49 Whatever!

Tiningnan sya ni Kate. Walang expression ang mukha nito.

'Ngayon mo ipakita ang tapang mo Mrs. Kate de Guzman! Hehe!'

Nangingiti si Dr. Gonzales dahil kita nyang nagiisip si Kate.

'Hindi ako mapapabagsak ng isang pipitsuging katulad mo, Mrs. Kate de Guzman!'

'BigBoss ka dyan! Pwe!'

Maya maya.

"Yaahhwww!"

Naghikab si Kate hindi na nya maitago ang pagka bored.

Pagod na syang makipagusap sa mga taong ito.

"Sorry, I'm bored. Let's finish this, okey!"

Tugon ni Kate na ikinainis ni Dr. Gonzales.

Buong akala ni Dr. Gonzales natakot na nya si Kate na pinagiisipan na nito ang mga sinabi nya. Nagkamali sya.

"Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko o baka naman hindi mo naintindihan?

Sabi ko sisirain kita at idadamay ko ang Elite Group. Sasabihin ko din sa media na ang organisasyon na ito ay isang grupo ng mga sindikato at ikaw ang BigBoss!"

Pananakot pa ni Dr. Gonzales.

"Whatever! Do what you want, I'm tired. Security, bahala na kayo sa kanila!"

Sabi lang ni Kate.

Tumayo na ito at umalis. Pagod na syang makipagusap sa mga ganitong klaseng tao.

'It's useless and worthless to talk to these people!'

'Nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin.'

"Aba't.... Hoy! Akala mo hindi ko gagawin yun! Mag hintay ka!"

Gigil na gigil na sigaw ni Dr. Gonzales kay Kate pero hindi na sya nito pinansin dirediretso lang ito sa pagalis.

"Hanga din naman ako sa tapang mo Dr. Gonzales, nagawa mo pa talagang takutin si BigBoss."

Sabi ni Dr. Santy.

".... pero katapangan nga ba yan o katangahan?"

Dugtong ni Dr. Santy na sadyang nangiinis.

"Tumigil ka Santy! Wala kang alam! Manood ka na lang at sa huli makikita mo, magmamakaawa sa akin yang Mrs. Kate de Guzman na yan! Takot nya lang na masira ang pangalan nya at ng ospital."

Sabi ni Dr. Gonzales.

"Sinong takot at magmamakaawa, si BigBoss? Hindi mo ba kilala kung sino ang lolo nun, 'yung nasa ospital ngayon na ayaw mong maoperahan, namin?"

Tanong ni Dr. Santy

"Wala akong pakialam kung sino man yung matandang yun!"

Sagot ni Dr. Gonzales.

"Hahaha!

Ang tapang mo ah!

Since hindi ka takot sasabihin ko na rin sa'yo. Sya lang naman si Retired General Eugene Santiago ang pinaka mabagsik na naging heneral ng Philippines Army sa panahong ngayon.

Sya din ang pinaka respetado at marami ang humahanga sa katapangan at kagitingan nito, kaya naman itinuturing syang bayani ng karamihan.

Kaya kung hindi ka takot, edi magingay ka sa labas!

Ipagsigawan mo na hindi ka pumayag maopeeahan si General Santiago kahit naghihingalo na ito, dahil pinigilan mo ang mga duktor na magoopera dito!

Ano sa palagay mo ang gagawin ng mga taong humahanga sa kanya sa'yo at ano sa palagay mo ang gagawin ng gobyerno pag nalaman nitong pinabayaan mo si General Santiago?"

Namutla si Dr.Gonzales.

Matagal na syang nasa Sinag Island, may 20 years na kaya hindi na nya halos maalala ang mga tao sa labas.

Pero kilala nya si General Eugene Santiago. Isa itong magiting na heneral at nirerespeto kahit na ng dating presidente ng bansa.

Napansin ni Dr. Santy ang nawawalan ng kulay na si Dr. Gonzales.

"Yan ang problema sa'yo Dr. Gonzales, gusto mong magpa dyos kaya feeling mo mataas ka sa aming lahat, ayan tuloy ang nangyari sa'yo!

Sana bago ka manakot dyan kilalalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo! Hindi lang si Don Miguel ang makakalaban mo maging ang buong Pilipinas!"

Sabi ni Dr. Santy na may bahid na paninisi.

Kumpara kay Dr. Santy, mayabang lang ito, pero marunong syang kumilala ng nakakatas sa kanya. Alam nya kung kanino sisipsip.

Hindi tulad ni Dr. Gonzales na napaka taas ng tingin sa sarili akala mo dyos. Sobrang liit ng tingin nya sa mga tao sa paligid at gusto nya tingalain sya.

Tila hindi kinaya ni Dr. Gonzales ang katotohanan, Hindi nya akalaing malakas pala ang background ng kinakalaban nyang si Kate.

Nakaramdam sya ng paninikip ng dibdib at unti unting umikot ang paningin.

Blag!

Biglang bumagsak si Dr. Gonzales sa kinauupuan nya pero walang pumansin sa kanya.

Nakalagan na ito ng mga security kanina pa at inaantay na lang ang go signal para mailabas ng bigla itong matumba.

"Hayaan nyo na yan dyan!"

Sabi ni Dr. Santy sabay tayo. Nilaktawan ang nakahandusay na si Dr. Gonzales at umalis.

Batid nya ang dahilan kaya ito bumagsak. Na stroke ito.

*****

"Hubby I'm tired."

Sabi ni Kate pagdating nya ng office ni Mel.

Sinalubong sya ng akap ni Mel ng buong lambing.

"Mukhang napagod ang WifeyLabs ko!"

"Haaay HubbyLabs, nakakapagod pa lang makipag usap sa ganung klaseng tao. Kaya pala sabi ni Eunie, when dealing with these kind of people, I need to put a limit to my time. Nakaka drain sila ng energy."

"Ang galing nga ng ginawa mo and I'm so proud of you, WifeyLabs!"

Gusto ni Mel ilagay ang ulo ni Kate sa dibdib nya tapos ay aakapin nya ito, pero hindi nya magawa.

'Haaay, ang hirap maging maliit!'

'Bakit kasi ang liit ng tatay ko!'

"Halika My WifeyLabs, maupo tayo!"

Gusto nya rin sana itong kargahin na parang isang prinsesa ang asawa pero hindi nya kaya si Kate kaya buong lambing na lang nya itong inalalayan papuntang sofa tapos ay saka inilagay ang ulo sa dibdib nya at saka inakap si Kate.

"Sige magpahinga ka lang, at least natapos mo na!"

"Nope, hindi pa sya tapos. Kailangan kong balasahin ang Security at yung mga nasa port. May mga taong nababayaran si Gonzales dun kailangan ko silang linisin. Tapos saka ko isusunod ang lab at engineering building."

Sabi ni Kate habang sinisiksik ang mukha sa dibdib ni Mel.

Ito ang gusto nya ang sinasamyo ang amoy ni Mel. Ito ang nagpaparelax sa kanya.

"Ganun pala. Mukhang matatagalan pa bago mo maayos ito. Tyak na magiging busy ka sa mga susunod na araw."

"Bakit HubbyLabs ko, naiinip ka na ba? Sa tono ng pananalita mo parang inip na inip ka na. Gusto mo na bang umuwi?"

Tanong Kate sa mahal na asawa.

"Hindi naman basta andito ka sa tabi ko Kate MyWifeyLabs, pero aminado akong namimiss ko ang family ko. Gusto kong ipakilala kita bilang Mrs. Kate de Guzman, ang asawa ni Mel. Hehe!"

"Huwag kang magalala HubbyLabs ko, hindi tayo magtatagal dito. Ayoko din naman manatili dito, mas gusto kong tumira sa bahay na binili mo at duon tayo bubuo ng family. Pag naayos na ang lahat iiwan natin ito, pwede ko naman syang imanage sa labas ng isla, tapos pupunta punta na lang tayo dito for vacation."

Sabi ni Kate ng nakangiti.

Ngayong magasawa na sila, gusto na nyang manatili na lang sa bahay para maalagaan ang asawa nya at mga magiging anak.

"So, ibig sabihin ba nito WifeyLabs, tinatanggap mo na ang islang ito?"

"Yung pagmamanage oo, makakaya ko yun kahit wala ako dito sa Sinag. Pero yung ibigay sa akin ni Lolo Miggy ang ownership ng Sinag .... hindi ko kaya! Masyadong malaki ang maintenance ng islang ito, mamumulubi ako pag tinanggap ko!"

Ang buong Sinag Island ay ginawa ni Don Miguel for charity.

Ang ospital ay para sa mga batang kapus palad.

Ang Lab 1 ay gawaan ng mga artificial feet, legs etc. kung saan ipinamimigay ni Don Miguel at Doña Isabel ng libre sa mga mahihirap.

Ang Lab 2 ay for experiments. Ito ang lugar ng Elite Scientists. Sila ang bahalang tumuklas ng panibagong paraan para magamot ang mga batang nasa IDS Hospital. So far, successful naman parati ang ginagawa nila.

Ang Lab 3 ay ang favorite lab ni Kate at Eunice dahil dito nila ginagawa ang mga secret gadget nila tulad ng ginamit ni Eunice na beedrone nung ni rescue nila si Khim.

May security building din dito at mga bahay bahay para sa mga nanatili dito.

So in short walang pumapasok na income sa Sinag Island.

Pag binigay ba ito ni Don Miguel kay Kate, kasama ba ang mga tao o yung isla lang?

Ito ang inaalala ni Kate sa ngayon.

"Kate MyWifeyLabs, ilang anak ba ang gusto mo?"

Kinikilig na tanong ni Mel

"Sampu!"

Sagot ni Kate

"HA? Seryoso ka?"

"Oo! Twelve nga ang gusto ko pero baka hindi ko na kayanin. I'm not that young, kaya ten na lang!

At hindi tayo titigil hangga't hindi tayo nakaka sampu!"

Buong sweet na sabi ni Kate.

Napalunok na lang si Mel.

'Juskolord bigyan nyo po ako ng super power!'

avataravatar
Next chapter