63 Pillow Fight!

Chapter 63: Pillow Fight!

Kei's Point of View 

Hindi pa tapos ang activity namin subalit nang dahil sa biglaang pag-ulan ay pinabalik na kami sa main building dito sa lobby. Kaso wala pa rin sina Haley at Reed hanggang ngayon.

"Wala pa rin sila?" tukoy ko sa dalawa habang nagpupunas ng buhok gamit ang towel na ibinigay ni Harvey sa akin kanina.

"Baka nasa labas pa" sagot naman ng nagkakapeng si Jasper. Nakasunod naman sa kanya si Mirriam na nagsusuklay ng buhok. 

Kinuha ko 'yong cellphone at dinial ang number ni Reed, idinikit iyon sa tainga at hinihintay na sagutin niya. "Sorry, you do not have enough load in your account to make this cal--" ibinaba ko na ang phone ko, bakit kung kailan naman kailangan ko, doon ako mawawalan ng load?! 

"How dare him?!" pare-pareho kaming napatingin kay Tiffany nang bigla itong sumigaw sa galit. Tine-treat ang paa niya ng mga nurse. Natapilok kaya siya?

"Oh, ayun na sila" lumingon kaagad ako sa tinuturo ni Mirriam. Basang basa si Haley at Reed at nagsisimula ng bumahing kaya nang makalapit sila sa dalawang advisers ay sinermonan na sila't lahat lahat.

"Sa tingin niyo, saan sila nag punta?" bulong ni Mirriam sa amin, pati ako na-curious, eh. Ba't magkasama 'yong dalawa?

"Eh, kayong dalawa?" panimula ni Harvey kay Mirriam, "Saan kayo nagpunta? Bakit kayo magkasama?" tanong pa nito sabay ngisi kay Jasper.

Hinampas ni Jasper 'yong towel niya kay Harvey habang namumula ang buong mukha, "T*ng*na mo! Nagkita lang kami." mura nito kay Harvey saka sila nagharutan sa harapan namin. Hinayaan na lang namin sila ni Mirriam at medyo lumayo na lang muna sa kanila. 

Nakita ko ang pagbuntong-hininga ni miss Kim habang pinagsasabihan pa rin sila Reed. Ilang minuto pa nang lumapit na sila Haley kung nasa'n kami matapos ang kaunting sermon. Medyo nanlulumo ang mukha ni Haley, siguro nagtampo ng kaunti sa adviser namin.

Pinahiram ko muna sa kanya 'yong towel at ipinunas sa buhok niyang basang-basa. Hindi naman marumi buhok ko, eh. 

"Mga nabasa kayo sa ulan, mayroong mga heater sa bawat cubicle ng banyo kaya maligo na kayo nang hindi kayo magkasakit." sambit ni miss Kim at tiningnan kami isa-isa, "Dismiss!"

Umalsi na nga ang mga estudyante habang ibinaba ko naman ang tingin kay Haley. "What happened?" tanong ko na medyo nagpataas sandali sa mga balikat niya. Mukhang nagulat kahit wala naman akong tinanong na kagulat-gulat. 

Nginitian niya ako 'tapos kinuha ang towel mula sa ulo niya na ipinangpupunas ko sa kanya kanina, "Wala, nabasa lang naman sa ulan" namimilosopo ba s'ya o sadyang ayan lang talaga 'yong maisasagot niya sa akin?

"Na-trap kasi s'ya doon sa vines ng mini forest kaya kami natagalan" I think that is the lamest excuse that I have ever heard, it's pretty obvious that Reed's just lying.

Mas lalo tuloy akong nacu-curious kung ano ang ginawa nilang dalawa na magkasama.

Muli kong tiningnan si Haley na namumula ngayon. Gumuhit ng ngiti sa aking labi. 

Hmm...?

*** 

"Wow! Ang laki!" namamanghang sabi ni Mirriam na nasa kaliwa ko't sinisilipan ako. Kaya ako itong biglang napaurong kasabay ang pagtakip ng dibdib ko. Mababa lang kasi 'yung harang kaya nakikita namin ang bawat cubicle.  

"Don't look!" I blushed.

"Stop it, Mirriam. Para kang tomboy r'yan." sita ni Haley kaya napanguso si Mirriam na inaalis na ang Black ribbon niya.

"Wala ka lang b*obs, eh." pang-aasar naman nito kaya napatingin ako kay Haley na namumula ang mukha ngayon.

"Are you looking for a fight?" Tila parang napipikon na tanong ni Haley at umismid. "Isa ka rin naman sa flat-chested." She added kaya humarap na sa amin si Mirriam. Pareho kong nilingun-lingon ang dalawa para awatin pero pareho silang mga nakabusangot at nag-aasaran. Maliligo na nga lang kami pero ganito pa sila.

Kinuha ko na nga lang ang sabon para makapagsimula na ako. Gusto ko na rin talagang matulog pagkatapos nito dahil maaga pa kami bukas.

Pa-simple kong tiningnan sina Haley. Salitan sila ng panunukso tungkol sa dibdib kaya mas lalo akong nahiya. Wala namang maganda sa pagkakaroon ng malaking dibdib. Malaking purwisyo 'to sa totoo lang.

Tinuro ako ni Mirriam. "Kei! Truth or Dare?!" tanong niya kaya ako naman itong napakurap nang tingnan siya.

"T-Truth?" sagot ko kahit hindi ako sigurado kung para saan ito.

Nagpameywang si Mirriam at taas-noo akong tiningnan diretsyo sa mata. "Pinalamas mo ba 'yang b*obies mo kay Harvey?" diretsahan niyang tanong kaya mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko. Pabuka-sara ang bibig ko dahil sa naging tanong niya gayun din si Haley na mas mapula pa kaysa sa akin.  

"Gaga ka! Ano tingin mo kay Kei?!" hindi makapaniwalang tanong ni Haley at naglagay ng shampoo sa buhok.

"Eh, ang laki, eh." sagot naman ni Mirriam na biglang sinang-ayunan ni Haley.

Kaya ngayon ay parehong naningkit ang kanilang mga mata. Inuusisa kung magsisinungaling ba 'ko sa sagot ko o hindi.

Pumikit ako nang mariin. "N-no. Hindi pa nga kami nagki-kiss. W-wala pa kami sa ganyang stage." honest kong sagot na medyo nagpautal sa akin. Sa sobrang tagal na sina Reed ang kasama ko. I never talked about this kind of topic before. Kaya medyo nag-aalanganin ako kung sumagot. But I know ito 'yung tinutukoy nilang Girl's Talk.

Winisikan naman ako ni Mirriam ng tubig at bumungisngis. "Do that sometimes. He'll be happy." pagbibigay niya ng payo kaya ako naman itong lumapit sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pag-bored look ni Haley. "You'll kiss him, Kei?" tanong niya kaya mabilis akong humarap sa kanya para iwagayway ang dalawa kong kamay sa harapan ng dibdib senyales na mali ang iniisip niya.

"N-no. It's not like that." I can't even imagine myself to make the first move.

I mean, it's kind of embarrassing and all. Baka isipin pa niyang madumi akong tao kung hinalikan ko siya bigla.

I shook my head and pout my lips as my eyebrows meet. "How about you? Kailan mo aaminin na gusto mo si Reed?" tanong ko kay Haley. Namilog ang mata niya at mas namula ang mukha kumpara kanina.

Humagikhik si Mirriam. "I see. The tables have turned."

Binigyan siya ng masamang tingin ni Haley. "It's not funny. Kung hindi rin naman ako nagkakamali. Gusto mo si Jasper."

Lumingon ako kay Mirriam dahil sa biglaan nitong pag react. "W-what are you saying? I-it's not I like him or anything."

"Now, you're being a tsundere?" Pag-urong ni Haley sa ulo niya bilang reaksiyon niya.

Mirriam hissed. Hinayaan ko na lamang silang magbatuhan ng kung anu-anong salita nang matawa na lang ako.

Who would have thought na magkakaroon ako ng ganitong klaseng kaibigan?

'Yung may mapagsasabihan ka ng iniisip mo ng walang pag-aalinlangan?

Today's Generation. People think it's a race to have the most friends. But if you asked me? These two girls are enough. Including Reed, Jasper, and Harvey.

Mirriam's Point of View 

Magkahiwalay ang kwarto ng boys and girls. Na sa room namin ang mga babae habang ang mga lalaki naman ay na sa room ng klase nila Harvey. 

Nakarating na kami sa room at pagkabukas na pagkabukas pa lang namin ng sliding door ay may unan na tumama sa mukha ko. Kinuha ko iyon at inis na tiningnan ang may gawa no'n. "Sakto nandito na kayo, laro tayo habang wala sila miss Tim!" ngising pagyayaya ni Rose. Jusko, imbes na ang president ang mag disiplina sa amin, siya pa ang nangungunang gumagawa ng kalokohan. 

Nagkatinginan muna kami nila Haley at Kei at humarap ulit sa isa kong kaklase "Okay lang namang maglaro pero baka magalit kasi--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil malakas na inihagis ni Haley ang unan sa mukha ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. "Haley!" ngumisi at nagkibit-balikat lang s'ya.

Kumuha na rin ng unan si Kei para makisali, "Game!" masigla pa niyang anyaya kaya kumuha na ako ng unan at tiningnan silang lahat.

"Tara! Pillow fight!" 

Nagsimula na ang Pillow Fighting. Hagis doon, hagis diyan. Tinatama ko nga 'yong unan sa mga mukha nila para malakas ang impact, eh. "Booo!" sigaw ng isa sa kaklase ko sabay bato.

"Omg! 'wag nga kayong maingay!" maarteng daing ni Trixie sa gilid, "Hoy, sabi ko 'wag kayong mai--" tinamaan s'ya ng unan mula kay Rose. Inilabas pa niya ang kanyang dila na animo'y nang-aasar pa ang bruha.

Nakataas din ang dalawa niyang kilay, "Oops, sorry sinasadya!" natatawang sabi ni Rose 'tapos hinampas naman ako ng unan noong tangka ko siyang lapitan. Ganoon pala, ah?! 

Kumuha ako ng maraming unan at pinagbabato bato silang lahat, si Haley tawa nang tawa habang umiilag. Si Kei naman palaging natatamaan ng unan sa mukha kaya laging bumabagsak.

"Kapag ako natamaan huhubaran ko kayo! Pati panty n'yo isasama ko!" pananakot ng isang ka-batch ko galing sa klase nila Harvey kaya bigla kaming sumeryosong lahat at muling naghagis ng mga unan.

Ngunit sa paghahagis namin ay sabay-sabay naming natamaan si Tiffany na kapapasok lang sa classroom. Napasinghap ang lahat habang napasimangot naman si Haley at napakanta. 

"Sa Jollibee, bida ang saya." 

Inis kaming tiningnang lahat ni Tiffany matapos bumagsak ang mga throw pillow na tumama sa kanya. "Isusumbong ko kayong lahat!" parang batang nagmamaktol at padabog na isinara ang pinto pagkaalis niya sa room. Nagkatinginan lahat ng mga kaklase at school mates ko at mabilis na pinatay ang ilaw para humiga sa kanya kanyang higaan.

Siyempre maglalayo ba kaming tatlo?

Nasa gitna ako ng dalawa. Tiningnan ko sila isa-isa at mahinang tumawa. "Another round nanaman ng sermon girls" tumawa si Kei 'tapos tinakpan ang mukha ng kumot. 

Napailing si Haley tapos tumagilid ng higa, "Whatever, matapilok sana s'ya"

Tiffany's Point of View 

Kunot-noo akong nagmamartsa papunta sa faculty, nakakainis 'yong mga iyon! Isusumbong ko talaga sila! May gana pa silang magsaya without me? How dare them?! Pasimuno siguro 'yong Haley na iyon?  

Binuksan ko ang sliding door ng faculty room at handa ng ibuka ang bunganga ko nang tumama ang kanan kong paa sa nakaharang na wire na nakasaksak dahilan para matapilok ako. Nagulat ang mga teachers at napatingin sa akin. "B-bakit nangyayari 'to sa akin?" ang malas! 

avataravatar
Next chapter