25 Sincerity

Marcky's P.O.V.

Nakakaasar!!!

Bakit ganun si Charlotte kanina kay Migs? Bakit parang mas nag aalala at mas nagki-care pa sya kay Migs? Tsk!

"Okay lang naman pala sya eh. Hihi!" -Charlotte.

"Ako hindi. " Pagkasabi ko nyan. Lumabas ako ng classroom.

Ewan! Pero 'di ko nagustuhan yung pag-aalala ni Charlotte kay Miguel. Alam ko paulit-ulit na ako. Eh sa ewan ko ba eh? Tsk!

Basta ang naramdaman ko kanina nung nakita ko yung sincerity sa pag aalala ni Charlotte kay Migs is kinda weird. Naiinis, na nagagalit, na ewan, na ang sarap manapak. Basta kaasar!

Pero sana hindi mangyari yung ini-isip ko. Kasi pag nangyari yun... Bahala na.

Miguel's P.O.V.

Nakatingin ako kina Marcky at Charlotte habang nagke-kwentuhan. Ng biglang lumapit sa 'kin si Charlotte.

"Uy! Okay ka lang?" -Charlotte.

"Oo, ayos lang ako. " Pagkasabi ko nyan, si Charlotte biglang natulala.

"Uy! Okay nga lang ako." Ayun! Buti naman, umayos na ulit sya.

"Ah. Okay. Hihi!" Pagkasabi nyan ni Charlotte bumalik na agad sya sa kinauupuan nya kanina. Maya-maya lang, ilang seconds lang siguro, Si Marcky biglang tumayo with a gloomy aura.

Anyare kaya dun?

SELOS?

SELOS SAAN? SA PAG LAPIT NI CHARLOTTE? Sigh!

Sana naman.. Wag ma-fall si Charlotte sa 'kin. Kahit gustuhin ko man. Hindi pwede. Sigh!

avataravatar
Next chapter