61 Signal

"Naguguluhan pa rin ako, James! Paano napunta sa IDS Foundation si Karlos?"

"Dinala sya dun ng isang lalaking nagsasabing father nya, Berny daw ang pangalan. Nadinig nya kasing nagbibigay ang foundation ng financial assistance. Ginamit nya si Karlos para makakuha ng pera sa IDS Foundation.

Dahil sa delikadong sitwasyon ni Karlos napasama ito sa list na dadalhin dito sa Sinag Island. Pumayag agad si Berny sa kundisyon ng IDS Foundation dahil may pera na sya, mawawala pa sa pagaalaga nya si Karlos.

Pero bago madala si Karlos dito sa Sinag Island, nagkaroon ito ng dengue na muntik na nyang ikinamatay."

"Ha?"

Napatingin si Vicky sa bata, puno ng awa ang mga mata.

Napatigil tuloy sa pagkukwento si James. Ito ang unang beses na nagkwento sya tungkol sa sinapit ni Karlos at masakit din para sa kanya na alalahanin ang lahat.

Pero nagaalala sya kay Vicky, masyado na syang madaming nasabi baka nahihirapan na syang tanggapin ang lahat.

Kaya nag antay sya.

Nag antay kay Vicky kung magpapatuloy pa ba sya o hindi.

"Tapos, anong nangyari, gusto kong malaman ang lahat, please James!"

"Pinasundo ni Lola Issay si Karlos sa bahay ni Berny para madala sa ospital at ma examine. Gusto nyang maisama agad ang bata sa batch ng mga dadalhing bata dito sa Sinag Island pero pagdating nila dun sa bahay, inaapoy ng lagnat ang bata at magisa lang ito at gutom na gutom. Agad nilang nilusob sa ospital si Karlos na hinang hina na.

Sa huli hindi rin sya nakasama sa mga bata na dinala dito sa Sinag ng time na yun."

Hindi na napigilan ni Vicky ang maiyak.

Kinuha ni James ang tissue at iniabot kay Vicky.

"Bakit magisa lang sya dun sa bahay, nasan yung nagpakilalang tatay nya?"

"Not really sure pero 2 days after na ng magpakita ito sa ospital. Ang dami nyang sinabing dahilan na halata namang kinabisado nya lang. Pero hinayaan lang sya ni Lola Issay dahil may kutob na sya.

"Kutob?"

"Madali kasing makakuha ng pera sa foundation kaya maraming manloloko na lumalapit dito. Malamang kaya nawala ng ilang araw yung lalaki dahil nilustay na ang perang ibinigay nya. Kinutuban si Lola Issay na baka hindi ito ang totoong father ni Karlos kaya pina DNA nya."

"Kahit ako magiisip din ng ganun, bakit kasi nya iiwan ang kawawang bata ng magisa? Just imagine na kung hindi agad napuntahan ng staff ng foundation ang bata, malamang .... huhuhu!"

Inakbayan ni James si Vicky para kumalma. Mahirap din ito para kay James, bumabalik ang galit sa kalooban nya pero pinipigilan nya para kay Vicky.

"Gusto mo pa bang ipagpatuloy ko?"

Tanong ni James kay Vicky.

"Yes please!"

Sinandal ni Vicky ang ulo nya sa may balikat ni James.

"Habang naghihintay sa resulta ng DNA test, lihim ng nagpaimbestiga si Lola Issay sa tunay na katauhan ng lalaking nagpakilalang father ni Karlos.

Simula daw pagkabata namamalimos na ito, ayaw nyang magtrabaho, mas gusto pa ang mamalimos."

"At si Karlos... ? Paano napunta sa kanya ang bata?"

"Baby pa lang daw ang bata hininiram na ito ni Berny sa nanay ni Karlos para isama sa pamamalimos. Mula nuon lagi na nyang kinukuha ito sa umaga at ibinabalik sa gabi. Yun ang dahilan kaya nagkaroon ng meningitis ang bata nagkaroon ito ng infection na hindi kaagad na treat at nauwi sa kalagayan nya ngayon. Malnourished din ito dahil hindi nakakain ng tama."

This time hindi na napigilan ni James ang maiyak. Galit na galit ito sa sinapit ng mga anak nya, lalo na ni Karlos.

"Paano mo nalaman na ikaw ang ama ni Karlos?"

"Nung imbestigahan nila si Berny sinabi nya na Rubina ang pangalan ng tunay na ina ni Karlos, naghinala ako kaya nagpa DNA test ako.

Actually, hindi ko na kailangan ng DNA result because the moment na nalaman kong Rubina ang name ng mother nya, agad kong pinuntahan si Karlos. Yun ang unang beses kong makita ng personal ang bata and at that moment alam kong anak ko sya. Kamukha nya ang tatay ko!"

Naiiyak na natatawa si James.

"Oonga may hawig nga raw sya sa'yo, napansin din ni Khim."

"Ipinagtapat ko kay Lola Issay ang lahat at sya ang gumawa ng paraan na malipat ako dito sa Sinag Island.

Sabay kami ni Karlos na dumating dito."

"Nagkita na ba si Karlos at si Karla?"

"Hindi pa, pero alam na nila na kambal sila. Lagi kong kinukwento si Karlos kay Karla kapag nagvivideo chat kami at dahil dun bumalik ang sigla ng bata.

Alam nyang may sakit si Karlos at nanabik na nya itong makita."

"Grabe pala ang pinagdaanan ng batang yan, masakit sa kalooban!"

Sabi ni Vicky na napabuntung hininga.

"After your break up with Floren gusto kong magtapat sa'yo. Gusto ko ng sabihin ang tunay na nararamdaman ko pero ..... natatakot ako, hindi ko alam kung matatanggap mo ba ako ngayong may kambal na ako. Ayokong pahirapan ka kaya itinago ko na lang ang nararamdaman ko. Until kanina ng may sabihin sa akin si Kate na ikinatakot ko. Ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Ayaw kong mawala sa mundong ito na hindi ko man lang nasasabi sa'yo ang tunay na damdamin ko!

At ngayong nasabi ko na sa'yo ang lahat, matatanggap mo pa ba ako kahit may mga anak na akong alagain?"

Tanong ni James na puno ng pagmmaahal.

"James kahit buong pamilya mo pa ipaalaga mo sa akin walang problema. Ang akin lang sana totoo ito at hindi mo lang ako jinojoke. Kasi kung pinagtitripan mo lang ako hindi ko na makakaya ang sakit na idudulot nito sa akin. Kung magkaganun, baka hindi ko na magustuhan ang mabuhay! So please stop this kung hindi mo rin lang ako seseryosohin!"

Sagot ni Vicky na puno ng hinagpis.

Sa makailang beses na syang binalewala ni James paano ba nya hindi maiisip na pinagtitripan lang sya nito.

Hindi nakaimik si James.

"Sabi ko na...!

Lumuluhang tumayo si Vicky sa pagaaklaang totoo ang sapantaha nya pero, agad na hinawakan ni James ang kamay nito at hinila pabalik sa kanya.

Na out of balance si Vicky at padapang bumagsak kay James na nahulog naman sa kinauupuan nya.

Sakto namang dumapo ang labi nito sa labi ni James na ikinagulat nya.

Pero mas nagulat sya ng bigla syang halikan ni James. Matagal.

"Sapat na ba itong patunay na totoo lahat ang sinabi ko?"

Tanong ni James.

This time si Vicky naman ang hindi makaimik dahil muli syang hinalikan ni James. Mas mariin at mas nagaalab na halik.

Walang ng nagawa si Vicky ng unti unting malusaw ang panganggalang nya at bumigay sa halik ni James.

'Jusme sino ba naman ako para tumanggi. Kay tagal kong inimagine 'to hindi ko alam na mas masarap pala sa realidad!'

Masayang masaya si Vicky.

'Finally! This is it!'

"Ehem!"

Nagulat na lang ang dalawa sa mga matang nakatingin sa kanila.

Si Khim at Karlos nahuli silang ..... naghahalikan ..... sa lapag!

"Mama Vicky bakit nyo po kinakagat ang Papa ko?"

Tanong ng anim na taong gulang na si Karlos.

Nataranta ang dalawa hindi alam ang kung paano magpapaliwanag ng bigla nilang marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa forest.

"Ano yun?"

"Signal!

Go to Grampy and Granny! Isama nyo si Karlos! Hahanapin ko si Kate at Mel!"

avataravatar
Next chapter