang ako sa PS VITA ko. Tapos kapag na-lowbat ay 'yong Nintendo Switch ko naman. 

Kumuha ako ng chips sa tabi ko habang naglalaro nang may marinig akong usapan ng mga kaklase ko gayun din ang kaklase nila Jasper. 

"Tol? Gusto niyong puntahan 'yong ibang girls sa kabila?" 

"Huh? Bakit?" 

"Titingnan lang natin silang matulog, at kapag nangyari 'yon, palihim natin silang pi-picture-an."

Ibinaba ko ang hawak ko 'tapos tumingin sa mga nagkukumpulan doon. Sumang-ayon sila kay Derick, siya 'yong nagpa-planong pumasok sa kabila.  

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos tumayo, "Kung ako sa inyo, huwag niyo ng gawin 'yan" napalingon sila sa 'kin, isa-isa 'yon. "Mapapahamak lang kayo" dagdag ko pa. Lalo na't may isang amazona ro'n.

Lumapit sila sa akin saka ako inakbayan. 

"Alam naman nating gusto mo si Haley, eh" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng ka-batchmate ko. How did they know? Ang alam ko naman, 'di ko pinapahalata. 

"H-huh?" Pag i-inosentehan ko 

"Obvious kayang gusto mo si Haley" ngiting sabi ng transfer student sa klase nila Jasper.

Okay, sige sabihin nating gusto ko 'yong tao pero wala namang connect 'yon sa pinag-uusapan namin kanina. Tsk, itong mga taong 'to... Nagsu-sugarcoat pa, eh. 

Hindi naman sa pagiging KJ dahil lalaki rin naman ako, pero may pakiramdam kasi ako na 'di magandang ideya 'yong iniisip nila. 

Lumapit na rin ang iba kong classmate, "Hindi naman kami kukuha ng litrato ni Haley, 'yong crush lang namin ang pi-picture-an namin" pagpapalusot nila. Gustong-gusto talaga nilang picture-an kahit makagawa pa sila ng kaunting krimen?

Argh. Hindi pa nakuntentong makita sa corridor o ano. 

"Si Mirriam! Pi-picture-an ko!" rinig kong sabi ni Gerald. Napalingon si Jasper sa amin saka tumayo at binatukan ang nagsabi no'n 

"Huwag niyong lalapitan 'yon, gusto n'yo bang masapak kayo ng tomboy na 'yon?" pang-iinsulto niya kay Mirriam pero makikita mo naman na concern lang talaga siya. Nakakahalata na rin talaga ako, ah?

Sumipol si Gerald at pabirong sinuntok si Jasper sa balikat nito, tila parang natutuwa kay Jasper. "Katuwa ka naman, bro. Concern ka sa akin?" Para namang bakla 'tong isang 'to.  

Hindi na sumagot si Jasper at umalis na lang sa harapan namin. Kaso halata pa rin sa mukha niya ang pagkairita.  

Ngisi akong napailing. 

"Si Ke--" hindi pa natutuloy ng isa kong ka-batch mate ang pangalan ni Kei ay may dark na aura na sa paligid ni Harvey. Nasa higaan lang naman siya at nakatuon ang tingin sa binabasa niya pero ramdam mo ang itim na aura niya. Nakikinig s'ya sa amin at hindi nagbabasa. 

Kaya hindi na rin naituloy ng lalaking iyon ang sasabihin niya. 

Tumayo si Harvey at pabagsak na binitawan ang libro, lumabas siya ng classroom. Malamang ay magbabanyo para magpalamig. 

Lumuhod sa akin ang mga kaklase ko't school mate habang magkadikit ang mga kamay nilang nagmamakaawa, "Hindi namin gagalawin 'yong Trinity6 girls, kaya sige na! Payagan n'yo kaming makita ang babaeng gusto namin!" pagmamakaawa ni Derick. Pero sandali, ano raw? Trinity6? 

"Pagbigyan n'yo kami!" sabay-sabay na sabi nila na para bang isa akong Diyos na hinihingan nila ng kanilang kahilingan. Inangat ko ang tingin kay Harvey na kapapasok lang gayun din kay Jasper na nakahalukipkip. Wala silang sinasabi pero mukha namang may ideya ako sa paraan ng pagtingin nila lalo na noong pareho silang bumuntong-hininga. 

Humawak ako sa batok ko, "Sige bahala kayo, pero sinasabi ko sa inyo, kapag kayo nahuli, labas na kami d'yan" pagpapaalala ko sa kanila na ikinatuwa naman nila. 

Buti na lang wala si John dahil sa biglaang pag-uwi, dahil malamang ay baka makisali pa s'ya sa kalokohan nga mga 'to. 

"Pero paano kung naka-lock 'yung pinto nila? Edi wala rin, 'di ba?" tanong ni Paul na kaklase ko rin. 

Umupo ako sa higaan ko at hindi na nakisali sa usapan nila. Si Jasper naman ay pumunta sa tabi ko't umupo, pagkatapos ay ibinagsak din ang katawan sa sapin habang pinapanood lang ang ginagawa ng mga kasama namin dito sa classroom. 

"Simple lang, gumamit lang tayo ng alambre o kaya ng gunting" ngising sabi ng isa. 

"Mag nanakaw ka ba p're? Ang dami mong alam, ah?" At nagtawanan sila nang nag tawanan 

"Bingo na sila kaagad" mahinang sabi ni Harvey nang makaupo na sa tabi namin ni Jasper. Kinuha niya ang binabasa niya at binuksan ulit ito. 

Nilingon s'ya ni Jasper samantalang tiningnan ko lang siya mula sa peripheral eye view, "Paano?" tanong ni Jasper 

"May nakikinig kasi sa atin." sagot niya sa tanong ni Jasper, "Baka kaklase mo Reed."  dugtong niya. Namangha kaming dalawa ni Jasper sa sinabi niya. Para talaga siyang isang ninja o may special ability powers. Nakaka-sense siya. 

"Ang lakas ng pakiramdam mo, tao ka ba?" biro ko 'tapos tiningnan ang pinto. May nakita nga akong anino. 

Ngumiti ako ng bahagya, "Hintayin na lang natin 'yong magiging resulta." sabi ko na tinanguan lamang ng dalawa. 

Rose's Point of View 

Nakikinig ang iba sa 'min sa usapan ng mga lalaki sa classroom nila samantalang sina Haley, Keiley at Mirriam ay nagpaiwan lang sa classroom gayun din sila Trixie na kasalukuyang natutulog na sa classroom. 

Ayon sa boses, si Derick ang nagpa-plano na picture-an kami habang natutulog. Noong una, akala ko para ipang blackmail sa 'min para maasar nila kami nang maasar, pero harassment na pala ang gagawin nila. 

"For real?" 

"Pervert!" 

Hindi makapaniwalang sabi ng dalawa kong ka-batch mate na nasa likod ko. 

Na-amaze ako, mukhang matitino naman 'yong mga boys namin kapag kasama namin sila pero dahil sa narinig ko, nalaman kong may tinatago pa rin pala silang kamanyakisan sa katawan. 

Tumango-tango ako, "Lalaki pa rin sila afterall" sambit ko.  

Natapos na ang conversation ng mga lalaki kaya kaagad na kaming bumalik sa classroom namin at sinabi sa mga kasamahan namin ang pinag-uusapan nila, pagkatapos ay mabilis naming pinatay ang ilaw para humiga at magtulog-tulugan.

'Yong tatlong babae na sina Haley, Keiley at Mirriam ay nag thumbs up. Senyas na ready na silang makipagpaluan ng unan sa mga manyak na lalaki. 

Napatingin naman ako sa kabilang side, ready na rin ang ibang girls.  

Nilingon ko ang dalawa ko pang kaklase na natutulog sa gilid. Wala silang ka-alam alam sa nangyayari sa paligid nila. They're too vulnerable, seriously.

Pero buti kamo 'di nakisali 'yong tatlong school heartthrob ng E.U sa kalokohan nila Derick.

Ang swerte lang din talaga nila Keiley... Tapos confirm pa na may gusto si Reed kay Haley. 

Sayang nga, hindi narinig ng mismong tainga ni Haley. Napaka wrong timing. 

Mga ilang minuto pa kaming naghihintay hanggang sa makarinig na ako ng kaunting kaluskos at kaunting yapak ng mga paa. Ang bibigat kasi, eh.  

"Shh" mahinang sita ko bilang pagsenyas. Sinadya naming hindi i-lock ang pinto para pagkapasok at pagkapwesto ng mga kalalakihan ay gagawa na kami ng aksiyon. 

Unti-unting binubuksan ng isa sa lalaki ang pinto, slide door lang naman siya kaya hindi gano'n ka-ingay. Dahan dahan silang nagsi-pasok, marami sila at dahil malawak naman ang classroom ay nagkasya silang lahat. 

"Akalain mo nga naman na ang swerte natin? Hindi na natin kailangan gumamit nung gunting" mahinang sabi ng isa sa kanila na sinaway naman ng kasama niya. Naririnig na namin ang foot steps. May dalawang tao ang papalapit sa akin, may nag-aaway pa nga, eh. 

Oh my gosh... Ang ganda ko pala?

Habang nag-aaway sila, sumipol na 'ko dahilan para sabay-sabay kaming mga nagsi-aksiyon. 

Sabay-sabay kaming tumayong lahat at sinimulan ng paghahampas hampasin ng unan ang mga lalaking 'to. 'Yong iba, sa sobrang lakas ng hampas, napapatumba nila 'yon at 'yong iba ay gumagamit na ng physical kasi hinahawakan ng boys ang mga sandata naming unan. 

Hindi namin binuksan ang ilaw kasi mas masaya kung madilim, hindi nila makikita ang mga mukha namin sa sobrang tuwang tuwa. 

Girl POWER!!! 

Si Keiley ay nakaupo lang sa may teacher's table, hindi na siya nakisali at nanood na lang pero parang s'ya pa 'yong mas nag e-enjoy kasi tawa s'ya nang tawa. Pumapalakpak pa siya do'n sa pwesto niya-- Teka, may naririnig akong rapper. Kumakain ba s'ya? 

Kanya-kanyang palo ng unan ang ginagawa namin sa kanila at nang matapos, sinipa na ni Mirriam at Haley ang mga pwet ng lalaki palabas sa classroom. Pader ang nasa harapan namin kaya hindi naman ito nakagawa ng sobrang ingay. 

Lumabas kaming mga babae nang maitapon sa labas ang mga lalaki at sabay-sabay na nagsitaasan ng kilay habang nakapameywang.

Marka sa mga mukha nila ang pagkatakot na para bang kakainin sila anytime. 

Lumabas sila Harvey, Reed at Jasper at napatingin sa amin at sa kasama nila.  

"Oo nga 'no?" Manghang wika ni Jasper 

"Sabi sa inyo, eh." nakasimangot na sabi ni Reed habang nakapamulsa.

Wala lang sinabi si Harvey. 

"O siya, punta lang kami sa banyo" paalam ni Reed, lumakad na sila papuntang banyo.

Mahinang tumili ang kaklase ko, "Iyong mga Trinities..." kinikilig na sabi ng ka-batch ko habang nakahawak sa kani-kanilang mga mukha. 

Nilingon ko ulit ang mga pasaway, "So? Any explanations?" panimula ko at inayos ang eye glasses ko. 

"Hmmm...?" Babalang boses ng mga kasama ko. 

Nakahalukipkip sila Haley at Mirriam habang napapailing, si Keiley nakangiti lang. 

"Wala! Pasensya na po!" At mabilis silang tumakbo papunta sa room, nakagawa nga rin iyon ng malakas na ingay kaya isa-isang nagbukas ang mga pinto ng mga classrooms kaya bago kami mahuli ay pumasok kaming lahat sa loob at pumunta sa kanya kanyang higaan. 

Nararamdaman ko na rin ang presensiya ni miss Kim na pabalik na rin dito. Lagot.

"Uy, tulog na! Baka pumunta si miss Ki--" naputol iyong sinasabi ni Tadion-- isa sa mga kaklase ko nang mabilis na magbukas ang sliding door kung sa'n nandoon ang nag-iinit na aura ni miss Kim.  

"GI.RLS!" mariin na tawag niya sa amin kaya sabay-sabay kaming mga nagtalukbong ng kumot samantalang nagsisimula na ring manermon ang adviser namin kesyo gabi na pero ang ingay-ingay pa rin namin. Sinilip ko ang mga kaklase't batchmate gayun din kila Haley na ang gugulo dahil sa pagpipigil ng tawa.  "Rose!" tawag ni miss Kim sa akin kaya ako naman itong mabilis na tumayo kasabay ang pagsuot ko ng salamin ko na kakatanggal ko kanina. 

Ako naman ang binigyan niya ng sermon, umabot nga yata kami ng 12 o'clock at hanggang ngayon, 'di pa rin siya natatapos. Karamihan, tulog na. Siya tuloy-tuloy pa rin sa panenermon niya. 

"Help..." 

avataravatar
Next chapter