25 Breathless

Chapter 25: Breathless 

Haley's Point of View 

Maganda ang araw ngayon. Hindi ganoon ka-araw at maulap lamang. 

Nasa labas kaming lima kasama si Rain at may tatlong bisekletang nakalabas. Ewan ko kung kanino 'yong dalawa basta sa akin itong hawak ko. 

Tiningnan ko si Harvey na ngayon ay naka-pokerface lang na nakatingin sa pusa ko sa labas ng gate ng mansion.

Humikab ito bago maglakad papasok sa loob. Mukhang na-isturbo dahil nakatingin kami sa kanya.

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos binigyan din ng walang ganang tingin ang impakto, "I don't know how to cure your phobia, but the only choice we have is you to mingle with the girls. And I'm telling YOU. Don't act as if it's stupid and ineffective"

Nilingon niya ako at umismid, "I get it, okay? But-- Argh, fine" napipilitan niyang sagot. Inirapan ko siya at umangkas na sa bike ko.

"Alam mo, Psychology din ang kukunin ko sa college, baka gusto mo ring kunin 'yo--" pina-ikot ko ang pedal saka mabilis na inapakan ang kanang bahagi ng pedal. 

Magba-bike ako ng naka-skirt. 

Nakasuot naman ako ng shorts kaya okay lang. Pero kung may nakitaan akong lalaki d'yan na sinisilipan ko, hindi ko na palalagpasin 'yon at ibebenta ko siya sa bakla para malaman niya kung paano mabastos. No mercy to men, people. 

"No, thanks" mabilis na sagot ko kay Jasper bago pa man niya matapos ang sasabihin n'ya. Umangkas na siya sa likurang upuan ng bike ko.

Walang hiya nga, eh. Imbes na siya 'yong magpedal, heto ako ngayon at ako pa ang magdadala ng bigat niya.

"Ate Haley! Aangkas ako d'yan sa bike mo, pweash!" pakiusap ni Rain habang nagpa-puppy eyes, nginitian ko pa s'ya at tinanguan bilang pagsagot.

"Eh?!" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper. Binigyan ko siya ng nakaka-asar na tingin.

"You really have no SHAME at all." sambit ko.

Ngumuso siya at umalis sa pagkaka-angkas sa bike ko. "Sowi..." at mas lalo s'yang nag-pout. Ugh.

Masiglang tumakbo palapit sa amin si Rain at bago pa man siya maka-upo roon sa likod ko ay binelatan niya si Jasper.

"Siguro 'don na lang ako sa likod mo, Reed" ngiting sabi ni Kei sa best friend niya na tinanguan naman nito saka umangkas si Kei sa bike niya. 

Pero napatingin ako kina Harvey nang makalipas ang ilang minuto ay nakatingin lang sila sa isa't isa ni Jasper. "Oh, babe? Paano ba 'yan? Ako na ang ka-angkas mo, bebe" pang-aasar ni Jasper kay Harvey habang nagbabakla baklaan ang boses, pero binatukan lang siya nito dahil magkaharap lang naman sila.

"Magdala ka ng sarili mo!" asar na tugon ni Harvey. 

"Harvey, si Kei na lang ang pasakayin mo sa likod mo, si Haley ang ka-angkas ko" napatingin ako kay Reed habang taas taas ang kilay ko. Aba, at gusto talaga na ako? 

"Sige, tapos si Rain naman ang aangkas sa likod ni Jasper" ani Harvey sabay tingin kay Jasper, "Kunin mo 'yong bike mo, ibalik mo naman ang bike ni Haley sa bahay" utos nito.

"Boo... Gusto ko nga umangkas kay ate Haley" nguso na pagsusumamo ni Rain saka umalis sa pagkaka-angkas sa likod. Umalis na rin ako para maibigay ang bike ko kay Jasper.

Pero bakit ako 'yong aangkas sa bike ni Reed? 

Well, it's not like I like it or anything kaya hindi ako nagre-react. Mababawasan din naman ang pagod ko 'pag siya ang magpe-pedal. 

"Baka mahirapan si Haley, ang bigat mo pa naman" pang-aasar pa ni Jasper kay Rain nang mahawakan na niya ang bike ko.

Naglakad na siya papunta sa mansion para maipasok ang bisekleta ko at para makuha ang bike niya. May kanya kanya kaming bisekleta kaya mabuti na lang at hindi niya hiniram ang bike ko.

Nagpasya kaming magbike ngayon dahil ang isa sa mga kotse nila ay coding. 'Yong isa, walang gas habang 'yong kay Jasper naman...

Hindi naman s'ya madalas gumamit ng kotse at palaging motorsiklo ang gamit. Kaso dahil sa gusto n'ya kaming makasabay, edi hindi na siya nag motor.

Pwede kaming magcommute 

pero ni-recommend ko na lang sa kanila na mag bike para naman ma-exercise 'yong mga katawan nila.

Mayamaya, nakarating na si Jasper dala-dala ang bisekleta niya. Umangkas na siya kaya umupo na rin si Rain do'n.

"Ano? Naka-angkas na ba ang lahat?" Masiglang tanong ni Jasper.

"Oo!" sagot nila habang bumuntong-hininga lang ako.

"Is there something wrong?" tanong sa akin ni Kei habang nakalingon sa akin. Tiningnan ko muna si Reed na walang emosyon na nakatingin sa akin. Pagkatapos ay ibinalik din ang tingin kay Kei para umiling bilang pagsagot.

"Nothing" umangkas na ako sa likod ni Reed at umupo ng pa-side. I don't know, medyo nahihiya akong lumapit masyado sa kanya ngayon. 

Humalakhak sa tuwa si Jasper kahit alasais pa lang ng umaga, "FIGHTI--" sinita ko siya kaya natahimik ito. 

***

SA KALAGITNAAN ng pagba-bike. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa likod ni Reed. Hindi ko alam, parang may kakaiba lang akong nararamdaman.

Para bang... Nangyari na 'to noon. O baka sadyang déja vu lang?

Naglabas ako ng hangin sa ilong at napatingin sa bag ko. Wala pala akong nadalang pagkain. Nakalimutan ko sa kakamadali kanina. 

"Reed" tawag ko sa kanya kaya lumingon naman ito sa akin. Hindi siya sumagot pero mukha namang hinihintay niya 'yong susunod kong sasabihin. "Pumunta muna tayo sa malapit na convenience store, bibili lang ng p'wedeng makakain" 

Binilisan ni Reed ang pagpe-pedal at pumunta sa harap at sumenyas sa apat na bibili lang kami, tumango naman sila at dumiretsyo na kaming dalawa sa ibang daan.

"Ano bang bibilhin mo?" tanong niya  na nakaharap na ang tingin. 

"Iyong bagong flavor ng Flurpee nila na Lychee?" sagot ko. Bagong labas lang 'yon, nakita ko lang sa promotional video kahapon. 

Lumingon siya sandali sa akin, "Ang aga aga tapos iinum ka no'n? Hindi ba sasakit 'yang tiyan mo?" tanong niya. Kunot-noo kong iniharap ang ulo niya sa harapan. Gusto yata nito maka-aksidente, eh.

"Wala ka na do'n kung sumakit man 'yong tiyan ko" bumuntong-hininga siya kaya hindi ko na lang s'ya pinansin at pinakiramdam ko na lang ang hanging humahampas sa mukha ko.

Ang ganda sa pakiramdam, sana palagi na lang ganito. Para wala kang iniisip at pinapakinggan mo lang 'yong binubulong sa'yo ng hangin.

Inangat ko ang tingin sa ulap, "Reed" muli kong tawag sa kanya. May mga gusto kasi talaga akong itanong sa kanya but sometimes, I just can't express it. I don't how to. 

Iniisip ko kasi na baka mamaya, makasakit ako. 

So, in the end... 

I just end up not saying anything.  

"Actually, it's nothing." biglang bawi ko. Nakatingin lang siya sa 'kin mula sa peripheral eye view nang iharap na lamang nito ang kanyang tingin.  

***

HUMINTO NA KAMI nang makahanap ng convenience store. 24/7 naman ito kaya bukas na bukas ito ng ganitong oras. 

Bumaba na ako gano'n din si Reed, hinila niya ang bike niya at dinala sa tabi. Humarap siya sa 'kin at in-extend ang kamay na parang may gusto siyang ilagay ako sa palad niya. "Ako na bibili" cool na pagprisinta niya.

Tiningnan ko ang kamay niya 'tapos inangat sa kanya, "Hindi mo 'ko lilibre?" simpleng tanong ko sa kanya na nagpaurong sa kanya. "Nueka? Sinu-swerte--" sinuntok ko 'yong braso niya 'tapos kumuha na nga lang ng pera sa bulsa ko para ibigay sa kanya. Nakakatamad kasing mag wallet kaya hanggang bulsa na lang. 

"Whatever. Makikita mo do'n sa Flurpee ang new flavor, at bumili ka na rin ng Koaded, ah? Chocolate flavor, make it quick and don't make me wait" utos ko sa kanya at tipid na ngumiti.

"Tsk, ikaw na nga lang itong--" naputol ang sasabihin niya dahil mine-make face-an ko na siya. Siya kaya ang nag prisinta na bibili. Haller? Ba't mukhang naging kasalanan ko pa, 'di ba?

Eww. 

Napakamot na nga lang siya sa batok niyang umalis sa harapan ko. 

Tumingin ako sa ulap na kasalukuyang gumagalaw paunti-unti, tapos tumingin din ako sa ibon na mabilis lumipad sa ere. Bumibilis ang panahon. 

Pero kahit na ilang araw ang lumipas, 'di ko pa rin magawang i-let go ang nakaraan. 

Humangin ng malakas kaya bigla akong nilamig dahil hindi lang siya basta't hangin. May chill din itong kasama.

Inipit ko sa tainga ang hibla ng buhok ko saka nilingon ang Convenience Store.

Sinilip silip ko si Reed sa loob noong may dumating na limang lalaki. Nakangisi sila at puma-bilog.

Hindi ko nanaman napigilang hindi mapabuntong-hininga. Alam ko mga pakay ng mga ito, eh.

"Tingnan niyo p're, taga E.U 'tong babaeng 'to" sabi ng lalaking mukhang bakla dahil sa sobrang puti ng mukha sa pulbong ginamit niya. Anong brand n'yan? Nakakatuwa naman at nakakapag paputi siya ng maitim.

"Mayaman" kumento naman ng kasama n'yang nakapamulsa na animo'y inuusisa ang pagkatao ko. 

"Maganda pa siya" puri niya sa akin habang pinagmamasdan akong mabuti. Dinilaan pa niya 'yong upper lip niya kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi siya irapan.

Sumipol 'yong isa habang ang isa naman ay nakatingin lang sa mga hita ko, tapos inilipat sa dibdib ko.

"Kaso kinulang sa dibdib mga p're" insulto naman ng nakapiercing at inangat ang tingin sa akin, "Gusto mo bang palakihin natin?" may pumitik sa sintido ko.

Okay na sana na maganda lang, bakit pati 'yong pagiging maliit ng dibdib ko, pinansin pa niya?

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Bakit magaganda at sexy ang hanap n'yo sa mga babae? Maiba nga kayo, laos na 'yan, eh" lumapit ang isa sa akin na isa yata sa leader. Nakangisi siya sa akin

"Gusto kita" ang bilis naman! 

Tinaasan ko siya ng kilay, "Gusto kaagad? Kakakita lang natin ngayon tapos gusto 'agad? Ang bilis naman ng progress mo." Tumawa siya tapos mas lumapit sa akin.

"Sa 'yo. Oo" tungunung 'yan! Huwag mo akong mangiti ngitian d'yan, baka basagin ko 'yang labi mong napaka kapal at itim! And what the hell is that smell? Hininga ko ba 'yon-- este hininga niya? Amoy bulok na saging-- Disgusting sh*t. 

"Ah... Gano'n ba?" nasabi ko na lang, "Ano'ng gagawin mo sa akin at nandito ka ngayon sa harapan ko?" tanong ko na mas lalong nagpalawak sa ngiti niya. Medyo may nakita akong tartar sa ngipin niya. Hindi yata siya nagto-toothbrush. P*tangina. Kaya pala ang baho. 

"Makikipaglaro lang naman sa 'yo... Kung papayag ka" pag i-invite niya nang ilapit ang mukha sa mukha ko, "Mukhang mag e-enjoy ka naman sa gagawin natin, eh" at hinawakan niya ang hibla ng buhok ko.

Natawa ako't hinawakan ang kamay niya para alisin iyon sa buhok ko. Pero noong tanggalin ko iyon ay hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya at sa halip ay pinipigil pisil ko ang mga magagaspang niyang palad. Mas magaspang pa ito sa likod ng sponge namin sa mansion. 

Ipinagpatuloy ko lang ang pagpisil ng kamay niya. Kumbaga, calling ito na I want him to do something with me-- Like I am inviting him to do sexual activity. 

Natuwa naman ang manyak sa ginawa ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapangisi ng palihim.

"Mukha nga..." ngiti kong tugon habang tumatango-tango, "Sige, makikipaglaro ako sa 'yo, basta sisiguraduhin mong hindi ako mabo-bored, huh?" paniniguro ko.

Nilingon niya ang mga kasama niya na mga nagsi-ngisi. Tapos ay ibinalik ang tingin sa akin ng lalaking ito.

Binitawan ko na siya, "Ayan ang gusto ko sa isang katulad mo, nakikisabay ka sa trip ng iba... Halika, sumama ka sa amin do'n sa--" aakbayan niya sana ako nang hawakan kong muli ang kamay niya saka ito ibinalibag sa lupa.

Nagulat ang apat niyang kasama dahil sa nakita. "Sows! Round 1 pa lang tayo, talo ka na? Ang boring mo namang kalaro..." ang ekspresiyon niyang gulat na gulat ay napalitan ng galit.

Mabilis siyang tumayo at akmang may gagawin sa akin nang may taong humawak sa pulso niya.

Napatingin ako sa taong 'yon, "Reed!" gulat na tawag ko sa kanya. Walang buhay ang mata niya, ibang iba sa kanina.

Nanggigigil naman ang lalaki na nakatingin kay Reed, "Sino ka?!" singhal niyang tanong kay Reed. 

Hindi lamang sumagot si Reed at naka fierce lang siyang nakatingin sa lalaki hanggang sa magbato siya ng asin sa mata ng dalawang lalaki at sa kaharap niya.

Hinila na niya ako palayo sa mga iyon.

"Habulin n'yo siya!" utos ng leader nila at hinabol kami ng dalawa pang natitira. Nagsisisigaw kasi 'yong binatuhan ng asin ni Reed at mukhang matatagalan pa sa pwesto nila. 

"Hoy! Sa'n mo balak pumunta!?"

"Basta!"

"Anong basta!? Hoy Reed, nakakalimutan mo yatang kayang kaya ko sila, kaya bitawan mo nga ako"

Lumingon naman siya sa akin habang magkadikit ang kilay, "Tingin mo papayagan kitang gawin 'yon lalo na't nandito ako?" saglit na nanlaki ang mata ko.

Napalitan din iyon ng inis pagkatapos. "Kinikilabutan ako sa 'yo, p*tangina mo!" 

"At minumura-mura mo na lang talaga ako ngayon?!" bulyaw niya na sinigawan ko rin. Gag* rin 'tong lalaking 'to, eh. Kung anu-ano sinasabi. Mas lalo ko tuloy'ng hindi naiintindihan 'yong iniisip n'ya tuwing magkasama kaming pareho. 

***

NAILIGAW NA namin ang dalawang humahabol sa amin at hindi namin napansin na nandito na pala kami sa E.U.

Ang layo pala ng natakbo namin?

Hala! Paano 'yong Flurpee at Koaded ko!? 'Yong bike rin pala ni Reed.

Kumuha pa ako ng hangin bago magsalita at tumayo ng maayos, nakahawak kasi ako kanina sa tuhod at medyo nakayukod. "Paano na ako makakakain? Wala na akong pera?" ayun talaga ang inaalala ko. Kasi sayang din. 

Tumayo ng maayos si Reed at tiningnan ako, "Hinahabol na nga tayo ng mga manyak na 'yon pero ayan pa rin ang iniisip mo? Saka 'di ba may pera ka naman na binigay ni tita Cory?" tanong nito.

Binigyan ako ni Tita Cory ng 10k na good for one month-- no, sobra pa nga 'yon.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng Smith ng pera kung do'n lang naman ako sa mansion nila nakikituloy.

Ang dami na nga rin nilang tulong sa 'min kaya hindi ko rin tinanggap ang pera at palihim ko na lang 'yon inilagay ulit sa office room nila sa mansion. Bale 'yong allowance na binibigay ni mama ang ginagamit ko ngayon. 

Flash Back 

"Don't tell to your mom that I gave you money, okay?" napatingin ako sa perang inaabot ni tita Cory sa 'kin. Nakalagay ito sa brown cash envelope at mukhang ang kapal-kapal pa no'ng na sa loob. 

Inangat ko ang tingin kay tita Cory na ngiti pa ring nakatingin sa akin. Expecting me to accept it.

"I'm sorry but why are you giving me this?" naguguluhan kong tanong.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, "Just don't tell her, matagal din kasi kaming mawawala ng mama mo kaya ka namin binibigyan ng pera." alam ko, hindi ayun ang rason ni tita pero 'yon na lang ang sinagot niya sa akin para hindi mapahaba ang usapan.  

End of Flash Back

"Hindi ko 'yon tinanggap" kibit-balikat kong sambit. Saglit akong tinitigan ni Reed hanggang sa ilagay niya ang kamay niya sa bulsa at ngumiti. Binigyan ko siya ng nakaka-asar na tingin dahil doon. 

"Ano'ng nginingiti ngiti mo diyan?" tanong ko naman.

Napahawak siya sa batok niya "Kakaiba ka lang sa nai-imagine ko" at nauna siyang naglakad papasok sa Enchanted University. 

Kumunot lang ang noo ko, "What was that for?" takang tanong sa sarili sa sinundan na siya.

***

TUMULOY NA KAMI ni Reed sa loob ng classroom, nando'n na si Keiley sa pwesto niya at tila parang hinihintay kami. Mabilis siyang lumapit sa 'min, "Saan ba kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinihintay, magbihis na tayo! May swimming tayo ngayon, kasabay natin 'yong klase nila Jasper" dala-dala na niya ang gamit niya at mukha ngang kami na lang din talaga ang hinihintay. 

Ah, oo nga pala 'no? Ngayon pala namin makakasabay 'yong section ng dalawa.

Pumasok si sir Santos at nang makita niya ako ay bigla siyang sumimangot. Mas lalo naman ako.

Hindi siya pina-alis ng principal sa university na 'to dahil isa siya sa kailangan kapag may activity sa school na 'to, magaling kasi siyang mag plan and organize sa mga 'yon at talaga namang maaasahan siya.

Pa-salamat siya at mabait 'yong principal na 'yon kung hindi, siguradong tanggal na talaga siya. Kaso ayun nga lang, dahil sa ginawa niya ay nabawasan ang sweldo niya pero sa pagkaka-alam ko, kinausap ni Kei ang principal na huwag bawasan ang sweldo ni Sir Santos at bigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang mistake na iyon. 

Iba talaga ang nagagawa ng mababait. Kahit may nagawa ng kasalanan sa kanya, gumagawa pa rin ng mabuti. Kaya nga, maiinis ka na lang sa ginagawa n'ya kasi pakiramdam mo, kinukunsinti pa n'ya 'yon. 

Lumabas na kami nila Kei sa classroom para makapagpalit na ng damit.

CHANGING ROOM

Mabuti na lang at wala ng tao dito. Ayoko kasing magbihis ng maraming kasabay kahit na babae pa 'yan. May hiya pa rin ako sa katawan.

Inalis ko ang black coat ko at inilagay sa locker tapos tinanggal ko naman ang mga buttones sa sleeve ko.

Pagka-unbutton, inalis ko na rin ang blouse pati ang skirt ko, pero napatingin ako kay Kei na nakatingin lang sa akin, "Ano?" 

"You really have a sexy body, nagwo-work out ka?" curious na tanong niya nang hindi inaalis ang titig sa katawan ko.

Kinuha ko ang tuwalya ko para ipangtakip sa katawan ko, "Please, don't stare at me"

"What?!"

***

NAKAPAG BIHIS NA kami kaya lumabas na kaming pareho sa changing room. Pero hindi 'yong changing room sa 2nd floor. Nandito kami sa 1st floor nagpalit dahil mayroon naman ditong changing room sa may swimming pool area.

Tiningnan ko ang katawan ni Kei. Wala naman siyang cleavage pero malaki ang dibdib niya.

Napatingin ako sa dibdib ko 'tapos napasimangot. "Tss, sisiw na malaki ang boobs" sabi ko habang walang ganang nakatingin sa watermelon niya.

Nakarating na kami sa mismong swimming pool at nandito na ang mga kaklase namin at ang mga estudyante sa class nila Jasper.

At ayun, nakaka t*ngina lang din kasi lahat ng atensiyon ng mga lalaki ay na sa 'min. Ano? Ngayon lang ba kayo nakakita ng katawan ng babae? Eh, samantalang nanonood nga kayo ng p*rno. 

"Whoa... Tingnan mo katawan ni Keiley."

"Ang sexy ni Haley!"

"N-nasaan nga 'yong camera ko?!" 

Gusto kong matuwa pero pangma-manyak na 'yong sinasabi nila sa 'min. Pero infairness, wala akong natanggap na violent comments sa raw na 'to.

Inilipat ko ang gawi ko kina Tiffany, masama ang tingin niya sa akin. Nakangiti lang si Mirriam kaya nginitian ko na lang din siya.

Hinanap ko ang tatlo, "Nasaan na 'yong mga mokong?" hanap ko sa kanila habang iginagala ang tingin.  

"Hmm... Siguro nagpapalit pa" sagot ni Kei.

Ngumiwi ako, "Kalalaking tao pero ang babagal magbihis"

Ngising humarap si Kei sa akin. Kaya ini-atras ko ang isa kong paa, "Hoho? Gusto mo silang makitang naka topless?" panunuksong tono ng boses n'ya ang medyo nagpa-irita sa akin.

"NOw what the hell are you saying?" napipikon ako. Tinapik lang niya ang balikat ko at tinawanan ako.

"Joke lang"

Biglang tumili ang mga babae kaya tinakpan namin ni Kei ang tainga namin. Siguro sila Reed na 'yon. "Ang sakit sa tainga" daing ko.

"Magdadala na talaga ako ng ear plug next time" ngiting wika ni Kei habang nakapikit ang isang mata.

Nang medyo humina na ang tilian, inalis na namin ang daliri namin sa tainga at nilingon ang tatlo na para bang F4 lang ng meteor garden kung maglakad. 

Insert n'yo song ng original Meteor Garden. 

"Nan yi wang ji chu ci jian ni Yi shuang mi ren de yan jing

Zai wo nao hai li Ni de shen ying Hui san bu qu--" 

Okay, stop. Wala tayo sa drama series na 'yan. Hindi sila gwapo 'tulad ni Dao Ming Si. 

"Ah ~ Ang gwapo ni Reed..."

"Nakikita mo ba 'yong abs ni Harvey?" tanong ng isa at tumili, malamang. Walang damit kaya nakikita. "Pandesal!"

"Kinindatan ako ni Jasper!"

Tumalikod ako nang makita ko silang mga naka-topless. Bakit sa ibang lalaki naman, hindi ako ganito? Pero sa tatlong 'to? Ganito ako?

Dahil ba mayroon silang 4-6 pack abs? 18 years old pero may mga gano'n na kaagad?

Nilingon ko si Jasper nang mapansin kong naka T-Shirt lang siya. Ngumiti ako ng nakakaloko.

Chicken1 rin pala siya, eh! Ayaw magtopless!

"Sorry, nandito na ako guys!" paglalakas loob ni Jasper sa lahat pero direkta talaga 'yon sa 'min. 

"Stop talking and let's get started" ma-awtoridad na sabi ni Sir Santos at sumipol. Senyales na magsisimula na ang activity. 

***

HININTAY NAMIN 'yong mga kaklase namin at kaklase nila Jasper matapos ang pagkarera nila.

Ang activity kasi namin ngayon ay ang paunahan sa finish line. Ayun lang. Basic.

"Okay! Next! Rouge and Dela Cruz!" tawag ni Sir Santos sa akin at sa kabilang class at pumunta na sa pwesto ko. Tumuntong ako sa pangalawang ramp at nag warm-up lang saglit.

"I'm not going to lose, Haley" napatingin ako kay Dela Cruz. Determinado ang mukha niya kaya tumango ako at ngumiti

"Humph, I'm telling you this, but I hate losing" pagmamalaki kong sabi at ibinaba na ang goggles.

"Okay! Ready..." pumusisyon na ako gano'n din si Dela Cruz, "Get set..." determinado akong ngumiti, "Go!" sabay whistle ni Sir at nag dive na kami

Langoy...

Langoy...

Langoy...

Nauunahan ako ni Dela Cruz pero nauunahan ko rin siya, kumbaga, salitan kami sa pagiging first.

Rinig na rinig ko ang cheer ng mga kaklase ko gano'n din ang mga classmates niya sa bawat representative ng klase.

At sa ngayon, nag-iba s'ya ng style ng paglangoy. Gumagamit siya ng Back Stroke habang Free Style pa rin ang gamit ko.

Nakarating na kami do'n sa wall kaya umikot ako sa ilalim ng tubig at gumawa ng force upang makasipa sa wall. Nakagawa ito ng power speed noong lumalangoy na ulit ako.

Langoy lang ako ng langoy hanggang sa maiwan ko na si Dela Cruz. Yes! First!

"Hoy! Sandali lang!"

"Huwag nga kayong maglaro diyan!" Rinig kong sabi ng president namin sa klase na si Rose Marie Cadano.

Sa paglalangoy ko, tinitingnan ko rin ang mga kaklase kong naghaharutan. 

May naririnig akong tawa, habang ang isang estudyante naman ay sigaw lang nang sigaw na "Ibaba" s'ya.

Mayamaya...

Nanlaki na lang ang mata ko nang pagka-angat ko ng ulo ko sa kanan para kumuha ng hangin, nakita ko na binato ng tatlong lalaki ang kasama nila na ngayon ay pabagsak sa akin.

"Haley!" Rinig kong tawag nila sa pangalan ko.

Papunta na sa akin 'yong lalaking 'yon kaya napahinto ako sa paglalangoy.

Sh*t!

Umalis ako sa pwesto na 'yon para maka-iwas sa kanya, pero natamaan ang ulo ko ng paa niya dahilan para lumubog ako sa tubig kasama siya. Sakto ring napulikat ang paa ko kaya hindi ko na magawang maka-ahon pa. Damn it!

Ang sakit ng ulo ko. Tapos naninilim pa 'yong paningin ko. Idagdag mo pa na ang dami kong nainum na tubig. 'Yung ilong ko pa, ang sakit din. Inilabas ko na ang huling natitirang hangin sa katawan ko.

Hindi na talaga ako makahinga...

Reed's Point of View 

Inihagis nila John si Albert na hindi man lang inisip na p'wede silang maka disgrasya.

"HALEY!" tawag ko sa kanya.

Kita ko na umiwas siya pero natamaan pa rin siya ng katawan ni Albert. At dahil do'n, mabilis akong tumalon papunta sa kanya. Lumalangoy langoy ako at hinahanap siya sa ilalim ng tubig.

Where are you?

Tumingin ako sa kanan, tumingin din ako sa kaliwa at likod. Pero nang iharap ko ang tingin.

May nakikita akong something black. Mukhang katawan ni Haley ang nakikita ko.

Haley...

Lumangoy ako papunta sa kanya. Nang makarating kung nasaan siya, nagulat na lang ako na wala na siyang malay. Kaya kaagad kong kinuha ang kamay niya at niyakap siya, hinawakan ko ang likod ng ulo at tinitigan pa sandali ang mukha niya bago siya iahon. Rinig ko ang ingay ng mga estudyante dito nang maka-ahon kami.

"I-ahon mo na s'ya dito Evans!" singhal ni sir Santos na parang kinakabahan. Mabilis akong lumangoy kung nasaan sila. Ini-akyat na nila ang walang malay na si Haley at dahan-dahan itong inilapag sa sahig.

Idinikit ni sir ang tainga niya sa dibdib ni Haley para malaman kung okay ba ang paghinga nito, "Tsk" ginawa niya ang CPR tapos pinapakinggan ang heartbeat, "Kailangan niya ng mouth to mouth resuscitation" seryosong wika ni Sir at tiningnan kami na nakapalibot sa kanila, "Sinong p'wedeng gumawa?" Nagtinginan ang mga estudyante sa isa't isa.

Habang naka closed fist lang ako, iniisip kung ano ba'ng dapat gawin. "Wala na tayong oras, ako na lang gagaw--" naputol ang sasabihin niya dahil lumuhod na ako sa harapan ni Haley. 

"Ako na lang sir." Inayos ko 'yong ulo niya at hinawakan ang mukha niya. Lumunok muna bago ko gawin ang Mouth to Mouth Resuscitation.

Narinig ko ang pagsinghap ng ibang babae, pero buti na lang, sinaway sila ni Harvey.

Kumuha ako ng hangin 'tapos binigyan ulit siya ng oxygen. Mayamaya pa'y umubo na siya kasama ang paglabas ng maraming tubig. Napatalon sa saya ang mga kaklase ko, 'tapos napayakap sa akin si Jasper, "Ang galing mo, p're!" Pilit lang akong tumawa tapos napatingin kay Haley na yakap yakap ni Kei ngayon. 

F*ck, h'wag mo 'kong pinag-aalala. 

*****

avataravatar
Next chapter