66 Kiss! Fall In love!

Chapter 65: Kiss! Fall In Love!

Kei's Point of View 

Nagsimula na ang parada kaya todo cheer kami sa sarili naming grupo't klase. Kasama roon iyong class section nila Harvey.  May iba ring estudyante na naghihiyawan talaga noong makalabas kami ng E.U. 

Naiwan si Haley sa campus dahil may aasikasuhin daw sa loob. Pumayag naman ang adviser namin dahil nga sa wala naman siyang kinuhang role. Tumulong na lang daw si Haley sa pag-aayos ng mga gagamitin sa stage mamaya kasama 'yung mga iba pa naming kaklase't schoolmate na naiwan sa loob. 

Iniikot-ikot ko ang hiblang buhok ko sa aking daliri't tiningnan si Harvey na seryoso lamang na nakabaling sa kung saan. Tumingin ako sa kaliwa't kanan bago sana siya lapitan noong mapatingin ako kina Reed. 

"Huwag kang masyadong malapit!" daing ni Reed kay Tiffany na kung makakapit sa braso ni Reed. Parang akala mo'y isang tarsier. Ang pinagkaiba lang, hindi malaki ang mata ni Tiffany. 

"Malayo pa nga 'yan, eh..." Tugon ni Tiffany 'tapos humagikhik. 

Pumikit ako't huminga ng malalim. Buti na lang pala wala si Haley rito. Sigurado akong kukulo ang dugo no'n kapag nakita ang dalawang ito.

Pinaghiwalay ko na nga lang sina Reed dahil hindi rin natutuwa ang mata ko. "Bawal maglandian, baka iba isipin ng mga tao masira pa 'yong pangalan ng school ko" sinabi ko 'yan na may ngiti sa labi. Hindi sumagot si Tiffany at inirapan lang ako na pinaharap ang tingin.  

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa paligid.

May mga taong nanonood sa amin na mahahalata mong nag-e-enjoy. May inihagis na candies ang mga kaklase ko sa audience kaya tuwang-tuwa na kinuha ng mga bata iyon sa sahig.

"P're, ang ganda no'n, oh?" turo ng kung sinong lalaki sa akin kaya napatingin ako kay Harvey na biglang tumabi sa akin.

Gusto niya akong akbayan para sabihin sa mga lalaking iyon na, "Akin lang 'to" pero hindi niya ginawa. Wala kaming secret relationship dahil wala namang dapat itago pero siyempre, we should know our limits. Hindi naman namin kailangang ipagkalat na kami, eh. Kaya private lang. At saka may mga teachers. Hindi pwedeng maging PDA.

I grinned. "Ang cute mo namang magselos.," I said and put a smile on my lips. He didn't say anything and he just messed my hair.

"I'm not, ugly," pang-aasar niya at binelatan ako saka naunang naglakad.

Nakaawang lang akong nakasunod ng tingin sa kanya nang mapanguso ako. "Okay, what is wrong with him?" Guluhin niya na lahat, huwag lang ang buhok ko.

Even if he's going to mess you up—? Augh! Stop! That's not what I mean by messing up!

"Harvey!" tawag ko sa kanya. 

Nagdahan-dahan siya sa paglalakad at medyo inilingon ang ulo sa akin. Itinuro ko ang tabi ko. Gusto ko kasi siyang katabi. 

Nakatingin lang siya sa akin nang ngumiti siya. "Later," sagot n'ya. Nagbuga ako ng hininga at medyo napa-pout. 

Fine, then. 

"Huwag muna kayong magtunawan ng tingin d'yan. At saka kung may balak kayong mag-holding hands, p'wede bang 'wag kayong magpakita sa aming mga single? Mahiya kayo!" 

Mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko nang marinig ko 'yan mula kay Jasper.

Inilipat ni Harvey 'yong tingin niya kay Jasper saka ngumisi. "C'mon, don't be jealous just because there are no girls who'll hold your hand, you naïve!" pang-aasar niya na may pagngisi.

"Ang yabang mo talagang gag* ka!" pagmumura ni Jasper kaya binigyan siya ng hampas ng adviser nila na si Miss Tim dahilan para tawanan siya ng klase.

Ibinaling ko ang tingin kay Reed noong mapansin kong may tinititigan siya sa hindi kalayuan. Sinundan ko iyon pero puro mga tao lang na hindi namin kilala ang nandoon.

Hmm?

Reed's Point of View 

Nagsisimula ng magputukan ng fireworks. Mga ilang oras pa kaming maglalakad dahil may apat na area pa kaming iikutan. Nakatingin lang ako doon noong pumakaw sa atensyon ko ang isang babae sa hindi kalayuan. Napatingin ako sa taong nagmamasid sa akin. Ngunit nang tingnan ko s'ya ay agad din s'yang umalis. 

Teka, hindi ba si...

Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko senyales na may nag-text. Kinuha ko iyon at binuksan para mabasa ang message.

From: Haley

Ibalik mo 'yong libro ko pagkabalik niyo rito, ah? Ang boring sa classroom, grabe!

Nakatitig lang ako sa message niya at nilingon ang kaninang pwesto ng taong iyon. Am I imagining things?

***

ILANG MINUTO pa kaming naglalakad-lakad, nag-iiikot sa kung saan-saan hanggang sa makabalik na kami sa Enchanted University. Maraming nagpapalakpakan at maraming nagsisipulan kaya napangiti rin kaming mga nagparada. Tumakbo papunta sa amin si Haley saka kami inabutan ng tubig.

"Nice effort, guys," ngiting sabi ni Haley kaya ngumiti kami sa isa't isa.

"Thank you, good luck sa 'tin!" sigaw ko habang nakataas ang nakasarado kong kamao. Gaya ko, 'yon din ang gusto ng lahat.

"Fighting!!!"

Kei's Point of View 

Mamaya pa magsisimula ang play ng Romeo and Juliet kaya nagpasya muna kaming mamasyal na muna. Nandito na ang estudyante sa iba't ibang school na mukhang natutuwa naman sa mga booths na mayroon ang E.U.

"Wahh! Try kaya natin mag-Trap Photo Booth?" natutuwang suhestiyon ko sa kanila nang makahinto kami sa harap no'n. Labas pa lang. Flowery na.

"Trap Photo Booth?" walang ideya na tanong ng tatlong boys na nginisihan lang naming mga babae. Hinila namin sila papasok. Pinaupo sa may pangalawang sahig habang namimili kami sa p'wede naming ipasuot sa kanila na nagmumula pa sa malaking kahon.

"Try these!" Isa-isa ko silang binigyan ng damit.

"Just for fun lang!" nasasabik na sabi ni Mirriam na hindi makapagpigil gumalaw-galaw. Sumang-ayon si Haley.

Tiningnan nila ang mga ibinigay naming damit pambabae. "Are we suppose to wear these stuff?" Reed asked. He's obviously didn't like it.

Especially Harvey. I looked at Him while wearing a smirk. "As if I'm going to wear that!" He shouted in disgust. See?

"Guys!"

Nilingon namin si Jasper na nakabihis na pala. Hindi namin napansin! Pareho kaming mga nagulat habang nanlalaki lang ang mata ni Haley.

Nag-pose si Jasper na para bang isa s'ya sa babae doon sa cover magazine. "Maganda na ba 'ko?" tanong niya sabay kindat. Agad kaming lumapit ni Mirriam sa kanya at mabilis na tumango.

"Diyosa ka na!" tuwang-tuwa namang sabi ni Mirriam sa kanya na nagpatili kay Jasper.

"Dali, picture tayo!" hila ko sa kanya papunta sa photo booth. 

Sumama na rin si Haley noong sumunod si Mirriam sa amin. Iniwan namin 'yong dalawa. Ang KJ eh..

 *** 

PUMUNTA KAMI sa horror booth matapos namin sa Trap Photo Booth at iba't ibang booth. Sobrang tawang-tawa ako kay Jasper. Mula nang makapasok kami rito ay wala na s'yang ibang ginawa kundi ang sumigaw nang sumigaw. Pero mas lalo naman akong natawa nung napayakap na s'ya kay Mirriam.

Napatili si Mirriam sa gulat pagkatapos ay tinulak-tulak si Jasper palayo sa kanya. Madilim na rito pero medyo nakikita ko 'yong ginagawa nila. 

"What the hell are you doing?!"

"Mirriam! Wahh! H'wag! May... May nanghahawak ng birdie ko!"

"How can you say such embarrassing things so calmly?!" 

I think that is because he were just completely unaware of it. 

"Whatever! Just get away from me, you jerk!" At hinahampas-hampas na ni Mirriam si Jasper sa kung saan-saan.

Napailing kaming apat sa dalawa.

Pumunta naman kami sa photo shoot at kumuha ng p'wedeng props. Picture d'yan, picture doon, picture dito hanggang sa matapos na ang shot at lumabas na ang photographic paper. 

"Nakakatuwa naman tayo riyan," natutuwang sambit ni Mirriam habang nakatingin sa litrato namin. 

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Iba-iba ang pose na ginawa namin sa litrato kung saan makikita mo kaagad 'yung personalidad na mayro'n kami.

"Ipapa-scan ko 'to para lahat tayo mayroong copy," sabi ko habang nakangiting tiningnan ang lima. 

Pagkatapos namin sa Photo Shoot ay pumunta naman kami sa Maid café. Ang balita kasi namin ay hindi lang basta't mga magagandang maid ang nandoon. May mga gwapong butlers din.  

"Hindi tayo papasok d'yan kung ayaw mo pang mamatay ng maaga," babalang bulong ni Harvey sa akin. He took a strand of my hair and inhaled my scent. "If you want, I will serve for you, Mademoiselle," he said in a husky tone.

Tumaas ang mga balahibo ko at lumayo sa kanya. "Stop it!" I blushed. Tumayo na siya ng maayos at nakangising nagpamulsa.

Pumunta na lang kami sa iba't ibang booth at nagsaya. Mayamaya pa'y narinig na namin ang announcement at sinasabing pumunta na ang cast ng Romeo and Juliet sa likod ng auditorium. Kaya dumiretso na kami ro'n para makapaghanda na sa play.

Reed's Point of View 

Nakaayos na kaming lahat at magsisimula na ang play in ten minutes. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Tiffany. Kaya ang ibang classmate ko, pinaghahahanap na s'ya. 

"Nasaan na si Tiffany?!" galit na galit na tanong ni Rose kay Trixie. Binato pa nga niya 'yong lalagyan ng tubig niya sa sahig, eh.

Mapagbiro si Rose at s'ya ang female version ni Jasper dahil sa pagiging makulit and energetic but when it comes to academics, hindi kami pwedeng pumapalpak dito. Nagiging halimaw na siya kung magalit.

"H-hindi ko alam, hinahanap ko ng—"

"Hanapin mo kung hindi mo pa nahahanap!" Mabilis na umalis si Trixie habang napasuklay naman si Rose ng buhok. "Aughh!" iritado niyang sigaw. 

Ibinaling ko ang tingin kay Haley na nag-aalalang nakatingin kay Rose. Gusto niya itong lapitan pero hindi na lang niya ipinagpatuloy at ibinaba lang ang kamay na dapat aabutin sana si Rose.

Someone's Point of View

"HOY! PAKAWALAN MO 'KO RITO!" sigaw niya sa akin kasabay ng pagtili niya ng dahil sa inis. Nakahiga s'ya habang nakatali ang paa't kamay. Dinala ko siya rito sa abandoned room dahil wala namang papasok rito o dadaan. Umubo ako hindi dahil sa trip ko lang. Sadyang may ubo lang talaga ako. Naulanan ako kagabi, eh. "Sorry, I won't let you take Reed all by yourself" saad ko sa kanya. 

"Just who are you?! Bakit ayaw mong magpakita sa akin?!" Naka-hood kasi ako habang nakasuot ng puting maskara para hindi niya makita ang mukha ko.

"Ayoko eh, bakit ba?" sagot ko sa kanya. Hindi naman ako nang-aasar. 

"What do you want?! Isa ka rin ba sa fan ni Reed?!" Tch, ang ingay ng bunganga nitong babaeng 'to, hindi na ako magtataka kung bakit palaging badtrip si Haley sa kanya.

"Hindi ako fan ni Reed Evans-- Ay hindi, p'wede na rin pala." Pagkibit-balikat ko. 

"That doesn't make sense, hindi ka fan pero pwede na rin? Baliw ka ba?!" nag crossed legs ako't napangisi. Nakaupo ako ngayon sa isang wooden chair habang nakaharap sa kanya. Natutuwa ako sa nakikita ko.

"Pwedeng oo... Pwede ring hindi..." at tumawa pa ako para maasar siya. 

"B*tch!" tawag niya sa akin, "Tulong! May tao ba riyan?!" Muli nanaman akong natawa. Medyo madilim sa kinalalagyan naming pareho pero kahit papaano ay makikita ko pa rin siya. May kaunting butas ang bubong na ito at doon sa mismong liwanag siya nakatapat. 

"Pathetic, kahit na ano pa'ng gawin mo, hindi ka nila maririnig. I already told you, right? Sound proof 'tong kwartong 'to" mas lalo akong napangisi, "Kaya wala ring makakahanap sa'yo" manigas ka muna d'yan. 

Halos mangiyak naman ito dahil sa pananakot ko. "Ano ba ang ginawa kong masama sa 'yo?!" walang ideya nitong tanong. Why is she asking me like she doesn't know what she did?

"Wala, pero kay Haley... Meron." tumayo na ako at tiningnan ang wrist watch ko, "...Gotta go."  

"Kapag nalaman ko talaga kung sino ka, malalagot ka sa tatay ko! You're dead!" babala niya sa akin pagkatalikod ko. Lagot, eh? 

Dahan-dahan kong inalis 'yung suot kong puting maskara. Inilingon nang kaunti ang mukha para ipakita sa kanya ang malapad kong pagngisi. Sandali niya akong tinitigan, pinagmamasdan ang aking mukha. "If you really want to know my name. Try to look for an answer. But it's a name of a fictional character of a game that is presented as a highly intelligent and atheletic archeologist." Pagbibigay ko sa kanya ng hint bago ko isuot pabalik ang aking maskara. "Good day." 

Reed's Point of View 

"Wala talaga si Tiffany," naiiling na sabi ng kaklase ko habang hinihingal. Bakit wala s'ya? Impossibleng mag-back out 'yong isang katulad niya. 

Biglang tumayo si Rose mula sa pagkakaupo niya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa sahig. "We have no choice." seryosong wika niya saka agad na nilingon si Haley. "Haley!"

Lumingon naman si Haley na tumutulong kanina sa pag-aayos.

"Ikaw ang magiging Juliet ni Reed!"

Napatingin ako kay Haley habang napanganga naman siya sa biglang dineklara ni Rose.

"But she didn't know her lines!" sabi ni John na nasa likuran ko. Paano nga naman s'ya makakapag-perform sa stage kung hindi niya alam?

"No, I know," seryosong tugon ni Haley at umabante. "I'll take the role."

Napanganga kami ni John ganon din ang mga kaklase't school mate ko habang proud naman na napangiti si Rose. 

"Just as I expected," pagtango ni Rose at tiningnan ang schoolmate naming tumatayong make-up artist. "Please do her make-up," sabay turo nito kay Haley. Agad namang sinunod nito si Rose.

 Seriously?

*** 

PUMALAKPAK si Rose bilang pagmamadali niya sa amin. "Move! Move! Three minutes left!" sigaw niya habang inaayos ko ang buhok ko.

Lumapit sa akin si Harvey. "Nasaan na si Haley?" hanap niya.

"Inaayusan pa yat—"

Napatigil ako nang marinig namin na handa na raw si Haley. Ibinaling naming lahat ang tingin sa waiting room kung saan siya mine-make up-an at hinihintay ang paglabas niya. Saglit pa kami naghintay nang lumabas na siya.

Tila parang nag-slow mo ang paligid sa kakaibang aura na mayroon siya lalo na't naka-long dress siya at mas lalong kinulot ang mga buhok. Light make-up and maaamoy mo kaagad ang ginamit niyang pabango. 

Nagtakip ng bibig ang isa sa kaklase ko dahil sa pagkamangha.

"A-ang ganda niya!"

"Ang swerte ko dahil may maganda akong kaklase. Nakakaiyak."

Lumakad na s'ya papunta sa akin habang nakanganga lamang akong napatitig sa kanya. Nasa kanya lang ang atensyon ko kaya hindi ko na napansin ang pag-alis ni Harvey. Pero naramdaman ko ang paghampas niya sa likod ko. 

Nakarating na si Haley sa harapan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Para bang naputulan ako ng dila na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maialis itong tingin ko sa kanya.

"Hoy, hindi naman ako mukhang tanga sa suot ko, 'di ba?" tanong niya na halatang conscious sa itsura niya.

Itinaas niya ng kaunti ang palda niya. Ano bang dapat kong sabihin? Nakakainis naman! Ngayon pa 'ko natorpe!

Pumikit ako ng mariin at tumagilid para hindi ko s'ya masyadong makita. "Ah! Ano... Ano..." 

Oh, napipi ka na? Get a grip of yourself you, idiot!

Nakita ko mula sa peripheral eye vision ko ang pagkalungkot niya. "So, weird nga 'tong suot ko," disappointed niyang sabi.

Agad akong humarap sa kanya. 

"Hindi! Ano..." Umiwas ako ng tingin sabay kamot sa pisngi ko gamit ang index finger ko. "Actually... it's nice. It looks good on you," sabay tingin sa kanya.

Namula naman ang buong mukha nito at umiwas din ng tingin. "Y-you think so?" I nodded. 

Ikaw nga lang yata 'yung babae na nakitaan ko ng ganitong ganda, eh.

"Mamaya na kayong maglandian d'yan! Start na!" inis na sabi ni Rose.

"Hindi kami naglalandian!" sabay na sabi naming dalawa at nagmamadaling pumunta sa stage.

***

KASALUKUYANG nagpe-perform sina Harvey habang naghihintay kami sa susunod naming scene. Mayamaya pa noong matapos sila kaya kaagad kami pumunta sa harap ni Haley. Nandito na kami sa scene kung saan magtatanan na sila Romeo and Juliet.

"If I profane with my unworthiest hand

This holy shrine, the gentle fine is this, my lips, two blushing pilgrims, ready stand

To smooth that rough touch with a tender kiss" 

Nagsimula na akong umarte. Nahirapan akong i-memorize ang linya na iyan. Ang lalim masyado, eh.

Umabante ng kaunti si Haley dahil gagawin na niya ang lines niya. 

"Good pilgrim, you do wrong your hand too much,

Which mannerly devotion shows in this; For saints have hands that pilgrims' hands do touch,

And palm to palm is holy palmers' kiss" 

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako kay Haley. Paano niya nakabisado 'yong mga lines niya? Ni hindi ko pa nga s'ya nakikitang magkabisado kahit isang beses. 

Ang galing talaga niya.

Naglakad ako papunta sa harapan niya. Malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya medyo pinapawisan din ako. "Ah, Juliet! Have not saints lips and holy palmers to—" iikot sana ako nang matapakan ko ang kapa ko dahilan para bumagsak sa sahig. Sh*t!

Pero hindi lang ako ang bumagsak kasi naisama ko si Haley. Narinig ko ang kanya-kanyang reaksiyon ng audience dahil sa nangyari.

 Sh*t naman, ang tanga!

Iminulat ko ang mata ko. Laking gulat ko noong mapagtanto ko kung saan nakalapat ang labi ko. Hindi ko ito napansin agad dahil pinangunahan ako kanina ng hiya dahil sa palpak kong nagawa. Nanlalaki ang mata ni Haley habang nakatingin sa mata ko. Pulang-pula ang kanyang mukha. Ano ba kamong nangyari?

For the second time, I kissed her.   

avataravatar
Next chapter