54 Confession?!

Chapter 54: Confession?! 

Mirriam's Point of View 

Kausap ko sa telepono ngayon si Reed dahil gusto ko ring itanong kung ano ang pinapabili niya. Nakalimutan ko kasi, eh. Sa dinami rami ba naman ng inasikaso ko, maaalala ko pa kaya? 

Humarap ako sa bandang poste 'tapos humalukipkip. Grabe, ano ba naman 'tong mall na 'to. 

Ang init init sa bandang area na 'to. Uuwi na talaga ako pagkatapos nito.

Kakain lang ako sandali after kong bilhin 'yong pinapabili ni Reed. Hindi niya ako inutusan bumili, bale ka-grupo ko kasi siya at dahil sa alam naman niyang pupunta ako ng mall, nagpasuyo siya dahil practice raw ng team nila ngayon. 

Narinig ko ang pagtawa ni Reed sa kabilang linya na sakto naman na nakita ko si Kei, "Si Kei 'yon, ha? Hala, kasama rin pala niya si Harvey--" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang paghawak ni Kei sa kamay ni Harvey. Mukha silang masayang naglalakad na sinusundan ko lang ng tingin.  

"Ano'ng problema?" tanong ni Reed. 

Sandali akong 'di nagsalita nang iiwas ko ang tingin para hindi makita sila Kei. "Si Harvey and Kei, sila na ba?" tanong ko, hindi namalayan na nakayukom na ang kamao ko. Even though I knew the answer, tinanong ko pa rin. 

I'm thinking about Jasper. I'm sure masasaktan siya kapag nalaman niya ito. 

Umiling-iling ako. Hindi, hindi ko na dapat pinapakielaman 'yong mga ganitong bagay.

Kahit may gawin ako, wala rin akong magagawa. The result will still the same.

"No, nevermind. Bibili na ako para makauwi na 'ko." pagkasabi ko no'n, in-end ko na 'yong call. 

Bago maglakad, lumingon muna ako sa pinanggalingan nila Harvey kanina. 

Tumalikod bago magpatuloy sa paglalakad para mabili na ang dapat na bilhin. 

Jasper's Point of View 

Kinabukasan, nahirapan akong gumising dahil buong gabi ko talagang ginawa ang magiging surpresa ko para kay Kei. Hindi na ako nakahingi ng tulong kay Harvey dahil nag text siya na may inaasikaso siya.

Si Reed naman, hindi ko alam kung ano ang ginagawa pero wala, tapos naman na. Ang kailangan ko na lang gawin ay ipakita itong mga ito at ligawan siya. Dito sa tambayan ko isinagawa ang surprise ko dahil dito rin kami nag build ng magandang samahan.

Kiniskis ko ang mga palad ko, kinakabahan na hindi ko na rin malaman kung ano ang dapat na gawin. I'm just hoping that this will turn out just fine.

Nag text ako kay Haley para tanungin kung nasaan si Kei. Mabuti na nga lang at sinagot niya iyon kaagad. "Lumabas?" basa ko sa tipid na reply ni Haley. Sino naman ang kasama no'n?

Hindi na lang ako nagtanong at tiningnan ang paligid, puro mga lobo ito na light colors at bumili pa ako ng confetti para pagdating niya rito ay talagang magugulat siya. 'Di rin kaya ako nakapag practice kahapon dahil lang dito, gusto ko kasi wala na akong masyadong po-problema-hin ngayon.

Ang tanging aayusin ko na lamang siguro ay kung ano ang kakainin namin mamaya. Mag order na lang din siguro ako, gamitin ko 'yung allowance na natitira sa baon ko para sa paborito niyang pudding.

Hindi lang siya isang ordinaryong pudding dahil bibilhin ko pa iyon sa pinakamahal na restaurant. Minsan lang naman kaya okay lang.   

Inangat ko ang tingin sa wall clock, kaunting oras na lang ang hihintayin ko masasabi ko na kung ano ang nililihim ng puso ko.

Kinuyom ko ang kamao ko't tumango, "Everything's going to be well. Don't worry." pakikipag-usap ko sa sarili ko para mabawasan ang tensiyon.

Haley's Point of View 

"HUH?!" reaksiyon at malakas na sigaw ko dahil sa sinabi ni Harvey. "Hindi mo pa sinabi? Oh, ano ngayon ang gagawin natin kapag nalaman niya sa ibang paraan?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya na iniiwas lang niya ng tingin. Napasapo ako sa noo, "I can't believe this. Kaibigan ka ba talaga niya?"

Yumuko siya, "That's the reason. He's my friend, I don't want to hurt him." sagot niya na nagpakulo sa dugo ko. Pumunta kami sa kalapit na coffee shop para makapag chill at kumustahin kung sinabi na ba niya ang tungkol sa relasyon nila ni Kei kay Jasper. Pero ito lang ang ibibigay niyang sagot sa akin? You've got to be kidding me. 

Tumayo ako at bibigyan sana siya ng isang malakas na sapak nang hawakan ako ni Mirriam sa braso upang pigilan ako. "Calm down, I know what you feel but…" she paused and looked at him. Kasama namin si Mirriam dahil sila talaga ni Harvey ang dapat na magkikita ngayon. In-invite lang talaga niya ako for I don't know what reason. Siguro para rin dito, sinabi niya kasi sa akin na nakita niya itong dalawang ito kagabi sa mall.

May concern din siya dahil nga sa alam din pala niya ang nararamdaman ni Jasper. Umupo na akong muli at hinayaan si Mirriam na magsalita this time. "Harvey, gaya ng sinabi mo ayaw mo siyang masaktan. But if you continue to hide this from him. Mas masasaktan siya kasi nga nilihim niyo. Pinagmukha n'yo siyang tanga." sumang-ayon ako sa sinabi ni Mirriam at tiningnan ang nakatungong si Harvey.  

"What do you think will happen if he found out about your relationship with Kei without you saying anything? 'Di ba mas mag-aaway kayo?" tanong ko pa na mas nagpayuko sa kanya.

May bigla namang dumating sa table namin, hindi inaasahan na si Reed ito. "Sorry, ngayon lang." hinging paumanhin ni Reed bago umupo sa tabi ni Harvey.

Inilayo ko kaagad ang tingin. Ano naman ang ginagawa niya rito?! Walang nagsabi sa akin na pupunta rin siya!

"It's okay, you're on time." ngiting wika ni Mirriam. Nakita ko sa peripheral eye vision niya ang pagsulyap niya sa akin kaya mas iniiwas ko ang tingin. Si Mirriam din ang nag invite sa kanya rito?

Tumikhim si Mirriam, "Hindi ba't may sasabihin ka rin kina Haley at Harvey?" pareho naman kaming napatingin ni Harvey kay Mirriam, 'tapos ibinaling din ang tingin kay Reed. What is it?

Tumango si Reed at biglang naging seryoso ang tingin, "You see? Jasper is goin' to court her. Mamaya." tukoy niya kay Kei na nagpasinghap kay Harvey habang napahilamos naman ako ng mukha.

"This is what I'm talking about! Bago mo pa man sabihin, alam na niya! You stupid mongrel!" napatingin na ang mga tao sa amin dahil sa init ng ulo ko. Hinimas himas na ni Mirriam ang likuran ko.

Humalukipkip ako tapos tumagilid sa kanila, ayokong makita 'yong mga pagmumukha. Nakakainis pagtititingnan!

Jasper's Point of View 

Alasais ng hapon, malapit lapit na ang paglubog ng araw habang patingin tingin ako sa wristwatch ko. Naka-all set na at si Kei na lang ang kulang.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hindi pa nga nangyayari, iniisip ko kaagad.

Kaya tuloy ngayon, hindi ko na mapigilan ang kabahan. Nag text na rin kasi ako kay Kei na pumunta siya sandali sa tambayan, buti nga at pumayag at ngayon ay on the way na rin dito. "Maglalaro na muna ako sandali." kinuha ko ang phone ko para maglaro ng Mobile Legends. Isang laro lang tapos ihahanda ko na ang sarili ko.

Sa paghihintay ko, narinig ko na ang pagbukas ng gate-- malamang si Kei na iyon kaya mabilis kong pinatay ang ilaw at nagtago. Binuksan na niya ang pinto at nakitang walang tao. "Jasper?" tawag niya sa akin, wala ng liwanag dahil nakalubog na rin ang araw. "Akala ko ba nandito siya?" tanong sa sarili.

Pinindot ko ang remote para umilaw ng makukulay ang lugar, tapos bininuksan ko rin ang kurtina para makita niya ang ginawa ko.

Lettering ng "Will you be my girl?" ang nakapaskil sa dingding tapos may mga pictures n'ya ang nakasabit sa kisame, puno rin ng mga paborito n'yang pudding ang nasa lamesa at ilang mga pink candles. 'Tapos tig dalawang nakalutang na balloons 'yong nasa magkabilaang side.

Nagulat siya sa nakita niya dahil nanlalaki ang kanyang mga mata, "Anong...?" lumapit ako sa kanya

"Ah... Kei?" nahihiya kong tawag sa kanya nang makahinto ako sa harapan niya. Nakasuot siya ng Red floral dress ngayon dahil nanggaling pa raw siya sa E.U dahil may pinaasikaso si Tita sa kanyang meeting.

Humawak ako sa batok ko't nahihiyang tumingin sa kanya. Napapababa-taas tuloy ang tingin ng mata ko, ang ganda rin kasi niya ngayon. Mas kumikinang ang mata niya sa paningin ko.  

"Ah, ano… Ayun nga, ginawa ko 'to at pinapunta kita rito kasi... Para malaman mong gusto kita" malakas na loob kong sabi na hindi lang niya sinagot kaagad.

Jusko, nakakahiya pala talagang aminin ng harap-harapan 'yong nararamdaman mo para sa taong gusto mo. Parang gusto na lang kumawala ng puso ko. Ngunit nandito na ako, ipakita ko na kung sino talaga ako.  

Seryoso ko siyang tiningnan saka hinawakan ang mga kamay niya pagkalapit ko sa kanya na hindi umaalis sa pwesto niya, "Simula pa lang ng pinakilala ka sa 'kin ng mom and dad mo at nang makilala na kita ng lubos, paunti unti na kitang nagugustuhan." tila 'di ko napigilan ang pag ngiti dahil sa sobrang saya, "Pasensya na, ngayon ko lang nasabi"

Putcha! Tapos na nga pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko! Pero okay lang 'yan! Magiging okay din 'to!

"Jasper..." malumanay niyang pagtawag sa aking pangalan.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, "Will you give me chance to court you?"

Hindi siya umimik o hindi man lang siya nagbigay ng kahit na anong reaksiyon pagkatapos kong sabihin 'yon. Mas kinabahan na ako, "B-bakit? Hindi ka ba masaya?" Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya at malungkot na tiningnan ako. 

Wala pa siyang sinasabi pero parang may bumagsak na mabibigat na bato sa dibdib ko. Nawala na rin ang ngiti sa aking labi.

Yumuko siya't pinag intertwine ang kanyang daliri, "Sorry, Jasper. I'm really sorry… Pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo." panimula niya, "M-may iba rin akong gusto."

Lumunok ako, pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang namumuo sa aking mga mata, "Gusto… Si Harvey ba 'yan?" hula ko. Ayokong marinig pero tinanong ko pa rin.  

Inilayo pa niya lalo ang tingin.

Alam ko naman na 'yon. Alam ko na matagal na, pero sinubukan ko pa rin dahil baka may pag-asa kahit katiting lang. Kaya ginawa ko 'to, dahil baka magbago ang isip niya. Na baka gustuhin din niya ako. 

"Oo" nag-aalanganin nitong sagot, "Kami na ring dalawa. I'm really sorry." at patakbo siyang umalis sa tambayan. Iniwan lang niya ako rito sa gitna't tulala.

Nilingon ko ang mga ginawa ko, kung iisipin ko ang mga paghihirap kong ito at ang sinabi niya…

…Talagang hindi ko na mapipigilan pang umiyak at pabagsak na lumuhod sa sahig. 

avataravatar
Next chapter