webnovel

Tanan

Sa isang Munisipyo malayo sa kamaynilaan.

Nakaupo at tahimik ang lahat.

Tahimik na nagaantay sa pagtawag sa mga pangalan nila.

At sa bawat pangalan na matawag puno ng saya ang hatid nito sa mga tinawag.

"Yes, tayo na!"

"Tara, bilis!"

Duon naman sa mga hindi pa natatawag, masaya sila sa mga taong tinawag.

Makikita ang ngiti at hindi magkamayaw na saya sa bawat isa na naruon.

Excited ang lahat.

"Huy, ano bang nangyayari sa'yo dyan?"

Tanong ng babae sa kasama nya.

Sa lahat ng narito na naghihintay, sila lang dalawa ang magkasama di tulad ng iba na grupo, grupo na nagpunta.

Mukha silang mag jowa at gaya ng iba excited din sila na matawag ang pangalan nila.

Pero ..... nagtataka ang babae kung bakit hindi mapakali ang lalaking kasama nya.

Balisang balisa ito at tila kinakabahan. Butil butil na rin ang pawis ng lalaki.

Kung pagmamasdan mo ang lalaki, para syang isang asawa na sa ospital, inaantay ang balita tungkol sa nanganganak nyang asawa sa loob ng delivery room.

Hindi maintindihan ang magkahalong nararamdaman, super excited pero super duper din ang takot na nararamdaman nya at the same time kaya hindi maitago ang pagka taranta sa kilos nito.

"Wa-Wala ito, huwag mo akong pansinin .... excited lang! Hehe!"

Sabi ng lalaki.

Pero iba ang sinasabi ng boses nya, hindi sya okey. Ninerbiyos sya at ramdam ito ng babae.

"Excited ka lang ba talaga dyan, bakit feeling ko kinakabahan ka? Gusto mo huwag na natin itong ituloy?"

Tanong ng girlfriend nya sa kanya na may halong pagbibiro.

"Hindi! Itutuloy natin ito!"

Matigas na sabi ng lalaki sabay pukpok sa dibdib.

"Kaya ko 'to! Ako pa!"

Sya si Carmello de Guzman Jr., Mel for short, at ang girl naman ay ang jowa nya since highschool na si Katherine Marie Santiago o mas kilala bilang si Kate, ang genius ng San Miguel.

Narito sila sa isang bayan sa norte dahil .... NAGTANAN SILA.

At narito sila sa isang munisipyo sa isang maliit na bayan para magpakasal.

"Sa itsura mo kasi ..... parang pinipikot kita eh!"

Biro ni Kate.

Sadyang palabiro si Kate at straight to the point kung magsalita, ito ang bagay na nagustuhan ni Mel sa kanya.

"Okey lang naman sa akin na sabihin nilang pinipikot mo ako Kate MyLabs! Hehe!"

Sabi ni Mel ng buong lambing.

In fact, mahal nya ang lahat sa babaeng ito, kaya wala syang pakialam sa sinasabi ng nasa paligid.

Kahit na maraming nagsasabi na ..... hindi sila bagay.

Maganda kasi Kate. Kulang pa ata ang salitang maganda, super ganda nya.

Isa syang dyosa!

Maraming nagaakala na isa syang artista. Makinis ang balat nito at maputi na parang labanos. At slim ang pangangatawan.

Matangkad din sya at long legged na parang isang modelo kung tumindig. Nasa 5'9 ang height nya, mas matangkad kaysa kay Mel na 5'5 lang. May pagka boyish ng konti ang kilos nya dahil bata pa lang nagtetraining na ito ng martial arts.

At si Mel ..... mabait sya.

Super bait nya. Sya na ata ang pinakamabait at pinakamabuting tao na nakilala ni Kate.

Hindi naman pangit si Mel, may itsura din ito, hindi nga lang sya kasing guwapo ng isang adonis. Simpleng gwapo lang.

At saka .... medyo malamya ito kung kumilos na parang isang babae.

Ganun pa man, mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Wala akong pakialam sa kanila, Kate MyLabs! Sa'yo lang ako may pakialam!"

At inakap nito si Kate ng buong higpit na nagpawala ng kaba nito sa dibdib.

Hindi matatawaran ang sobrang pagmamahal nito kay Kate, handa nyang ibigay at gawin ang lahat, lahat para sa girlfriend nya at ipaglalaban nya ito hanggang kamatayan.

At si Kate, wala na syang gugustuhing lalaki na makakasama for the rest of her life kungdi si Melabs nya.

Si Mel lang ang gusto nyang makita sa pagmulat ng mga mata nya sa umaga at sya rin ang gusto nyang makita bago sya matulog sa gabi.

Kung kaya, kahit na maraming nagsasabi na hindi sila bagay, para kay Kate si Mel lang ang lalaking nababagay para sa kanya.

Ang lalaking mamahalin nya hindi lang habang sya'y nabubuhay, maging hanggang sa magpakailanman.

"Wala naman sa itsura at height ang binabagayan, nasa feelings yan! Feelings ng dalawang nsgmamahalan!"

Sabi ni Kate na buong lambing.

Sa lahat ng lalaki, kay Mel lang nagagawang maging maamo ni Kate.

At kay Mel lang nya nagagawang maging malambing.

Para kay Kate, wala ng lalaking makakapantay pa sa pagmamahal ni Mel sa kanya kahit na ang Daddy nitong si Jaime na sa simula pa lamang ay mahigpit ng tumututol sa relasyon nila.

Si Jaime ang dahilan kaya naglayas si Kate.

Si Jaime rin ang dahilan kaya naisipan ni Mel na yayaing magtanan si Kate.

Pero ang pagmamahalan nila sa isa't isa ang dahilan kaya sila narito sa munisipyo at magpapakasal ngayon.

"YELP!"

Hindi sinasadyang bulalas ni Mel.

Nagulat ito ng biglang pisilin ni Kate ang mga pisngi ng pwet nya.

"Magiging akin ka na mamaya! Grrrrr!"

Bulong ni Kate kay Mel.

Napakagat labi na lang si Mel.

'Juskolord! paabutin nyo po sana hanggang matapos ang seremonya!'

This is my third novel.

Hope you like it.

Thank you very much!"

trimshakecreators' thoughts
Next chapter